You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES SUR

TERNIMAL na ULAT sa SEMINAR-WORKSYAP ng KAGAWARAN NG FILIPNO

Isang katangian ng epektibong guro ang pagiging malikhain, nakalilikha siya ng


isang bagay nakapakipakinabang para sa kanyang mag-aaral upang makamit ang ganap
na pagkatuto. Upang higit na maunawaan ng mga bata ang lesyon / paksang aralin nag-
sagawa ang mga guro sa Kagawaran ng Filipino ng sang seminar-worksyap, at isa sa mga
layunin nito 1.
2.
3.

Hindi kaila sa atin ang malaking pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon,


dahilan nito ay ang pandemiya. Marami ang naganap upang maipagpatuloy ng maayos
ang Taong-Panurang 2020-2021, isa na rito ang paraan kung paano matuto ang mga bata.
Kinailangan gumamit ng iba’t ibang paraan upang maihatid sa mga mag-aaral ang mga
kaalamang nakapaloob sa kurikulum ng MEL’c, gayundin kung paano malilinang ang
kasanayang dapat matamo.
Isinagawa ang seminar-worksyap noong _________ , ganap na ala-una ng hapon.
Ito ay pinangungunahan ng maypanukalang si Gng. Bernardina C. Abraham at nang
tagapag-ugnay sa Filipino na si Bb. Ma. Analyn B. Valencia. Sinimulan ang programa
mula sa panalangin ni _________________ na sinundan naman ng pambansang awit na
pinangunahan ni ______________________. Nagpa-unlak naman ng maikling pananalita si
Bb. Analyn , na nagbigay nang mensahe para sa ikakagaganda ng samahan sa kagawaran
at pasasalamat sa maypanukala sa pagsasagawa ng seminar-worksyap. Ibinigay naman ni
Gng. B…… ang kabuoang tanaw para sa seminar matapos magbigay mensahe ni Bb
Analyn …....
Sa unang bahagi ng programa tinawag ni Gng. Lorenel…tagapagdaloy sa programa
si Bb. Jan Mayeen …..upang ipakilala ang susing tagapagsalita na si G. Ramon M. Selleza.
Tinalakay ni G. Selleza ang _____________________ , ito ay ang paglalapat ng mga
teknikal sa paggawa ng video lesson katulad ng mga tunog, teksto at maging kung paano to
iedit. Sa una ay may kalituhan pang naganap kung paano magagawa ito, ngunit dahil sa
matiyaga niyang ipinakita sa mga kalahok at ipinaliwanag kung paano gawin ay maayos
naman naisagawa ng mga guro ang mga ito sa worksyap na ipinagawa ni G. Selleza.
Ang sumunod naman na susingtagapagsalita ay si Gng. Jennifer Largo na itinuro
naman ang paraan ng paggamit ng OBS, ito ay aplikasyon na gagamitin upang
makapagsagawa ng pagrerekord. Itinuro din niya ang paraan kung paano ito gamitin,
upang maiugnay naman ang itinuro ni G. Selleza sa ginawang pagrerekord. Mahusay
niyang naipaliwanag ang mga hakbang kaya naman napakalaking tulong ito sa mga
kaguruan.
Sa ikalawang araw ng seminar-worksyap ang huling susing tagapagsalita ay si
magandang Lorenel ….. ang paksang kanyang ibinahagi ay tungkol sa pagsasagawa ng
online classes sa google classroom , na synchronous at asynchronous . Ayon sa kanya ang
inihahanda naming video lesson ay isang halimbawa ng asynchronous session na kung saan
ilalagay naming ito sa google claasroom upang maging materyales ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan nito ay makikita ng mga mag-aaral ang pagtalakay
ng guro sa kanilang asignatura.
Ang ikalawang bahagi naman ng seminar ay worksyap para makagawa ng video
lesson gamit ang OBS na itinuro ni Gng. J. Largo, na lalapatan ng mga effects na itinuro
naman ni G. Selleza at ang panghuli ay ibabahagi sa google classroom na itinuro naman ni
magandang Gng. Lorenel kung paano isasagawa.

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur San Jose Pili National High School
Email: deped.camsur@deped.gov.ph San Jose, Pili, Camarines Sur
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES SUR
Ganap na ika -4 ng hapon nagsagawa ng paggawad ng sertipiko para sa mga susing
tagapagsalita sa pangunguna ni Maam Abraham atMaam Valencia. Isang kasiya-siyang
seminar ang natapos, sapagkat ang lahat ay natutong gumawa ng video lesson na
magagamit sa kanilang pagtuturo. Dito pinatunayan na ang mga guro sa kagawaran ng
Filipino ay mga epektibng guro, sumasabay sa anumang hamon ng pagbabago at pagpapa-
nlad ng sarili at propesyon.

Inihanda ni:

Ms. Universe Ma. Allien …..

Binigyan pansin ni :

Nabatid ni:

+++++++++++++++++++++++++++++

Address: Freedom Sports Complex, San Jose, Pili, Camarines Sur San Jose Pili National High School
Email: deped.camsur@deped.gov.ph San Jose, Pili, Camarines Sur
Website: www.depedcamsur.com
Telephone No: (telefax) 8713340

You might also like