You are on page 1of 16

Elementarya

Baitang 3
Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikalawang Kwarter-Linggo 4-Aralin 6 at 7

Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Tungkol sa


mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari
Pagbuo ng mga Tanong Pagkatapos Napakinggan
ang Isang Teksto

Baitang 3 - Filipino
1
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
at Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
Filipino - Baitang 3
Sanayan sa Filipino
Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at
Pangyayari
Pagbuo ng mga Tanong Pagkatapos Napakinggan ang Isang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Filipino Sanayan


Writers: Florence C. Pari-an, Jonathan V. Torres, Cristina Balberona
Melissa Provido, Joy L. Abelo, Edith Legada
Rixel Tucino April Joy Acosta, Jean M. Acuyong
Maria Caridad L. Noble
Illustrators: Gil Montinola, & Mel June Flores
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor
Eladio J. Jovero, Florence C. Pari-an, Jonathan V. Torres

Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Jonathan V. Torres
Florence C. Pari-an
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.
Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

2
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 3.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga
gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na
pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito.
Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

3
Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Tungkol sa
mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari

TUKLASIN NATIN

Kumusta ka Batang Pinoy?


Pagkatapos mong napag-aralan ang paglalarawan ng mga
tao, hayop, bagay at lugar sa pamayanan.
Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang paggamit ng
angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at
pangyayari.

Handa ka na ba? Halina’t sagutin natin ang mga paunang


gawain sa ibaba.
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na larawan kung
bagay, lugar, tao, hayop o pangyayari. Isulat ang iyong
sagot sa sa nakalaang linya sa ilalim ng bawat larawan.

Halimbawa

hayop

_________ _________ __________ _________ _________

Magaling! Natukoy mo silang lahat.

Baitang 3 - Filipino 4
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong
sagot sa nakalaang linya.
1. Ano ang iyong ginagawa?
_________________________________________________________
2. Kailan ang iyong kaarawan?
_________________________________________________________
3. Sino ang iyong ama?
_________________________________________________________
4. Saan ka nakatira?
_________________________________________________________
5. Ilan ang iyong mga daliri?
_________________________________________________________
Magaling! Nasagot mo ang mga tanong. Upang lubos na
maintindihan ang ating aralin, dumako na tayo sa susunod na
gawain.
Panuto: Basahin ang dayalogo at pag-aralan ang pag-uusap
nina Bb. Salcedo at Aira.

Aira, sino ba ang Magandang umaga po, Bb.


may-ari ng lapis at Salcedo. Akin po ang mga
aklat na ito? gamit na iyan. Saan nyo po
nakuha ang mga gamit?

Nasa mesa ko,


Aira. Ilan ba ang
lapis at aklat ang
naiwan mo?

Iyan po lahat,
Maam. Kailan nyo
po nakita ang
mga gamit ko?

Maraming Salamat po,


Kahapon lang, Aira. Maam.

Baitang 3 - Filipino 5
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
Ano-ano ang mga salitang sinalungguhitan sa dayalogo?
________________________________________________________
Kailan ito ginagamit?
________________________________________________________

ALAMIN NATIN

Panghalip na Pananong
Ito ay inihahali sa ngalan ng tao, bagay, pook, gawain at
pangyayari sa paraang patanong.
Ang pangungusap na patanong ay nagsisimula sa
malaking titik at nagtatapos sa tandang pananong(?). Ang
mga panghalip na pananong ay maaaring isahan o
maramihan.

Isahan – panghalip na pananong na ang inaasahang sagot


ay iisang tao, bagay, pook, gawain o pangyayari.

Maramihan- panghalip na pananong na ang inaasahang


sagot ay dalawa o mahigit pa na tao,
bagay,pook,gawain o pangyayari. Inuulit ang
panghalip na isahan kung ito ay nasa maramihan.
Halimbawa- Ano-ano, Saan-saan

Panghalip Pananong Pangngalang Pinapalitan

Isahan Maramihan

sino sino-sino tao


ano ano-ano bagay
saan saan-saan lugar
ilan ilan-ilan bilang o dami
kalian kai-kailan panahon o petsa

6
Baitang 3 - Filipino
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
Halimbawa

Isahan Maramihan
Sino ang kasama mo? Sino-sino ang mga kasama mo?
Ano ang dala mo Inay? Ano- ano ang mga dala mo?

Saang bansa nakarating ang Saan-saang bansa nakarating


iyong mag-anak? ang iyong mag-anak?

Kanino ang lapis na naiwan sa Kani-kanino ang mga lapis na ito


upuan? na naiwan sa upuan?
Ilan ang dala mong lansones? Ilan-ilan ang dala mong lansones?
Kailan siya uuwi? Ang mga bata ay kai-kailan uuwi?

SANAYIN NATIN

Panuto: Salungguhitan ang angkop na panghalip na pananong


upang mabuo ang pangungusap.

1. (Sino, Saan, Kailan) ang mag-aaral na nagwagi sa palisahan sa


tula?
2. (Sino, Alin, Kailan) ba rito ang bagong pitas na talong?
3. (Sino, Alin, Saan) nagtatrabaho ang kuya mo?
4. (Sino-sino, Alin-alin, Ano-ano) ba ang binigay mo sa kapitbahay
natin?
5. (Sino, Kailan, Ano) ang tawag sa babaeng may asawa?
6. (Sino, Saan, Ano) matatagpuan ang Bulkang Mayon?
7. (Sino-sino, Kai-kailan, Ano-ano) ang mga sumama sa piknik?
8. (Kailan,Ilan, Ilan) ba magsisimula ang klase?

Baitang 3 - Filipino 7
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
Panuto: Buuin ang mga pangungusap na patanong.
Isulat sa patlang ang angkop na panghalip na pananong.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ano Sino Kailan Ilan


Saan Sino-sino Ano-ano

1.____________ mga hayop ang inyong mga nakita sa


Manila Zoo?
2. ____________daw pupunta ang inyong kuya?
3. ____________ka nakatira?
4. ____________ang mga kasama mo sa bahay?
5. ____________nahuli ang magnanakaw na iyan?
6. ____________ba ang saging na kaya mong kainin?
7. ____________pupunta si Tito Butsoy sa atin? Bukas?
8. ____________ang pakinabang ng kalabaw sa
magsasaka?

TAYAHIN NATIN

Tayahin 1
Panuto: Buuin ang mga pangungusap na patanong. Punan ng
angkop na panghalip ang patlang.

1. ____________ ang pangalan mo?


2. ____________ ang mga kapatid mo?
3. ____________ ka nakatira?
4. ____________ pupunta si Bb. Sisa Magbanua dito?
5. ____________ ang paborito mong panoorin sa telebisyon?

Baitang 3 - Filipino 8
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
Tayahin 2

Ang Pusa at ang Daing


Ni: Cristina M. Balberona

Isang araw, maalinsangan ang panahon, may isang pusang


dali-daling umakyat sa bubong. Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw!
Narinig ni Chinchin ang tunog ng pusa sa bubong. “Naku, ang
binilad kung daing sa bubongan!”, sabi ni Chinchin. Dali-dali
siyang lumabas upang tingnan ang binilad na daing.
“Ang daing ko! Alis! Alis! Umalis ka diyan! Huwag mong kainin
ang aking daing.” Ngunit huli na ang lahat. Kinagat ng pusa ang
nakabilad na daing at itinakbo niya itong papalayo.
Nalungkot at umiyak si Chinchin. “Huhuhuhu! Wiwin, paano
‘yan? Wala na tayong ulam!”, sabi ni Chinchin. “Huwag kang
mag-alala mayroon pang natirang isang daing.” Nakangiting
sambit ni Wiwin, habang hawak- hawak ang natirang daing.
Napawi ang lungkot sa mukha ni Chinchin, kahit papaano ay
may uulamin sila ni Wiwin.

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na panghalip na


pananong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1._____________ang mga tauhan sa kwento?
A. Ano-ano B. Sino-sino C. Ilan D. Sino
2._____________piraso ang binilad na daing ni Cincin?
A. Anong B. Sinong C. Ilang D. Kailan
3. ____________ang nangyari ang kwento?
A. Ano B. Sino C. Ilan D. Saan
4.____________ binilad ni Chinchin ang kanyang daing?
A. Ano B. Sino C. Ilan D. Saan
5.____________ ang kinain ng pusa sa may bubungan?
A. Ano B. Sino C. Ilan D. Saan
Baitang 3 - Filipino 9
Kompetensi: Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao,bagay,lugar at
pangyayari (F3WG-IIIa-b-6/F3WG-IVab-6)
Pagbuo ng mga Tanong Pagkatapos Napakinggan ang
Isang Teksto

Magandang araw mga bata!

Pagkatapos mong napag-aralan ang paggamit ng angkop


na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari

Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang pagbuo ng mga


tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto.

Ngayong araw ay makikinig kayo sa isang napakagandang


kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang barangay na
Gimamanay, sa bayan ng Balasan,Iloilo.

Sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa kuwento nararapat


lamang na talasan ang inyong pandinig at unawain ang mga
katanungan.

TUKLASIN NATIN

Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panghalip na


pananong. Isulat ang ano, saan, kailan at sino sa patlang.

Gima 1. ________________________

Balasan 2. ________________________

Manay 3. ________________________

4. ________________________
gubat
5. ________________________
ahas
Baitang 3 - Filipino
10
Kompetensi: Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwento ng learning faciliator at
sagutin ang mga tanong na kasunod.

Ang Alamat ng Gimamanay


ni:Jean Magbanua Acuyong

Noong unang panahon, sa isang


malayong baryo sa bayan ng
Balasan, may nakatirang mag- asawa
na may dalawang anak na babae.
Sila ay sina Gima at Manay.
Gumagawa sila ng mga basket at
ibinibenta nila ang mga ito sa bayan
upang makatulong sa kanilang mga
magulang.
Isang umaga habang kumakain sila. “Gima! Manay!
Manguha kayo ng “nito” sa gubat dahil wala na tayong
magagamit sa paggawa ng basket,” utos ng nanay sa
dalawang anak.
“Opo nanay. Sandali lang po. Kumakain pa po kami,”
sabay na sagot nina Gima at Manay.
“Gima, dali-an mo nang kumain upang maaga tayong
makaalis papuntang gubat,” yaya ni Manay sa kapatid.
Dali-dali silang naglakad patungong gubat. “Manay!
Gima! Saan kayo pupunta? tanong ng mga kaibigan.
Sa gubat kami pupunta mangunguha kami ng mga nito,
sagot ng magkapatid. “O sige, mag-ingat kayo doon,” sabi ng
kanilang mga kaibigan.
“Wow! Marami palang mga “nito” dito!”, sabi ni Manay.
“Oo”, sagot ni Gima. Nang makarating sila sa gubat, “Manay,
doon tayo kukuha ng “nito” kasi maraming tumutubo doon,”
sabi ni Gima.

Baitang 3 - Filipino
11
Kompetensi: Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
Sa dami ng “nito”, na nakita ng magkapatid, aliw na aliw
sila sa pangunguha nito.
Hindi nila namalayan na may isang ahas na lumabas mula
sa mga mayabong na “nito”. “Ayy ahas!” ang sigaw ni Gima
kaya tumakbo sila sa takot. Biglang sumigaw si Gima na,
“Manay! Manay! Manay!”
Nagsalitaan sila ng “Gima!” - “Manay!” “Gima!” - “Manay!”
“Gima!” - “Manay!”
Narinig ng mga taga-baryo ang sigawan ng magkapatid.
At dito nagmula ang salitang Gimamanay.
At mula noon, Gimamanay na ang tawag sa lugar na ito.

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Ilan ang anak ng mag-asawa sa kuwento?


___________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga anak na babae ng mag-asawa?
___________________________________________________________
3. Saan sila nakatira?

___________________________________________________________
4. Ano ang kanilang hanapbuhay?

___________________________________________________________
5. Kailan sila pumunta sa gubat?

___________________________________________________________
6. Ano ang kinuha ng dalawang dalaga sa gubat?

___________________________________________________________

Baitang 3 - Filipino 12
Kompetensi: Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
ALAMIN NATIN

Panghalip na Pananong
Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao,bagay,pook,gawain at
pangyayari sa paraang patanong.
Ang pangungusap na patanong ay nagsisimula sa
malaking titik at nagtatapos sa tandang pananong(?). Ang
mga panghalip na pananong ay maaaring isahan o
maramihan.

Isahan – panghalip na pananong na ang inaasahang sagot


ay iisang tao, bagay, pook, gawain o pangyayari.
Maramihan- Panghalip na pananong na ang inaasahang
sagot ay dalawa o higit na tao, bagay,pook,gawain
o pangyayari.Ginagamit ang salitang”mga”
Mga Kailanan ng Panghalip
Isahan Maramihan
Sino Sino-sino
Ano Ano-ano
Kailan Kai-kailan
Saan Saan-saan
Ilan Ilan-ilan
Inihalili sa:
A. Sino –sa tao
Sino ang kumuha ng bolpen ko?
B. Ano- bagay,hayop,katangian,pangyayari o ideya
Ano ang laman ng kahon?
C. Alin- kung may pagpipilian
Alin dito ang sa iyo?

Baitang 3 - Filipino 13
Kompetensi: Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
D. Kailan – para sa panahon at petsa
Kailan ka uuwi?
E. Saan – para sa pagtatanong ng lugar o pook
Saan ka nakatira?
F. Ilan- ginagamit sa dami o bilang
Ilan ang kotse mo?

PAGYAMANIN NATIN

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Sumulat ng mga tanong


mula sa kuwento gamit ang panghalip na pananong.

Ang Gusto ni Jean


Ni: Jean Magbanua Acuyong

“Pasko na naman! , wika ni Jean.


“Bakit naman?”, tanong ng Ate.

“Tiyak na may maraming masasarap na pagkain ang lulutuin


ninyo.” ,paliwanag ni Jean. “Sana may marami akong aginaldo
sa aking mga ninong at ninang. Gusto kong maraming damit at
laruan. May magagandang parol ang bahay at mga palamuti.
Sana lahat ng mga tao ay mababait at maalalahanin sa bawat
isa.”
“Ang Araw ng Pasko ay kaarawan ni Hesus,” dagdag ng
Kuya Abet. Habang nakikinig sa loob ng bahay.

Baitang 3 - Filipino 14
Kompetensi: Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
Mga tanong mula sa kuwento:
1.______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

TAYAHIN NATIN

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Bumuo ng mga tanong


gamit ang panghalip na pananong.
Cara Gwapa
Ni: Charito R. Gabana

Click! Rampa dito! Click! Rampa doon!


Isang hindi karaniwang pangyayari sa buhay ng
naturingang katuwang ng mga magsasaka sa paggawa sa
bukid o sakahan sa buong bansa ang kalabaw. Patag man o
bundok hindi ito namimili ng lupang aararuhin. Hindi ko akalain
na ang hayop na nasa harap ko, kumikembot-kembot at
kumikendeng-kendeng sa parada suot ang magagarang damit
na mismong ginawa para sa kanila.
Bawat barangay sa Balasan, Iloilo ay inatasan na pumili ng
isang babaeng modelong kalabaw. Sa pakikipag-ugnayan at
pagtutulungan ng mga Punong Barangay sa pamunuan ng
paaralan nabuo ang minimithing “Cara Gwapa” sa
pamamahala ng mga opisyales ng bayan ng Balasan. Sa
pamumuno ng Alkaldeng Filomeno V. Ganzon.

Mga tanong na nabuo mula sa teksto.


1.______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5.______________________________________________________________

Baitang 3 - Filipino 15
Kompetensi: Nakabubuo ng mga tanong pagkatapos napakinggan ang isang teksto ( F3PN-IIj-13 )
SUSI SA PAGWAWASTO
Paggamit ng Angkop na
Pagbuo ng mga Tanong
Pagtatanong Tungkol sa mga
Pagkatapos Napakinggan ang
Tao,Bagay,Lugar at Pangyayari
Isang Teksto
TUKLASIN
A. 1. bagay
TUKLASIN
2. hayop
A. 1. Sino
3. tao
2. Saan
4. lugar
3. Sino
5. tao
4. Saan
B. – Tanggapin ang anumang
5. Ano
tamang sagot ng mga bata.
C. 1. Sino
2. Saan, Ilan, Kailan
B. 1. 2 anak
3. Sino- ginagamit sa pagtatanong
2. Sina Gima at Manay
ng ngalan ng tao:
3. Balasan
Ilan- pagtanong sa bilang
4. Gumagawa sila ng mga baskey
Kailan- petsa at panahon
at ibinebenta
Saan- lugar o lunan
5. Isang umaga
SANAYIN
6. nito
A. 1. Sino
2. Alin
3. Saan
4. Ano-ano PAGYAMANIN
5. Ano
6. Saan Tanggapin ang anumang tamang
7. Sino-sino tanong na nabuo ng mga bata.
8. Kailan
B. 1. Ano-ano
2. Kailan TAYAHIN
3. Saan
4. Sino-sino Tanggapin ang anumang tamang
5. Saan tanong na nabuo ng mga bata.
6. Ilan
7. Kailan
8. Ano
TAYAHIN
A. 1. Ano
2. Sino-sino
3. Saan
4. Kailan
5. Ano

B. 1. B
2. C
3. D
4. D
5. A

16

You might also like