Professional Documents
Culture Documents
02 - Banal Na Oras para Covid-19
02 - Banal Na Oras para Covid-19
BANAL NA ORAS
(UPANG IPAG-ADYA ANG BAYAN SA COVID-19)
PAG-IINSENSO
Iinsensuhan ng pari ang Santisimo Sakramento. Aawitin ng koro ang O Salutaris
Hostia.
O salutaris hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilla,
Da robur fer auxilium
Pari:
Amang mapagmahal,
pinagpapala mo ang mga matuwid
dahil sa kanilang mga mabuting gawa,
at pinatatawad mo ang mga makasalanang
taimtim na nagsisisi.
Pari:
Amang mapagkalinga,
naparito ang iyong Anak na si Hesukristo
upang ipahayag sa mahihirap ang Mabuting Balita,
pagalingin ang mga may karamdaman,
at palayain ang mga nasadlak sa kasalanan.
Kinakasihan mo kami sa tunay na paglilingkod
sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal
at paglingap sa mga nangangailangan.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan:
Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig, ngayon at
kailanman.
Pari:
Amang maawain,
ipinagkakaloob mo sa amin ang oras ito
upang aming lubusang pagsisihan ang mga kasalanan,
at magkawanggawa kalakip ang pag-ibig.
Kinalulugdan mo ang aming panalangin,
pag-aayuno, pagkalinga sa mga dukha,
at pagtakwil sa kasakiman.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan:
3
Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig, ngayon at
kailanman.
Pari:
Amang manlilikha,
sa panahong ito ng pagsubok,
pinatitibay mo ang aming pananampalataya
sa pamamagitan ng iyong banal na salita
at sa pagsasalu-salo namin sa Eukaristiya.
Inaakay mo kami tungo sa pagbabagong-buhay
at minamarapat na magalak sa iyong dulot na
kapayapaan.
Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming
ipinahahayag:
Bayan:
Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig, ngayon at
kailanman.
SANDALING KATAHIMIKAN
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari:
Manalangin tayo.
Bayan:
Amen.
Tagapagdaloy:
Ating pakinggan ang Salita ng Diyos
Bayan:
Salamat sa Diyos!
Tagapagdaloy:
Tayo po ay sandaling tumahimik para sa pagninilay
UMASA KA SA DIYOS
IKALAWANG PAGBASA
6
Mga kapatid: Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa
atin? Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi ibinigay
para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang
Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama
ng kanyang Anak? Sino ang maghaharap ng sakdal laban sa mga
hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa
kanila? Sino ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo Hesus bang nasa
kanan ng Diyos? Siya pa nga ang namatay at muling binuhay, at
ngayo’y namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa
atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba? Ang kapighatian,
ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang
tabak? Ayon sa nasusulat,
Bayan:
Salamat sa Diyos!
Tagapagdaloy:
Tayo po ay sandaling tumahimik para sa pagninilay
7
Tagapagdaloy:
MABUTING BALITA
Tagapagdaloy:
HOMILIYA
SANDALING KATAHIMIKAN
Pari:
Bilang isang pamilya, tumawag tayo sa Ama sa pamamagitan
ng panalanging itinuro ni Hesus sa atin.
Matapos awitin ang Ama Namin, luluhod ang lahat para sa bendisyon ng
banal na sakramento
TANTUM ERGO
13
Genitori Genitoque
Laus et jubilatio,
Salus, honor, virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio.
Amen.
Oremus:
Deus, qui nobis sub sacramento mirabili,
passionis tuae memoriam reliquisti:
tribue, quaesumus,
ita nos corporis et sanguinis
14
tui sacra mysteria venerari,
ut redemptionis tuae fructum
in nobis iugiter sentiamus.
Qui vivis et regnas
in saecula saeculorum.
BANAL NA PAGPUPURI