You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Yunit 3
Akdang Pampanitikan ng Afrika at Iran (Persia)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Pangkalahatang Layunin ng Yunit 3


Nailalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Africa at Iran
Naisusulat ang isang iskrip ng isang pagtatanghal tungkol sa kultura at kagandahan ng bansang Africa at Iran (Persia)
Nababatid ang sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng gramatika at retorika tulad ng paggamit ng pamantayan
sa pagsasaling-wika; gramatika, diskurso at estratehiya sa pagsulat, pagsusuri sa mga simbolismo at matatalinghagang
pahayag, pagpapakahulugan ng iba’t ibang damdamin, paggamit ng tuwiran at di-tuwiran pahayag sa paghahatid ng
mensahe sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng bansang Africa at Iran (Persia)
Napapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng bansang Africa at Iran (Persia) tulad ng mitolohiya, anekdota, tula,
epiko, maikling kuwento, sanaysay, nobela sa pamamagitan ng pagtangkilik at paggamit dito
Aktibong nakikilahok ang mga estudyante sa mga pagsasanay at talakayan na inihanda ng guro

Panimula
   
Ang Yunit 3 ay tatalakayin ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Africa tulad ng Kenya, South Africa,
Congo, gayon din ang akdang pampantikan ng Iran. Inaasahan na makatutulong ang gabay na ito sa mga guro upang higit na
maunawaan at mapahalagahan ng mga estudyante ang kultura at tradisyon ng mga bansa sa Africa at Iran sa pamamagitan ng 
mga akdang pampanitikan tulad ng mitolohiya, anekdota, tula, epiko, maikling kuwento, sanaysay, at nobela. Matutunan din ang
mga kasanayan at kaalaman sa gramatika/retorika tulad ng paggamit ng pamantayan sa pagsasaling-wika, gramatika, diskurso at
estratehiya sa pagsulat, pagsusuri sa mga simbolismo at matatalinghagang pahayag, pagpapakahulugan ng iba’t ibang
damdamin; paggamit ng tuwiran at di-tuwiran pahayag sa paghahatid ng mensahe sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng
bansang Africa at Iran (Persia).
    
Bilang paglalagom sa mga natutunan sa buong yunit, inaasahan na ang mga estudyante ay gagawa ng isang
pagtatanghal na makapaghihikayat na sa kagandahan ng mga bansang Africa at Iran. Gagawa rin ng isang iskrip na magiging
gabay sa pagtatanghal.

Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 3


Bakit mahalagang mapag-aralan at maunawaan ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Africa at Iran?
Paano makatutulong ang kaalaman at kasanayan sa wastong pagsasaling-wika, pagbibigay kahulugan sa ipinapahayag
ng iba’t ibang damdamin, pagpapahayag ng sariling pananaw, paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe at pagkakaroon ng kahusayan sa  gramatika, diskurso at estratehiya sa pagsulat, pagsusuri sa
mga simbolismo at matatalinghagang pahayag?

Mga Layunin Para sa Panimulang Pagtataya


Natatalakay ang dating kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Africa
at Iran sa pamamagitan ng panimulang pagtataya
Nailalarawan ang dating kaalaman sa gramatika at retorika sa mga paksang may kinalaman sa wastong pagsasaling-
wika, pagbibigay kahulugan sa ipinahahayag na damdamin, pagpapahayag ng sariling pananaw, tuwiran at di-tuwirang
paghahatid ng mensahe, at pagkakaroon ng kahusayang gramatikal, diskorsal, at estratejik sa pagsusulat at pagsusuri
Naiisa-isa ang mga kaalaman at kasanayan na dapat palalimin at palawakin.

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Sabihin sa mga estudyante na may pagtataya silang sasagutan. Ipaliwanag sa kanila na layunin nitong malaman ang
kanilang dating kaalaman at kasanayan, at mga konseptong hindi pa nila alam.  Ipaalam din sa kanila na ang iskor na makukuha
ay magsisilbi lamang gabay ng guro at hindi isasama sa pagmamarka.

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


1. Pasagutan ang Panimulang Pagtataya para sa Yunit sa mga pahina 198 hanggang 202 ng batayang aklat. Bigyan ng
sapat na oras ang mga estudyante sa pagsagot.
2. Itsek ang mga kasagutan ng mga estudyante. Tumawag ng ilang estudyante upang ibigay ang kanilang mga sagot. Itama
ang anumang pagkakamali nila.

Pagbubuod
Ipalagom ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng pagtataya.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang nakasaad sa Basahin Natin sa mga pahina 205 hanggang 207 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Ano ang pagkakaiba ng mga mitolohiya ng Africa at Iran?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa mitolohiya ng mga bansa sa Kanluran at maghanda para sa
malayang talakayan tungkol dito.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 13
Akdang Pampanitikan ng Afrika at Iran (Persia)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Panitikan: Liongo (Mito ng Kenya), Paglikha ng Daigdig (Mito ng Iran)
Gramatika: Pagsasaling-wika

Mga Layunin
Nailalahad at napapahalagahan ang pag-aaral ng mito ng mga bansa sa kenya at Iran bilang akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng pagbabahagi nito sa kapuwa estudyante
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng wastong pagsasaling-wika sa pagsasaling-wika sa mga akda ng daigdig
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensaheng napakinggang/nabasang bahagi ng akda
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mito ng Kenya at Iran
Aktibong nakikibahagi sa lahat ng talakayan at gawain na inihanda ng guro
Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Afrika at Iran

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina

Bilang ng Sesyon: 2 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga mitolohiya ng Africa at Iran?
Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika sa pag-unawa at pagpapalaganap ng mga akdang pampanitikan ng isang
bansa, tulad ng Kenya at Iran?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang paksang tatalakayin ay tungkol sa mito ng Kenya at ng Iran.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 207 at 208 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 204. Ipasagot din ang mga tanong na kasunod
ng gawain at magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang pagtalakay tungkol sa mito ng Kenya at ang buod ng mitong “Liongo,” gayundin ang tungkol sa mito ng
Persia at ang mitong “Paglikha ng Daigdig” sa mga pahina 205 hanggang 207 ng batayang aklat. Magbigay ng sapat na oras para
sa pagbabasa nang tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga katanungan sa talakayan ang
mga katanungan sa Muling Pag-Isipan. Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:
   a.   Bakit mahalaga ang mito bilang isang akdang pampanitikan?
   b.   Paano nakatutulong ang mito sa pagpapalaganap ng kulturang Pangkanluran?
   c.   Ano ang pagkakaiba ng mito mga taga Kenya sa mito ng bansang Iran?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan ang mga estudyante na
ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto.
5. Ilagom ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante. Ipaliwanagang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto
tulad ng:
a.   Ang mito tulad ng iba pang sinaung akdang pampanitikan ay nagpasalin-salin sa pamamagitan ng saling-dila. Ito rin ay
kabilang sa kuwentong-bayan.
b.   Ang mito bilang isang anyo ng panitikan ay naglalarawan ng mga gawi at kaugaliang ng isang bansa.
6.   Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 206 at 207.

Pagsasanay 
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan ng batayang aklat.

Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa pagsusuring pampanitikan, tanungin ang mga estudyante ng mahahalagang aral na
napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa pagsasaling-wika; ipabasa ang nakasaad sa pahina 212 ng
batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika sa pag-unawa at pagpapalaganap ng mga akdang
pampanitikan ng isang bansa tulad ng Kenya o Iran?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


INTEGRASYON SA GRAMATIKA
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng ilang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang pabula sa Alamin Natin sa pahina 211 ng batayang aklat at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa pagsasaling-wika batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 212 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga katangian ng isang mahusay na tagapagsalin, gayundin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasalin.
Pag-usapan kung bakit mahalaga ang pagsasalin sa pagpapalaganap ng mga akdang pampanitikan.
4. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
     a.   Ang pagsasalin ay ang paglilipat ng mensahe mula sa unang wika (FL) tungo sa ikalawang wika (SL).
   b.   Mahalagang ang wastong pagsasalin upang mapaabot nang tama ang mensaheng nais ipaabot ng may akda at upang
maunawaan ang mga babasa mula sa ikalawang wika ang mga akdang pampanitikan na isinalin.
    c.   Sa pagsasaling-wika ay isang pamamaraan upang maraming makababasa ng may pag unawa sa mga akdang
pamapanitikan isinalin tulad ng mito ng mga bansang Kenya at Iran. Sa pagsasalin, napapalaganap ang mga akdang
pampanitikan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
5. Magpakita ng isang teksto na maaaring isalin ng mga estudyante. Tumawag ng mga estudyante upang
magbigay ng sariling pagsasalin sa teksto.
\
Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 213 at 214 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
1. Ipabasa ang nakasaad sa Basahin Natin sa mga pahina 219 at 220 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano naiiba ang anekdota sa ibang akdang pampanitikan?

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 14
Ang Tuwa sa Kuwento
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Panitikan: Mullah,ang unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota ( mga anekdota mula sa Iran) ni M. Saadat Noury Halaw at salin
sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
Gramatika: Ang Gramatika, Diskurso, at Estratejik sa Pagsusulat at Pagsasalaysay ng orihinal na Anekdota

Mga Layunin
Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskurso, at estratehiya sa pagsusulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Naisususlat ang isang orihinal na komik.strip ng anekdota
Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalaogo, aside, soliloquy o monolog.
Naibibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng autor,at paraan ng pagsulat.
Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.

Mga Kagamitan
Batayang Aklat:  Bulwagan 10- Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, pahina 217-226

Bilang ng sesyon: 5 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon)

Mahahalaganag Tanong
Paano naiiba ang anekdota sa iba pang akdang pampanitikan?
Paano nakatutulong ang kahusayang gramatikal, diskorsal, at estratejik sa pagsusulat at pagsasalaysay ng orihinal na
anekdota?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa
takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipasagot ang Talasik sa mga pahina 220 at 221 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Pagsusuring Pampanitikan bilang panimulang gawain-pag-aalaala saanaekdota ng
Tsinelas ni Jose Rizal, ph 218 ng batayang aklat.
2. Tumawag ng 2-3 estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.
3. Ipasagot ang katanungan sa ‘Sagutin ang mga tanong’ sa ph.218 ng batayang aklat. Magkaroon ng talakayan sa
kasagutan ng mga estudyante.
4. Ipabasa ang “Mullah,ang unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota ( mga anekdota mula sa Iran) ni M. Saadat Noury
Halaw at salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida” sa pahina 219-220.  Magkaroon ng sapat na oras para sa pagbabasa ng
tahimik.
5. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto.  Gawing gabay ang mga katanungan sa talakayan ang
mga katanungan sa ‘Muling Pag-Isipan’ pahina 221.  Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:
    a. Paano naiiba anekdota sa iba pang akdang pampanitikan?
    b. Bakit na masa madalas gamitin ang anekdota sa mga pagbibigay ng aral o halimbawa?6. Ipabasa ang Tandaan sa pahina
219 at 220.
1. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa.
2. Hayaan ang mga estudyante na ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto.
3. Ilagom ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
4. Ipaliwanagang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
    a.   Ang anekdota ay naglalarawan ng kawili-wiling insidente o pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay nag-iiwan ng aral. Madalas
ito aynagsisimula sapersonal na karanasan ng may akda. Samantala, ang ibang uri nng akdang pampanitikan ay maaaring
nagsisimula sa karanasan ng iba at hindi nag-iiwan ng aral.
    b.   Madalas na ginagamit ang anekdota sa pagbibigay halimbawa sa dahilan na ito ay kawili-wiling pakinggan at basahin,
gayon din ito ay nag-iiwan ng aral.
Pagsasanay 
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay: ‘Masusing Gampanan’ titik A,B,C atD sa ph.222-223 ng batayang aklat.

Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa pagsusuring pampanitikan, tanungin ang mga estudyante ng mahahalagang aral na
napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Pag-aralan ang ‘Ang Gramatika, Diskurso, at Estratejik sa Pagsusulat at Pagsasalaysay ng orihinal na Anekdota   
anunuring Pampanitikan” sa pahina 222-223 ng batayang aklat.
2. Ipasagot :Paano nakatutulong ang kahusayan sa gramatika, diskurso, at estratejik sa Pagsusulat at Pagsasalaysay ng
orihinal na Anekdota?

INTEGRASYON SA GRAMATIKA

Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng ilang estudyante upang talakayin ang kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata sa ‘Alamin Natin’ sa Pagsusuring Panggramatika ph.223 ng batayang aklat at Ipasagot ang ’Sagutin
ang mga tanong’ sa ph.224 sa batayang aklat.
2. Talakayin ang Talakayin Natin- kahusayan sa gramatika, diskurso, at estratejik sa Pagsusulat at Pagsasalaysay ng
orihinal na Anekdota sa ph.224 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng kahusayan sa gramatika, diskurso, at estratejik sa Pagsusulat at Pagsasalaysay ng
orihinal na Anekdota at bakit mahalagang gamitin ito nang wasto. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa
talakayan tulad ng:
    a.   Ang kahusayan sa gramatika ay tumutukoy sa kahusayan sa balarila, sa paggamit ng mga bantas at sa pagbabaybay ng
mga salita.
    b.   Mahalaga ang paggamit ng mga estratejik sapagsusulat at pagsasalaysay.  Ang kahusayang estratejik ay ang kahusayan sa
paggamit ng  mga paraan sa pagsusulat ng isang teksto, tulad ng anekdota.

Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 225 at 226 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang kasagutan
ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtibayin Natin’ at Lagumin Natin sa pahina 227 ng batayang aklat.
2. Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang Aralin 15- Pagmamahalng Ina sa pahina 228-240 sa batayang aklat.
2. Ipasagot:  Paano mailalarawan ng mga akdang pampanitikan, tulad ng tula ang kultura ng isang bansa, tulad ng
Uganda?
3. Magpadala ng isang kuwento tungkol sa pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak (maaaring ibahagi ang sariling
karanasan).  Maghanda na ibahagi ito sa klase.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 15
Pagmamahal ng Ina
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Panitikan: Awit ng Ina sa kanyang Panganay: Awitin ng Paghehele ng mga Taga-didinga/Lango ( “song of a Mother to her
Firstborn: A Didinga or Lango Cradle Song,” Isang Tula mula sa Uganda) Salin sa Ingles ni Jack H.Driberg, Salin sa Filipino ni
Marina Gonzaga-Merida
Gramatika: Mga Uri at mga Elemento ng Tula 

Mga Layunin
Nauuri ang iba’t ibang tula atang mga element nito.
Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig.
Masigasig at matalinong nakikilahok sa mga talakayan.
Naiaatas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa.
Nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang simbolismo atmatatalinghagang pahayag sa tula.
Nasusuri ang kasiningan at bias ng tula batay sa napakinggan.

Kagamitan
Batayang Aklat:  Bulwagan 10- Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, pahina 228-240

Bilang ng sesyon: 5 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon

Mahahalaganag Tanong
Paano mailalarawan ng mga akdang pampanitikan, tulad ng tula ang kultura ng isang bansa tulad ng Uganda?
Ano ang iba’t ibang uri ng tula at mga element nito?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipasagot ang Talasik sa pahina 232 ng batayang aklat. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga
kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 229 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga
tanong na kasunod ng gawain at magkaroon ng talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “ Awit ng Ina sa kanyang Panganay: Awitin ng Paghehele ng mga Taga-didinga/Lango ( “song of a
Mother to her Firstborn: A Didinga or Lango Cradle Song,” Isang Tula mula sa Uganda) Salin sa Ingles ni Jack H.Driberg, Salin
sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida sa pahina 230-232.  Magkaroon ng sapat na oras para sa pagbabasa ng tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto.  Gawing gabay ang mga katanungan sa talakayan ang
mga katanungan sa ‘Muling Pag-Isipan’ pahina 233.  Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:
   a. Paano mailalarawan ng mga akdang pampanitikan, tulad ng tula ang kultura ng isang bansa tulad ng Uganda?        
   b. Ano ang pagkakatulad ng pagtingin ng isang ina sa kanyang anak sa kulturang Pilipino?6. Ipabasa ang Tandaan sa pahina
230at 231.
1. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa.
2. Ipaliwanagang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
   a. Ang mga akdang pampanitikan tulad ng tula ay naglalarawan ng mga kaugalian at tradisyon ng isang bansa tulad ng sa
Uganda.Inilalarawan ang mga ito sa isang masining na pamamraan upang higit itong kagiliwan at maunawaan.
   b.   May pagkakatulad ang pagtingin ng isang ina sa kanyang anak sa bansang Uganda sa Pilipinas. Parehong binibigyan
halaga ang bawat anak at ang bawat anak ay itinuturing na isang biyaya mula sa maykapal o bathala na dapat alagaan at mahalin.

Pagsasanay 
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 233 hanggang 235 ng batayang aklat.

Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang
aral ang napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga uri at elemento ng tula; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 236
hanggang 239 ng batayang aklat.
2. Ipasagot : ano ang iba’t ibang uri ng tula at element nito?

INTEGRASYON SA GRAMATIKA
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng ilang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata at tula sa Alamin Natin sa pahina 235 at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang mga uri at elemento ng tula batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 236 hanggang 239.
3. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
4. a. Ang tula ay isang sining at itinuturing na isa sa matandang anyo ng panitikan.
5. b. ang tulang naratibo, katutubong tula, tulang liriko, at tulangtuluyan ay ilan lamang sa iba’t ibang uri ng tula.
6. c. Ang sukat, tugma, talinghaga, simbolismo, indayog at kariktan at ilan lamang sa mga elelemnto na dapat isaalang-
alang sa pagsusulat ng isang tula. 

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 239 at 240 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtibayin Natin’ at Lagumin Natin sa pahina 240-241 ng batayang aklat.
2. Ipalagom ang mga kasagutan ng mga estudyanet ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-Aralin
1. Ipabasa ang Aralin 16- Pagpapahalaga sa Anak sa pahina 242-256 sa batayang aklat.
2. Ipasagot:  Paano ginamit ang mga pangunahing tauhan sa epiko ng Congo sa paglalahad ng kalagayang ng kanilang
lipunan?
3. Magpadala ng isang kuwento tungkol sa gawi ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng unang anak sa pamilya.  Maghanda
na ibahagi ito sa klase.

KARAGDAGANG PAGSASANAY/IMPORMASYON

Tukuyin kung anong uri ng tula ang mga sumusunod.


Tulang Tulyan       1. Tinatawag din itong tulang prosa.
Elehiya                 2. Tulang tumatalakay sa pamimighati at kamatayan.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Tanaga                     3. Tulang may apat na taludtod at may pitong pantig sa bawat taludtod.
Tulang Naratibo 4. Tinatawag din tulang pasaylaysay.
Dalit                           5. Ito ay tulang may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin.
Diona                         6. Ito rin ay tinawatag na tulang pangkasal.
Korido                       7. Biinubuo ng mga taludtod na may tigwawalong pantig na nagsasalaysay ng isang kasaysayan at
nagdudulot ngmabuting aral.
Haiku                         8. Ito ay isang tula na binubuo ng tatlong taludtod na may lima, pito at limang pantig.
Tulang Moderno 9.Ito ay tula na may Malayan at malawak n adamdamin ng awtor.
Epiko                           10. Ito ay tumatalakay sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng pangunahing tauhan.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 16
Pagpapahalaga sa Anak
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Panitikan: Bawal na Anak (No Sons! A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)ni Aaron Shepard (retold) Isinalin
sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
Gramatika: Mga Pahayag sa Pagpapakahulugan sa Nangingibabaw na Damdamin sa Isang Akda 

Mga Layunin
Nagagamit ang wastong mga pahayag sa epiko na nagbibigay kahulugan sa damdamin.
Pasulat na susuri ang damdaming nakapaloob sa epiko at ng alinmang social media.
Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng epiko sa sarili, panlipunan, pandaigdig
Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
Naiuugnay ang mgalugar, kondisyon ngpanahonat kasaysayan ng epikong binasa.
Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi nng epiko sa pandaigdigangpanyayari sa lipunan.

Mga Kagamitan
Batayang Aklat:  Bulwagan 10- Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, pahina 242-256

Bilang ng sesyon: 5 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano ginamit ang mga pangunahing tauhan sa epiko ng Congo sa paglalahad ng kalagayan ng kanilang lipunan?
Bakit mahalaga ang wastong pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa isang akda?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipasagot ang Talasik sa pahina 251 ng batayang aklat. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga
kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 243 ng batayang aklat bilang panimulang gawain.
Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.
2. Ipasagot ang katanungan sa ‘Sagutin ang mga tanong’ sa ph.243 ng batayang aklat. Magkaroon ng talakayan sa
kasagutan ng mga estudyante.
3. Ipabasa ang “ Bawal ang Anak ( No Sons!A Superhero Tale of Africa, Isang Epiko mula sa Congo)ni Aaron Shepard
(retold) Isinalin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida, sa pahina 243-250.  Magkaroon ng sapat na oras para sa pagbabasa ng
tahimik.
4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto.  Gawing gabay ang mga katanungan sa talakayan ang
mga katanungan sa ‘Muling Pag-Isipan’ pahina 252.  Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:
   a. Paano ginamit ang mga pangunahing tauhan sa epikong Congo sa paglalahad ng kalagayan ng kanilanng lipunan?        
   b. Bakit mahalaga ang anak na abbae sa lipunan ng bansang Congo? Tulad din ba ito sa Pilipinas? Pangatwiranan.
1. Ipabasa ang Tandaan sa pahina 244,245 at 246.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


2. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan ang mga
estudyante na ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Ilagom ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
3. Ipaliwanagang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
   a.   Inilalarawan ng mga pangunahing tauhan sa epiko ang tunay na kalagayan ng kanilang lipunan tulad ng paglkakaiba ng
pagpapahalaga sa mga kababaihan at kalalakihan.
   b.   Mahalaga ang kababaihan sa pamilya sa bansang Congo, dahil kapag ito ay nag-asawa,babayaran ang pamilya nng babae
ng ayon sa kagustuhang ng kanyang pamilya at kinakailangan na ito ay gawin ng pamilya nglalaki kahit siya ay mahirap.
(Malayang pagsagot)

Pagsasanay 
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay: ‘Masusing Gampanan’ titik A,B,at C sa ph.252-253 ng batayang aklat.

Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa pagsusuring pampanitikan, tanungin ang mga estudyante ng mahahalagang aral na
napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Pag-aralan ang ‘Mga pahayag sa Pagpapahalaga sa Pagpapakahulugan sa Nangingibabaw na damdamin sa Isang
Akda” sa pahina 254-255 ng batayang aklat.
2. Ipasagot :Bakit mahalaga ang wastong pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa isang akda?

INTEGRASYON SA GRAMATIKA
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng mga estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata sa ‘Alamin Natin’ sa Pagsusuring Panggramatika ph.253 ng batayang aklat at Ipasagot ang ’Sagutin
ang mga tanong’ sa ph.254 sa batayang aklat.
2. Talakayin ang Talakayin Natin-Mga Pahayag sa Pagbibigay-Kahulugan sa Damdaming Nangingibabaw sa isang
Akda, ph.254-255 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa isang akda at bakit
mahalagang gamitin ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
   a. Upang matiyak na wasto ang mga pahayag, kinakailang na tukuyin ang damdamin at ang tono nng akda.
   b. Ang damdamin ay tumutukoy sa naging emosyon ng mambabasa sa binasang sanaysay.
   c. Ang tono ay tumutukoy sa emosyon ng mababasa sa binasang akda.  
5. Magbigay ng ilang pahayag na may ipinahihiwatig na tiyak na damdamin. Tumawag ng mga estudyante
upang magbigay ng sariling pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa pahayag.

Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 256 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtibayin Natin’ at Lagumin Natin sa pahina 257 ng batayang aklat.
2. Ipalagom ang mga kasagutan ng mga estudyanet ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang Aralin 17- Ang Liwanag ng Africa sa pahina 258-268 sa batayang aklat.
2. Ipasagot:  Paano nakatutulong anng mg akdang pampanitikan na tulad ng sanaysay sa pagpapalaganap ng panitikan ng
Africa?
3. Magpadala ng isang kuwento tungkol sa Africa.  Maghanda na ibahagi ito sa klase.

KARAGDAGANG PAGSASANAY/IMPORMASYON
Tukuyin ang pangunahing damdamin na inilarawan ng mga sumusunod na tauhan sa epikong “Bawal na Anak na
Lalaki”.
1. She-Mwindo - _____________________________
2. Pitong asawang datu - ___________________________
3. Mwindo- _________________________________________
4. Tagapayo ng datu - _______________________________
5. Tiya Iyangura - __________________________________
6. Mga kababaihan na tagapagsilbi ni Tiya Iyangura - ________
7. Mga musikero - _________________________________
8. Kalalakihan ng Tubondo - ________________________
9. Mamamayan ng Tubondo - __________________________

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 217.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.

Takdang-Aralin
     Ipabasa ang buod ng Epiko ni Gilgamesh sa mga pahina 219 hanggang 224 ng batayang aklat. 

Karagdagang Pagsasanay
      Isagawa ng gawaing pinamagatang “Mula-mat: Ang Pinagmulan.” I-print ang mga alamat na inyong
nilikha sa gawain C ng Himayin Natin sa pahina 217 ng batayang aklat. Ipaskil ang mga ito upang mabasa ng inyong mga
kamag-aaral. Magbigay ng mga puna sa isinulat ng isa’t isa para sa ikauunlad ng mga alamat.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Aralin 17
Ang Liwanag ng Africa
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Panitikan: Long Walk to Freedom (Sanaysay mula sa Africa)ni Mielad Al Oudt Allah Salin ni Marina Gonzaga-Merida
Gramatika: Mga Tuwiran at Di-Tuwirang Pagpapahayag ng Mensahe

Mga Layunin
Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe.
Naisusulat aang isang talumpati na pang-sona.
Naisasagawa ang isang radyong pantanghalan tungkol sa SONA ng Pangulo ng Pilipinas.
Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)
Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda.
Naipaliliwanag anng mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.

Kagamitan
Batayang Aklat:  Bulwagan 10- Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, pahina 258-268

Bilang ng sesyon: 5 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon

Mahahalaganag Tanong
Paano nakatutulong ang mgaakdang pampanitikan na tulad ng sanaysay sa pagpapalaganap ng panitikan ng Africa?
Bakit mahalaga ang mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahahayag sa paghahatid ng mensahe?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang Talasik sa pahina 259 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang
kanilang mga kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Pagsusuring Pampanitikan bilang panimulang gawain- ’mga pahayag na maiuugnay kay
Nelson Mandela, ph 259 ng batayang aklat. Tumawag ng 2-3 estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan. Ipasagot ang
katanungan sa ‘Sagutin ang mga tanong’ sa ph.259 ng batayang aklat. Magkaroon ng talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “ Long Walk to Freedon (Sanaysay mula sa Africa)ni Mielad Al Oudt Allah    Isinalin sa Filipino ni
Marina Gonzaga-Merida, sa pahina 259-262.  Magkaroon ng sapat na oras para sa pagbabasa ng tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga katanungan sa talakayan ang
mga katanungan sa ‘Muling Pag-Isipan’ pahina 263-264. Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:
4.    a. Paano nakatutulong anng mga akdang pampanitikan na tulad ng sanaysay sa pagpapalaganap ng panitikan sa
Africa?        
   b. Paano nailalahad sa isang sanaysay ang kalagayang panlipunan ng isang bansa.
1. Ipabasa ang Tandaan sa pahina 260,261 at 262.
2. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan ang mga
estudyante na ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Ilagom ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
3. Ipaliwanagang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Malaki ang kahalagahanng mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay sa pagpapalaganap ng panitikan ng
Africa sa dahilan sa pammagitan ng isang sanaysay, nailalahad anng katotohanan sa mga pangyayari, ang
tunay na sitwasyon na naglalrawan sa mga gawi at kultura ng isang bansa (malayang pagsagot).
   b. Sa pamamagitan ng sanaysay, nagiging daan  ito upang mabasa at malaman ang saloobin ng mga
mamamayan sa isang bansa ng mga nakararaming tao. (Malayang pagsagot)

Pagsasanay at Paglalahat:
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay: ‘Masusing Gampanan’ titik A,B,atC sa ph.264-265 ng batayang aklat.

Pagsasanay 
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay: ‘Masusing Gampanan’ titik A,B,at C sa ph.264-265 ng batayang aklat.

Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa pagsusuring pampanitikan, tanungin ang mga estudyante ng mahahalagang aral na
napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag ng mensahe; ipabasa ang
nakasaad sa mga pahina 265 at 266 ng batayang aklat.
2. Ipasagot :Bakit mahalaga ang mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag sa paghahatid ng mensahe?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


INTEGRASYON SA GRAMATIKA
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng ilang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata sa ‘Alamin Natin’ sa Pagsusuring Panggramatika ph.265 ng batayang aklat at Ipasagot ang ’Sagutin
ang mga tanong’ sa ph.265 sa batayang aklat.
2. Talakayin ang Talakayin Natin- ang Mga Tuwiran at Di-Tuwirang Pagpapahayag sa Paghahatid ng Mensahe, ph.265-
266 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang kahalagahan ng mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag sa paghahatid ng mensahe,at bakit
mahalagang gamitin ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
   a. Sa paghahatid ng mensahe, maymga pamamaraan at mga pahayag na maaaring gamitin upang ito ay maunawaan ng ating
kausap o tatanggap ng mensahe.
   b. ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensiya kaya ito’y kapani-paniwala.
   c. Maaaring gamitin ang mga pang-ugnay gaya ng sa katunayan, sa totoo lang, ang totoo, bilang patunay ay ilang lamang
sa maaaring gamitin Sa pagbabapahayag. 
6.   Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga salitang o pahayag sa pagbibigay ng mga
tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag sa paghahatid ng mensahe.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 266 at 267 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtibayin Natin’ at Lagumin Natin sa pahina 267-268 ng batayang aklat.
2. Ipalagom ang mga kasagutan ng mga estudyanet ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang Aralin 18- Salamin ng Kultura sa pahina 269-278 sa batayang aklat.
2. Ipasagot:  Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan ng Nigeria, tulad ng nobela nito sap ag-unawa at
pagpapahalaga sa kultura ng bansa?
3. Magpadala ng isang kuwento tungkol sa Nigeria.  Maghanda na ibahagi ito sa klase.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

Aralin 18
Salamin ng Kultura
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Panitikan: Paglisan (Things Fall Apart, Isang Nobela mula sa Nigeria) ni Chinua AchebeIbinuod at isinalin sa Filipino ni Julieta
Rivera 
Gramatika: Pagsusuri ng Pelikula at Paggamit ng Angkop na mga Pang-abay

Mga Layunin
Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa panunuring pampelikula nang may kaisahan at
pagkakaugnay ng mga talata.
Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalarawan sa tradisyong kinamulatan sa Africa at /o Persia.
Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show.
Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan.
Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan na angkop dito.
Natutukoy ang puna tungkol sa napakinggang pagtatanghal.

Kagamitan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Batayang Aklat:  Bulwagan 10- Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, pahina 269-278
Bilang ng sesyon: 5 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon)

Mahahalaganag Tanong
Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan ng Nigeria, tulad ng mga nobela nito sap ag-unawa at
pagpapahalaga sa kultura ng bansa?
Bakit mahalagang magamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa isang panunuring pampelikula?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang Talasik sa mga pahina 273 at 274 ng batayang aklat. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga
kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Pagsusuring Pampanitikan bilang panimulang gawain- ’Mga Tradisyong Pilipino na
ginagawa pa hanggang ngayon, ph 270 ng batayang aklat. Ipasagot ang katanungan sa ‘Sagutin ang mga tanong’ sa ph.270 ng
batayang aklat. Magkaroon ng talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa ang “Paglisan” ( Things Fall Apart, Isang Nobela mula sa Nigeria) ni Chinua AchebeIbinuod at isinalin sa
Filipino ni Julieta Rivera , sa pahina 270-273.  Magkaroon ng sapat na oras para sa pagbabasa ng tahimik.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga katanungan sa talakayan ang
mga katanungan sa ‘Muling Pag-Isipan’ pahina 274.  Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:
   a. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan ng Nigeria, tulad ng mga nobela nito sa pag-unawa at pagpapahalaga sa
kultura ng bansa?        
   b. Paano nakatutulong ang pagsasapelikula ng mga nobela na naglalarawan sa kultura ng isang bansa?
1. Ipabasa ang Tandaan sa pahina 271,272 at 273.
2. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mga mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan ang mga
estudyante na ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Ilagom ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
3. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
   a. nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng nobela sa pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura ng isang bansa sa
pamamagitan ng pagsasatitik o pagsulat ng mga gawi, tradisyon, maging ang kanilang relihiyon na nagiging daluyan  higit na
pagpapahalaga at pag-unawa sa kanila kultura tulad ng bansang Nigeria. (Malayang Pagsagot)
   b. Ang pagsasapelikula ng isang nobela na tumatalakay sa isang kultura tulad ng bansang Nigeria na napapanood ng mga
maraming tao ay nakatutulong sa pagpapalaganap at pag-unawa ng kanilang kultura. (Malayang pagsagot)

Pagsasanay
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay: ‘Masusing Gampanan’ titik A,B,atC sa ph.274-275 ng batayang aklat.

Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa pagsusuring pampanitikan, tanungin ang mga estudyante ng mahahalagang aral na
napulot nila mula rito.

Takdang-aralin
1. Pag-aralan ang ‘Pagsusuri ng Pelikula at Paggamit ng Angkop na mga Pang-abay ” sa pahina 276-277 ng batayang
aklat.
2. Ipasagot :Bakit mahalagang magamit ang mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa isang panunuring pampelikula?

INTEGRASYON SA GRAMATIKA
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng mga estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang talata sa ‘Alamin Natin’ sa Pagsusuring Panggramatika ph.275-276 ng batayang aklat at Ipasagot
ang ’Sagutin ang mga tanong’ sa ph.276 sa batayang aklat.
2. Talakayin ang Talakayin Natin- ang Pagsusuri ng Pelikula at Paggamit ng Angkop na mga Pang-ugnay, ph.276-277 ng
batayang aklat.
3. Ipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng :
   a.  sinusuri ang isang pelikula sa pamamagitan ng pagpapaliwanag at paglalarawan ng mga element nito batay sa pagtingin ng
manunuri.
   b.  Pangunahin sa binibigyan-pansin sapagsusuri ng isang pelikula ay ang iskrip, tunog o musika, sinematograpiya,
kaangkupan ng tauhan, at tagpuan.
   c.  Sa pagsusuri, mahalaga ang paggamit ng mga pag-ugnay upang mahabi ang ideya sa mga pangungusap at talata.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 277 at 278 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang
kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtibayin Natin’ at Lagumin Natin sa pahina 279 ng batayang aklat.
2. Ipalagom ang mga kasagutan ng mga estudyanet ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-Aralin

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


Ipabasa ang Panapos na Gawain sa pahina 280-288 sa batayang aklat.

KARAGDAGANG PAGSASANAY/IMPORMASYON
PANUTO: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay naayon sa paksang tinalakay at Mali kung ito ay hindi
naaayon sa paksang tinalakay.
Tama 1. Ang teoryang Humanismo ay nagbibigay-diin sa pagkatao ng mga tauhan.
Mali 2. Pinatay ni Ezeudu ang kanyang anak-anakan.
Tama 3. Si Okonkwo ay isangmatapang at respaetadong mandirigma.
Tama 4. Sa teoryang Marxismo ay nagbibigay-diin sa relasyong nagpapakita ng di-pantay na relasyon tulad ng malakas at
mahina, mayaman at mahirap.
Tama 5. SiIkemefuna ang anak-anakan ni Okonkwo.
Mali 6.Winasak ng mga puti ang bayan ng Abanko.
Tama 7. Layuninng mga misyonero na dalhin ang kristiyanismo sa kanilang bayan.
Tama 8.  Ang bayan ng Mbanta ang isa sa bayan na nagturo ang mga misyonero tungkol kay kristo.
Tama 9. Ang puppetry ay isang teatrong pagtatanghal na gumagamit ng manipulasyon.
Mali 10. Si G. Kiaga ay isang manunulat na tumulong sa mga misyonero. 
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.


(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte
“Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.”

PANAPOS NA GAWAIN para sa Yunit 3

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Iran
(Persia)

Pamantayan sa Pagganap: Nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang


pampanitikan

Mga Paksang Aralin


Pagsulat ng Iskrip

Mga Layunin
Naisasagawa ng mga estudyante ang malikhaing pagtatanghal tungkol sa kultura at kagandahan ng bansang Africa at
Iran
Nabibigyang puna/mungkahi ang na buong iskrip na gagamitin sa pagtatanghal
Nakadarama ng pagmamalaki sa nagawang pagtatanghal
Aktibong nakikilahok sa pangkatang gawain
Nabibigyang-puna ang pagtatanghal gamit ang mga ekspresyong naghahayag ng sariling pananaw

Mga Kagamitan
Batayang aklat: Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan
Mga halimbawa ng mga props na gagamitin sa pagtatanghal tulad ng tela, ilaw, trapal at iba pa.; Iskript na gagamitin sa
pagtatanghal

Bilang ng Sesyon: 4 sesyon (40 minuto sa bawat sesyon)


iskrip na gagamitin sa pagtatanghal

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga natutunan sa Yunit 3 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga estudyante ng isa
hanggang 2 salita o parirala na maglalagom ng kanilang pagkatuto.
2. Tumawag ng 3-7 mga estudyante upang ibahagi ito sa klase.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipasagot ang Talasik sa pahina 283. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang pagsasanay sa Panimulang Gawain ng batayang aklat. Tumawag ng 2-3 estudyante upang ibahagi ang
kanilang kasagutan.
2. Ipasagot ang mga katanungan sa Sagutin ang mga tanong  ng batayang aklat. Magkaroon ng talakayan sa kasagutan ng
mga estudyante.
3. Ipabsa ang Pagbuo ng Iskript. Maglaan ng sapat na oras sa pagbasa ng tahimik sa teksto.
4. Magakaroon ng malayang talakayan sa Pagbuo ng Iskrip. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling
Pag-isipan ng batayang aklat. Idagdag ang mga sumusunod na katanungan:

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino


   a. Ano ang iskrip? Bakit mahalaga ito sa isang pagtatanghal?
   b. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsulat ng isang iskrip?
   c. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng iskrip?
5.   Ipasulat sa pisara ang mga mahahalagang konsepto na nabuo mula sa talakayan. Ilagom ang mga konseptong nabuo ng mga
estudyante. Ipaliwanag ang mahahalagang konseptong nabuo tungkol sa pagsulat at pagbasa ng tula, tulad ng:
   a. Ang iskrip ay ang nabuong teksto para sa isang programa.
   b. Screen plays, iskrip para sa radyo, news scriptay ilan lamang sa mga uri ng iskrip.
   c. May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulatng iskrip tulad ng sino ang gagamit o audience; ano ang layunin at para
kanino ang pagsulat ng iskript.

Pagsasanay 
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan ng batayang aklat.

INTEGRASYON SA PAGSASAGAWA NG PROYEKTO

Pagbabalik-aral at Pagganyak
Tumawag ng 1-3 estudyante para mapahayag ang kanilang natutunan sa buong aralin.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang proyekto bilang itegrasyon sa mga natutunan sa Yunit 3 Akdang Pampanitikan ng Africa at Iran ng
batayang aklat. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na basahin ang talata.
2. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Tiyakin na ang bawat kasapi ng bawat pangkat/grupo ay may kani-kaniyang
gawain.
3. Ipagawa ang proyekto. Ilinaw sa mga estudyante ang inaasahan sa kanila.
4. Ipaliwanag ang rubric sa mga estudyante. Sabihin na ang rubric ang magiging pamantayan sa pagtatasa sa kanilang tula
na nabuo, gayon din sa kanilang pagtatanghal.
5. Bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante sa paghahanda sa kanilang pagtatanghal tungkol sa kultura at
kagandahan  ng bansang Africa at Iran.
6. Ipatanghal ang nabuong iskrip na naglalarawan ng kultura at kagandahang mga bansa sa Africa at Iran.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang Pagtatapos ng Yunit (titik A) ng batayang aklat.
2. Magkaroon ng Pangwakas na Pagsusulit para sa Yunit. Idigta sa mga estudyante ang mga katanungan sa Panimulang
Pagtatayo ng Yunit.
3. Ipagawa rin ang pagsasanay sa titik C ng Mahahalagang Konsepto ng batayang aklat. Sabihin ang iskor sa kanilang
pagsusulit ay itatala ng guro. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 10 Yunit 3 (3rd Quarter) FSSaladino

You might also like