You are on page 1of 2

ASYNCHRONOUS

Maaari ninyong i-print ang gawaing ito.

Paano ito ipapasa?


Ipasa ang .jpg o .docx na kopya ng gawaing ito sa VSmart Library o sa aking
Messenger account.

I. Tukuyin kung anong isyu ang inilalarawan sa sumusunod na mga


pangyayari.

Isyung Politikal 1. Binayaran at tinanggap ni Manuel ang 1000 pesos


upang suportahan at iboto sa eleksiyon ang kandidato
ng pagka-mayor na si G. Jose Navarro.
Isyung Pangkapaligiran 2. Plano ng XY Company na putulin ang mga puno sa
isang kagubatan sa Lungsod Payapa upang magtayo
ng isang pabrika.
Isyung Panlipunan 3. Pinagtatawanan si Julio ng kanyang mga kamag-aral
dahil sa kanyang kayumangging kulay at kulot na
buhok.
Isyung Pangkapaligiran 4. Madumi at mabaho na ang Ilog Vila dahil sa mga
tinatapong basura ng mga taong nakatira sa
komunidad.
Isyung Pangkalinangan 5. Ayaw ni Ronald na sinusuot ang tradisyonal nilang
kasuotan dahil nahihiya siya sa kanyang mga
kaibigan.

II. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Paano nagkakaiba ang isyung estruktural sa isyung teritoryal?


Ang isyung teritoryal ay nahahati lamang sa tatlo habang ang isyung
estruktural ay nahahati sa lima bukod don mas malaki ang sakop ng isyung
teritoryal dahil ang sinusukat nito ay pang local hanggang internasyonal ang
struktural naman ay mas tiyak dahil mas ispesipiko ang tinatahak nitong mga
issue tulad ng pangkapaligiran, pangkalinangan, panlipunan at madami pang
iba.

2. Ano ang pinakamahalagang kontemporaryong isyung kinakaharap ng


mga mamamayan sa iba’t ibang sulok ng daigdig? Bakit?
Ito ay ang Covid-19 dahil isa ito sa mga pinakamapanganib na
kontemporaryong isyu at ito ay marami nang tinapos na mga buhay at
patuloy pang kumakalat, ang mas malala ay wala pang nahahanap na
bakuna para dito sa nasasabing epidemyang ito.

III. Pumili ng isang kontemporaryong isyu sa kasalukuyang mga balita.


Pagkatapos, sagutin ang mga tanong:

1. Isyu: Covid-19
2. Bakit mo napili ang isyung ito? Bakit ito mahalaga?
Dahil ito ay nakamamatay at marami nang buhay na sinira at tinapos dulot
lang ng virus na yan.

3. Sa iyong palagay, anong klaseng kontemporaryong isyu ito?


Ito ay isang uri ng Isyung Internasyonal

4. Ano ang katuturan ng kontemporaryong isyung ito sa mamamayang


Pilipino?
Paalala ito sa mga Pilipino na laging manatiling malinis at ingatan ang sarili
sa lahat ng oras dahil sa laban na ito hindi natin nakikita ang ating
kalaban. Importante din na magkaisa tayo lalo na sa mga panahon ngayon
sama sama tayo magtulungan.

You might also like