You are on page 1of 3

Department of Education

Region VI – Western Visayas


Division of Iloilo City
BO. OBRERO NATIONAL HIGH SCHOOL
Dama de Noche St. Bo. Obrero, Lapaz, Iloilo City

Banghay-Aralin sa Filipino 10

Ikatlong Markahan - Aralin 3.2

I. Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube.
(F10PD-IIIb-75)

B. nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota. (F10PN-IIIb-77)

C. naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Persia at Pilipinas.

D. nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, aral, atbp.
(F10PB-IIIb-81)

E. nakagagawa ng gawaing inatas batay sa hilig, interes, talento at kakayahan

II. Paksa: Aralin 3.2


Panitikan: Saadi (Anekdota)
Isinalin ni: Roderic P. Urgelles
Halagang Pangkatauhan: Pagiging matalino sa pagboto

III. Kagamitan
Modyul sa Filipino 10 p. 258-259
Gabay ng guro - 181
Mga ginupit na kartolina
larawan
TV, Flash drive, Laptop

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral
 Ano ang anekdota?
 Ano ang pipiliin niyo sa akasya at kalabasa? Bakit?
COT 4
2. Pangganyak
Physical learning Sa pamamagitan ng larong “Pic-Pick-Paste”, ang mag-aaral ay ipapangkat sa lima.
Bawat pangkat ay maghahanap ng isang miyembro at sila ay mag-uunahan sa
paghahanap ng larawan sa pisara na may kaugnayan sa salitang babanggitin. Ibubukod
sa kabilang bahagi ng pisara ang mga larawan. Ito ay gagamitin sa pagbuo ng ideya
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Iloilo City
BO. OBRERO NATIONAL HIGH SCHOOL
Dama de Noche St. Bo. Obrero, Lapaz, Iloilo City

tungkol sa aralin. Ipaalala sa mga mag-aaral ang isportmansyip na nalaman sa mga


laro lalong lalo na sa asignaturang MAPEH.

COT 8 3. Presentasyon
Pagpapanood ng video tungkol sa Persia. Magbigay ng mga ideyang nahihinuha
ICT sa video at pati na rin sa mga larawang nabukod.

B. Pagtalakay

1. Ipapakita ang video ng anekdota ng Saadi.

2. Pagsagot sa mga tanong:

A. Anong katangian ang pinamalas ni Saadi batay sa anekdotang nasulat?


COT 3
B. Magbigay ng sariling opinyon sa napanood na video ng anekdota.
C. Bakit kaya hindi nagtaas ng ulo ang Monghe sa pagdaan ng Sultan?
HOTS D. May karapatan bang magalit ang Sultan sa ginawa ng Monghe? Bakit?
E. Ano ang ibig sabihin ng huling pahayag ng Monghe para sa Sultan?
F. Ano kaya ang damdaming nangingibabaw sa sumulat ng anekdota? Patunayan.
G. Ano ang ugnayan ng huling pahayag ng Monghe sa nalalapit na halalan?
H. Ano ang aral o mensahe na nais iparating ng manunulat?
I. Magbigay ng parehong sitwasyon mula sa anekdota at sa ating lipunan.
J. Ano ang kulturang masasalamin sa anekdota ng taga-Persia?

C. Paglalapat

1. Bakit kailangan nating maiparating sa kinauukulan kung may makita tayong kamalian
COT 3
sa pamamahala?
HOTS
2. Kung kayo, bilang Monghe ano ang gagawin niyo upang matukoy at malaman ng iba
ang katiwaliang nangyayari sa lipunang kinabibilangan?

3. Bilang kabataan, ano ang maaring gawin upang maiwasan ang sinasalamin ng
anekdotang napanood?

D. Paglalahat
COT 1

Across Curriculum

1. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Persia at Pilipinas.

2. Isa-isahin ang mga larawang-diwa o ideya na mabubuo mula sa anekdota.


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Iloilo City
BO. OBRERO NATIONAL HIGH SCHOOL
Dama de Noche St. Bo. Obrero, Lapaz, Iloilo City

E. Pagtataya
COT 9

Formative

Suriin ang paksa, tagpuan, tauhan, mensahe o aral, nilalaman ng anekdota at paraan ng
pagkakasulat gamit ang tsart.

Pagsusuri Mula sa Anekdota ni Saadi

Paksa

Tagpuan

Tauhan

Mensahe o aral

Nilalaman

Paraan ng pagkakasulat

V. Gawain

Pagpangkatin sa lima ang mga mag-aaral. Sila ay papangkatin ayon sa hilig, interes,
talento at kakayahan. Ang bawat pangkat ay aatasan ng mga gawain na may kaugnayan sa
COT 6
tinalakay na akda.
Differentiated Learning
Experiences Pangkat 1: Pagguhit ng makukuhang aral sa akda
Pangkat 2: Paggawa ng awit batay sa paksa ng anekdota
Pangkat 3: Maikling Dula na may kaugnay na sitwasyon sa anekdota
Pangkat 4: Tula tungkol sa aral o mensahe
Pangkat 5: Pagsulat ng maikling anekdota
COT 2

Literacy and Numeracy Bawat pangkat ay maghahanda ng pinagkasunduang rubriks para sa pamantayan ng
inatas na gawain gamit ang kaalaman sa English at Mathematics.

Inihanda ni:

Ronald P. Gedor

Teacher 1

You might also like