You are on page 1of 120

4

Edukasyong Pantahanan
at
Pangkabuhayan
Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 2

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon
176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak
o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon
at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa
paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong
nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-
aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-
ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda.
Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@
gmail.com ang mga may-akda at tagapaglathala.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III. Marilette R. Almayda, PhD

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral


Mga Manunulat: Entrepreneur & ICT – Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna,
Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R. Benisano;
Home Economics – Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia,
Bernie C. Dispabiladera; Agriculture – Teresita B. Doblon,
Ma. Shirley A. Macawile, Ernesto R. Abletes, Judy R. Rondina;
Industrial Arts – Shiela Mae R. Roson, Roberto B. Torres, at
Randy R. Emen
Mga Konsultant: Mona T. Sasing, Cherrypyn B. Barbacena, PhD, Anicia M. Lorica, at
Werson R. De Asis, PhD
Mga Tagaguhit: Entrepreneur & ICT – Anife S. Angelo; Home Economics – Sharlyn P.
Sanclaria; Agriculture – Mar G. Agustin;
Industrial Arts – Jayson M. Gaduena, Fermin M. Fabella, at
Eric C. De Guia
Mga Tagatala: Erwin Karl I. Antido at Ron Ralph Kenneth L. Ocampo

Mga Naglayout: Phoebe Kay B. Doñes, Paola Joy B. Doñes, at John Ralph G. Sotto

Mga Tagapamahala: Glenda M. Granadozin, Rogelio O. Doñes EdD,


Marilette R. Almayda PhD, at Marilyn D. Dimaano, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex,
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
PAUNANG SALITA
Ang kagamitang ito ay naglalayon na matulungan ang mga
guro at mag-aaral na mapagaan ang kanilang pagtuturo at pagkatuto
gamit ang Patnubay sa Guro at Kagamitan ng Mag-aaral.
Ginamitan ng iba’t ibang estratihiya ang bawat aralin
upang lubusang matutunan ng mga mag-aaral ang lahat ng aralin
sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP). Ito ay
kinapapalooban ng lecture ng guro at aktibong partisipasyon ng mga
mag-aaral upang sila ay matuto. Ang aktuwal na paggawa ng mga
mag-aaral sa mga piling aralin sa Home Economics, Industrial Arts
at Elementary Agriculture ay masusing inihanda ng mga manunulat
sa iba’t ibang component sa EPP. Ito ay upang maranasan ng
mga mag-aaral ang aktuwal na paggawa upang maihanda sila
sa mundong ito at matutunan nilang mahalin ang kanilang mga
ginagawa.
Ang konsepto ng entrepreneurship ay itinuro ng hiwalay upang
mabigyan ng panimulang kaalaman ang mga mag-aaral sa baitang
apat. Isinanib din ito sa aralin sa Home Economics, Industrial Arts,
at Elementary Agriculture.
Maliban sa ang ICT ay isang hiwalay na component ng EPP,
may mga konsepto rin na isinanib sa aralin ng Home Economics,
Industrial Arts, at Elem. Agriculture.
Ang kagamitang ito ay matiyagang sinulat ng mga piling
guro, punong guro, at supervisor galing sa ibat ibang lugar dito sa
ating bansa. Ito ay sinulat upang magkaroon ng gabay na gamit
sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ang lahat ng mag-
aaral na nasa ikaapat ng baitang sa buong kapuluan. Inaasahang
ito ay magiging magandang sanggunian sa pagkatuto.

iii
Yunit 2 Home Economics 207
Aralin 1 Tungkulin Sa Sarili 208
Aralin 2 Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng 210
Sarili
Aralin 3 Wastong Paraan ng Pag-aayos at Paglilinis sa 216
Sarili
Aralin 4 Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan 221
Aralin 5 Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay 227
Aralin 6 Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan 232
Aralin 7 Pag-aayos ng mga Kasuotan Batay sa Gamit 235
at Okasyon
Aralin 8 Pagpapanatiling Maayos ang Sariling Tindig 238
Aralin 9 Ang Mabuting Pag-uugali Bilang Kasapi ng 243
Mag-anak
Aralin 10 Pag-aalaga sa mga Matatanda at Iba Pang 250
Kasapi ng Pamilya
Aralin 11 Pagtulong Nang May Pag-iingat at Paggalang 263
Aralin 12 Pagtanggap ng Bisita sa Bahay 269
Aralin 13 Mga Kagamitan sa Paglilinis ng Bahay 274
Aralin 14 Wastong Paglilinis ng Tahanan 280
Aralin 15 Wastong Paglilinis ng Bakuran 285
Aralin 16 Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa 291
Paglilinis ng Bahay at Bakuran
Aralin 17 Kasiya-siyang Pagganap ng mga Gawaing 297
Bahay
Aralin 18 Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain 301
Aralin 19 Wastong Paggamit ng Kubyertos 310
Aralin 20 Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan 314

v
207
Home Eco
Aralin 1
TUNGKULIN SA SARILI

LAYUNIN:
1. Nakikilala ang tungkulin sa sarili
2. Naisasagawa ang tungkulin sa sarili
3. Naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili nang maayos

Bilang isang mag-aaral na lumalaki, may mga tungkulin ka sa


iyong sarili na dapat mong gampanan. Kapag ang mga tungkuling
ito ay maayos mong isinasagawa, ito ay nagiging bahagi ng pang-
araw-araw mong gawain.
Sa pagtawag ng guro sa isa mong kaklase sa harapan, alamin
sa iyong sarili kung may mga katangian kang katulad niya.

Pag-usapan o talakayin ang sumusunod. Mapangangalagaan ang


ating sarili sa pamamagitan ng:
1. Paliligo araw-araw.
2. Pagpapalit ng malinis na damit at damit panloob araw-araw.

208
3. Pagkain ng balanced diet.
4. Pagkain ng mga berdeng dahon na mga gulay at sariwang
prutas.
5. Pagiwas sa pagkain ng junk foods at pag-inom ng softdrinks at
iba pang pagkaing may maraming sangkap na kemikal.
6. Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
7. Pagtulog ng walo hanggang sampung oras sa loob ng isang
araw.
8. Paglalaan ng sapat na oras sa paglalaro o pag-eehersisyo.

May mga bagay at kagamitan na dapat tayo lang ang


gumagamit tulad ng mga personal nakagamitan. Dapat ikaw lamang
ang gumagamit ng iyong sipilyo, bimpo, suklay, at mga panloob na
damit.

Lagyan ang patlang ng (J) masayang larawan ng mukha


kung tama at(L) malungkot na larawan kung mali ang sumusunod
na pangungusap
_____1. Nawawala ang sipilyo mo, nakita mo ang sipilyo ng
nakababata mong kapatid kaya, ito muna ang ginamit
mo.
_____2. Maganda ang palabas sa television. May pasok ka
pa kinabukasan kaya sinabi mo na lang sa tiyahin mo
na kuwentuhan ka na lang tungkol sa palabas dahil
matutulog ka nang maaga para hindi ka mapuyat.

209
____ 3. Kinakain ni Momay ang mga gulay at prutas na
nakahanda sa hapag kainan.
____ 4. Naliligo si Angelo araw-araw bago pumasok sa
paaralan.
____ 5. Nauuhaw ka habang naglalakad. Nakita mo sa
tindahan na may malamig na softdrinks pero ang
binili mo ay isang bote ng mineral water.

1. Magsaliksik sa internet ng iba pang paraan ng pag-aalaga


sa sarili.
2. Magtala ng mga gawaing na iyong ginagawa sa araw-araw
upang mapanatiling maayos ang iyong sarili.

Home Eco
Aralin 2
MGA KAGAMITAN SA PAGLILINIS AT
PAG – AAYOS NG SARILI

LAYUNIN:
1. Nasasabi ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos
ng sarili
2. Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng mga
kagamitan sa sarili

210
Tingnan at suriing mabuti ang mga kagamitan sa paglilinis ng
katawan na nasa larawan.
Alin sa mga ito ang ginagamit mo araw-araw? Alin ang
ginagamit mong isang beses sa isang linggo?


Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at
maayos. May mga kagamitan na dapat mong gamitin para sa iyong
sarili lamang at may mga kagamitang maaari ring gamitin ng iba
pang kasapi ng pamilya.

I. Lagyan ng tsek () kung pansarili o pampamilya ang mga


kagamitang nakahanay.

Kagamitan Pansarili Pampamilya

1. mouthwash

2. toothpaste

211
3. hair dryer

4. tuwalya

5. sipilyo

6. suklay

7. pulbos

8. bimpo

9. sabon

10. shampoo

May mga akmang kagamitan sa paglilinis at pag–aayos sa


sarili.

Suriin at pag-aralan ang wastong paggamit sa sumusunod na


larawan.

KAGAMITAN PARA SA BUHOK

Shampoo – ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating


buhok. Ito rin ang nag-aalis ng mga kumapit na dumi
at alikabok sa ating buhok.
212
Suklay o hairbrush – ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng buhok
upang matanggal ang mga buhol-buhol o
gusot sa ating buhok.

KAGAMITAN PARA SA KUKO

Panggupit ng kuko o nailcutter – ito ay ginagamit sa pagpuputol


o paggugupit ng kuko sa kamay at paa.
Dapat pantayin ang kuko na ginupit gamit
ang nail file o panliha.

KAGAMITAN PARA SA BIBIG AT SA NGIPIN •

Sipilyo – ito ay ginagamit kasama ang toothpaste upang


linisin at tanggalin ang mga pagkaing dumidikit o sumisingit
sa pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain.

Ang Toothpaste ay nagpipigil sa pagdami ng mikrobyo sa


loob ng bibig. Pinatitibay nito ang mga ngipin upang hindi
ito mabulok.

213
Sa pagmumumog dapat gumamit rin ng mouthwash upang
lalong makatulong sa pagpapanatili ng mabangong hininga.
Ito rin ay nakatutulong sa pagpupuksa sa mga mikrobyong
namamahay sa loob ng bibig sanhi ng mabahong hininga.

KAGAMITAN PARA SA KATAWAN

Sabong pampaligo – ito ay nag-aalis ng dumi at libag sa katawan


at nagbibigay ng mabango at malinis na amoy
sa buong katawan.

Bimpo – ito ay ikinukuskos sa buong katawan upang maalis ang


libag sa ating buong katawan.

Tuwalya – ito ay ginagamit na pamunas sa buong katawan


pagkatapos maligo para matuyo.

Upang mapanatiling malinis at maayos ang sarili, dapat


gumamit ng iba’t ibang pansariling kagamitan tulad ng suklay, nail
cutter, sipilyo, bimpo, tuwalya, at iba pa.

214
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang deskripsiyon ng mga
kagamitan sa Hanay A. Isulat ang titik sa tabi ng bilang.

Hanay A Hanay B

a. Ginagamit ito upang


1. maging
malinis at
matibay ang ngipin.

b. Ginagamit ito sa

2. pag-aayos ng buhok.

c. Pinapanatili nito ang


bango at tinatanggal
3. ang mikrobyo sa
bibig.

d. Pang-alis ito ng
4. libag at iba pang
dumi sa katawan.

e. Ginagamit ito bilang


5. pamputol ng kuko.

215
Gumupit ng mga larawan ng iyong pansiriling kagamitan.
Sabihin kung paano mo gagamitin ang mga ito upang mapanatiling
malinis at maayos ang iyong sarili.
Ilagay ang mga ito sa iyong portfolio sa EPP.

Home Eco
Aralin 3
WASTONG PARAAN NG PAG – AAYOS AT
PAGLILINIS SA SARILI

LAYUNIN:
1. Naipakikita ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-
aayos sa sarili
2. Nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos sa sarili

Sa mga nakaraang aralin ay natutunan mo na kung paano


pahalagahan ang iyong sarili. Sa edad mo ngayon, may mga bagay
na maaaring mo nang gawin. Maaayusan mo na ang iyong sarili
nang hindi humihingi ng tulong sa iba.

216
Naririto ang isang awitin na magpapakita kung paano mo
dapat ayusin ang iyong sarili.
GANITO MAGHUGAS
Tono: Mulberry Bush
Ganito maghugas ng mukha
Maghugas ng mukha
Maghugas ng mukha.
Ganito maghugas ng mukha
Tuwing umaga.
(Palitan ang parte ng katawan)
- maghugas ng paa
- magsuklay ng buhok
- magsipilyo ng ngipin
- magpalit ng damit

PAGLILINIS SA SARILI
May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay Kayamanan.”
Mapananatili nating malusog ang ating katawan kung tayo ay
naliligo, nagsusuklay ng buhok, nagsisipilyo ng ngipin, at gagawin
ang iba pang gawaing pangkalusugan araw-araw.

217
PAGLIGO

Dapat ugaliing maligo araw-araw para manatili tayong malinis.


Gumamit ng sabon sa buong katawan. Gumamit ng shampoo na
akma sa klase ng buhok mo. Bago matulog sa gabi ugaliin ding
maglinis ng katawan upang maging presko ang pakiramdam.

PAGSISIPILYO NG NGIPIN

Ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay makatutulong


ng malaki upang maiwasang masira o mabulok ang mga ito. Ang
bulok na ngipin ay nagiging sanhi ng mabahong amoy sa bibig.
Gumamit ng toothpaste na may fluoride na angkop para sa mga
bata.
Ugaliing magsipilyo ng ngipin sa umaga, tanghali at gabi
pagkatapos kumain. Ang dila at ngalangala ay dapat ding sipilyuhin.

218
WASTONG PANGANGALAGA NG KUKO

Mahalagang panatilihing malinis ang mga kuko sa paa at


kamay. Iwasang isubo ang mga daliri sa bibig lalo na kung marumi
ang kuko.
Gupitin ang kuko ng paa at kamay isang beses sa loob ng
isang linggo. Gumamit ng nail cutter.

Gawain 1
Panuto: Gawin ang mga sumusunod.
1. Kumuha ng partner.
2. Lahat ng nasa gawing kanan ay magkunwaring nanay
at ang nasa gawing kaliwa ay magkunwaring anak.
3. Lahat ng anak ay ipakikita sa nanay kung paano linisin
at ayusin ang katawan bago pumasok sa paaralan.
4. Lahat ng nanay ay pagmamasdan ang anak kung paano
maglinis at mag-ayos ng sarili.

219
5. Isusulat ni nanay sa kuwaderno kung paano isagawa
ang gawain.
6. Pagkatapos magpalitan ng role ang magkapartner.

Gawain 2
Sa pamamagitan ng pagtataya ayon sa Pamantayan ng
Rubrics, bigyan ng marka ang iyong partner.

Halimbawa:
Gamitin ang tseklist para sa pagsusuri ng iyong ginawa.

Antas ng
Kriterya Kahusayan
1 2 3 4
1. Maayos bang nagampanan ang mga
gawain?
2. Nasunod ba nang maayos ang mga
paraan sa gawain?

Batayan:
4 – Napakahusay 2 – Mahusay
3 – Mas Mahusay 1 – Hindi Mahusay

Sa iyong journal o dayari, itala o isulat kung ano-ano ang


ginagawa mong mga paraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.
1. Gumawa ng tsart kung nasusunod ang iskedyul ng paglilinis
at pag-aayos sa sarili.

220
Sabado/
Gawain Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Linggo

Home Eco
Aralin 4
PAG – AALAGA NG SARILING KASUOTAN

LAYUNIN:
1. Napangangalagaan ang sariling kasuotan at
2. Naiisa-isa ang mga pamamaraan nang pagpapanatiling
malinis ang kasuotan hal., mag-ingat sa pag-upo, pagsuot
ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba pa

May iba’t ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t ibang


pagkakataon.
Ang damit pambahay ay dapat na maluwag at malambot para
malayang nakagagalaw ang may suot nito. Karaniwang gawa ito sa
malambot na tela.
221
Mahalagang pangalagaan mo ang iyong mga kasuotan. Dapat
na manatiling maayos at malinis ang mga ito tuwing kailangan
mong gamitin.

Pag-aralan mo ang iba’t ibang paraan ng wastong


pangangalaga ng kasuotan:
Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats.
Huwag itong hayaang magusot sa pag-upo.

222
Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan
ang damit o pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.

Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad


para madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang
dumi o mantsa.
Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa.
Gamitin ang naaayon sa kulay ng damit. May mga chlorox para sa
puti at bleach para sa may kulay.

Magsuot ng angkop kasuotan ayon sa gawain. Huwag gawing


panlaro ang damit na pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay
galing sa paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan.

223
Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng
pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog
upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.

Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-


uwi sa bahay upang hindi ito lumaki.

224
Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan
ng paglalagay ng mga ito sa tamang lagayan.

Maraming uri ng kasuotan ang ating ginagamit. Mahalagang


batid o alam natin ang mga paraan ng pag-aalaga sa mga ito.

Panuto:
Magtala ng iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa pansariling
kasuotan. Isulat ito sa kuwaderno.

225
1. Pag-uwi mo sa bahay, tingnan mo ang iyong mga
pansariling kagamitan.
2. Gumawa ka ng tseklist na katulad ng nasa baba.
3. Palagdaan ito sa iyong magulang.

KAGAMITAN INAYOS HINDI INAYOS


1.Mga damit
2.Mga sapatos
3.Mga maruruming damit
4.Nilabhan ang hinubad
na panloob na damit.

Para sa guro sa EPP ng anak ko,


Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad
sa tseklist sa taas.


____________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

226
Home Eco
Aralin 5
MGA KAGAMITAN SA PANANAHI SA
KAMAY

LAYUNIN:
1. Nakikilala ang mga kagamitan sa pananahi
2. Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahing
pangkamay.

Napag-aralan mo na ang iba’t ibang paraan ng pag-


aalaga ng iyong pansariling kagamitan. Matututuhan mo
naman ngayon ang pag-ayos ng damit mong napunit o nasira.
Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pananahi. Maaaring
wala kayong makinang pantahi sa bahay kung kaya’t maaari
mo itong ayusin sa pamamagitan ng pagtahi gamit ang iyong
mga kamay.
Mahalaga na matutuhan mo muna ang iba’t ibang
kagamitan sa pagtatahi gamit ang kamay at kung paano ito
gagamitin.

Upang maayos ang damit mong napunit, kailangan mo munang


alamin ang mga dapat mong gamitin at kung paano ginagawa ang
mga ito.
227
Mga Gamit sa Pananahi

Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay sukatin muna ito


gamit ang medida upang maging akma ang sukat nito.

Gunting. Gumamit ng angkop at matalas na gunting sa


paggupit ng telang itatapal sa damit na punit o damit na susulsihan.

228
Ang karayom at sinulid ay ginagamit sa pananahi. Dapat
magkasingkulay ang sinulid at tela o damit na tinatahi.

Kapag ikaw ay nagtatahi lalo sa matigas na tela, gumamit ng


didal. Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang
karayom sa pagtatahi. Sa ganitong paraan maiiwasan matusok ng
karayom ang mga daliri.

Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi, mainam na ito


ay ilagay sa pin cushion.


Itusok ang karayom sa emery bag kapag hindi ginagamit
upang hindi ito kalawangin.

229
May mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Ang bawat isa
ay may angkop na gamit.
Dapat din na tandaan natin kung paano ang mga ito itatago
sa tamang paraan upang magamit sa oras na kailangan

Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot.


1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.
a. medida
b. didal
c. gunting
d. emery bag

2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang


hindi kalawangin.
a. sewing box
b. pin cushion
c. emery bag
d. didal

230
3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.
a. medida
b. didal
c. gunting
d. emery bag

4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong


gitnang daliri.
a. medida
b. didal
c. gunting
d. emery bag

5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.


a. karayom at sinulid
b. didal at medida
c. gunting at lapis
d. emery bag at didal

Maghanap ng isang damit na punit at sulsihan ito gamit ang


mga kagamitan sa pananahi.

231
Home Eco
ARALIN 6
PAGSASAAYOS NG SIRANG KASUOTAN

LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga karaniwang sira ng kasuotan; at
2. Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa
pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
pagkabit ng butones.

May mga pagkakataon na natatanggal ang mga panara


ng ating damit. Alam mo ba kung paano ito ayusin?
Sa araling ito, ay matututunan mong ayusin ang
ganitong uri ng sira sa damit.

Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panara?

Pag-aralan ang mga sumusunod.

MGA BUTONES:

butones na may dalawang butas (two-hole button)

232
butones na may isang nakaalsa sa likod (Shank button)

Ayusin ang natanggal na butones, otomatiko o kutsetes


ng damit upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot
muli ang damit.

Hatiin ang klase sa anim na pangkat.


Pag-usapan ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Ano-ano ang uri ng mga butones?
2. Bakit naglalagay ng aspili sa pagkakabit ng butones
na flat?
3. Bakit pinaiikutan ng sinulid ang leeg ang butones?
4. Paano isinasara at ikinabit ang butones?

233
Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Alin ang HINDI uri ng panara ng damit?
a. imperdible
b. two-hole button
c. kutsetes
d. straight eye

2. Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones


sa damit?
a. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng
butones
b. Gupitin ang isang parte ng tela
c. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit
d. Isagawa ang pagtatahing lilip

3-5. Isulat ang tamang sagot. Ano-ano ang dapat


tandaan sa paglalagay ng butones?

234
Home Eco PAG – AAYOS NG MGA KASUOTAN
Aralin 7
BATAY SA GAMIT AT OKASYON

LAYUNIN:
Naitatabi nang maayos ang mga kasuotan batay sa
kanilang gamit halimbawa: pormal na kasuotan at pang-espesyal
na okasyon.

Naranasan mo na bang pumunta sa iba’t ibang okasyon


o pagtitipon?
Ano ang ginamit mong kasuotan?

Suriin mo ang iba’t ibang kasuotan sa iba’t ibang okasyon.


Sabihin kung kailan at saan mo isinusuot ang mga ito:

235
Damit na pansimba

Barong Tagalog at pantalon

236
Upang mapanatiling maayos at maisuot ang iba’t ibang
kasuotan sa iba’t ibang okasyon, dapat na itabi ang mga ito nang
maayos sa tamang lalagyan.

Panuto: Lagyan ng tsek () kung ito ay ginagawa o hindi


mo ginagawa.

Palaging Hindi
Gawain
Ginagawa Ginagawa
Pina-dry clean ang gown bago
itago sa aparador.
Natulog kang suot pa rin ang
damit mong ginamit sa party.

237
Hindi isinauli ang Barong
Tagalog na hiniram sa kamag-
anak nang mag-abay sa kasal.

Inihihiwalay ang mga damit


pansimba sa mga damit
pambahay at pampaaralan.

Pag uwi sa bahay, tingnan ninyo ang inyong mga kasuotan.


Itabi ang mga ito nang maayos at pagsama-samahin ang mga
pormal na kasuotan at mga damit na isinusuot sa mga espesyal na
okasyon.

Home Eco
Aralin 8
PAGPAPANATILING MAAYOS ANG
SARILING TINDIG

LAYUNIN:
1. Napananatiling maayos ang sariling tindig sa pamamagitan
ng tamang pag-upo at paglakad; at
2. Naisasagawa ang mga gawain na nagpapananatili nang
maayos na tindig.

238
Ang bawat kabataang katulad ninyo ay nais maging kaaya-
aya ang personalidad. Ito ay makikita sa magandang tindig at
malusog na pangangatawan. Kung malusog ang pangangatawan
sumasabay rito ang magandang pananaw sa buhay.
Ang maganda at kaaya-ayang tindig at galaw ay nakukuha sa
pamamagitan ng sumusunod na gawain.
1. Pagkain ng masustansiyang pagkain. Kailangan kumain
ng iba’t ibang uri ng pagkain na magbibigay ng protina,
carbohydrates, fats, bitamina, mineral, at iba pang nutrients
upang maging malusog.
2. Pagtulog nang maaga at walong oras sa isang araw. Ang
isang bata na katulad mo ay kailangan matulog nang maaga
at mahabang oras. Ito ay kailangan sa iyong paglaki.
3. Mag-ehersisyo ng regular. Isang pangkalusugang gawi na
kailangan gawin ng isang batang kalulad mo ang palagiang
pag-eehersisyo. Nakabubuti ito sa postura / tikas at tindig
ng isang tao.
4. Tamang pag-upo at pagtayo.
Dapat ang likod ay nakalapat sa sandalan ng upuan kapag
nakaupo. Kapag nakatayo naman ay dapat na deretso ang
katawan upang hindi hukot tingnan.

239
5. Upang masanay ang iyong katawan kailangang parating
tuwid ang paglakad upang ang postura / tikas at tindig ay
maging kaaya-aya.

Mahalagang naisasagawa ang mga dapat isinasaalang-alang


sa pagkakaroon nang maayos at mabikas na postura / tikas tulad
ng:

240
a. Pagkain ng masustansiyang pagkain. Hindi kailangang
maging mamahalin ang ating kinakain sa araw-araw
bagkus kahit mura ay puno naman ng sustansiya at
bitamina na kailangan ng ating katawan.
b. Pagtulog ng walong (8) oras sa isang araw ay mahalaga
para sa ating katawan, lalo na sa mga batang katulad
ninyo.
c. Pag-ehersisyo sa araw-araw
d. Maayos na pag-upo at pagtayo.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang Grow, Go, at Glow Foods?
2. Ano ang ginagawa ng ganitong mga pagkain sa ating
katawan?
3. Bakit kailangang matulog ng hindi bababa sa walong oras
sa isang araw?
4. Ikaw ba ay palagiang nag-eehersisyo? Ano ang naidudulot
nito para sa iyong katawan?
5. Ang tamang pagtindig at pag-upo ay kailangang
makasanayan. Bakit?

Mapananatili ang maayos na tindig at magandang postura / tikas


kung tayo ay kakain ng masustansiyang pagkain, matutulog ng
hindi bababa sa walong oras sa loob ng isang araw, mag-ehersisyo
ng regular at magsanay tumayo at umupo nang tuwid sa araw-
araw. Magandang tingnan ang isang taong mas maganda ang
tindig at postura / tikas.

241
Mag-aral maglakad ng tuwid araw-araw. Kailangang diretso
ang tingin at medyo nakaliyad ang dibdib. Dapat hindi nakabaluktot
ang likod na parang kuba.
Sa pag-upo naman, kailangang lapat ang likod sa sandalan o
kung walang sandalan kailangan 90 degrees ang makikita sa ating
katawan upang mapanatili ang magandang postura / tikas.

Magtala ng mga taong naging kilala sa bansa dahil sa


kanilang magandang tindig at postura / tikas. Ibigay ang katangian
na nagpabukod sa iba. Halimbawa:
1. Shamcy Supsup – Nakilala sa kaniyang “tsunami walk.”

242
Home Eco
Aralin 9 ANG MABUTING PAG-UUGALI BILANG
KASAPI NG MAG-ANAK

LAYUNIN:
1. Naipakikita ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag-
anak
2. Nasasabi ang kahalagahan ng pagpapakita ng mabuting pag-
uugali bilang kasapi ng mag-anak

Nais ng bawat pamilya ang masaya, tahimik, at maunlad


na pamumuhay. Matatamo lamang ito kung may mabuting pag-
uugali ang bawat kasapi ng mag-anak, at kung may mabuting
pagsasamahan at pagpapahalaga sa isa’t isa ang mga ito.

Tingnan at pag-aralan ang mga larawan:


LARAWAN A LARAWAN B

Larawan A Larawan B

243
Sagutan mo nang tahimik ang sumusunod:

1. Anong mabuting pag-uugali ang ipinakikita sa larawan A?




.

2. Ano naman ang mabuting pag-uugali ang ipinakikita sa


larawan B?


.

3. Ano-ano ang maidudulot ng ipinakikitang mabubuting pag-


uugali ng mag-anak?


.

Ihambing ang iyong mga sagot kung tugma sa nasa loob ng


kahon.

Sa larawan A, ipinakikita ang sama-sama at masayang


panonood ng buong pamilya. Ipinakikita ang kanilang
pagkamasayahin na maaaring dulot ng kanilang mabuting
pagsasamahan.

Sa larawan B naman, ipinakikita ang pagtutulungan ng bawat


kasapi ng mag-anak sa mga gawaing bahay at ang pagganap
ng tungkulin na nakaatang sa kaniya.

Ang mga ipinakikitang mabubuting pag-uugali ng bawat


kasapi ng mag-anak ay magdudulot ng masaya, tahimik at
maunlad na pamumuhay ng mag-anak.

244
Sa gabay ng inyong guro, makilahok sa sumusunod na gawain:
Gawain A
1. Magplano sa loob ng limang minuto tungkol sa
pagsasadula sa nakalaang paksa sa inyong pangkat:
Pangkat 1 – Paggalang,
Pangkat 2 – Pagpaparaya
Pangkat 3 – Pagkamaunawain
Pangkat 4 – Pagsunod

2. Gawin ang pagsasadula na ang tagpuan ay sa bahay at


ang mga tauhan ay mga miyembro ng pamilya.

3. Kinakailangang lahat ng kasapi ng bawat pangkat ay kasali


sa pagsasadula.
Mga mungkahing gawain para sa bawat pangkat:

Pangkat 1:
Maaaring iwasan ang pag-iingay kung may kasapi ng
mag-anak na natutulog na. Maaari ding ipakita ng pangkat
ang mag-antay ng kaniyang pagkakataon na magsalita
kung nag-uusap-usap ang kasapi ng mag-anak.

Pangkat 2:
Habang nanunood ng telebisyon ang mga kasapi ng
mag-anak, magparaya sa panoorin kung may naunang
nang nanunood ng bukas na programa. Kung may pagkain
na hindi magkakasya sa lahat ng magkakapatid, magparaya
para sa iba pang kapatid.

245
Pangkat 3:
Habang naglalaro ang mga nakababatang kapatid
at ikaw ay gumagawa ng takdang-aralin, unawain sila kung
maingay, dahil sila ay mga bata pa.

Pangkat 4:
Paggawa sa nakatakda sa iyo na mga gawaing
bahay na hindi kailangang utusan pa. Pagsunod sa mga
patakaran sa tahanan na ipinatutupad ng mga magulang
sa lahat ng kasapi ng mag-anak.

Gawain B:

1. Sa kapareho mong pangkat, gumawa ng mga mungkahing


panuntunan o mga kasunduan sa alinman sa sumusunod
upang maipakita ang mabuting pag-uugali:
- oras ng pag-uwi pagkatapos ng klase
- uri ng kaibigan na sasamahan
- mga paraan ng pagpapakita ng paggalang
- pagtupad sa gawaing bahay

Naririto ang ilang mga mungkahing sitwasyon na maaaring


pagkasunduan ng pangkat, para maipakita ang mabuting
pag-uugali sa mga sumusunod:
a. Oras ng pag-uwi pagkatapos ng klase – Mahalaga na
ipaalam sa magulang at iba pang kasapi ng mag-anak
ang iskedyul ng klase lalong-lalo na ang oras ng simula at
tapos ng klase.

Sa ganitong paraan, alam ng mga kasapi ng mag-anak


kung anong oras ang dating mo sa bahay at anong oras
ka hihintayin.

246
b. Uri ng kaibigan na sasamahan – Marapat lamang na
ang iyong mga kaibigan ay kakilala ng mga kasapi ng
mag-anak. Mahalaga ito upang pagdating ng panahon ay
may makapagsasabi o mapagtatanungan tungkol sa iyo
kung nagkaroon ka ng problema. Mahalaga rin ito upang
malaman ng kasapi ng mag-anak ang uri ng mga kaibigan
na sinasamahan mo.

c. Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang- Maipakikita


ang paggalang sa lahat ng pagkakataon at pakikitungo sa
kapuwa tulad ng mga sumusunod:
- Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa
mga nakatatanda rito sa Katagalugan at ibang
parte ng Luzon, sa Visayas at Mindanao ay hindi
gumagamit ng po at opo pero hindi natin maaaring
sabihing sila ay hindi magagalang. Sila ay may
ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang.
- Pagpila sa kantina at sa pagkuha ng tubig.
- Buong puso na pagmamalaki at pag-awit nang
malakas ng Pambansang Awit.
- Pagmamano sa mga magulang bago umalis at
pagdating sa bahay.
- Pag-hihintay ng pagkakataon na magsalita kung
may nag-uusap-usap.
Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga pagpapakita ng
paggalang.

d. Pagtupad sa gawaing bahay – Ang pagtupad sa mga


nakatakda sa iyo na mga gawaing bahay ay mahalaga.
Kinakailangang gampanan o sundin ang nakatakda mong
gawain upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa
mga kasapi ng mag-anak. Ang hindi pagtupad nito ay isa sa
mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng suliranin ang mag-
anak.
Ang pagtupad sa nakatakdang gawaing bahay ay
nagdudulot ng kaginhawahan at mabuting pagsasamahan
ng bawat kasapi ng mag-anak.

247
Isulat sa kuwaderno ang mga pangungusap na nagpapakita
ng wastong pag-uugali, bilang kasapi ng mag-anak:

_____ 1. Pagmamano sa magulang pag-alis at pagdating


sa bahay.

_____ 2. Pagkain ng masusustansiyang pagkain.

_____ 3. Pagsunod sa mga batas trapiko.

_____ 4. Pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.

_____ 5. Pagganap ng mga nakaatang na tungkulin sa

tahanan.

_____ 6. Pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan.

_____ 7. Pakikipaglaro sa mga kaibigan sa libreng oras.

_____ 8. Pagpaparaya sa isa’t isa.

_____ 9. Pagbibigay halaga sa bawa’t kasapi ng pamilya.

_____ 10.Paliligo araw-araw.

Ang pagpapakita ng mabuting pag-uugali ng bawat kasapi


ng pamilya ay nagdudulot ng mabuting pagsasamahan,
pagpapahalaga sa isa’t isa, at masayang mag-anak.

248
Itala sa iyong kuwaderno ang tatlong mabubuting pag-
uugaling dapat taglayin ng kasapi ng pamilya:

a. Tatay
1.

2.

3.

b. Nanay
1.

2.

3.

c. Mga Kapatid
1.

2.

3.

249
Home Eco
Aralin 10
PAG-AALAGA SA MGA MATATANDA AT
IBA PANG KASAPI NG PAMILYA

LAYUNIN:
1. Nakatutulong sa pag-aalaga sa matatanda at iba pang
kasapi ng pamilya
2. Naiisa-isa ang mga gawain na makatutulong sa
pangangalaga sa iba pang kasapi ng pamilya

Kung may matandang kasapi sa inyong pamilya, sapat


ba ang kaalaman mo upang maalagaan mo siya nang wasto?

Basahin nang tahimik at unawain ang salaysay.

250
Si Lola Leoncia

Ang mag-asawang sina Mang Lito at Aling Lita ay biniyayaan


ng tatlong anak na babae. Sina Lala, Lirio, at Lina. Ang panganay
nila na si Lala ay may asawa, at may isang anak, na si Lans, walong
buwan gulang pa lamang. Sama-sama silang nakatira sa isang
bahay kasama ang nanay ni Aling Lita na si Aling Leoncia, 75 taong
gulang. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mag-anak.

Masaya ang mag-anak sa piling ng isa’t isa. Nagtutulungan,


nag-uunawaan, nagbibigayan, naggagalangan, at nagpaparaya
ang bawat isa kung kinakailangan.

Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari inatake sa


puso si Aling Leoncia na naging dahilan ng pagkaparalisa ng
kalahati ng kaniyang katawan. Naging alagain si Aling Leoncia at
nangangailangan ng matinding pag-aalaga ng bawat kasapi ng
pamilya.

Kinakailangan ding maghanap ng trabaho si Lala, upang may


panustos sa gatas ng kaniyang anak. Kung kaya’t naging problema
ni Aling Lita ang pag-aalaga kay Aling Leoncia at kay Lans, ang
anak ni Lala.

Nalaman ni Lirio at Lina ang problema ng kanilang ina.


Nagprisinta ang dalawang bata na sila na ang mag-aalaga kay
Aling Leoncia at kay Lans dahil natutunan na nila sa paaralan ang
pag-aalaga sa matatanda, pag-aalaga sa maysakit, pag-aalaga sa
sanggol, at nakababatang kapatid.

Kung kaya’t natuwa si Aling Lita at si Lala.

Paano kaya ang gagawing pag-aalaga ni Lirio at Lina kay aling


Leoncia at kay Lans?

251
Sagutin ang sumusunod:

- Batay sa kuwento, sino-sino ang nangangailangan ng pag-
aalaga ng mga kasapi ng pamilya?


- Paano kaya ang gagawing pag-aalaga nila Lirio at Lina kay


Aling Leoncia at kay Lans?


Batay sa kuwento, ang nangangailangan ng pag-aalaga sa


kasaping mag-anak ni Aling Lita ay sina Aling Leoncia at Lans.

Ang pag-aalaga na gagawin ni Lirio at Lina ay maaaring naaayon


o nababatay sa kanilang natutuhan sa aralin nila sa Edukasyong
Pantahanan tungkol sa aralin ng pag-aalaga sa matatanda at iba
pang kasapi ng mag-anak.

Unang Araw
Gawain A:

Sa gabay ng inyong guro, makilahok sa mga pangkatang


gawain:

1. Sa inyong pangkat, mag-brainstorming tungkol sa paksang:


Paano ginagawa ang pag-aalaga sa matatanda?

252
2. Itala ang mga ideya na ibinigay ng bawat kasapi.
3. Ipaskil sa pisara o dingding ang inyong natapos na gawain.
Iulat ito sa klase.
4. Tatalakayin sa buong klase ang mga pangkatang ulat
5. Tingnan sa talaan na ito sa pag-aalaga sa matatanda kung
tama ang sagot ng inyong pangkat:
Wastong Paraan ng Pag-aalaga sa Matanda

• Panatilihing malinis at maaliwalas ang silid.


• Panatilihin ding malinis ang kaniyang mga kagamitan tulad ng
mga gamit sa pagkain (baso, pinggan, atbp.) Hugasan agad
ang mga ito pagkatapos kumain.
• Iabot sa kaniya nang may pag-iingat at paggalang ang lahat at
ang mga pangunahin niyang pangangailangan.
• Kung hindi na kayang maglinis ng katawan ang matanda;
punasan siya ng maaligamgam na tubig araw-araw o paliguan
kung hindi makakasama sa kaniyang kalalagayan.
• Pagsuutin siya ng maginhawang damit-pambahay.
• Hainan siya ng pagkain sa kaniyang silid kung hindi na niya
kayang pumunta sa hapag-kainan.
• Pakinggan siya kapag nagkukuwento.
• Kausapin nang madalas ang matanda, upang maramdaman
niyang mahalaga pa rin siya.
• Maaaring ipasyal ang matanda paminsan-minsan upang
makalanghap ng sariwang hangin.
• Dalawin sa kaniyang silid nang madalas kung hindi na niya
kayang lumabas.

Pangalawang Araw
Gawain B:
1. Muli, sa inyong pangkat, pag-usapan ang tungkol sa pag-
aalaga sa maysakit. Tingnan kung magkapareho o kung
magkaiba.

253
2. Itala ang pagkakaiba at ang pagkakapareho sa pamamagitan
ng paglalagay ng mga sagot o ideya sa ilalim ng kahon ng
bawat paksa:

Wastong Paraan Wastong Paraan


Pagkakaiba
ng Pag-aalaga sa ng Pag-aalaga sa
Matatanda mga Maysakit
1. Silid –tulugan

2. Mga kagamitan

3. Pagpapakain

4. Pagpapaligo/Pag-
lilinis ng Katawan

5. Pagpapainom ng
Gamot

Pag-usapan muli sa inyong pangkat ang pagkakaiba sa pag-


aalaga sa matanda at sa maysakit. Tingnan sa tsart kung tama ang
inyong mga sagot.

254
Pag-aalaga sa Maysakit

• Panatilihing malinis at maaliwalas ang silid ng maysakit. Alisin


ang mga sampay na maaaring pamahayan ng lamok.
• Ilagay sa kaniyang silid ang mga pangunahin niyang
pangangailangan at iba pang mahalagang gamit.
• Panatilihing bukas ang bintana upang makapasok ang
sariwang hangin.
• Ipaskil sa isang lantad na lugar ang iskedyul ng pagpapainom
ng gamot para sa kaalaman ng kasambahay. Maglaan ng
sadyang lalagyan ng mga gamot. Iwasang maalis ang etiketa
label ng mga ito. Alisin kaagad ang mga boteng walang laman,
mga balat ng gamot at mga gamot na hindi na kailangan.
• Panatilihing malinis ang kagamitan ng maysakit tulad ng
baso, kutsara, at takalan ng gamot. Hugasan agad ang mga
ito pagkatapos gamitin.
• Gawing maginhawa ang pakiramdam ng maysakit. Punasan
siya ng maligamgam na tubig araw-araw o paliguan kung
hindi makasasama sa kaniyang kalagayan.
• Pagsuutin siya ng maluwag at maginhawang damit- pambahay.
• Sikaping makapagsipilyo siya ng ngipin araw-araw.
• Kung gumagamit siya ng arinola, sikaping maitapon agad ang
laman nito.
• Bigyan ng sapat na panahon na makapagpahinga ang
maysakit. Iwasan ang pagtigil ng mga bata sa silid kung
nakagagambala sa kaniya ang ingay ng mga ito.

255
Mga karagdagang impormasyon at mga mungkahing gawain
sa pag-aalaga ng maysakit:

A. Kung may lagnat, sipon, at ubo:

1. Bigyan ng gamot para sa sipon at ubo at pampababa


ng lagnat ayon sa reseta ng doktor.
2. Bigyan ng sapat na inumin ang maysakit. Maaari
siyang bigyan ng malinis na tubig, salabat, lemonada o
anumang inuming galing sa katas ng prutas.
3. Hayaang presko ang silid ngunit tiyaking hindi naman
giginawin ang maysakit.
4. Bigyan ng kumot ang maysakit upang hindi ginawin.

B. Kung may diarrhea o nagdudumi ang may sakit:

1. Bigyan siya ng sapat na likido katulad ng:


a. gatas ng ina
b. malabnaw na lugaw
c. sopas
d. bula ng sinaing na kanin o am
e. katas ng prutas
f. sabaw ng buko
2. Gumamit ng ORS o Oral Rehydration Salt ayon sa
mungkahi ng doktor.
3. Dalhin sa manggagamot kung kinakailangan.

Pangatlong Araw

Gawain C:

1. Bibigyan ang bawat pangkat ng manila paper na nakasulat


sa chart na nasa ibaba ng bilang 2 at ng 12 pahabang
piraso ng cartolina at permanent marker.

2. Isulat sa cartolina strips ang hinihingi na mga sagot tungkol


sa pag-aalaga ng sanggol o nakababatang kapatid na
nakalaan sa bawat pangkat:

256
a. Pangkat I – Pagpapaligo at Pagbibihis
b. Pangkat II – Pagpapakain
c. Pangkat III – Pagpapatulog
d. Pangkat IV – Paglalaro

3. Isulat ang inyong sagot sa nakahandang tsart sa ibaba.


Wastong Paraan ng Pag-aalaga ng Sanggol

Sa Sa Sa Sa Sa
Pagpapaligo Pagbibihis Pagpapakain Pagpapatulog Paglalaro

Ihambing ang mga sagot ng inyong pangkat dito sa talaan ng


pag-alaga ng sanggol:
Ang sumusunod ay ilan sa mga paraan sa pag-aalaga ng
sanggol at nakababatang kapatid:
A. Pagpapaligo:

1. Paliguan ang bata sa tamang oras tuwing umaga.


2. Ihanda ang lahat na gagamitin sa pagpapaligo tulad ng
palangganang may maligamgam na tubig at tubig na
pambanlaw, bimpo, tuwalyang malaki, sabon, langis o lotion,
at malinis na damit na isusuot.
257
3. Ilapag ang sanggol sa mesang paliguan. Hubarin ang
kaniyang damit.
4. Basain ang bimpo ng maligamgam na tubig. Punasan ang
mukha, mata, ilong, tainga, at ulo ng sanggol.
5. Gumamit ng sabong pambata na hindi matapang sa balat at
mata. Sabuning mabuti ang kaniyang katawan at gawin ito
nang banayad.
6. Buhatin ang sanggol at itapat sa palangganang may tubig at
banlawan siyang mabuti. Suportahang mabuti ang kaniyang
likod sa pamamagitan ng iyong braso. Gawing mabilis ang
pagbabanlaw para hindi ginawin ang bata.
7. Ilapag ang sanggol sa tuwalyang malaki at dampian ang
katawan nito upang matuyo agad.
8. Maaaring lagyan ng langis o lotion ang katawan ng
sanggol.

B. Pagbibihis

1. Palitan ang damit ng bata kung ito ay basa o kung


kinakailangan.
2. Ang damit ng bata ay kailangang maginhawa, maluwag,
at madaling isuot.
3. Kailangan ding ito ay madaling labhan at hindi inaalmirolan.
4. Dahan-dahan ang pagbibihis sa bata upang hindi siya
masaktan.

258
C. Pagpapakain:

Ang pagpapakain ay dapat ihanda na ng ina bago umalis


upang matiyak na wasto ang pagkaing ibinibigay.
1. Sundin ang tagubilin ng nanay tungkol sa tamang oras
ng pagbibigay ng pagkain.
2. Gamitin sa pagpapakain ng bata ang kaniyang
pansariling kagamitan tulad ng pinggan, kutsara,
tinidor, at baso. Linisin at iligpit ang mga ito, pagkatapos
pakainin ang bata.
D. Paglalaro:

259
1. Ang sala o silid-tulugan ang mabuting lugar para sa
paglalaro sa loob ng bahay.
2. Ang lugar ay dapat maaliwalas at walang kasangkapang
makasasagabal sa pagtakbo.
3. Ito ay dapat may sapat na bintana upang makapasok
ang sariwang hangin.

E. Pagpapatulog:

Ang sanggol ay karaniwang natutulog sa iba’t ibang oras sa


isang araw, lalo na pagkatapos kumain. Naririto ang dapat isaalang-
alang sa pagpapatulog ng sanggol:

1. Tiyaking malinis, tuyo, at komportable ang lugar.


2. Dapat ligtas, mahangin, maliwanag at hindi daanan ng tao
upang hindi magambala sa pagtulog ang sanggol.
3. Ipaghele ang bata sa iyong bisig bago ihiga sa higaan.
4. Lagyan ito ng kulambo upang huwag siyang madapuan ng
lamok at iba pang insekto.
5. Ibahin ang posisyon ng pagkakahiga ng bata matapos ang
isang oras upang hindi siya mangawit.

260
Ang pagsunod sa wastong pag-aalaga ng matanda,
maysakit, sanggol, o nakababatang kapatid ay nagdudulot ng
kaginhawahan sa tagapag-alaga, gayon din sa mga kasapi ng
mag-anak.

Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo


ang diwa ng mga pangungusap.

1. Ang silid ng maysakit ay kailangang mapanatiling kaaya-


aya at __________________.
2. Hayaang palagiang bukas ang bintana ng silid ng maysakit
upang makapasok ang ______________.
3. Kinakailangang punasan ang maysakit
ng___________________upang maging maginhawa ang
kaniyang pakiramdam.
4. Bukod sa mga katas ng prutas maaaring bigyan ang
maysakit ng ________________.
5. Upang hindi makalimutan ng kasapi ng mag-anak ang oras
at paraan ng pagpapainom ng gamot, kailangang magpaskil
sa isang lantad na lugar ang_____________________.
6. Paliguan ang bata sa _________oras araw-araw.
7. Basain ang bimpo ng _________________ na tubig.
8. Gamitin sa pagpapakain ng bata ang kaniyang __________
kagamitan.
9. _______________ ang bata sa iyong bisig bago ihiga sa
kama.
10. Lagyan ng ________________ang katawan ng bata
pagkatapos maligo.

261
1. Itala ang tatlong wasto at aktwal na pamamaraan sa pag-
aalaga ng sumusunod:
a. Matanda
1.

2.

3.

b. Sanggol
1.

2.

3.

c. Maysakit
1.

2.

3.

2. Ano-ano ang mga katangian ng tagapag-alaga?





262
Home Eco
Aralin 11
PAGTULONG NANG MAY PAG-IINGAT AT
PAGGALANG

LAYUNIN:

1. Naisasagawa ang pagtulong nang may pag-iingat at


paggalang

Masaya ang isang pamilya kung nakikipagtulungan


ang bawat kasapi nito. Lalong nagiging masaya kung ang
pagtutulungan ay naisasagawa nang may pag-iingat at
paggalang. Subalit, paano naisasagawa ang pagtutulungan
nang may pag-iingat at paggalang?

Sa tahanan o sa paaralan, may mga pagkakataon na


tayo ay maaaring makatulong sa ating kapuwa. Ang pagtulong
ay mahalaga dahil ito ay nakapagpapagaan sa mga gawain
at damdamin ng ating kapuwa, lalong lalo na sa kasapi ng
mag-anak. Tandaan lamang na sa bawat pagtulong, ay
kinakailangang gawin ito nang may paggalang at pag-iingat.

Pagmasdan ang larawan at sagutin nang tahimik ang mga


kasunod na tanong:

263
Kung ikaw ang estudyante, gagawin mo ba ang
pagtulong na ginawa niya? Paano mo gagawing maingat at
magalang ang iyong pagtulong?

A. Isayos ang mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang salita
na inilalarawan ng parirala:

1. g a p g a t i n i – pagkilos nang maayos at marahan


2. l a g a n g p a g – pagbibigay respeto
3. g o l n p a g u t – pag- alalay
4. l o n g s a g – bagong panganak
5. k i t s a y a m – may karamdaman

264
B. Basahin nang tahimik at unawain ang maikling kuwento:

Ang Kuwento ni Lolo Jose

Si Lolo Jose ay 80 taong gulang na mag-isang namumuhay sa


isang maliit na kubo. Umaasa lamang siya sa kaniyang buwanang
pensiyon para mabuhay. Katabi niya ang bahay ng mag-anak ni
Aling Cynthia at Mang Ramon na mayroong dalawang anak na
lalaki, si Marlon sampung taong gulang na nasa ikalimang baitang
at si Manny, pitong taong gulang na nasa ikalawang baitang.

Bago pumasok sa paaralan ang dalawang mag-aaral


ay dumadaan muna sa bahay ni Lolo Jose para magmano at
magpaalam na sila ay papasok na sa paaralan. Ang mag-asawang
Aling Cythia at Mang Ramon naman ay dumadaan din sa bahay ni
Lolo Jose bago pumasok sa opisina. Ikinagagalak ito ng matanda
dahil nararamdaman niya na may pamilya siya kahit mag-isa lang
siyang namumuhay.

Sa mga araw na walang pasok ang mag-anak, sinisikap nilang


isama si Lolo Jose sa kanilang tahanan upang hindi ito mangulila.

Maingat at magalang na nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan


ang mag-anak kay Lolo Jose sa pamamagitan ng paggamit ng po at
opo kapag sila ay nakikipag-usap, at nagpapalitan ng kuro-kuro.

Maingat at magalang din na ipinagpapaalam ng mag-anak kung


mayroon silang nais na gawin sa loob ng tahanan ni Lolo Jose, tulad
ng pagtulong nila sa paglilinis at pag-aayos ng kaniyang tahanan.
Malugod din nilang ipinagpapaalam kung mayroon silang nais na
idaragdag na personal at pantahanan niyang mga kagamitan.

Ang ginagawang pagtulong ng mag-anak ni Mang Ramon at


Aling Cynthia kay Lolo Jose ay nakatawag pansin sa mga tao sa
kanilang pamayanan. Kung kaya’t nagawaran ng pagkilala bilang
Huwarang Pamilya ng Barangay ang mag-anak.

265
A. Sagutin nang tahimik ang mga sumusunod:

- Ano-ano ang ginagawang pagtulong ng mag-anak ni Mang


Ramon kay Lolo Jose?


- Ano-ano ang magagandang katangian ng mag-anak?




Ihambing ang iyong mga sagot sa loob ng kahon:

Ang mag-anak ni Mang Ramon at Aling Cynthia ay tumutulong


kay Lolo Jose sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay, pag-aayos
sa kaniyang mga kagamitan, pagbibigay ng iba pang kagamitan,
at pagbibigay ng kanilang oras o panahon kapag ang mag-anak
ay walang pasok.

Ilan sa magagandang katangian ng mag-anak ay pagiging


magalang, matulungin, mabait, maunawain, at mapagbigay.

B. Makilahok sa Gawain:

1. Bibigyan ng tiglilimang cartolina strips at pentel pen ang


bawat pangkat.
2. Batay sa maikling kuwento ni Lolo Jose, sagutin ang tanong
na: Paano naisagawa ang pagtulong ng mag-anak ni Mang
Ramon kay Lolo Jose nang may pag-iingat at paggalang?
3. Ipaskel sa pisara o sa dingding ang sagot ng pangkat at
iulat sa klase sa loob ng tatlong minuto.
4. Pagkatapos ng inyong gawain, ilagay o ilipat sa wheel map
ang pinakatamang sagot.

266
Mga
paraan ng
patulong nang
may pag-ingat at
paggalang

Upang maging mapayapa at maunlad ang pamumuhay


ng mag-anak kailangang gampanan ng bawat isa ang
.
nakatakdang gawain nang may pag-iingat at paggalang.

Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno. Lagyan ng


tsek ang patlang bago ang bilang kung ang ginagawang
pagtulong ay may pag-iingat at paggalang:
____ 1. Masayang ginagampanan ang nakaatang na tungkulin
sa pamilya.
____ 2. Umaalis sa bahay nang tahimik at walang paalam,
kapag inuutusan.
____ 3. Magiliw na nakikipagtulungan sa mga kapatid kapag
naglilinis ng bahay.
____ 4. May kusang nagpupunas ng mga kagamitan sa bahay
sa mga araw na walang pasok.
267
____ 5. Malugod na sinasamahan ang Nanay sa pamamalengke.
____ 6. Ipinagpapaalam sa Tatay ang mga bagay na nais gawin sa
loob ng tahanan.
____ 7. Magalang na nakikiraan sa mga nag-uusap sa
tahanan habang nagwawalis.
____ 8. Umaawit habang maingat na pinupunasan ang mga
sofa sa bahay.
____ 9. Nag-aalaga sa nakababatang kapatid nang tahimik.
____ 10. Magiliw na pinanonood ang mga kasapi ng mag-
anak habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sipiin sa kuwaderno at sagutan ang mga tanong.

1. Ang nakababata mong kapatid ay nangangailangan ng


iyong tulong sa paggawa ng kaniyang takdang-aralin o
proyekto sa paaralan. Ano ang gagawin mo?


2. Naglalaro ka at bigla kang tinawag ng nanay mo upang


tulungan siya maglinis ng bahay. Ano ang gagawin mo?


268
Home Eco
Aralin 12
PAGTANGGAP NG BISITA SA BAHAY

LAYUNIN:

1. Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad


ng:
a. pagpapaupo, pagbibigay ng makakain, tubig at iba.
b. pagsasagawa ng wastong pag-iingat sa pagtanggap
ng bisita.
c. pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya.

Lahat ng tahanan payak man o nakaririwasa ang


pamumuhay, ay tumatanggap ng bisita. Ang mga bisita ay
maaring mga kamag-anak, kaibigan at pati di-kilala. Anuman
ang estado sa buhay ng mga bisita ay dapat na kalugod-lugod
silang tanggapin sa ating tahanan. Ang kaugalian at kulturang
Pilipino na ito ay hindi nawawala hanggang sa kasalukuyang
panahon.

Bilang kasapi ng mag-anak, paano ka makatutulong sa


pagtanggap ng bisita?

269
Sa gabay ng inyong guro, gawin ang sumusunod:

1. Isasadula ng inyong pangkat ang pagtanggap ng bisita.


2. Pag-uusapan ng inyong pangkat ang pangkaraniwang
ginagawa kung paano tinatanggap sa bahay ang alinman
mga bisitang:
- kamag-anak;
- kaibigan/kasamahan sa trabaho;
- kaklase; at
- hindi kakilala.
3. Ihambing ang inyong mga sagot sa loob ng kahon:

Mga pangkaraniwang ginagawa sa pagtanggap ng mga sumusunod


na bisita:
a. Mga kamag-anak :
1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay ang
kamag-anak.
2. Maaaring alokin ng maiinom o makakain ang bisita.
3. Magalang na magsimula ang kuwentuhan ng kumustahan
sa isa’t isa. Iwasang mapag-usapan ang mga usapin na
makapagbibigay ng lungkot sa bisita.
4. Maaaring ihatid sa pintuan o labas ng bahay ang bisita
kung magpaalam siya.
b. Mga kaibigan/kaklase o kasamahan sa trabaho:
1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay ang
bisita.
2. Ipakilala sa kasapi ng mag-anak.
3. Maaaring hainan ng maiinom at makakain ang bisita.
4. Magalang na makipagkuwentuhan at makipag-usap.
5. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kung
magpapaalam na siya.

270
c. Mga hindi kakilala:
1. Maging maingat sa pagtanggap ng bisitang hindi kakilala.
2. Maingat at magalang na itanong ang pangalan at kung
sino at ano ang kailangan.
3. Iwasang patuluyin sa loob ng bahay ang hindi kakilala
hangga’t hindi nakasisiguro sa pagkatao.
4. Iwasang iwanan na mag-isa sa loob ng tahanan o
bakuran ang bisita.
5. Maaaring alokin ng maiinom o makakain ang bisita.
6. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kapag
nagpaalam na.

4. Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno, pagsunod-sunurin


ang sumusunod na gawain sa pagtanggap ng bisita. Isulat
ang iyong sagot sa inyong kuwaderno:
- Malugod na ipakilala sa pamilya, kung ito ay kaibigan ng isa
sa mga miyembro ng mag-anak.
- Magalang na makipag-usap o makipagkuwentuhan sa bisita.
- Alokin o Hainan ng tubig o anumang maiinom at makakain
ang bisita.
- Magiliw at magalang na paupuin ang bisita.
- Maingat na magbukas ng usapin na magdudulot ng
kalungkutan sa bisita.
- Maingat na itanong sa bisita ang sadya ng kaniyang
pagbisita.
- Magiliw na ihatid sa labas ng pintuan o gate kapag siya ay
nagpaalam na uuwi.
- Pasalamatan ang bisita sa kaniyang pagdalaw kung ang
sadya ay dalawin ang isa sa mga miyembro ng mag-anak
o ang pamilya.
- Maaaring magmano sa bisita ang mga bata kung ito ay may
edad o matanda na. Ang mga nakatatanda naman sa mag-
anak ay maaaring makipagbeso-beso sa bisita.
- Maging maingat sa pagtanggap ng bisita kung hindi ito
kakilala. Makabubuti na interbyuhin at hindi muna patutuluyin
sa loob ng bakuran o tahanan ang hindi kakilalang bisita.
5. Sa tulong ng iyong guro, tiyakin kung tama ang pagkakasunod-
sunod na ginawa mo sa pamamagitan ng pagpapalitan ng
kuwaderno.

271
6. Sa tulong din ng inyong guro, isadula ang wastong
pagtanggap sa bisita ayon sa talaan at pagkasunod-sunod
na ginawa.

Isa sa mga kaugaliang Pilipino ay ang mahusay at


maasikasong pagtanggap sa bisita. Kinalulugdan ito ng
maraming dayuhan. Kung kaya, mas mapagyayaman ito kung
ang bawat batang Pilipino ay matututunan ang maingat at
wastong pamamaraan ng pagtanggap sa bisita.

Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno at punan ng mga


salita ang patlang:

1. Ang bisita ay nararapat na ______kung hindi kakilala ng


buong mag-anak.
2. Marapat na _______ang bisita ng maiinom o makakain.
3. Maging ______sa pagtanggap ng bisita kung hindi ito
kakilala.
4. Makipag-usap nang may ______ sa bisita.
5. Iwasan pag-usapan ang mga _________ na makapagdudulot
ng kalungkutan sa bisita.

272
Bumuo ng limang pangungusap tungkol sa karanasan sa
pagtanggap ng bisita. Maaaring ipakuwento sa magulang kung ikaw
ay wala pang karanasan sa pagtanggap ng bisita. Maaari rin itong
isulat sa kuwaderno o ibang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

273
Home Eco
Aralin l3
MGA KAGAMITAN SA PAGLILINIS NG
BAHAY

LAYUNIN:

Natutukoy ang angkop na mga kagamitan sa paglilinis ng


bahay at bakuran

Kasiya-siya ang malinis na tahanan. Maaliwalas ang


pakiramdam at nakararagdag sa kagandahan ng pamamahay.
Magiging magaan at kasiya-siya ang paglilinis ng tahanan kapag
gumagamit ng nararapat na kagamitan. Bilang bata, mahalaga ang
magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga kagamitan sa paglilinis ng
bahay.

274
Sa tulong ng inyong guro, gawin ang sumusunod na gawain:

1. Kilalanin ang bawat kagamitan at tukuyin ang gamit ng


bawat isa. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

a. b. c.

d. e. f.

g. h. i.

2. Bukod sa mga nabanggit na kagamitan, mayroon ding


pantulong na mga gamit sa paglilinis upang mas maging
madali at kaaya-aya ang paglilinis. Tingnan ang mga
larawan kung matutukoy mo ang gamit ng bawat isa:

275
a. b.

c. d.

e. f.

1. Paghambingin mo ang iyong sagot sa sumusunod:

Mga Kagamitan sa Paglilinis ng Bahay


Kagamitan Gamit Pag-aalaga
Walis tingtingGinagamit sa Hugasan at isabit
pagwawalis ng pagkatapos gamitin
magaspang na sahig
at sa bakuran
Walis tambo Ginagamit sa Isabit sa pako
pagwawalis ng sahig
na makinis
Basahang tuyo Ginagamit sa Sabunin, banlawan
pagtanggal ng at isampay
alikabok at pamunas
ng kasangkapan

276
Iskoba/brush Panlinis sa mga Sabunin, banlawan
kasangkapan at patuyuin
Mop Ginagamit na Sabunin, banlawan,
pamunas sa sahig pigain at patuyuin.
Palitan ang
mophead kapag ito’y
sira na.
Floor polisher Ginagamit sa Alisin sa
pagpapakintab ng pagkakakabit sa
sahig kuryente pagkatapos
gamitin. Itago sa
sadyang lalagyan.
Vacuum Ginagamit sa Alisin ang plug sa
cleaner pagsipsip ng saket pagkatapos
alikabok sa karpet gamitin. Itago sa
at mga upuang tamang lalagyan.
upholstered
Bunot Ginagamit sa Kiskisin ang
pagpapakintab ng duming sumabit sa
sahig bunot, pukpukin
at tanggalin ang
talim ng bunot na
ikinuskos sa sahig.
Pandakot Ginagamit upang Hugasan
dakutin ang mga pagkatapos gamitin
dumi o basura at isabit o ilagay sa
dapat kalagyan

Mga Pantulong na Kagamitan sa Paglilinis:

Kagamitan Gamit
1. Sabon at tubig Paglilinis ng sahig at mga bintana
2. Sabong pulbos/ Paglilinis ng lababo, indoor, at
likidong panlinis palikuran
3. Floor wax Pampakintab ng sahig

277
4. Likidong wax Pampakintab ng barnisadong
kasangkapan
5. Suka at lumang Gamit sa paglilinis ng mga salamin
diyaryo at bintana
6. Bleach at iba pa Pang alis ng mantsa sa lababo at
inodoro.

Ang sapat na kaalaman sa angkop na kagamitan sa paglilinis


ay makatitipid sa oras, lakas, at salapi. Makatutulong din ito sa
mahusay na paglilinis ng bahay.

Sa iyong kuwaderno, isulat sa patlang kung anong kagamitan ang


tinutukoy ng bawat pangungusap.

__________1. Ginagamit sa pag-aalis ng alikabok at pagpupunas


ng kasangkapan.
__________2. Ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.
__________3. Ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig
at sa bakuran.
__________4. Ginagamit na pamunas sa sahig.
__________5. Ginagamit upang pulutin ang mga dumi o basura.

278
Magtala ng limang (5) kagamitang madalas ginagamit sa
paglilinis ng bahay.

1.


2.


3.


4.


5.


279
Home Eco
Aralin 14
WASTONG PAGLILINIS NG TAHANAN

LAYUNIN:

1. Naisasagawa ang wastong paglilinis ng bahay


2. Nagagamit ang wastong kagamitan sa paglilinis ng
bahay

Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masayang


pamilya. Mula sa mga magulang hanggang sa nakababatang kapatid
ay dapat tulong-tulong sa pagpapanatili ng masinop, maayos, at
malinis na tahanan.

Muli, pagmasdan nang tahimik ang larawan at ilarawan ang


isang malinis na tahanan.

280
Kasiya-siyang pagmasdan at ang pakiramdam kapag malinis ang
tahanan. Nagdudulot ito ng kapanatagan sa mga kasapi ng mag-
anak.
Ang sumusunod ay ilan sa mga paglalarawan ng malinis na tahanan:
1. Maayos ang pagkakalagay ng mga kagamitan sa loob ng
tahanan.
2. Makintab at walang alikabok ang sahig, pati mga kagamitan
tulad ng mesa, mga upuan at mga palamuti.
3. Maaliwalas.
4. Mabango ang pakiramdam.

Sa gabay ng inyong guro, gawin ang sumusunod:

1. Makilahok sa gawain ng inyong pangkat. Isulat ang isang


gawain upang luminis ang tahanan. Ipapaskil mo ito sa
pisara o dingding kasama ang pangkat ng kaparehong
kulay na hawak mo.
2. Tingnan ang gawa ng inyong pangkat kung kapareho sa
sagot na inihanda ng inyong guro:

Paraan ng Paglilinis ng Tahanan:


a. pagwawalis
b. pag-aalis ng alikabok sa mga kagamitan
c. paglalampaso ng sahig
d. pagbubunot

Kasapi ka ng mag-anak at may tungkulin kang ginagampanan


upang mapanatiling malinis at maayos ito. Marunong ka bang
maglinis ng bahay? Nakatutulong ka bang maglinis nang maayos
sa inyong tahanan?

281
Basahin nang tahimik ang Wastong Pamamaraan ng Paglilinis
ng Bahay at tingnan kung nasusunod mo ang mga ito kapag ikaw
ay naglilinis ng inyong bahay:
a. Pagwawalis – Gumamit ng walis-tambo sa pagwawalis ng
sahig. Dahan-dahan ang pagwawalis upang hindi lumipad
ang alikabok. Simulan sa mga sulok at tabi ng mga silid
patungong gitna ang pagwawalis. Gumamit ng pandakot at
dakutin agad ang naipong dumi.

b. Pag-aalis ng alikabok – Ang mga kasangkapan ay


madaling maalikabukan. Kailangang punasan ang mga
ito araw-araw. Ang lumang damit o lumang kamiseta ay
mainam gamitin kung malambot at hindi nag-iiwan ng
himulmol. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi
ng mga kasangkapan, pababa. Ang mga dekorasyon at
palamuti ay kailangang punasan din.

c. Paglalampaso ng sahig – Ang paglalampaso ng sahig


na gamit ang mop ay ginagawa pagkatapos walisan ang
sahig. Basain at pigain ang mophead. Ilampaso ito sa
sahig sa pagitan ng muwebles, sa sulok, at ilalim ng mesa
at cabinet. Kapag marumi na ang mophead, banlawan sa
isang timba na katamtaman ang dami ng tubig o itapat ito
sa gripo at yugyugin hanggang sa maalis ang dumi. Pigain
at gamiting muli.

d. Pagbubunot – Binubunot ang sahig upang kumintab.


Punasan muna ang sahig bago lagyan ng floorwax. Gawing
manipis at pantay-pantay ang paglalagay. Patuyuin muna
ito bago bunutin. Punasan ng tuyong basahan upang lalong
kumintab.
3. Ang paglilinis ng bahay ay karaniwang ginagawa araw-araw.
Subalit mayroon ding mga gawaing paglilinis na ginagawa
nang lingguhan at paminsan-minsan lamang. Sa inyong
tahanan ano-ano ang mga gawaing paglilinis na ginagawa
araw-araw? lingguhan? at paminsan-minsan? Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
282
Paglilinis na Paglilinis na Paglilinis na
Ginagawa Ginagawa Ginagawa nang
Araw-araw Paminsan-minsan Lingguhan

Ang tulong-tulong na paggawa ng mag-anak ay kailangan upang


maging malinis at maayos ang tahanan. Ang pagsunod sa wastong
paraan ng paglilinis ng tahanan ay may malaking maitutulong upang
makatipid sa oras, salapi, at lakas.

Piliin ang wastong karugtong ng pangungusap sa loob ng


kahon. Isulat ang titik nito sa patlang:

1. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan. Kailangang


punasan ang mga ito ng _____ araw-araw.
2. Ang sahig ay ______upang kumintab.
3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang ______ upang
hindi lumipad ang alikabok.
4. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng mga
kasangkapan _______.
5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga _________
patungo sa gitna.

283
a. tuyong basahan
b. dahan-dahan
c. timba
d. sulok
e. pababa
f. binubunot

Magtala ng limang gawain ng paglilinis sa inyong


tahanan, at ibahagi ito sa mga kaklase sa susunod na araw.

1.



2.



3.



4.



5.


284
Home Eco
Aralin 15
WASTONG PAGLILINIS NG BAKURAN

LAYUNIN:

1. Naisasagawa ang wastong paglilinis ng bakuran


2. Nagagamit ang wastong kasangkapan sa paglilinis ng
bakuran

Bahagi ng tahanan ang bakuran. Ang malinis na bakuran


ay kaaya-ayang tingnan at nakadaragdag sa pagpapaganda
ng pamayanan.

Pagmasdan ang larawan ng malinis at magandang bakuran:

285
1. Ano-ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa
paglilinis ng bakuran?
2. Paano ang wastong paglilinis sa bakuran?

Sa gabay ng inyong guro, makilahok sa sumusunod na


pangkatang gawain:

Gawain A
1. Bibigyan ang inyong pangkat ng manila paper at pentel pen.
2. Pag-usapan ang sumusunod na pamamaraan ng paglilinis
sa bakuran:
a. pagwawalis
b. pagbubunot ng damong ligaw
c. pagtatapon ng basura
d. pagdidilig ng mga halaman
e. paglilinis ng kanal
3. Ipaskil sa pisara o sa dingding ang natapos na gawain ng
pangkat at iulat ito sa klase.

Gawain B
1. Paghahambingin ng buong klase ang mga pangkatang gawa.
2. Titingnan ang tama at magkakaparehong sagot ng bawat
pangkat.
3. Bubuuin ng inyong pangkat ang tamang paggawa sa bawat
paraan ng paglilinis ng bakuran.

Ikumpara ang iyong mga sagot sa sumusunod:

Bilang mag-aaral sa ikaaapat na baitang, malaki ang


magagawa mo upang makatulong sa paglilinis ng inyong bakuran.
Naririto ang mga mungkahing gawain upang makatulong ka sa
paglilinis sa bakuran:
- Maglaan ng oras para sa paglilinis ng bakuran bago
pumasok at pagkauwi mula sa paaralan. Maaari ding gawin
isang beses lang sa isang araw ang paglilinis. Maaaring
gawin sa umaga o sa hapon depende kung anong oras
maluwag ang iskedyul sa paaralan.

286
- Hingin ang bahagi ng bakuran na nakatakda mong linisin
araw-araw.
- Linisin ang bahagi ng bakuran na nakatakdang linisin mo
araw-araw.
- Magsabi sa kasapi ng mag-anak kung hindi kayang linisin
ang bahaging nakatakda sa iyo upang hindi mapabayaang
marumi ito.

Naririto ang ilang paraan ng paglilinis sa bakuran:

- Ugaliin ang pagwawalis sa loob at labas ng bakuran. Tapat


mo, linis mo.
- Diligan ang mga halaman araw-araw. Paminsan-minsan,
lagyan ito ng patabang organiko at bungkalin ang lupa sa
paligid ng halaman.
- Gupitan din ang mga halaman kung kailangan upang
gumanda ang hugis at haba ng mga sanga at maging
malusog ang halaman.
- Kung magtatapon ng basura, paghiwalayin ang nabubulok
at hindi nabubulok. Ang mga tuyong dahon ay mga
basurang nabubulok at maaaring gawing pataba. Ang mga
hindi nabubulok gaya ng mga bote at plastik ay maaaring
ipagbili o gamiting muli (recycle).
- Kinakailangang takpan ang mga basurahan upang hindi
pamugaran ng daga, langaw, ipis, at iba pang mga insekto.
- Bunutin ang mga damong ligaw hanggang sa mga ugat
upang hindi kaagad tumubo ang mga ito. Isama sa compost
ang mga binunot na damo o ibaon sa lupa upang maging
pataba.
- Siguruhing ang mga kanal o daluyan ng tubig ay dumadaloy
nang tuloy-tuloy upang hindi pamahayan ng mga lamok at
upang makaiwas sa sakit na dengue.

(Sa susunod na araw ihanda ang mga sarili at mga kagamitan sa


paglilinis ng bakuran upang isagawa ang pangkatang pagpapakita
ng paglilinis sa bakuran)

287
Pangalawang Araw
Gawain C

1. Bilang pangkat, gawin ang tamang paglilinis sa bakuran at sa


labas ng silid-aralan.

2. Sundin ang panuntunan sa paggawa na ibinigay ng inyong


guro.

3. Tingnan kung nasunod ng inyong pangkat ang mga


pamamaraan sa pamamagitan ng pagsagot ng lider sa tseklist:

Mga Gawain/Pamamaraan OO HINDI

1. Ginamit ang walis tingting sa pagwawalis


ng mga tuyong dahon sa loob at labas ng
bakuran.
2. Ginamit ang pandakot sa pagdampot ng
basura at inilagay ito sa basurahan.

3. Nasunod ang wastong paraan ng pagbubunot


ng damo.

4. Pinaghiwalay ang mga basurang nabubulok at


hindi nabubulok.

5. Diniligan ang mga halaman, gamit ang


rigadera.

288
Ang malinis na bakuran ay nakapagpapaganda ng tahanan
at ng pamayanan. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa buong mag-
anak. Nasasalamin din sa malinis na bakuran ang pagtutulungan
ng bawat kasapi ng mag-anak.

Sipiin sa iyong kuwaderno at lagyan ng tsek () ang patlang


ng bilang kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong paraan
ng paglilinis ng bakuran at ekis (X) naman kung hindi.

____1. Linisin ang daanan ng tubig o kanal upang maiwasan


ang pamamahay ng mga daga at iba pang mga hayop.
____2. Ang mga damong ligaw na tumutubo ay kailangang
bunutin kasama ang ugat nito.
____3. Ang bakurang malinis ay nakatutulong sa pagkakaroon
ng malinis na pamayanan.
____4. Kinakailangang walisin ang mga tuyong dahon at ibang
kalat sa loob at labas ng bakuran.
____5. Ang mga basurang nabubulok ay kailangang ilagay sa
compost pit.
____6. Ang mga basurang hindi nabubulok ay kailangang
itapon sa malayong lugar.
____7. Bunutin ang mga ugat ng mga ligaw na damo upang
hindi na tumubo muli.
____8. Pagkatapos walisin ang mga tuyong dahon, sunugin
ito.
____9. Ang mga nabubulok na basura ay pampataba sa mga
halaman.
____10. Gamitin ang pandakot kung ilalagay ang mga tuyong
dahon sa basurahan.

289
Tumulong sa paglilinis ng inyong bakuran. Sipiin muli ang
tseklist at gawin ito.

1.


2.


3.


4.


5.


290
Home Eco
Aralin 16
PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASANG
GAWI SA PAGLILINIS NG BAHAY AT BAKURAN

LAYUNIN:

1. Nakasusunod sa mga tuntuning pangkalusugan at


pangkaligtasan sa paglilinis ng bahay at bakuran
2. Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa
bahay
3. Nasasabi ang kahalagahan ng maayos, malinis, at ligtas
na bahay at bakuran

Matututunan sa modyul na ito ang mga panuntunang


pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay
at bakuran, at ang wastong paghihiwalay ng basura. Ito ay
makakatutulong sa iyo at sa iba pang kasapi ng pamilya upang
mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang tahanan. Ang sakuna
at ibang simpleng sakit o karamdaman ay maiiwasan kung lahat

291
ay sama-samang gagawa at susunod sa mga pangkaligtasan at
pangkalusugang gawi pati na rin sa tamang paghihiwalay ng basura.

Mauunawaan din sa modyul na ito ang kahalagahan ng isang


maayos, malinis, at ligtas na bahay.

Upang maiwasan ang sakuna at ibang simpleng karamda-


man sa bahay, gawin ang mga sumusunod na panuntunan:

1. Alamin ang mga gawaing gagampanan upang malaman kung


alin ang dapat unahin sa mga ito.(prioritizing things)
2. Mag-umpisa sa simple o payak na gawain bago dumako sa
medyo mahirap at gawin (iapply) ang “work simplification
technique”.
3. Simulang linisin ang bahaging itaas ng bahay bago linisin ang
sahig upang maiwasan ang pagkalat muli ng alikabok.
4. Ihanda ang lahat ng kakailanganing kagamitan sa gagawing
paglilinis.
5. Gumamit ng maginhawa o angkop na damit panggawa upang
malayang makakilos o makagawa.
6. Takpan ang ilong gamit ang malinis na panyo upang hindi
malanghap ang alikabok na maaaring pagmulan ng simpleng
karamdaman at talian ang buhok upang hindi labis na kapitan
ng dumi at alikabok.
7. Pansinin ang tamang tindig at tamang paraan sa pagbubuhat
habang naglilinis o gumagawa.
8. Takpan ang mga pagkain sa kusina bago maglinis.
9. Iwasang tumuntong sa silya kung mag-aagiw sa halip gumamit
ng walis na may mahabang hawakan.
10. Hindi gaanong pinadudulas ang sahig dahil ito ay maaaring
magdulot ng sakuna o pagkadisgrasya.

292
11. Tiyaking tuyo ang kamay bago tanggalin ang saket o plug ng
mga kagamitang de-kuryente bago ito gamitin o linisin.
12. Iayos ang mga kasangkapan at iba pang kagamitan sa bawat
silid upang lumuwag at maiwasan ang disgrasya.Iligpit ang
mga may matutulis na bagay tulad ng kutsilyo sa ligtas na
lugar. Ang mga nakalalasong likido tulad ng lysol, muriatic
acid at pampatay peste ay itago sa hindi maaabot ng bata.
13. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura.
Maglaan ng magkahiwalay na basurahan para rito.
14. Itapon nang maayos ang mga basura at i-recycle ang mga
bagay na maaaring magamit pa o maaaring ipagbili.
15. Iwasang magsunog ng basura.

Ang buhay ay isa sa mga napakaganda at napakaha-


lagang regalo sa atin ng Panginoon. Ito ay mapangangalagaan
sa pamamagitan ng masusing pag-iingat at pagsunod sa mga
tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan.

A. PICTURE MOUNTING GAMIT ANG MGA PATAPONG


BAGAY ( RECYCLED MATERIAL )
Ihanda ang sumusunod na kagamitan:
- recycled cardboard
- mosaic picture
- colored paper o papel na galing sa lumang magasin
- gunting
- glue o pandikit

293
1. Idikit ang mosaic picture sa recycled cardboard, lagyan
ng isang pulgadang sobra ang bawat paligid nito. Gupitin
ang sobra.
2. Gumupit ng isang pulgadang lapad na recycled cardboard,
balutan ng colored paper o papel na galing sa lumang
magazine at idikit sa paligid ng mosaic.
3. Maaaring balutan ng plastic upang hindi agad marumihan
ang larawan.
4. Isabit sa lugar na nararapat pagsabitan nito.
5. Gamitin ang tseklist para sa pagsuri ng iyong ginawa.

Antas ng
Kriterya Kahusayan
1 2 3 4
1. Angkop ba ang pagkagawa ng disenyo
o larawan?
2. Maayos ba ang pagkadikit at
pagkabalot ng larawan?
3. Nasunod ba nang maayos ang mga
paraan sa paggawa ng proyekto/
Gawain?

Batayan:
4 – napakahusay 2 – mahusay
3 – mas Mahusay 1 – hindi mahusay

Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang iyong gagawin upang hindi malanghap ang


alikabok habang naglilinis?
a. Gumamit ng apron. c. Talian ang buhok.
b. Takpan ang ilong. d. Magdamit ng maluwang

294
2. May nabasag na baso habang ikaw ay naglilinis sa kusina.
Ano ang iyong gagawin?
a. Pupuluting isa-isa ang bubog.
b. Dadakutin at ilalagay sa basurahan.
c. Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang
may takip.
d. Pupulutin at itapon sa bakanteng lote.

3. Alin sa sumusunod ang dapat una mong gagawin?


a. Paglilinis ng kisame. c. Paglilinis ng sahig.
b. Paglilinis ng dingding. d. Paglilinis ng bakuran.

4. Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng mga de-koryenteng


kagamitan upang maiwasan ang sakuna?
a. Tiyaking tuyo ang mga kamay bago isaksak at tanggalin
ang saket at plug.
b. Basahin ang panuto kung paano ito gagamitin.
c. Hayaan itong nakabukas kahit tapos nang gamitin.
d. Tanggalin sa saksakan ang kawad.

5. Nagkalat ang basura sa inyong bahay, ano ang iyong


gagawin?
a. Ipunin lahat at ibalot sa plastic.
b. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha nito.
c. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok at ibaon sa
compost pit ang nabubulok.
d. Paghalu-haluin ang mga basura at sunugin ang mga ito.

6. Bakit kailangang sundin ang pangkalusugan at


pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran?
a. Upang maisagawa ng mga nakatakdang gawain.
b. Upang makapaglaro agad pagkatapos ng gawain.
c. Upang makaiwas sa iba pang gawain.
d. Upang maiwasan ang anumang sakuna.

295
7. Saan mo itatago ang mga tirang likidong ginamit sa paglilinis
tulad ng lysol at muriatic acid?
a. Sa mataas na lugar na hindi maaabot ng bata.
b. Sa loob ng isang kabinet.
c. Sa lugar kung saan ito kinuha.
d. Sa loob ng palikuran o comfort room.

8. Kung mag-aagiw ka ng kisame, ano ang dapat mong


gawin?
a. Gumamit ng walis na may mahabang hawakan.
b. Tumuntong sa silya para maalis ang agiw.
c. Tumayo sa malapit na bintana.
d. Gumamit ng mesa at doon tumuntong.

9. Kung maglilinis ng kusina ano ang una mong gagawin?


a. Ilagay ang mga upuan sa ibababaw ng hapag kainan.
b. Linisin ang lababo at mga kasangkapan sa pagluluto.
c. Ipunin ang mga maruruming gamit at kasangkapan sa
kusina.
d. Takpan ang mga pagkain at seguraduhing hindi
mapapasok ng alikabok.

Ipaliwanag kung paano maiiwasan ang sakuna at ibang


simpleng karamdaman sa bahay?

Isulat sa iyong kuwaderno kung ano ang mga ginagawa


mo sa inyong tahanan upang mapanatili itong maayos at malinis.
Banggitin kung paano mo sinusunod ang mga pangkalusugan at
pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran. Ibahagi ito
sa klase.

296
Home Eco
Aralin 17
KASIYA – SIYANG PAGGANAP SA MGA
GAWAING BAHAY

LAYUNIN:
1. Nasusunod ang mga gawaing nakatakda sa sarili sa mga
gawaing bahay at
2. Naisasagawa ang mga gawaing bahay nang kusang loob at
may kasiyahan

Ang pagganap sa mga nakatakdang gawain sa bahay ay isa


sa mga mahahalagang sangkap tungo sa maayos at masayang
pamilya. Nararapat lamang na alam nang bawat kasapi ng pamilya
ang kaniyang tungkulin at malugod niya itong ginagampanan. Kung
ang bawat isa ay magtutulungan sa pagganap sa mga nakatakdang
tungkulin magiging magaan ang paggawa at maiiwasan ang
pagkakaroon ng suliranin ng pamilya.
297
Pag-aaralan sa modyul na ito kung paano makasusunod sa
mga gawaing nakatakda sa sarili sa mga gawaing bahay at kung
paano maisasagawa ang mga ito nang may kusang loob. Inaasahan
din na pagkatapos mapag-aralan ang aralin ukol dito ay maipakikita
ng bawat kasapi ng pamilya ang kahalagahan ng pagkakaisa sa
pagtugon sa kani-kanilang tungkulin.

Panuto: Basahin ang tseklist na nasa ibaba at suriin kung


tama ang iyong ginagawa sa pagganap ng gawaing bahay ayon sa
talatakdaan.
Araw- Lingguhan Ayon sa Panga-
Gawain araw ngailangan
1. Paglilinis ng kisame. /
2. Pagwawalis ng sahig. /
3. Paglilinis ng mga /
muwebles.
4. Paglilinis ng palikuran. /
5. Pagpapalit ng kurtina. /
6. Paghihiwalay ng basura. /
7. Pagdidilig ng halaman. /
8. Pag-aayos ng bawat silid /
ng tahanan.
9. Pagwawalis ng bakuran. /
10. Pagpapakintab/
Pagbubunot ng sahig sa /
salas.

298
Ang paggawa ng talatakdaan katulad ng nakikita mo sa itaas
ay iyo nang napag-aralan. Upang lubos na malaman ang gamit
nito, sagutin ang sumusunod:

1. Bakit kailangang pagpangkat-pangkatin ang mga gawain


sa bahay?
2. Maliban sa iyo, may iba pa bang gumagawa sa mga ito?
3. Ano ang pakiramdam kapag nasunod ang gawaing
nakatakda sa iyo?

Ang sumusunod ay maaaring maging susi sa pagtutulungan


at pagsusunuran upang magampanan ang nakatakdang gawain.
1. Ang pagganap sa tungkulin ay dapat ginagawa nang bukal
sa kalooban.
2. Bawat isa ay handang tumulong upang matapos agad ang
mga gawain.
3. Linawin kung paano isasagawa ng nakatakdang gawain
para ito ay madaling maisakatuparan.
4. Maging bukas sa mga mungkahing maaaring ibigay ng
nakatatandang kapatid o kaya ng iyong mga magulang.
5. Ipadama ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat
kasapi ng pamilya habang isinasagawa ang nakaatang na
gawain.
6. Ugaliing sumunod sa napagkasunduan at sa ginawang
talatakdaan.

299
Gumupit ng larawan mula sa magasin na nagpapakita ng
pagsunod o pagsagawa ng mga gawaing nakatakda sa bawat
kasapi ng pamilya. Iayos ito ayon sa iyong gusto. Idikit sa recycled
cardboard at lagyan ng maikling paliwanag tungkol dito.

Sagutin ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa isang


buong papel.

1. Ano-ano ang mga gawaing bahay na nakatakda sa iyo?


2. Paano mo sinusunod ang mga gawaing nakalista sa
talatakdaan?
3. Nagagawa mo ba ito nang may kusang loob? Bakit?

300
Home Eco
Aralin 18
PAGHAHANDA NG MASUSTANSIYANG
PAGKAIN

LAYUNIN:

Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain

Ang isang batang tulad mo ay nangangailangan ng malusog na


pangangatawan, upang magampanan ang mga pang-araw-araw na
gawain.Ang mga masusustansiyang pagkain ang makapagbibigay
nito sa iyo. Magiging masigla at malakas ang iyong katawan at ito
ang paraan upang ikaw ay makaiwas sa sakit. Kung ang bawat
kasapi ng pamilya ay malakas at malusog, madali nilang magagawa
ang kani-kanilang tungkulin nang masaya.

301
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw
ay inaasahang makatutulong sa paghahanda ng masustansiyang
pagkain at maisasagawa ang sumusunod:

1. Mapapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, at Glow


food.
2. Masusuri ang mga masustansiyang taglay ng mga pagkain
gamit ang food pyramid guide.
3. Makagagawa ng plano ng ilulutong pagkain.
4. Makasusunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at
pangkalusugan sa paghahanda ng pagkain.
5. Makapagluluto at makapagdudulot ng pagkain nang kaaya-
aya.

Alam mo ba na ang mga pagkain ay napapangkat sa tatlo?

Tatlong Pangkat ng Pagkain

Pangkat I – Mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at sigla o


Go Foods

Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng mga sustansiyang


carbohydrates, taba, at langis. Nagbibigay ang mga ito ng
enerhiyang nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan. Kapag
kumakain ka ng mga ito, ikaw ay magiging masigla at malakas.
Ikaw ay makapaglalaro, makapag-aaral, at makagagawa ng iba’t
ibang gawain.

302
Ang sumusunod ay mga pagkaing mayaman sa carbohydrates:
kanin, kakaning gawa sa bigas tulad ng puto, suman, kalamay,
kutsinta, lugaw, tsamporado, at ginataang mais. Kasama sa pangkat
ang mga pagkaing gawa sa arina tulad ng keyk, tinapay, at biskwit.
Ang mga bungang-ugat tulad ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi,
taro, yakon, sugar beats, at ube ay kasama din dito. Kabilang din
ang mga matatamis na pagkain gaya ng asukal, tubo at pulot o
honey. Sa pangkat na ito kasama ang mantikilya, mantika, at niyog.

Pangkat II – Mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan o


Grow Foods

Mayaman sa protina ang mga pagkaing ito. Ang protina ay


responsable sa pagpapalaki ng mga kalamnan at ng buong katawan.
Ito ay nagpapalakas din ng mga buto at nakatutulong sa pagpapalakas
ng katawan, kung ang isang tao ay galing sa pagkakasakit. Sa
sumusunod na pagkain makukuha ang sustansiyang protina: karne
ng baboy, baka at manok, isda, itlog, at gatas. Pinagkukunan din ng
protina ang mga pagkaing galing sa butil, tulad ng monggo, mani,
kadyos, sitaw, bataw, at sitsaro. Mayaman din sa protina ang mga
lamang dagat gaya ng alimango, alimasag, hipon, dilis, halaan,
tulya, tahong, talaba, at talangka. Kasama din sa pangkat na ito
ang hamon, bacon, tocino, at longganisa.

303
Pangkat III – Mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon o
Glow Foods

Ang mga pagkaing ito ay pinagkukunan ng bitamina at


mineral. Ang mga bitamina A, B-1, 6, 12, C at mga mineral tulad ng
iron, calcium, yodo (iodine), phosphorus, at potassium ang mga
sustansiyang nagsisilbing pananggalang sa sakit at impeksiyon.
Ang mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina at mineral
ay nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan. Makukuha ang
bitamina at mineral sa mga sumusunod na pagkain:

1. Madahong gulay, madilaw, at maberde tulad ng petsay,


malunggay, talbos ng kamote, talbos ng sayote at kalabasa.
Ang saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay, carrot, at
kangkong ay mayaman sa bitamina A, calcium, at iron.
Ang mga sustansiyang nakatutulong sa pangangalaga at
pagpapalusog ng mga mata, ngipin, at buto. Kapag sapat ang
taglay na iron, ang katawan ay malakas at maganda. Ito rin
ay nakatutulong sa pamumuo ng dugo kapag nasugatan at
madaling nakapagpapagaling ng sugat.
2. Ang mga maaasim at makakatas na gulay at prutas tulad
ng dalanghita, suha, bayabas, kamyas, mangga, pipino, at
kamatis ay mayaman sa Bitamina C. Ito ay nagpapalakas ng
katawan laban sa impeksiyon at sipon. Nakabubuti rin ito sa
ngipin at gilagid.
304
3. Ang mga prutas tulad ng tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito,
langka, saging at mga gulay na tulad ng okra, sitaw, talong,
at sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa
pagbawas ng dumi. Nililinis nito ang mga bituka at tiyan upang
maging laging maayos at mahusay ang mga ito.

Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubay


sa pagpaplano ng ihahandang pagkain ng mag-anak sa araw-
araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay dapat nagtataglay ng
pagkain sa bawat pangkat.
Ang larawan ng food pyramid guide na makikita sa ibaba
ay magsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain na
manggagaling sa bawat pangkat. Ito ang patnubay tungo sa isang
Balanced Diet na nagtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.

305
Tingnan ang dayagram sa ibaba, isulat sa dulo ng bawat guhit
ang mga pagkain na kabilang sa bawat pangkat.

GO

GROW

306
GLOW

Mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa


paghahanda at pagluluto ng pagkain

1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos
maghanda ng pagkain.
2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at
maglagay ng hairnet o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan
sa pagluluto upang maiwasan ang abala.
4. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang
ubusin o tama lang sa mag-anak.
5. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay,
isda, at karne bago balatan at hiwain.Iwasang ibabad ang
mga ito sa tubig upang hindi mawala ang sustansiya.
6. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na
kutsilyo.
7. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong
basura upang hindi magkalat sa lugar na paglulutuan.

307
8. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-
apaw, pagkatuyo, o pagkasunog nito.
9. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na
rin ang pot holder para maiwasan ang pagkapaso.
10. Ilagay sa medium low ang apoy kung ang niluluto ay
kumukulo na, magpapatuloy pa rin ito sa pagkulo kahit
mahina na ang apoy.
11. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom ng kaunting
tubig kung muli itong titikman. Iwasan ang sobrang patis,
asin, suka, o betsin.
12. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan
upang maiwasan ang pagkadurog o pagkalamog at di
mawala ang sustansiya.
13. Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
14. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at takpan
ito.
15. Linisin at iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto,
pati ang lugar na pinaggawaan.

Pangkatang pagluluto para sa nabuong resipe.

Makipagtulungan sa bawat kasapi ng inyong pangkat.


Sundin ang napagkasunduan at magdala ng nakatakdang
sangkap o kagamitan sa pagluluto.Sumunod sa mga alituntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan upang maiwasan ang ano mang
sakuna.

Umpisahan na ang pagluluto. Gamitin ang scoring rubrics sa


inyong isasagawang pagluluto.

308
A. Mungkahing Rubrics para sa Pagluluto.

Kategorya 3 2 1
dalawa
Lahat ng mga
Kumpletong 1 sangkap at hanggang tatlong
sangkap at
sangkap at kagamitan ang sangkap at
kagamitan ay
kagamitan kulang kagamitan ang
naihanda
kulang

dalawa
Lahat ng Isa sa mga
Nakasunod hanggang tatlo
tuntuning tuntuning
sa tuntuning sa mga tuntuning
pang- pangkaligtasan
pang- pangkaligtasan
kaligtasan at
kaligtasan at
at pang- pangkalusugan
at pang- pangkalusugan
kalusugan ay ay hindi
kalusugan ang hindi
nasunod nasunod
nasunod

dalawa
Lahat ng
Nakasunod Isa sa mga hanggang tatlo
paraan ay
sa tamang paraan ay hindi sa mga paraan
nagawa
paraan ng nagawa nang ay hindi nagawa
nang tama at
pagluluto tama at maayos nang tama at
maayos
maayos

B. Mungkahing Rubrics sa nilutong pagkain.


Kategorya 3 2 1
Di-gaanong
Lasa Masarap Hindi Masarap
Masarap
Isa sa mga
Taglay ang Dalawa sa mga
pangkat ng
Taglay na tatlong pangkat pangkat ay
pagkain ay
Sustansiya ng pagkain wala
wala
Di-gaanong
Kaakit-akit kaakit-akit Hindi kaakit-
Kaanyuan
tingnan tingnan akit

309
Home Eco.
Aralin 19
WASTONG PAGGAMIT NG KUBYERTOS

LAYUNIN:

Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos


kutsara at tinidor

Ang masayang mag-anak ay makikitang sama-samang


kumakain sa hapag kainan. Ang wastong pag-aayos, paghahanda,
at paggamit ng mga kubyertos sa hapag-kainan ay dapat matutunan
at maisagawa ng batang tulad mo. Ito ay makatutulong upang
maging kaaya-aya ang paghahain ng pagkain at ikagagana ng
bawat miyembro ng pamilya.

Mapag-aaralan sa modyul na ito ang wastong hakbang sa


pag-aayos ng hapag-kainan at ang tamang paghahain ng pagkain.

310
Inaasahan na pagkatapos mong aralin ang paksang ito ikaw ay:

1. Makapagpapakita nang wastong paraan ng paggamit ng
kubyertos.
2. Makasusunod sa tamang panuntunan sa pagkain angkop
sa kung ano mang kultura mayroon ka.
3. Makapagpapakita ng kagandahang asal sa hapag-kainan
habang kumakain.

Mga Wastong mga Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-kainan

1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa


lugar ng bawat taong kakain. Ito ay tinatawag na one cover.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may
pagitang isang pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor
na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na
nakatihaya rin at sa bandang itaas nito ilagay ang baso na
may ¾ na tubig.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan
upang makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain.

311
Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa
hapag-kainan. Isa itong masayang tagpo na dapat pagyamanin ng
bawat kasapi ng mag-anak. Maraming magagandang bagay ang
puwedeng maganap habang kumakain. Upang maisakatuparan ito
sundin ang mga sumusunod na panuntunan:
Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan.
1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.
2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae
bago ang lalaki.
3. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang
ipatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang
gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling
pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang
paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid
ng kutsara at hindi ang dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang
malapit dito kung gusto mong kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang
kasamang kumakain. Magalang na tanggihan ang pagkaing
hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip
ito ay hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang bagay. Iwasan ang paksang ukol
sa patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala ng
gana sa pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang
ang kutsara at tinidor sa pinggan.

312
A. Ilarawan ang tamang posisyon ng mga kagamitan sa pag-
aayos ng isang cover sa hapag-kainan. Iguhit sa inyong
kuwaderno.

B. Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng larawan ng J


smiley o happy face ang patlang kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-kainan at L sad
face kung hindi.

_____ 1. Punuin ng pagkain ang pinggan.

_____ 2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng


pagkain.

_____ 3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.

_____ 4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit


habang kumakain.

_____ 5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang


mga kubyertos kung tapos nang kumain.

_____ 6. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.

_____ 7. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.

_____ 8. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

_____ 9. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo


sa pagputol ng pagkain.

_____10. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.


313
Maghanap ng larawan sa mga lumang babasahin o magasin
na nagpapakita ng kabutihang-asal sa hapag-kainan. Ayusin at idikit
ito sa loob ng kahon.

Home Eco
Aralin 20
PAGLILIGPIT AT PAGHUHUGAS NG
PINAGKAINAN

LAYUNIN:
Naisasagawa ng may sistema ang pagliligpit at paghuhugas
ng pinagkainan

314
Ang mag-anak na nagtutulungan ay masayang natatapos
ano mang gawaing nasimulan. Ito ang dapat mong tandaan upang
mapanatiling maayos ang inyong tahanan pati na rin ang inyong
samahan. Ang mga gawain sa paghahanda ng pagkain ng mag-anak
ay hindi natatapos sa pagluluto at pagdudulot ng pagkain lamang.
Bawat kasapi ng pamilya ay kailangang tumulong hanggang sa
pagliligpit ng pinagkainan.

Mapag-aaralan sa modyul na ito ang mga gawain pagkatapos


kumain sa hapag-kainan. Ang mga ito ay madaling maisakatuparan
kung ang bawat isa ay handang makipagtulungan. Pagkatapos
mong pag-aralan ang paksang ito, ikaw ay inaasahang:

1. Makasusunod sa wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit


ng pinagkainan at pinaglutuan;
2. Makagagawa nang may sistema sa pagliligpit at paghuhugas
ng pinagkainan at pinaglutuan; at
3. Makapagsasabi kung ano ang kabutihang dulot ng may
maayos at malinis na kusina.

Basahin at pag-aralan ang sumusunod na paraan sa pagliligpit


at paghuhugas ng pinagkainan at iba pang kagamitan sa pagluluto.
Ang mga ito ay makatutulong upang mapadali at mapagaan ang
nasabing gawain.

A. Paglilinis ng mesa

1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.


2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan
at ilagay sa tray.
3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.
4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang mesa.

315
B. Paghuhugas ng pinagkainan at mga kagamitan sa
pagluluto

1. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis


na kasangkapan. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan
sa dakong kanan ng lababo ayon sa pagkasunod-sunod:
a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa
2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na
may sabon o dishwashing liquid at espongha o sponge.
Tiyaking malinis ang mga ito bago gamitin. Sundin ang
pagkasunod-sunod sa pagsasabon.
3. Banlawang mabuti. Kuskusin ang mga binabanlawan
upang maalis ang dumikit na sabon o panghugas at maalis
ang amoy. Kapag ang ulam ay masebo o mamantika gaya
ng adobo, gumamit ng mainit na tubig sa pagbabanlaw ng
mga pinggan at kubyertos.
4. Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.
6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.
7. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan, pagkatapos
hugasan at patuyuin ang lahat ng pinagkainan at
pinaglutuan.
8. Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy,
bago iligpit ang mga kasangkapang ginamit. Sa ganitong
paraan walang ipis o daga na pupunta.
9. Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha
ang mga kasangkapang karaniwang ginagamit.

316
Sagutin ang sumusunod:

1. Anong gawain pa ang dapat mong gawin pagkatapos


magluto at kumain?

2. Paano nililinis ang mesa?

3. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit


ng pinagkainan?

4. Paano ililigpit ang mga hinugasang pinagkainan at


pinaglutuang kagamitan?

5. Ano ang dapat tandaan sa paghuhugas at pagliligpit ng


pinagkainan?

317
Sabihin sa iyong nanay na gusto mong magpatalaga na
maghuhugas at magliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan tuwing
agahan / tanghalian / hapunan. Pumili ng isa sa iskedyul na gusto o
akma sa iyo. Papirmahan sa magulang ang kasunduan sa loob ng
isang linggo tulad ng nasa kabilang pahina.

Iskedyul Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

Agahan

Tanghalian

Hapunan

318
GLOSSARY
Audio conferencing A meeting held by people in two different
places via audio devices
Blog An informational site maintained with
regular entries of commentary, descriptions
of events, or social issues. Also called
personal journal because it captures the
thoughts and experiences of user or group
of users
Bookmark Serves as a marker for a website. In
Internet Explorer they’re called “Favorites”.
It is a feature within a browser that enables
you to keep a record of web pages that
you have visited and would like to browse
again
Chat An exchange of information through text
dialogue in real time, or a conversation on
the internet
Download To transfer a copy of data, a computer pro-
gram, a text file, an image file, a sound file,
or video file from one computer to another
computer. It is also a means of obtaining
data and programs from the World Wide
Web
Electronic mail A system for creating, sending, and receiv-
ing messages via the internet
Electronic spread- The software that organizes data into rows
sheets and columns. Data can be analyzed, ma-
nipulated, and updated
EPP (Edukasyong A subject that introduces children from
Pantahanan at Grades 4 to 5 into the world of work
Pangkabuhayan)
File sharing An exchange of files between computers
over the internet. The term “file sharing”
can also refer to disk or server sharing
between computers on a closed network

547
GLOSSARY
File system A way of storing and organizing informa-
tion into a data storage device
Information and Consists of the hardware, software,
Communication networks, and media for collecting, storing,
Technology (ICT) processing, transmitting, and presenting
information
Instant messaging A type of online chat that offers real-time
text transmission over the internet
Internet A global system of computer networks
in which users can access and share
information
Knowledge product A product that creatively and innovatively
extracts information from previous
knowledge and experience (knowledge
basis), and transforms it into a tangible
material in order to present, teach and
communicate.
Malware A malicious software designed to damage
or cause any other unwanted actions on a
computer system
Media file Any file in a digital storage device such
as an audio, video, or image file, which
comes in different file formats such as
mp3, aac, and wma, for audio file, and
mkv, avi, and wma for video files
Multimedia The combination of multiple forms of me-
dia such as text, graphics, audio, video,
animation, etc. in a single system
Online survey tools Tools for delivering surveys, collecting
and analyzing results through one central
system
Productivity tools A computer program that help users
work effectively and efficiently, i.e., word-
processing, spreadsheet and presentation
software, etc.

548
GLOSSARY
Search Engine An information retrieval system that en-
able users easy to locate, retrieve, or gen-
erate information in the World Wide Web
Software An application or a set of instructions
loaded into a computer that enable it to
provide specific functions such as word
processing, spreadsheets, presentations,
databases, and image editing
TLE (Technology The nomenclature used in Grades 6 to
and Livelihood Edu- mean EPP. (So used because the medium
cation) of instructions for EPP in Grade 6 is
English)
Upload Sending a copy of a computer program,
a text file, an image file, a sound file or a
video file from one computer to another
computer system; importing data into a
system
Web browser A software used to search, retrieve, and
capture all the information from the World
Wide Web such as Netscape Navigator,
Internet Explorer
Website A set of web pages that belong to each
other as one group. Each web page is
linked to the others in some way
Wikis A website that allows user to edit
collaboratively, like Wikipedia. Once
people have appropriate permissions set
by the wiki owner, they can create pages
and/or add to and alter existing pages
Word processing A basic word processing programs used to
tools create, edit, and print documents
Video conferencing A ‘meeting’ between two or more people
who are in separate geographical locations
using the video monitors, specialist
software, fast broadband connections and/
or satellite technology or Internet

549
GLOSSARY
Virus A destructive program transferred covertly
to files and applications usually spread by
a computer network, by e-mail, or remov-
able media, like a floppy disk or memory
stick

550

You might also like