You are on page 1of 2

Paano gumawa ng spoken poetry? Ano ba ang spoken poetry?

Bakit marami ang nahuhumaling sa


spoken poetry?

Tayong mga Filipino, natural na sa atin ang pagiging mga makata. Mula pa nang panahon ng
Dakilang Ama ng Balagtasan na si Francisco Balagtas, mula nang panahon ng pagkasulat ng Florante at
Laura at ng mga awit at korido na ating inaawit sa simbahan, hanggang sa kasalukuyan, nananalaytay sa
ating dugo ang pagiging mga makata. Pero kagaya ng ibang bagay, naiiba rin ang nauuso. Kung uso
noon ang mga balagtasan, ngayon naman ay nauuso ang spoken poetry.

Bukod sa pagiging mga makata nating mga Filipino, tayo rin ay malikhain, kung kaya't nasa ating
kakayahan ang pagsamahin ang modernong porma ng mga tula at ang ating sariling wika. Marami sa atin
ang mahilig paglaruan ang mga salita. Dahil dito, bilang isang resulta, lumalaganap na ang pagsulat ng
spoken word poetry. At isa pa, nauso rin kasi ang mga "hugot" na naisama sa mga tula na nakadagdag
naman sa pagiging popular ng spoken poetry.

Marami ngayon ang kilalang mga spoken poetry artists gaya na lang nina Juan Miguel Severo,
Maimai Cantillano, Froy Figueroa, Henry Igna, Louise Meets at marami pang iba. Marami kang makikita
sa YouTube o kahit sa Facebook.

Ano ang Spoken Poetry?

Kilala rin ito sa tawag na Spoken Word Poetry o Slam Poetry. Ito ay tula na ginawa o isinulat para
i-perform sa harap ng mga tao. Kagaya na lang ng pagpe- perform ng mga kanta. Ginagamitan din ito ng
musika para makadagdag sa emosyon.

Paano gumawa ng spoken poetry?

Ngayon naman, narito na ang mga tips kung paano gumawa ng spoken poetry. Para naman
masimulan mo na.

Isipin kung ano ang nais mong isulat.

Una, bago ang lahat, dapat ay alam mo muna kung tungkol saan ang tulong iyong isusulat.
Karamihan sa mga isinusulat ni Juan Miguel Severo ay tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay
at mga malalalim na mga diskusyon tulad ng pagmamahal sa ina at kung anu-ano pa.

Ngunit, walang batas na nagsasabi o nagbabawal sa iyong magsulat ng tungkol sa kahit anong
gusto mong isulat. Dahil, ikaw ay sumusulat ng spoken word poetry, mahalaga na mula sa iyong puso
ang iyong isusulat. Tandaan, hindi nalilimitahan ng paksang pag-ibig ang pagsusulat ng tula. Maaaring
tungkol sa iba't ibang bagay - kaibigan, kaaway, magulang, bansa, at iba pa.

Isipin mo na isa kang dinamita, at ngayong malapit na ang apoy, ikaw ay sasabog. Ilalabas mo
ang lahat, ibuhos mo ang lahat sa isang kapiraso ng papel at dito ka mag-uumpisa.

Mula dito, handa ka na sa susunod pang mga paraan.

Mahalin ang wikang Filipino.


Isa sa katangian ng spoken word poetry ay ang taglay nitong matatalinghagang mga salita o mga
salitang Filipino na hindi natin nakakasagupa sa ating araw-araw na pamumuhay. Bilang isang
halimbawa, ang manunulat ng artikulong ito ay gumamit ng mga mabulaklaking mga salita na maaari
mong magamit sa iyong pagsulat. Pero, hindi ito isang batas. Hindi mo kailangang gumamit ng mga
salitang ikaw lang ang makakaunawa. Dahil tandaan mong may ibang taong makikinig sa iyong spoken
poetry kaya naman isaalang-alang mo rin ang iyong mga tagapakinig.

Ang spoken word poetry ay isang tula. Isa itong tula at tulad ng napag-aralan natin sa hayskul,
ang tula ay may taludturan, saknong, sukat at tugma. Maaaring hindi ka gumamit ng kahit ano sa apat na
sangkap na ito dahil may kalayaan ang pagsusulat ng spoken word poetry. Ngunit, mas masarap
pakinggan kung mahahagip mo ang mga sangkap na ito.

Uulitin ko lang, hindi rin iyan batas. Pwede ka naman gumawa ng sarili mong istilo. Malaya ka.
Ang mahalaga ay mailabas mo kung ano ang iyong saloobin.

Paglapat ng himig o ng tono.

Matapos mong makumpleto ang iyong spoken word poetry, maaari mo na itong lapatan ng tono.
Maaari kang gumamit ng mga tono ng iyong paboritong kanta o di naman kaya gumamit ng isang tono na
iyong binuo.

Sa paglapat ng tono, mahalagang isaisip ang nais mong iparating sa iyong isinulat. Ikaw ba ay
dapat na masaya o malungkot?

Ngayon, sa pamamagitan ng mga nabanggit ay alam mo na kung paano gumawa ng spoken


poetry. Pero mas mabuti siguro kung mayroon kang halimbawa at inspirasyon. Panoorin ang mga video
sa ibaba para sa ilang mga halimbawa:

Sa Pagitan Ka Natagpuan - Maimai Cantillano

Para sa iba pang halimbawa, pumunta lang sa mga links na ito:

• 10 Hugot-filled Spoken Word Poetry Pieces

• 13 Must-Watch Tagalog Spoken Word Performances

• 10 Local Spoken Word Pieces We All Need To Hear Right Now

Ayos ba? Nakakuha na ba ng inspirasyon? Nag-alab na ba ang iyong damdamin at handa ka


nang magsulat ng sarili mong spoken poetry? Ano pang hinihintay mo? Simulan mo na! At kapag
nakagawa ka, pwede mong i-video ang iyong sarili at i share.

You might also like