You are on page 1of 15

“The national language of the Philippines is Filipino, as it evolves, it shall be further

developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages”

--- 1987 Constitution of the Philippines

MODYUL 1 DALUMAT SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN,


AMBAGAN, MGA SUSING SALITA ATBP.

ARALIN 5
SAWIKAAN: PAGPILI NG SALITA NG TAON

INAASAHANG MATAMO

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na


mailarawan ang kasaysayan ng Sawikaan; masuri ang mga criteria at proseso sa pagpili ng salita
ng taon; at matukoy ang ambag ng Sawikaan sa pag-aaral ng wika.

PAGGANYAK

Ayon kay Narvaez, E.A. (2015) sa libro niyang may pamagat na Sawikaan: isang dekada ng
pagpili ng salita ng taon. pahina 8. Sumasang ayon ka ba o hindi sa kanyang pahayag.
Ipaliwanag sa nakalaang kahon sa ibaba.

Buhay ang wikang Filipino, patuloy itong umuunlad at nadedevelop sa pamamagitan ng


impluwensiya ng iba-ibang larang ng buhay gaya ng ekonomiya, politka, agham, teknolohiya,
sikolohiya, sosyolohiya, edukasyon, kasaysayan, at dahil sa kontak ng mga Filipino sa iba-ibnag
wika, lahi at kultura. – Narvaez, Eilene Antoninette G.
Ako ay sumasang-ayon sa pahayag ni Nervaez dahil mula noon hanggang sa makabagong
henerasyon, ang wikang Filipino ay umuunulad at lumalawak kasabay sa takbo at impluwensiya ng
iba’t-ibang aspeto sa buhay at lipunan. Ang bawat kaunlaran sa mga larangang ito ay isang
mahalagang kontribusyon sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain at mapagpalayang kakayahan
ng bawat Pilipino anuman ang kanilang kinalakihang kultura, paniniwala, disiplina at larangan ng
pagpapakadalubhasa. Ito ay isang hakbang upang makiisa at pakikiramdam sa nasyonalismo hindi
lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa mga ibang lahi at kultura. Ang pag-aaral ng wikang
Filipino ay hindi lamang isang asignatura na kailangan pag-aralan kundi upang mas mapalawak pa
ang teorya, praktika at silbi nito sa pamantasan, bansa, lipunan, at buhay. Ang buhay ng wikang
Filipino ay isang sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng
kasinungalingan, pang-aapi sa katarungan, at krisis panlipunan. Kaunlaran sa wika ay nagpapakita
lamang na ang mga mamamayan ay nakiisa at nakikiramdam sa mga nangyayare sa lipunan at
nagpapatunay na hindi lahat ng tao ay bulag sa katotohanan at gustong maipaglaban ang
nararapat para sa lahat at sa bansa. Ito ay sagisag ng kagustuhan ng pangkalahatan sa pagbabago.

BALIK-TANAW

Sa Sawikaan 2004, itinanghal na salita ng taon ang salitang “canvass”, sinundan ng “ukay-ukay” at tabla
sa ikatlong puwesto ang mga salitang “tsugi” at “tsika”.

CANVASS – (kan-vas)

 Pinakamahalagang pangyayari ng 2004 eleksiyon


 Pagsusuma, pagtatala o paghahanap ng mga boto
 Pangangampanya ng isang kanditao o pang-akit at paghingi ng mga boto
 Magsuri ng produktong bibilhin
 Magaspang na papel bilang trapal na pantakip, o kambas para sa ipinintang larawan.

UKAY-UKAY – (ukay-ukay) repleksiyon ng umiiral na uri ng pamumuhay sa lipunang


Filipino

 Panghahalungkat sa mga damit na itinumpok sa mesa, itinambak sa kahon, o ikinalat sa


nakalatag na sako.
 Senyales ngkahirapan ng buhay sa pagsisikap na makabili ng mga damit sa murang
halaga.
 Segunda manong damit
 Nagpakita ang ukay-ukay ng nagaganap na kalakaran sa Bureau of Customs at sa
tinatawag na ekonomiyang underground.
 Sa computer at internet , pamimili ng patay na domain at ipinagbibili sa murang halaga
 Pagkain na kinukuha sa basura na nagmula sa mga fast food 9tinatawag na ” pagpag”
ngayon)

TSUGI subjectivation o overdetermination

 pinauso bilang bahagi ng gay speak,


TSIKA pinauso bilang bahagi ng gay speak,

 Pagbati o pangangamusta sa oras ng personal na pagkikita


 Kuwentuhan ng malapit na kaibigan
 Taong masigla may tiwala sa sarili, at bukas makipag ugnayan sa kapuwa tungo sa kapaki pakinabang na layunin
 Hindi seryosong pagtupad sa isang iniatas na gawain, pagiging bolero o hindi seryoso; biro

Sa mga salitang nabanggit nagkaroon ka ba ng ideya kung paano pinipili ang nagwawagi sa
Sawikaan salita ng taon? Ipaliwanag.
Batay sa mga salitang nabanggit, ang mga Sawikaan ay pinipili ang mga nagwawaging salita
_____________________________________________________________________________________
batay sa kategorya na naging laman o parte ito sa diskurso ng panlipunang Pilipino dahil sa mga
_____________________________________________________________________________________
naging kontrobersiya at mahahalagang usapin sa politika, teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya,
_____________________________________________________________________________________
at kulturang popular na nakaakilap dito. Ilan nga sa mga batayan na isinaalaang-alang sa pagpili ay
_____________________________________________________________________________________
ang kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o
_____________________________________________________________________________________
pangyayari sa lipunan, lawak at lalim ng saliksik sa salita, retorika o ganda ng paliwanag, paraan ng
_____________________________________________________________________________________
pagkumbinsi sa mga tagapakinig at paraan ng presentasyon.
________

NILALAMAN NG ARALIN

Sa bahaging ito ng aralin, palalawakin ang iyong kaalaman sa mga pagsusuring ginawa sa pagpili
ng mga salita ng taon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sumusunod:

Maghanap ng babasahin o mga video na may kaugnayan sa SAWIKAAN. Sumangguni sa


mapagkakatiwalaang mga website, anumang libro sa Filipino. Sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Tama ba na ang pangunahing batayan sa pagpili ng salita ng taon sa Filipinas ay ang


bigat, lalim ng saliksik, at mahusay na pagsulat at presentasyon ng papel? Ipaliwanag .
Oo tama ang pangunahing batayan sa sa pagpili ng salita ng taon sa Filipinas dahil
_____________________________________________________________________________________
mahalaga at importante na m’agita ang katatasan at kakayahan na maipagtanggaol ang
_____________________________________________________________________________________
salita na napili at ang kanilang kanilang saliksik na ginawa na nagpapakita ng kontribusyon
_____________________________________________________________________________________
sa pagsubaybay sa mga pangyayari at wika ngayon.
_____________________________________________________________________________________
2. Sa mga nakaraang salita ng taon anong diskursong ba ang pangunahing namayani?
Teknolohiya, ekonomiya, showbiz, agham, sining at iba pa? Patunayan.
Ekonomiya at Showbiz. Ito ay dahil sa kadahilanan na ang mga Ito ay isa sa mga
_____________________________________________________________________________________
napapanahong mga usapin na laging natatampok patungkol sa isyung lipunan. Ilan ito sa mga
_____________________________________________________________________________________
bagay na laging nagbibigay-ingay sa bansa at nagdudulot ng mga pagbabago at pagaalyansa
_____________________________________________________________________________________
ng mga mamamayan.
_____________________________________________________________________

MGA GAWAIN / PAGTATAYA

I. Buoin ang mga sumusunod na salita

1. Pagiging biktima ng konsumerismo o matinding pagmamahal sa sarili eisfel - SELFIE

2. Ito ay umusbong dahil sa paglaban kontra droga aongtkh - TOKHANG

3. Ito ay sagisag ng kontra-korusipyong programa ni PNoy gnwwgnaa - WANGWANG

4. Pagod na o walang lakas tblao - LOBAT

5.Sirain ang eksena sa pamamagitan ng pagsingit sa kuwadro ng kamera ftbmooa - FOTOBAM

II. Balikan ang gabay o paraan ng pagsusuri sa pagpili ng salita ng taon. Sa mga nakasulat na
nagwaging salita ng taon isulat ang sa iyong opinyon na pinaka naangkop na salita na dapat
nagwagi bigyan ng maikling paliwanag.

2006 PAYRETED
Lobat Botox
Para sa aking opinyon, PAYRETED ang pinaka-angkop na salita na
Toxic payreted
dapat nagwagi sa taong 2006 dahil sa mga panahong ito ay
Chacha Orocan talamak ang bentahan ng kung ano-anong payreted na CD o DVD
at naging isang malaking kontrobersiya ito sa buong bansa.
Spa Karir
2010 JEJEMON
Jejemon Ondoy Para sa aking opinyon, JEJEMON ang pinaka-angkop na salita na
dapat nagwagi sa taong 2010 dahil ang salita at uri ng wikang ito
Korkor Tarpo
ay talagang naging isang malaking impluwensiya lalo na sa mga
Spam Emo kabataan hindi lamang sa pasalitang pamamaraan pati na rin
pamumuhay. Ito ay naging salamin sa isa pinakatinangkilik na
Ampatuan load
larang sa taon na ito.

2014 SELFIE
Selfie Endo Ang salitang selfie ang isa sa pinakasikat na pinakagagamit na
salita simula noong sumikat ito noong 2014. Ito ay ang angkop na
Filipinas CCTV
salita na dapat nagwagi dahil ito ay simbolo na ng pamumuhay
Bossing Whiste blower ng mga tao sa kasalukuyan at nagbigay ito ng mga samut-saring
PDAF hash tag bersyon at kontrobersiya sa lipunan. Ito ay parte na ngayon ng
ating kultura lalo na sa makabagong henerasyon ng Gen Z.

PAGNINILAY

Nagsimula ang Sawikaan noong taong 2004, bilang isang timpalak pangwika. Bilang isang mag-
aaral gumawa ng isang masinsinang talakayan kasama ang mga kamag-aral. Kung sa inyong
palagay sa loob ng mahigit sampung taon naging matagumpay ba ang pagpili ng
pinakatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanan na may katangian ng Filipino
bilang wikang pambansa. Isulat sa scroll ang mga mahahalagang puntong napag-usapan.
Oo, para saakin ay naging matagumpay ang mga salitang naipili na namayani bilang diskurso ng
mga mamamayan sa loob ng sampung taon. Ito ay dahil ang mga salitang ito ay naging isang
aspeto ng iba’t-ibang kontrobersiya at mahahalagang usapin sa larangan ng politika,
teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya, at kulturang popular. Isa pang kadahinalaan na aking
ipupunto ay ang basat salita ay nagpapakita at nagpapatunay na ang mga ito ay pasok sa mga
pangunahing batayan sa pagpili ng salita ng taon sa Pilipinas na bigat, lalim ng saliksik, at
mahusay na pagsulat at presentasyon ng papel. Ang mga ito ay na-iwan ng labis na
impluwensiya hindi lamang sa Lipunan at kultura kundi pati na rin sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino. Naging mahalaga at malaking parte na ito sa kung
paano natin nakikita ang mga iba’t-ibang aspeto na makapagbigay ng ating sariling opinion
bilang pagpapalaganap at pagpapakita ng ating mga saloobin, hinanakit at karapatan bilang mga
tao.

“Mas mayaman ang ating wika kaysa sa banyagang wika dahil mas marami

tayong salitang maitutumbas sa konseptong langyaw”

--- Prof. Rhoderick V.


Nuncio

MODYUL 1 DALUMAT SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN,


AMBAGAN, MGA SUSING SALITA ATBP.

ARALIN 6
MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN

INAASAHANG MATAMO

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa


pagdadalumat sa tulong ng mga salita sa Pilipino at iba pang wika ng bansa mula sa
kumperensya at iba’t ibang aktibidad.
PAGGANYAK

Tingnan ang larawan. Sagutin ang pamukaw na tanong sa nakalaang kahon. Basahin ang mga
salita sa ibaba at subukang bigyan ng sariling kahulugan ang mga ito.

BALIK-TANAW

Gamit ang sariling salita paano mo bibigyang kahulugan ang bawat larawan? Maglista ng hindi
bababa sa tatlong salita sa kaukulang cell ng talahanayan sa
ibaba.

FAKE NEWS TOKHANG


Fake News – ito ay mga maling Tokhang – ito ay isang operasyon na
impormasyon na ibinebenta o kinakalat sa isinasagawa ng mga awtoridad tulad ng
iba’t-ibang social media platform bilang mga pulis at NBI upang huliin at dakpin
lehitimong balita at may layong manloko ang mga nagtutulak ng illegal na droga.
at manlinlang ng mga tao.

Binibigyan ko ng sariling kahulugan ang Binibigyan ko ng kahulugan ang salitang


salitang Fakenews sa batayan na tokhang base sa paglalarawan nito sa
tinitingnan koi to sa pamamagitan ng balita at social media. Pangalawa, sa
aking pagkakaintindi sa salita at pananaw batayan kung paano ito gamitin ng
ukol dito. Panglawa, kung paano koi to karamihan sa usaping pagpuksa sa illegal
nalaman at narinig sa mga tao at pangatlo, na droga. Pangatlo, kung paano ito
kung pano ito nailalarawan ng lipunan. nakaka-apekto sa bawat indibidwal sa
ating lipunan.

 Droga
 Peke  Buy-Bust
 Napapanahon  Operasyon
 Talamak

Gamit ang sariling pakahulugan sa mga salita isulat ito sa pangungusap?

1 Ang fake news ay napapanahon na kontrobersiya at problemang kumakalat na


naglalaman ng mga pekeng impormasyon at talamak ang mga ito sa mga social media
sites.
2. Ang tokhang ay isang operasyon laban sa mga nagpapalaganap at nagbebenta ng mga
illegal sa droga sa buong bansa. Isang tawag pa rito ay ang Buy-Bust na kung saan
ginawan ito ng pelikula na pinagbibidahan ni Anne Curtis.
NILALAMAN NG ARALIN

Sa bahaging ito ng aralin, palawakin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng


sumusunod:

1. Maghanap ng babasahin o mga video na may kaugnayan sa SAWIKAAN. Sumangguni sa


mapagkakatiwalaang mga website, anumang libro sa Filipino.

Naririto ang mga link ng ilang mungkahing video.

https://www.youtube.com/watch?v=A-4E2TvqLz0

https://www.academia.edu/8510399/ENDO_Mga_Salita_ng_Taon_2014_SAWIKAAN_

https://www.rappler.com/nation/70275-selfie-salita-ng-taon-2014-sawikaan

https://upd.edu.ph/salita-ng-taon-tokhang/

https://upd.edu.ph/salita-ng-taon-2018/

2. Itala ang mahahalagang impormasyong nakalap na may kaugnayan sa naturang paksa

Gagabayan ka ng tanong na: Ano ang mabuting naidudulot ng mga makabagong salita sa
tulong ng mga kumperensiya sa pag-unlad ng ating sariling wika?
MAHAHAHALAGANG TALA TUNGKOL SA BINASA O NAPANOOD

1. Ang “tokhang” ay halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok

(“katok”) at hangyo (“pakiusap”) na ibinansag sa giyera kontra-droga ng


Administrasyong Duterte.

2. Ang “Dengvaxia” ang tatak ng CYD-TDV, ang nag-iisa at kauna-unahang


lisensiyadong bakuna laban sa dengue na binuo ng kompanyang Sanofi-Pasteur.

MGA GAWAIN / PAGTATAYA

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano naiiba ang ideolohiya ng Sawikaan? Magbigay ng halimbawa.

Ang ideolohiya ay ang pamantayang sinusunod ng mga mamamayan at pwersang


nagpapakilos sa kanila bilang isang bansa ang sawikaan naman ay isang masinsinang talakayan
para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng panlipunang Pilipino.

2.Magbigay ng isang salita na kaya mong saliksikin upang maiambag sa pagpapalawak ng


Wikang Filipino.

Ang isang salita na kaya kong saliksikin na makakambag sa pagpapalawak ng kaalaman


ng mga Pilipino ay SALVAGE.

3.Bakit kailangang makisangkot ang mga kabataang katulad mo sa ganitong klase ng


aktibidad o kumperensya?
Kailangan makiisa dito ang mga kabataan upang maipakita na sila ay mulat at may boses
sa mga isyung panlipunan na talamak ngayon at ito ay simbolo ng pakiiisa sa boses ng
mamamayang Pilipino.

4. Paano ito nakatutulong hinggil sa pag-unlad ng bansa? Magbigay ng halimbawa.

Ito ay makakatulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay opinyon ukol


sa mga napapanahong suliranin sa Lipunan. Isang halimbawa na rito ang pakikiisa sa mga social
media movement upang maiboses ang hinaing ng mga mamamayan at ng maibahagi sa lahat
ang basat katiwalian na nangyayare sa bansa.

II. Gumawa ng isang panawagan sa mga kabataan na lumahok sa SAWIKAAN at makibahagi sa


pagpapalawak ng pambansang wika. Gawin ito sa pamamagitan ng piyesang pang spoken
poetry na ilalathala sa personal mong facebook account. Sa loob ng dalawang araw, bilangin
ang nag comment at at i-print ibahagi sa klase ang mga komento at ibahagi ang panawagan sa
klase.
PAGNINILAY

Balikan ang gabay na tanong bago mo inalam ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin
at tugunan ito. Isulat ang iyong sagot sa loob ng scroll.

Ano ang mabuting naidudulot ng mga hakbang o aktibidad sa pagpapaunlad ng wikang Filipino
gaya ng SAWIKAAN sa pagdadalumat ng isang modernong kabataan at mag-aaral na kagaya
ko?

Ang mga aktibidad tulad ng SAWIKAAN ay nakakatulong sa pagdadalumat ng


isang modernong kabataan at mag-aaral na kagaya ko dahil mas napapalalim at
napapalawak ko ang aking kaalaman tungkol sa mga bagong salita na
lumalaganap at ginagamit sa Lipunan ngayon. Ito ay nakakatulong din saakin
upang mas maunawaan ko ang mga sinasalamin nitong impluwensiya sa iba’t
ibang aspeto sa buhay at sa string kapaligiran. Ang aking pagiging sang Pilipino ay
mas nabibigyan ng kabuluhan at nagsisilbi itong tulay upang mamulat ako sa mga
katotohanan na nabubuhay at nabibigyan diin sa pamamagitan ng mga
pamamaraan na ito. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pagkakakilanlan
sa wika at kultura ng isang bansa ay makakatulong sa pag-unlad at sa nais nating
maibago ang sistema ng ating bansa para sa mas mainam na lipunan sa
sambayanang Pilipino.

“Ang wika ang kabuoang ulat ng di nakasulat na kasaysayan, tagumpay at kabiguan,


kaisipan at pananalig, pangitain at pangarap at ia pang himaymay ng karanasan ng bawat
pangkat ng tao.”

--- Rio Alma

MODYUL 1 DALUMAT SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN,


AMBAGAN, MGA SUSING SALITA ATBP.
ARALIN 7
PAGPAPALAWAK NG MAKABULUHANG KONSEPTO GAMIT ANG TEORYANG LOKAL AT
DAYUHAN SA PAGDADALUMAT AT PANANALIKSIK

INAASAHANG MATAMO

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay makapagsusulat ng pamanahong


papel na maiaambag upang malinang ang wikang Filipino bilang daluyan ng
inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik na nakaugat sa realidad ng lipunang
Pilipino.

PAGGANYAK

Panoorin ang mga link na ito https://www.youtube.com/watch?v=pcOpw0Y8rB4

https://www.youtube.com/watch?v=SdRycY3H7WY&t=55s

https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ

Anong anyo o katangian ng wika ang ginamit sa dokumentaryo? Pangatwiranan.

Ang wikang ginamit sa dokumentaryo ay ang mga nauusong Millenial Slang o ang mga
salitang laganap at ginagamit ng mga millenials at Gen Z sa kasalukuyang henerasyon. Ito
ang mga napapanahong salita na kung saan ay makikita mo sa anumang social media sites.
Ang mga salitang ito ay ang mga pinaikling salita ng mga millenials ngayon na kanilang
ginagamit sa pakikipag-usap at pag-post ng kung ano-ano sa kanilang social media accounts
mapa larawan o balita man ito. Ang mga salitang ito ay nauuso hindi lamang sa mga
millenials kundi ito ay ginagamit na rin sa anumang larang ng advertising upang mas
makibagay sa mga makabagong madla. At dahil nga sa bilis ng pagdutdut ng daliri sa
kompyuter ng mga millenials sa paggamit ng social media ay mas napabilis ang paglaganap
ng kanilang makabagong linggwahe.
BALIK-TANAW

Balikan ang mga natutuhang kaalaman tungkol sa iba’t ibang salita ng taon. Anong mahalagang
impormasyon ang naisaisip mo sa ngayon na makatutulong sa iyo sa pagbuo mo ng
pamanahong papel.

Ang mahalagang impormasyon na nasa isip ko ngayon batay sa mga natutuhang kaalaman ko
tungkol sa iba’t ibang salita ng taon ay ang kaalaman na aking nakuha napalawak na ang bawat
salita ay dumadaan sa mabusising bataclan bago masabi o mailarawan ito bilang mahalangang
salita ng taon. Iba’t-ibang batayan ang kailangan sundin at tingnan at isa rin itong mahalagang
hakbang pang makagawa at maka buo ng maayos na pamamahong papel.

NILALAMAN NG ARALIN

1. Sa bahaging ito ng aralin, panonoorin at basahin ang mga link na nasa ibaba. Itala ang
mga mahahalagang impormasyon at pormat na ginamit sa pananaliksik na papel

https://www.youtube.com/watch?v=oR8ApbrjA-s

https://angbalaysugidanun.files.wordpress.com/2013/07/asenjo_kinaray-a_agrikultura.pdf

https://aboutphilippines.org/documents-etc/Ifugao-terms.pdf
https://www.academia.edu/17232559/Bag-
ong_Yanggaw_Ang_Filipinong_may_Timplang_Bisaya_sa_Kamay_ng_Makatang_Tagalog_na_si
_Rebecca_T._Anonuevo

https://upd.edu.ph/mga-susing-salita-indie-at-delubyo/

2. Maaari mo ring balikan ang iyong naitalang mga impormasyon tungkol sa borador
(draft ) ng SALITA NG TAON.

Gagabayan ka ng tanong na: Ano ang pinakamahalagang natutuhan ko tungkol sa iba’t ibang
salita ng taon.

MGA GAWAIN / PAGTATAYA

I. Gamit ang mga link na nabasa at pinanood sa nagdaang sesyon, magsulat ng isang
maikling talatang pasalaysay kaugnay ng nasabing mga pananaliksik.
Ang artikulong aking nabasa ay tungkol sa dalawang masusing salita na INDIE AT DELUBYO.
______________________________________________________________________________
Dito ay ibinigay ang mga kahulugan ng dalawang salita at ang mga pinagmulan ng mga
______________________________________________________________________________
salitang ito.Ito ay mula sa isang seminar at pinangunahan ng mga propesor sa UP. Isinaad
______________________________________________________________________________
din dito na ang INDIE ay nakasasaad di sa ginawang pelikula na “Pamilya Ordinaryo” na
______________________________________________________________________________
tinangkilik din sa masa. Itinanghal dito ang paigigng kommunal ng INDIE sa larangan ng
______________________________________________________________________________
sining at kung saan na ang mga paksa ng mga ito ay kalimitan patungkol sa iba’t-ibang uri
______________________________________________________________________________
ng DELUBYO ng buhay at mga suliranin na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino.
______________________________________________________________________________
Naitala din dito ang koneksyon ng wika kontra sa delubyo o disaster na may dalawang
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
klasipikasyon ang salitang ito na kung saan ang warning umano ay sumasalamin sa
______________________________________________________________________________
responsibilidad ng gobyerno at data ito ay laging tama at napapanahon. Sa kabilang dako
______________________________________________________________________________
naman, ang response naman ay ang kailangang matumbasan ng salitang warning o abiso
______________________________________________________________________________
ng gobyerno ng tamang aksiyon ng mga mamamayan sa komunidad.

You might also like