You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Western Visayas – Region VI
Division of Aklan
District of Ibajay East
NAISUD NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE ASSESSMENT
& PERFORMANCE TASK

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 9
Q3 WEEK 3-4
Kagalingan sa Paggawa

PANGALAN: _____________________________
GRADO/SEKSYON: ________________________
PETSA: ______________________________
Inihanda ni:

Maria Mae A. Dollosa


Guro sa ESP
WRITTEN TEST #2
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Sagutan ito sa “answer sheet”
na makikita sa sunod na pahina. Huwag kalimutang isulat ang pangalan.

1. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato


sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa
kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan sa
paggawa?
A. Ginagawa niya ng may kahusayan ang kaniyang tungkulin
B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang trabaho
C. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay
kaganapan ng kaniyang pangarap
D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong
ginagawa

2. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa


kabila nito siya matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad.
Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig.
Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
A. Masipag, madiskarte, at matalino
B. May pananampalatay, malikhain, may disiplina sa sarili
C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa
at bansa
D. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

3. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na


may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
A. Kasipagan B. Katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi

4. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit


na makapagbigay sa iba.
A. Pag-iimpok B. Pagtitipid C. Pagtulong D. Pagkakawanggawa

5. Si Jonas ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatas sa


kaniya. Ginagawa niya ito ng maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang
gawain ng iba ay ginagawa na niya. Hindi niya niya kailangang utusan pa.
A. Pagiging mapunyagi C. Matipid o maimpok
B. Pagiging masipag D. Paggamit ng oras

6. Dahil malapit lang ang paaralan, nilalakad lamang ito ni Gelo.


A. Pagiging mapunyagi C. Matipid o maimpok
B. Pagiging masipag D. Paggamit ng oras
7. Alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat taglayin upang makamit ang
kagalingan sa paggawa?
A. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
B. Pagkatuto bago gumawa at habang gumagawa
C. Pagiging epektibo sa paggamit ng oras at pagtitipid
D. Pagmamahal sa bayan

8. Sa kabila ng kalamidad na nagpabagsak ng kanilang paaralan, hindi pa rin


nawalan ng determinasyon si Jose na makatapos ng pag-aaral.
A. Pagiging mapunyagi C. Matipid o maimpok
B. Pagiging masipag D. Paggamit ng oras

9. Anong pagpapahalaga ang ipinamamalas ng isang taong sinisiguradong may


magandang kalidad ang kaniyang ginagawa?
A. Kasipagan B. Malikhain C. Dispilina sa sarili D. Tiyaga

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kung bakit kailangang mag-impok ng
tao ayon kay Francis Colayco
A. Para sa pagreretiro C. Para sa proteksyon sa buhay
B. Para sa hangarin sa buhay D. Para maging inspirasyon sa buhay

11. Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga
signatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangan isumite. Alin sa
sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya?
A. Magtakda ng tunguhin C. Gumawa ng prayoritasasyon
B. Pamahalaan ang pagpapabukas-bukas D. Bumuo ng iskedyul

12. Tiningnan muna ni Viel kung kailangan niya ang isang bagay bago siya bumili
A. Pagiging mapunyagi C. Pagiging masipag
B. Matipid o maimpok D. Paggamit ng oras

13. Binigyan ng award ng kanilang kumpanya si Aling Remy na siyang layunin


niya. Ibinibigay niya ang kaniyang puso at buong pagmamalasakit sa kanyang
ginagawa nang walang pagrereklamo
A. Pagiging mapunyagi C. Matipid o maimpok
B. Pagiging masipag D. Paggamit ng oras

14. Si Lebron James ay isang kilalang manlalaro ng basketball. Pero bago siya
nakilala sa larangan na ito, marami rin siyang pinagdaanan na rejection at
kawalanan ng tiwala sa sarili ngunit nagsumikap siyang makilala sa larangang
ito.
A. Pagiging mapunyagi C. Matipid o maimpok
B. Pagiging masipag D. Paggamit ng oras

15. Ito ay pagpapakita na maabot o makuha ang mithiin o layunin sa buhay na


may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis at determinasyon
A. Kasipagan B. Katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi
16. Isa sa mga katangian ng kagalingang paggawa na kung saan ang isang
matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa kaniya
A. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan
B. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
C. Nagpupuri
D. Nagpapasalamat sa Diyos

17. Ito ay yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiya maaaring gamitin upang
mapadali ang pagsasakatuparan ng mga gawain.
A. Pagkatuto bago ang paggawa
B. Pagkatuto habang gumagawa
C. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain
D. Wala sa nabanggit

18. Ayon sa Laborem Exercens, ang _______ ay mabuti sa tao dahil sa


pamamagitan nito ay naisasakatuparan ang kaniyang tungkulin sa sarili,
kapuwa at sa Diyos.
A. Paggawa B. Pagtitipid C. Pag-iimpok D. Pamamahala sa oras

19. Ito ang pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang
maging matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.
A. Sansazione B. Dimostrazione C. Curiosita D. Sfumato

20. Ito ang pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay,
mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa
isang interpretasyon o kahulugan.
A. Sansazione B. Dimostrazione C. Curiosita D. Sfumato

21. Ito ang tamang pangangalagasa katawan ng tao upang maging malusog at
maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
A. Sansazione B. Corporalita C. Curiosita D. Sfumato

22. Ito ang pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at


mga pangyayari sa isa’t-isa.
A. Connessione B. Corporalita C. Curiosita D. Sfumato

23. Ito ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid.Marami siyang tanong na hinahanapan niya ng mga sagot.
A. Sansazione B. Corporalita C. Curiosita D. Sfumato

24. Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa


paggawa ng gawain o produkto
A. Kasipagan B. Tiyaga C. Masigasig D. Displina sa Sarili
25. Ito ay bunga ng imahinasyon, mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya o
pangongopya ng gawa ng iba
A. Kasipagan B. Tiyaga C. Masigasig D. Malikhain

Dito ilagay ang sagot!

PERFORMANCE TASK #2
1. Mag-isip ng orihinal at angkop na proyekto ng pamilya na maaari ninyong pagkakitaan
2. Siguraduhing magpamamalas ito ng inyong kagalingan sa paggawa at wastong
pamamahala sa oras
3. Ang nasabing proyekto ay hindi dapat magastos. Hangga’t maaari, ang mga kagamitan ay
nagmumula sa mga patapong bagay ngunit maaari pang i-recycle.
4. Mahalagang maidodokumento ang pagsakatuparan ng proyekto.
5. Sundin ang pormat sa ibaba.
Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

I. Proyekto: Hal. Gulayan para sa Kabuhayan


Hal. Makapagtanim ng mga 3 uri ng gulay at ibenta ang
II. Layunin ng Proyekto:
mga ito
Takdang Oras na Ilalaan Hal. Isang oras araw-araw simula sa alas-sais
III.
sa Paggawa hanggang alas siyete ng umaga
Mga Kasanayang Hal. 1. Kaalaman sa mga uri ng gulay 2. Kaalaman sa
IV. Kailangan sa Pagbuo ng pagtatanim 3. Kaalaman sa pangangalaga ng mga tanim
proyekto:
Paggawa nang may Kagalingan :
Hal. 1. Magtanong at magpaturo sa mga magulang at
mga taong may kaalaman sa mga gulay 2. Maghanap
Mga Kailangang
ng lugar na maaring maging gulayan sa bakuran 3.
V. Hakbang sa Paggawa
Ihanda ang mga kagamitan at tamang lalagyan nito 4.
nang may Kagalingan :
Lagyan ng tamang pataba (fertilizer) sa para sa mga
gulay 5. Siguraduhing maalagaan ang mga pananim
araw-araw
Mga Pagpapahalagang Hal. - pasensiya - pagmamahal at pangangalaga sa
VI.
Natutuhan: kalikasan
Hal. Ang proyektong nagawa ko ay malaking tulong
upang may pagkakitaan ang aking pamilya at hindi na
VII. Maikling Pagninilay: namin kailangan bumili ng gulay. Ang pangangalaga
ng gulay ay makapagbigay ng katangi-tanging saya sa
kalooban.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output: (25 pts.)


1. Malinaw at angkop ang layunin ng proyektong gagawin ng pamilya o ng mga kasapi
ng tahanan
2. Nagpapakita ng wastong pamamahala sa oras sa paggawa ng proyekto
3. Tiyak ang mga nakasulat na kasanayang kailangan upang mabuo ang proyekto o
gawain
4. Naitala ang mga konkretong hakbang upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa
at napapanahon ito
5. May kalakip na pagninilay.

I. Proyekto:

II. Layunin ng Proyekto:


Takdang Oras na
III.
Ilalaan sa Paggawa

Mga Kasanayang
IV. Kailangan sa Pagbuo ng
proyekto:

Mga Kailangang
V. Hakbang sa Paggawa
nang may Kagalingan :

Mga Pagpapahalagang
VI.
Natutuhan:

Maikling Pagninilay:
VII.

Gumamit ng ekstrang papel kung kinakailangan

You might also like