You are on page 1of 2

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO AT WIKANG INGLES

Ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles ay higit na mahalaga upang mas

lalong mahasa ang ating karunungan at kagalingan sa mga salitang tagalog at ingles,bukod dito,

ito rin ay nakadaragdag sa ating mga bokabularyo.

Ang naratibong ito ay naglalayong magbigay ng ulat ukol sa paggamit ng wikang

Filipino at wikang Ingles. Ito ay may layuning makapagbigay ng kaalaman sa kung paano ang

paggamit ng wikang Filipino at Ingles,matukoy kung ano ang kadalasang ginagamit sa pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan at malaman kung ano ang mas epektibing gamitin sa

pakikipag-komunikasyon.

Nangalap ako ng mga datos mula sa mga kilala kong propesyunal na nagtratrabaho sa

paaralan bilang guro, sa bangko bilang bank teller, sa office bilang secretary at sa company

bilang call center agent.

Narito ang kabuuan ng kanilang mga kasagutan sa aking mga katanungan na may

kinalaman sa kung paano ang paggamit nila ng wikang Filipino at wikang Ingles.

Ayon kay Sir Jorel, isang bank teller ng MPRBI Cauayan branch, mas epektibong

gamitin ang wikang Filipino sa pakikipag-komunikasyon sa araw-araw, lalo na dito sa probinsya,

ito ang nakasanayang gamitin upang ang bawat isa ay magkaintindihan.

Ayon naman kay Sir Earon, isang kalihim sa Mayor’s office, mas madalas daw niyang

gamitin ang wikang Filipino kaysa Ingles,mas komportable siyang gamitin ito at ito na ang

kanyang nakasanayan.
Ayon naman kay Ma’am Liezel, isang guro sa SJNHS, kahit na daw minsan Ingles ang

asignaturang itinuturo niya, wikang Filipino pa rin daw ang ginagamit niya sa pagpapaliwanag

upang higit na maunawaan ng kanyang mga estudyante.

At para naman kay Sir Jayson, isang call center agent sa Manila, mas ginagamit daw niya

ang wikang Ingles sa kanyang trabaho lalo na kapag International call. At sa company daw nila,

mas higit na ginagamit ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

Samakatuwid, ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles ay nakabatay pa rin sa

kung ano ang nakasanayan, sa kung ano ang iyong trabaho at kung saan ka mas komportable. At

sa aking paghihinuha, napagtanto ko na mas madalas pa ring gamitin ang wikang Filipino bilang

wikang panturo,wikang opisyal at wikang pambansa. Mas nananaig pa rin ang paggamit natin sa

ating sariling wika. Huwag tayong magpakain sa sistema ng modernisasyon. Lagi nating

isapuso’t isaisip na Filipino ang wika natin.

You might also like