You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”
Yunit 3
Lupang Nag-uugnay
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Pangkalahatang Layunin ng Yunit 3


Natutukoy ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Natutukoy ang iba’t ibang akdang pampanitikan ng Luzon tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang
de gulong, palaisipan, mito, alamat, kuwentong-bayan, sanaysay, maikling kuwento, at dula
Nailalahad ang katuturan ng kaalaman sa mga suprasegmental, di-berbal na komunikasyon; mga pahayag na
ginagamit sa simula, gitna, at wakas ng isang akda; pagbuo ng hinuha, interpretasyon, o opinyon; at pagbuo ng
simula, gitna, at wakas ng pagpapahayag tulad ng pagbabalita
Aktibong nakikilahok sa malayang talakayan at mga gawain sa klase
Nakapagsasagawa ng komprehensibong pagbabalita (newscasting) tungkol sa kanilang lugar

Panimula
    Ang Luzon ay isa sa pinakamalalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ay sentro ng kalakalan at kapangyarihang pampolitika
dahil dito matatagpuan ang Malacañang, ang tahanan ng pangulo ng Pilipinas. Makikita rin dito ang mga sentrong tanggapan
ng malalaking kompanya ng kalakalan at transportasyon. Sa Luzon din nabubuo ang mga makabagong akdang pampanitikan
dahil na rin sa mabilis na pakikipag-ugnayan nito sa iba’t ibang rehiyon sa loob at labas ng bansa.
     Ang Yunit 3: Lupang Nag-uugnay ay tumatalakay sa mga akdang pampanitikan ng Luzon tulad ng karunungang-
bayan, mito, alamat, sanaysay, maikling kuwento, at dula. Inaasahan na ang pag-aaral sa mga akdang pampanitikan na ito ay
makatutulong upang higit na maunawaan at pahalagahan ang mga akda mula sa Luzon. Inaasahan na magagabayan ang mga
estudyante na mas mabigyang-halaga nila ang akdang pampanitikan mula sa Luzon. Hinahangad din na mahahasa sila sa
paggamit ng mga kasanayang gramatikal-retorikal tulad ng gamit ng suprasegmental; di-berbal na komunikasyon; mga
hudyat ng simula, gitna, at wakas sa isang teksto; pagpapahayag ng hinuha, interpretasyon, at opinyon; mga panandang
anaporik at kataporik ng pangngalan; at wastong pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol. Sa tulong ng mga araling
pampanitikan at panggramatika, inaasahan na matagumpay silang makapagtatanghal ng pagbabalita tungkol sa kanilang lugar
bilang panapos na gawain para sa yunit.

Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 3


Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng Luzon?
Paano makatutulong sa mabisang pagpapahayag tulad ng pagbabalita ang kaalaman sa mga suprasegmental; di-
berbal na komunikasyon; mga pahayag na ginagamit sa simula, gitna, at wakas ng isang akda; pagbuo ng hinuha,
interpretasyon, at opinyon; anapora at katapora; at ang pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol?

Layunin Para sa Panimulang Pagtataya


Nailalahad ang dating kaalaman at kasanayan sa mga akdang pampanitikan ng taga-Luzon sa pamamagitan ng
panimulang pagtataya
Nailalarawan ang dating kaalaman sa gramatika at retorika sa mga paksang may kinalaman sa suprasegmental; di-
berbal na komunikasyon; mga pahayag na ginagamit sa simula, gitna, at wakas ng isang akda; pagbuo ng hinuha,
interpretasyon, at opinyon; anapora at katapora; at pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol
Naiisa-isa ang mga kaalaman at kasanayan na dapat palalimin at palawakin

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ihanda ang mga estudyante para sa panimulang pagtataya. Ipaliwanag sa kanila na ang layunin ng panimulang
pagtataya ay malaman ang kanilang dating kaalaman, kasanayan, at ang mga bagay na hindi pa nalalaman.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


2. Ipaalam din sa mga estudyante na ang kanilang iskor sa pagtatayang ito ay hindi itatala kung kaya’t hindi ito
makaaapekto sa kanilang pangkalahatang marka.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Pasagutan ang Panimulang Pagtataya para sa Yunit, bilang 1 hanggang 25, sa mga pahina 172 hanggang 175 ng
batayang aklat. 
2. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante sa pagsagot ng panimulang pagtataya.
3. Itsek ang kasagutan ng mga estudyante. Tumawag ng mga estudyante upang ibigay ang kanilang kasagutan at itama
ang anumang pagkakamali nila.

Pagbubuod
1. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng pagtataya.
2. Itanong kung ano ang inaasahan nilang matutuhan mula sa yunit batay sa ginawang pagtataya.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang nakasaad sa Basahin Natin sa mga pahina 177 hanggang 180 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga karunungan-bayan tulad ng tulang panudyo,
awiting-bayan, tugmang de gulong, at palaisipan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at
palaisipan bilang akdang pampanitikan, at maghanda para sa isang malayang talakayan.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Yunit 3
Aralin 13

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Ugnayan ng Noon at Ngayon
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Karunungang-Bayan: Isang Sangay ng Panitikan
     Gramatika: Mga Suprasegmental     

Mga Layunin
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga karunungang-bayan tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan,
tugmang de gulong, at palaisipan
Nailalahad ang paggamit ng suprasegmental (tono, diin, at antala) sa paghahatid ng mensahe ng mga akdang
pampanitikan tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at palaisipan
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at
palaisipan
Napahahalagahan ang mga akdang pampanitikan tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at
palaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito sa pakikipagtalastasan
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat

Mga Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 176–186
mga halimbawa ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at palaisipan

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga karunungan-bayan tulad ng mga tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de
gulong, at palaisipan?
Paano nakatutulong ang paggamit ng suprasegmental (tono, diin, at antala) sa paghahatid ng mensahe ng mga
akdang pampanitikang tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at palaisipan?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-
aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 181 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi
ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 177 ng batayang aklat. Tumawag ng mga
estudyante upang itanghal sa klase ang kanilang nabuo.
2. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod ng gawain at magkaroon ng talakayan tungkol sa sagot ng mga
estudyante.
3. Ipabasa ang “Karunungang-Bayan: Isang Sangay ng Panitikan” sa mga pahina 177 hanggang 180. Magbigay ng
sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 181. Idagdag ang sumusunod na mga tanong:
a. Ano-ano ang mga karunungang-bayan na naririnig pa rin hanggang sa ngayon?
b. Paano mo mapananatiling buhay ang mga karunungang-bayan sa Pilipinas tulad ng tulang panudyo, awiting bayan,
tugmang de gulong, at palaisipan?
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalagang pag-aralan ang karunungang-bayan tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at
palaisipan dahil ang mga ito ay nagpapakita ng kultura at identidad natin bilang isang lahi at bilang mga Pilipino.
b. Ang paggamit ng mga karunungang-bayan sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ay makatutulong upang
mapanatiling buhay ang mga ito.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 182 at 183 ng batayang aklat.
Ibigay bilang takdang-gawain ang gawain B.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga suprasegmental; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 184 at 185
ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang paggamit ng suprasegmental (tono, diin, at antala) sa paghahatid ng
mensahe ng mga akdang pampanitikan tulad ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at palaisipan?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin sa mga pahina 183 at 184 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na
kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa mga suprasegmental ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 184 at 185 ng
batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga ponemang suprasegmental (haba, diin, at tigil) at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin ito
nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang ponemang segmental ay ang makabuluhang tunog na nakapagbabago ng kahulugan ng salita.
b. Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa himig o tono, haba ng bigkas, diin, at tigil, o hinto sa pagsasalita.
c. Nakatutulong ang paggamit ng suprasegmental (tono, diin, at antala) sa paghahatid ng tamang mensahe na
pinaaabot ng tulang panudyo, awiting-bayan, tugmang de gulong, at palaisipan.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na wastong ginagamitan
ng suprasegmental. Hikayatin silang ipaliwanag ang suprasegmental na ginamit sa ibinigay na pahayag.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 185 at 186 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 186 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang mitong Ang Araw at ang Buwan sa mga pahina 188 at 189 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mito bilang isang akdang pampanitikan ng Pilipinas?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa paglikha ng daigdig ayon sa mga akda mula
sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Maaaring hatiin ang klase upang magsaliksik ng mga kuwentong mula sa Luzon, Visayas,
at Mindanao.

Karagdagang Pagsasanay

A.   Magbigay ng pagpapakahulugan sa pamagat ng akda: "Ang Karunungang-Bayan: Isang Sangay ng Panitikan."
Isulat ito sa mga kahon.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


B.  Ibigay ang mga pangunahing kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. Isulat ang mga ito sa graphic organizer.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 14
Pagkakaugnay sa Pagkakaiba
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Ang Araw at ang Buwan (Ing Aldo Ampo Ing Buwan) (Mito ng mga Kapampangan)
     Gramatika: Di-Berbal na Paraan ng Komunikasyon

Mga Layunin
Nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mito bilang isang akdang pampanitikan ng Pilipinas
Naipaliliwanag kung paano nakatutulong ang mga di-berbal na paraan ng komunikasyon sa pakikipag-ugnayan o
pakikipag-usap
Naipakikita ang kahalagahan ng mga akdang pampanitikan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa
ibang tao
Nakasusulat ng buod ng isang mito

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Naisa-isa ang katangian ng isang mito

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 187–198

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang pag-aralan ang mito bilang isang akdang pampanitikan ng Pilipinas?
Paano makatutulong ang mga di-berbal na paraan ng komunikasyon sa pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-
aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 190 at 191 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi
ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 188 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga
katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang Ang Araw at ang Buwan (Ing Aldo Ampo Ing Buwan) sa mga pahina 188 at 189 ng batayang aklat.
Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 191. Idagdag ang sumusunod na mga tanong:
a.  Ano ang mito?
b.  Bakit mahalagang pag-aralan ang mito bilang isang akdang pampanitikan?
c.  Paano nakatutulong ang mito sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 189.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Ang mito ay isa sa mga sinaunang panitikan ng alinmang lahi.
b. Ang mito ay nagbibigay-diin sa paglalarawan sa mga sinaunang tao at sa kaugnayan nila sa kanilang kapaligiran.
c. Mahalagang pag-aralan ang mito bilang isang akdang pampanitikan sa Pilipinas dahil ito ay naglalarawan ng
gawi, saloobin, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dito higit na mauunawaan ng bawat isa ang kulturang Pilipino at ang
kaniyang pagka-Pilipino.
d. Ang mga mito ay naglalarawan ng kalagayang panlipunan ng mga tao sa isang lugar o rehiyon tulad ng Luzon.
Ang mga paglalarawan ng mga ikinikilos at kalagayan ng mga sinaunang Pilipino sa lipunan ay makatutulong sa pag-unawa
sa kanilang sosyo-kultural na kalagayan.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 192 hanggang 194 ng batayang
aklat. Maaaring humanap sa Internet o sa ibang sanggunian ng mitong babasahin para sa gawain D.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang teksto at ang aralin tungkol sa di-berbal na paraan ng komunikasyon sa mga pahina 194 hanggang 197
ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang mga di-berbal na paraan ng komunikasyon sa pakikipag-ugnayan o
pakikipag-usap?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin sa mga pahina 194 at 195 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na
kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa di-berbal na paraan ng komunikasyon ayon sa nakasaad Talakayin Natin sa mga pahina
195 hanggang 197 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


3. Ipaisa-isa ang iba’t ibang paraan ng di-berbal na komunikasyon at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin ang
wastong paraan ng mga di-berbal na komunikasyon sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a.   Ang komunikasyon ay pagpapahayag o paghahatid ng saloobin, damdamin, opinyon, at maging ang mithiin ng
isang tao.
b.   May dalawang uri ng komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa kapuwa: berbal at di-berbal.
c.   Ang berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa paggamit ng salita, maging ito ay pasalita o pasulat.
d.   Ang komunikasyong di-berbal ay gumagamit ng kilos o paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
e.   Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil ito ay nakapaghahatid ng mensahe sa kapuwa na hindi na kailangan
ng salita. Ang paggamit ng ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan o kamay, at tindig na naghahatid ng mensahe sa iba ay
ilan lamang sa iba’t ibang paraan ng di-berbal na komunikasyon.
5. Tumawag ng ilang estudyante upang magpakita sa klase ng di-berbal na paraan ng komunikasyon. Hayaan ang iba
na hulaan ang mensaheng nais nilang ipabatid.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 197 at 198 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 198 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang alamat na "Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao" sa mga pahina 200 hanggang 203 ng batayang
aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat bilang isang akdang pampanitikan ng Pilipinas?

Karagdagang Impormasyon

Panuto: Ang mito ay napakahalagang bahagi ng panitikan ng alinmang lahi. Ang sumusunod ay ang mga
pangunahing katangian ng isang mito.
       1.   Ang mito ay tumatalakay sa pinagmulan ng daigdig o ng sangkatauhan at sa relasyon ng tao sa dakilang nilikha.
       2.   Ito ay karaniwang tumatalakay sa kabutihan at kasamaan.
       3.   Ito ay maituturing na magkakakabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento.
       4.   Ang paksa ng mito ay kadalasang ay may bahid ng mahika at kababalaghan.
       5.   Ito ay binubuo ng iba't ibang elemento: tauhan, tagpuan, banghay, kasukdulan, tunggalian, at wakas.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 15
Pakikipag-ugnayan sa Kapuwa
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao (Alamat)
     Gramatika: Mga Hudyat ng Simula, Gitna, at Wakas ng Akda

Mga Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa tindi ng pagpapakahulugan
Naipaliliwanag ang tema at iba pang elemento ng alamat batay sa napanood na mga halimbawa nito
Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari sa nabasa o napanood na alamat
Naisusulat ang buod ng isang alamat nang may maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng isang akda

Mga Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 199–211
larawan ng Banaue Rice Terraces

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano mapananatiling buhay ang mga alamat sa isang lugar tulad ng alamat ng kodla ng mga Ifugao?
Bakit mahalagang pag-aralan ang simula, gitna, at wakas ng isang akda?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-
aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 204 at 205 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante
upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipasuri ang larawan sa panimula ng Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 200 ng batayang aklat at ipasagot ang mga
tanong na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao” sa mga pahina 200 hanggang 203. Magbigay ng sapat na
oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Ipabasa rin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 203 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 205. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan.
a.   Paano mapananatiling buhay ang mga alamat sa isang lugar tulad ng alamat ng kodla ng mga Ifugao?
b.   Bakit mahalagang pag-aralan ang mga alamat ng mga taga-Luzon?
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a.   Mahalagang pag-aralan ang mga alamat ng taga-Luzon, tulad ng kodla ng mga taga-Ifugao, sa dahilang ito ay
nagpapakita ng kultura at identidad ng isang lahi at ng bahagi ng pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Ito rin ay
makatutulong upang maunawaan ang kanilang konteksto tulad ng kanilang pamumuhay at kinalalagyang pisikal.
b.   Ang pag-unawa sa mga alamat ng taga-Luzon ay makatutulong sa pagpapahalaga at pakikipag-ugnayan sa mga
taong nakatira sa rehiyong ito. Ito rin ay isang paraan upang manatiling buhay ang mga akdang pampanitikan ng Pilipinas
tulad ng mga alamat.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 205 hanggang 207 ng batayang
aklat. Iproseso ang mga sagot ng mga estudyante sa bawat gawain.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga hudyat ng simula, gitna, at wakas ng akda; ipabasa ang nakasaad
sa mga pahina 208 at 209 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang simula, gitna, at wakas ng isang akda?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin sa pahina 208 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang mga hudyat ng simula, gitna, at wakas ng isang akda ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga
pahina 208 at 209 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga hudyat na karaniwang ginagamit sa simula, gitna, at wakas ng isang akda at pag-usapan kung
bakit mahalagang gamitin ang mga ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a.   Ang banghay ang nagsisilbing buod ng mga akdang pampanitikan.
b.   Ayon sa nobelistang si Gustav Freytag, may tatlong bahagi ang banghay: ang simula, gitna, at wakas.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 209 at 210 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 211 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang sanaysay na "Ako'y Isang Tinig" sa mga pahina 213 hanggang 216 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang matukoy ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan sa isang
akda tulad ng isang sanaysay?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang sanaysay tungkol sa isyung panlipunan at humandang ibahagi ito sa
klase.

Karagdagang Impormasyon
Paghahambing ng Mito at Alamat

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 16
Ugnayan sa Lupa
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Mga Paksang Aralin


     Panitikan:  "Ako’y Isang Tinig" (Sanaysay)
     Gramatika: Pagpapahayag ng Hinuha, Interpretasyon, at Opinyon

Mga Layunin
Nahihinuha ang kaalaman at motibo o pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan
Nabubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha
Naisusulat ang isang talatang naghihinuha ng ilang pangyayari sa teksto
Nasusuri ang mga pahayag na ginagamit sa paghihinuha ng pangyayari

Mga Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 212–224
mga larawan ng mga magsasaka

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang matukoy ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan sa isang akda tulad ng isang
sanaysay?
Paano nakatutulong ang pagbubuo ng mga hinuha, interpretasyon, at opinyon sa pag-unawa sa tekstong binabasa?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-
aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
    Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 217 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang
ibahagi ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 213 ng batayang aklat bilang panimulang
gawain. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.
2. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga
estudyante.
3. Ipabasa ang sanaysay na “Ako’y Isang Tinig” sa mga pahina 213 hanggang 216. Magbigay ng sapat na oras para sa
pagbabasa nang tahimik.
4. Ipabasa rin ang nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 213 at 214 ng batayang aklat,
5. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 217. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan.
a.   Bakit mahalagang matukoy ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan sa isang akda tulad ng isang
sanaysay?
b.   Paano nakatutulong ang akdang pampanitikan tulad ng sanaysay sa pagsusuri sa mga isyung panlipunan?
6. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
7. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a.  Mahalagang matukoy ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan sa isang akda tulad sa isang
sanaysay dahil ang mga kaisipang ito ang magiging gabay sa pangunahing mensahe o pokus na nais ipaabot ng awtor ng
teksto. Nakatutulong din ito sa mas mabilis at sistematikong pag-aanalisa ng teksto.
b.  Malaki ang maitutulong ng mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay sa pagtalakay sa mga isyung panlipunan
sa dahilang ang mga akdang ito ay naglalarawan ng realidad at tunay na kalagayan ng mga mamamayan. Sa sanaysay,
naipaaabot sa mas nakararaming tao ang mga mensaheng nais ipabatid ng awtor.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 218 hanggang 220 ng batayang
aklat.

Paglalahat

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa pagpapahayag ng hinuha, interpretasyon, at opinyon;
ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 221 at 222 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang pagbuo ng mga hinuha, interpretasyon, at opinyon sa pag-unawa sa
tekstong binasa?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang gawain sa Alamin Natin sa pahina 220 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa pagpapahayag ng hinuha, interpretasyon, at opinyon ayon sa nakasaad sa mga pahina 221
at 222 ng batayang aklat.
3. Pag-usapan ang kahulugan at pagkakaiba ng hinuha, interpretasyon, at opinyon. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng
pagpapahayag ng hinuha, interpretasyon, at opinyon sa isang akda.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Nakatutulong ang pagpapahayag ng hinuha, interpretasyon, at opinyon sapagkat ito ay nagbibigay-linaw sa mga
pahiwatig at mga impormasyon na nais ipaabot ng awtor.
b. Ang interpretasyon ay ang pangkalahatang impresyon o paglalagom ng mambabasa tungkol sa akda.
c.  Ang opinyon ay mga pahayag batay sa saloobin at palagay ng isang indibidwal.
5. Magbigay ng ilang maikling pahayag tungkol sa mga nangyayari sa paligid. Tumawag ng mga estudyante upang
magbigay ng sariling hinuha, interpretasyon, o opinyon tungkol dito.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 223 at 224 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 224 ng batayang aklat. 
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang kuwentong "Kasalan sa Nayon" sa mga pahina 226 hanggang 230 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang magbasa ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento?
3. Sabihin sa mga estudyante na magtanong sa kanilang mga magulang, kapatid, o kamag-anak ng kuwento tungkol sa
kanilang kasal at humandang ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
Magbigay ng hinuha, interpretasyon, at opinyon sa sumusunod na mga isyung panlipunan.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 17
Ugnayan sa Pamilya
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: "Kasalan sa Nayon" (Maikling Kuwento)
     Gramatika: Ang mga Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan

Mga Layunin
Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento
Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap
Naisusulat ang buod ng kuwento
Naisusulat ang isang talatang naghihinuha ng ilang pangyayari sa piling tagpo 
Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 225–235

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang magbasa ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento?
Paano nakatutulong ang paggamit ng mga wastong panandang anaporik at kataporik ng pangngalan sa pagsulat ng
isang teksto?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-
aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 231 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi
ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 226 ng batayang aklat at ipasagot ang
mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang kuwentong “Kasalan sa Nayon” sa mga pahina 226 hanggang 230. Magbigay ng sapat na oras para sa
pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling
Pag-isipan sa pahina 231. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan.
a.   Bakit mahalagang magbasa ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento?
b.   Paano nakatutulong ang akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento sa pagpapalaganap ng kulturang
Pilipino?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a.   Mahalagang magbasa ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento dahil ito ay naglalarawan sa mga
tunay na pangyayari sa isang lipunan o bayan na maaaring maging gabay sa pang-araw-araw na buhay.
b.   Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong upang mamulat ang mga mambabasa sa tunay na kalagayan
at sitwasyon ng isang pamayanan at sa mga gawi ng mga mamamayan.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 232 at 233 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan; ipabasa ang
nakasaad sa pahina 234 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang paggamit ng mga wastong panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan sa pagsulat ng isang teksto?
3.

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata sa Alamin Natin sa pahina 233 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina
234 ng batayang aklat.
3. Ipaliwanag kung paano ginagamit ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan at pag-usapan
kung bakit mahalagang gamitin ang mga ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a.   Ang anaporik at kataporik ng pangngalan ay dalawang uri ng pagpapatungkol.
b.   Ang anapora ay panghalip na ginagamit sa hulihan ng pangungusap.
c.   Ang katapora ay panghalip na ginagamit sa unahan ng pangungusap.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng anapora at katapora ng pangngalan.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 234 at 235 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante. 

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 235 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang dulang "Paghuhukom" sa mga pahina 237 hanggang 240 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano lumaganap ang dula sa Pilipinas?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik ng isang dula mula sa Luzon at humandang ibahagi ito sa klase.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 18
Ugnayan ng Katotohanan
Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: "Paghuhukom" (Dula) 
     Gramatika: Wastong Pagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagtutol

Mga Layunin
Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang maikling kuwento
Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento
Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap
Naisasagawa ang mimicry ng tauhang napili sa nabasa o napanood na dula
Naisusulat ang buod ng piling tagpo 
Nagagamit nang wasto ang mga paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 236–245

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano lumaganap ang mga dula sa Pilipinas?
Bakit mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagsang-ayon at pagtutol sa pagtugon sa anumang mensahe?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang magiging paksa ng araling tatalakayin ay tungkol sa dula.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 241 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi
ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 237 ng batayang aklat at ipasagot ang
mga tanong na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang dulang "Paghuhukom" sa mga pahina 237 hanggang 240. Ipabasa rin ang nakasaad sa Tandaan sa
pahina 238. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 241. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan.
a.   Paano lumaganap ang dula sa Pilipinas?
b.   Paano nakatulong ang dula sa pagpapalaganap ng kulturang Pilipino?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag
ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a.   Ang dula sa Pilipinas ay nagsimulang lumaganap noong panahon ng Kastila.
b.   May mga dulang gumagamit ng eksaheradong pantomina at mga nakakatawa at komikong pagsasalita.

Pagsasanay 
     Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 241 at 242 ng batayang aklat.

Paglalahat
     Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyanyte kung anong
mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang wastong pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol; ipabasa ang
nakasaad sa mga pahina 243 at 244 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagsang-ayon at pagtutol sa pagtugon
sa anumang mensahe?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin sa pahina 242 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa wastong pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol ayon sa nakasaad sa Talakayin
Natin sa mga pahina 243 at 244 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagtutol at pag-usapan kung bakit
mahalagang gamitin ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a.   May mga ekspresyon na ginagamit upang ipahayag ang pagsang-ayon. Ang oo, maaari, sadya, at sige ay ilan
lamang sa mga salitang ginagamit sa pagsang-ayon.
b.   Ang ayaw, hindi, wala, at huwag ay ilan lamang sa ekspresyon na ginamit sa pagtutol o hindi pagsang-ayon.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na nagpapahayag ng
pagsang-ayon o pagtutol. Maaari ding magbigay ng mga pahayag at hayaan silang sabihin ang kanilang pagsang-ayon o
pagtutol dito gamit ang mga ekspresyong tinalakay.

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 244 at 245 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 245 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
     Ipabasa ang Panapos na Gawain sa mga pahina 246 hanggang 250 ng batayang aklat.

Karagdagang Pagsasanay

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga hayop na nanganganib nang mawala sa pulo ng Luzon. Punan ang sumusunod
na talahanayan.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


Lugar kung saan
Siyentipikong Pangalan Pankaraniwang Pangalan
matatagpuan sa Luzon

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Panapos na Gawain para sa Yunit 3


Tema:
Lupang Nag-uugnay
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita

Paksang Aralin
     Pagsasagawa ng Pagbabalita (Newscasting)

Mga Layunin
Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagbabalita (newscasting) tungkol sa kanilang sariling lugar
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa ulat-balita
Nakadarama ng pagmamalaki sa nagawang pagtatanghal ng pangkat
Aktibong nakikilahok sa pagsasagawa ng pagbabalita (newscasting) tungkol sa sariling lugar/bayan
Nagagamit sa pagbabalita ang kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya, gaya ng computer at iba pa

Mga Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 246–250 
computer
mga impormasyon mula sa pahayagan o nasaliksik na mga datos
iskrip sa pagbabalita

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga natutuhan sa yunit 3 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga estudyante ng isa
o dalawang parirala o pangungusap na maglalagom ng kanilang pagkatuto.
2. Tumawag ng tatlo hanggang pitong estudyante upang ibahagi ito sa klase.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipasagot ang gawain sa Talasik sa pahina 248 ng batayang aklat.
2. Magkaroon ng malayang talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang balita sa Panimulang Gawain sa pahina 246 ng batayang aklat. Maaari ding magpabasa ng ibang mas
napapanahong balita.
2. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod ng gawain at magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga
estudyante.
3. Ipabasa ang nilalaman ng Pagtalakay sa mga pahina 246 hanggang 248 tungkol sa paggawa ng balita. Maglaan ng
sapat na oras sa pagbasa nang tahimik sa teksto.
4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa paksa. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling
Pag-isipan sa pahina 249 ng batayang aklat. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Bakit mahalaga ang isang balita?
b.   Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbasa ng balita?
c.   Paano nagagawa ang isang balita?
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konseptong nabuo mula sa talakayan. Lagumin ang mga
konseptong nabuo ng mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konseptong nabuo tungkol sa pagsasagawa ng balita tulad ng:
a.   Ang balita ay anumang ulat tungkol sa isang bago at mahalagang pangyayari. Layunin nitong mag-ulat at ipaalam
sa tao ang mga pangyayari sa kanilang kapaligiran at lipunang ginagalawan. Ito ay kadalasang maikli ngunit may kahulugan
ang nilalaman.
b.   May mga dapat tandaan bago sumulat ng balita tungkol sa isang lugar tulad ng:
        -    Makinig ng balita sa telebisyon o radyo tungkol sa inyong lugar o bayan.
        -    Mula sa pinakikinggan, magtala ng mahahalagang pangyayari at impormasyong may kinalaman sa inyong

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019


lugar.
c.   May mga salik din na dapat tandaan habang sumusulat ng balita tulad ng:
       -    Bumuo ng kawili-wili at makabuluhang pamagat.
       -    Magtala ng impormasyon o datos na magagamit sa pagsulat ng burador o draft.

Pagsasanay 
    Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 249 ng batayang aklat.

Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Tumawag ng ilang estudyante para magpahayag ng kanilang natutuhan sa buong aralin.
2. Hayaan ding magbigay ng komento o magdagdag ng ideya ang ibang estudyante tungkol sa inilahad ng kanilang
mga kamag-aaral.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang nakasaad sa Proyekto sa pahina 250 ng batayang aklat bilang paghahanda sa paggawa ng proyekto na
magsisilbing integrasyon ng mga natutuhan sa yunit 3. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para sa pagbasa.
2. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat o depende sa dami ng estudyante sa klase. Tiyakin na ang bawat kasapi ng bawat
pangkat ay may kani-kaniyang gawain.
3. Ipaliwanag sa mga estudyante ang rubrik sa pahina 250 na gagamiting pamantayan sa pagtatasa sa kanilang
mabubuong proyekto, gayundin sa gagawing pagtatanghal.
4. Ipagawa ang proyektong pagbuo ng balita tungkol sa kanilang lugar. Bigyan ng sapat na panahon ang mga
estudyante sa paggawa ng kanilang proyekto at paghahanda para sa pagtatanghal nito.
5. Ipatanghal ang nabuong proyekto ng bawat pangkat gamit ang makabagong teknolohiya.
6. Hikayatin ang mga estudyante na magbigay ng komento sa nabuong proyekto ng bawat isa.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang gawain A sa Pagtatapos ng Yunit sa pahina 251 kung saan ibibigay nila ang kanilang mga sagot sa
mahahalagang tanong sa buong yunit.
2. Magkaroon ng pangwakas ng pagsusulit para sa yunit. Idikta sa mga estudyante ang mga katanungan sa Panimulang
Pagtataya para sa Yunit 3 sa mga 172 hanggang 175. Maaari ding bumuo ng panibagong pagsusulit para sa yunit. Sabihin sa
mga estudyante na ang kanilang iskor sa pagsusulit na ito ay itatala na.
3. Ipagawa ang gawain C sa pahina 252. Lagumin ang yunit batay sa kanilang sagot sa 3-2-1 tsart at sa mga layunin ng
yunit. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino2019

You might also like