Professional Documents
Culture Documents
AP7 - Week 5 - Q2 - Modified Model DLP
AP7 - Week 5 - Q2 - Modified Model DLP
Page 1 of 15
http://sumerianshakespeare.com/84201.html
https://www.google.com/amp/s/theoldstone.tumblr.com/post/144656628774/
the-code-of- hammurabi/amp
http://aralingasya.blogspot.com/2014/10/imperyong-
hebreo.html?m=1 https://www.sacred-
texts.com/eso/sta/sta12.htm
https://www.factinate.com/people/osman-ottoman-empire
https://historycollection.com/day-history-genghis-khan-
dies-1227/ https://www.wildchina.com/blog/tag/genghis-
khan/ https://otagomuseum.nz/athome/catapults
UNANG ARAW
Gawain 1: THROWBACK SUNDAE. Gamit ang tsart sa ibaba, itala ang mga kaisipang Asyano
na naging batayan o pundasyon sa pagbuo ng mga pamayanan, estado at imperyo sa Asya.
Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga kaharian
at imperyo sa Kanluran, Hilaga, Timog, at Timog-Silangang Asya.
Page 2 of 15
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)
Gawain 2: LARAWAN SURI. Suriin ang mga larawang nasa hanay A at kumpletuhin ang mga
nawawalang titik upang mabuo ang hinihinging katawagan sa hanay B. Sagutin ito ng pasalita.
Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sa susunod na bahagi ay iyong susuriin ang isang equation na siyang magbibigay ideya
patungkol sa paksang iyong tatalakayin.
Gawain 3: EQUATION. Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba. Sagutin ito ng
pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
1) Suriin ang mga bilang 1 – 10, gayundin ang kaukulang titik ng bawat isa.
2) Gamit ang sagot na nakuha mula sa equation ay itapat ang wastong titik sakanyang
3) bilang upang matukoy at mabuo ang hinihinging salita.
4) Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.
Page 3 of 15
IKALAWANG ARAW
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
(Paglinang / Alamin Mo / Paunlarin)
(LM, pahina 47 – 48)
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong
lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging
batayan mo ng impormasyon.
Page 4 of 15
Page 5 of 15
Page 6 of 15
MGA IMPERYO SA HILAGANG ASYA
(Lecturette, pahina 12
Page 7 of 15
Gawain 4: TALA-Larawa. Suriin ang mga larawan at ilapat ang wastong katawagan ng bawat
isa na matatagpuan sa mga pagpipilian na nasa ibaba. Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Page 8 of 15
IKATLONG ARAW
Page 9 of 15
Page 10 of 15
Gawain 5: HAGDAN NG KAALAMAN. Suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na gabay na tanong. Ilagay ang inyong sagot sa bawat bilang ng baitang ng
hagdanan na nasa larawan upang makamit ang iyong tropeo. Sagutin ito ng pasalita. Huwag
ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
Page 11 of 15
II. MGA KAHARIAN SA PANGKAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA
Page 12 of 15
IKAAPAT NA ARAW
Gawain 6: Matapos matalakay at makilala ang bawat pinuno ng iba’t ibang imperyo at kaharian,
sino sa kanila ang higit na nakapukaw ng iyong atensyon at iyong lubos na hinangaan dahil sa
angking galing na kanyang ipinamalas bilang isang mahusay na pinuno sa kanyang mga
nasasakupan? Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain 7: CONCEPT MAP. Iguhit sa iyong sagutang papel ang graphic organizer at punan ito
ng kasagutan. (1 puntos bawat tamang sagot)
.
Ngayong natapos mo na ang lahat ng mga gawain sa araling ito ay muling magmuni-
muni at pag-isipan ang iyong mga nalaman at naunawaan sa aralin. Makakabuo ka ba
ng paglalahat sa iyong natutunan?
Page 13 of 15
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo / Pagyamanin at Isaisip)
IKALIMANG ARAW
Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na
handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.
I. Pumili ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa iyong SAGUTANG PAPEL.
(1 puntos bawat tamang sagot)
CODE OF ALEXANDER THE
SULEYMAN SATRAP PHOENICIAN
HAMMURABI GREAT
HANGING
GARDENS OF CHALDEAN OTTOMAN GENGHIS KHAN KHANATO
BABYLON
1. Itinawag sa mga nasakop ng Imperyong Mongol na hinati sa apat na anak.
2. Mabilis na napalawak ang kanyang teritoryo matapos masakop ang Egypt, North Africa, Syria,
at Arabia.
3. Kilala sila sa paggamit ng zodiac sign at horoscope.
4. Ang europeong taga-Macedonia na tumalo sa mga Persiano.
5. Tawag sa mga itinalagang gobernador sa mga probinsya ng Persia.
6. Isa sa kahanga-hangang tanawin noong sinaunang panahon na pinagawa ni
Nebuchadnezzar para sa asawang si Amytis.
7. Naglalaman ng mga batas na kilala bilang retributive justice o paggawad ng katarungan batay
sa bigat ng kasalanan, “mata sa mata, ngipin sa ngipin”.
8. Kinilalang “Tagapagdala ng Kabihasnan” dahil hindi lamang produkto ang dala-dala nila sa
kanilang pakikipagkalakalan kundi pati na din kultura ng mga taong kanilang nakikilala.
9. Katawagang ibinansag kay Temujin na nangangahulugan ding “universal ruler” o
pangkalahatang pinuno.
10. Imperyong itinatag ng mga Turkong Muslim na galing sa pangalan ng emperor na si Osman.
II. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay kabilang sa Imperyong BABYLONIAN,
ASSYRIAN, CHALDEAN, LYDIAN, PHOENICIAN, HEBREO, HITTITE, O PERSIAN. Isulat ito
sa iyong SAGUTANG PAPEL. (1 puntos bawat tamang sagot)
11. Imperyong pinamunuan ni Hammurabi.
12. Nagpagawa ng unang silid-aklatan sa daigdig.
13. Paniniwala sa iisang Diyos o monoteismo.
14. Sila ang unang nakatuklas kung paano gumawa ng mga kagamitang yari sa bakal.
15. Nagpasimula sa paggamit ng barya upang gamitin sa pagbili ng produkto para sa kalakalan.
16. Magaling sa paglalayag at paggawa ng sasakyang pandagat; sa kanila rin nagmula ang
alphabet.
17. Sa panahong ito nakilala ang Babylon bilang Greatest City of Antiquity at naitayo ang
etemenanki.
III. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong SAGUTANG PAPEL. (1 puntos bawattamang
sagot)
18. Ang mga Mongol ang nagtatag ng pinakamalaking imperyo sa kalupaan sa kasaysayan ng
mundo. Bagaman kilala bilang malulupit na mandirigma, maraming naman silang
Page 14 of 15
magagandang katangian na maaari nating tularan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa mga katangiang ito?
A. Paggalang sa kakayahan ng mga kakabaihan bilang tagapayo at guro
B. Pagsusulong sa sariling kakayahan kaysa sa kapakanan ng buong pangkat
C. Pagiging bukas sa mga dayuhang impluwensya na makakatulong sa bansa
19. Ang Kodigo ni Hammurabi ay tanyag sa kasabihang “Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin”. Ano
ang ibig sabihin nito?
A. Ang pagpataw ng kaparusahan ay ayon sa bigat ng kasalanan
B. Dudukutin ang mata, bubunutin ang ngipin ng nagkasala
C. Magaan lamang ang mga parusa noong unang panahon
20. Itininuturing na pinakamahalagang ambag sa kabihasnan ang Kodigo ni Hammurabi. Bakit ito
mahalaga sa atin ngayon?
A. Nagkaroon ng takot ang mga tao noon na gumawa ng kasalanan
B. Ito ang unang kalipunan at organisadong mga batas upang sundin ng tao
C. Nagkaroon ng parusang kamatayan
IV. Tukuyin ang ipinahihiwatig sa bawat bilang at isulat ito sa iyong SAGUTANG PAPEL.
(1 puntos bawat tamang sagot)
21. Kilalang daungan at sentrong pangkalakalan sa Timog-Silangang Asya
22. Pangalan ng unang panitikan ng mga Indo-Aryan
23. Pinakadakilang templong ipinagawa sa panahon ng Imperyong Angkor
24. Isang kodigong legal batay sa tradisyong Hindu at Thai
25. Isang banal na kabundukan
26. Awit ng karunungan
27. Kahulugan sa salitang sanskrit ng Sailendras
28. Pinakamalakas na pinuno ng Imperyong Angkor
29. Kinilala bilang “Dalampasigan ng Ginto”
30. Naging sentro sa buhay ng mga Pagan
Gawain 9. WORD CLOUD: Gawing gabay ang mga natalakay na aralin sa mga nagdaang araw
nang sa gayo’y makagawa ng isang word cloud patungkol sa salitang IMPERYO o KAHARIAN.
Ang bawat salita ay maaari lamang gamitin ng isang beses, samakatuwid ay hindi na ito
maaaring umulit pa sa alinmang bahagi ng word cloud. Ang kabuuang bilang naman hindi
bababa sa 25 salita at hindi hihigit sa 40 salita (maximum of 40 words). Maaaring gumamit ng
iba’t ibang art materials, estilo at sukat ng pagsulat (font style and font size), at iba pang
malikhaing pamamaraan ng pagdidisenyo upang mabigyang linaw ang mga salitang higit ang
halaga at nais na bigyan ng diin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Page 15 of 15