You are on page 1of 18

Kakayahang

Diskorsal
• Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino (2010), and
giskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at
palitan ng kuro” (2010)
• Dalawa sa kaniwang uri ng kakayahang
diskorsal ay ang kakayahang tekstuwal at ang
kakayahang retorikal.
• Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan
ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t
ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay
instruksiyonal, transkripsyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon.
• Ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa
kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain
ang iba’t ibang tagapagsalita at makapgbigay ng mga
pananaw o opinyon.
Slide Title

• Noong kapanahuan ni Aristotle,


pinaniniwalaang nakatutok ang larangan
ng komunikasyon sa iisang antas lamang,
ang pampublikong komunikasyon. Ito
marahil ang dahilan kaya nabuo ang
Retorika.
Tatlong Antas ng
Komunikasyon

• Komunikasyon Intrapersonal
• Komunkasyong Interpersonal
• Komunikasyon Pampubliko
Komunikasyong Intrapersonal

• Ito ay tumutukoy sa kung saan nagaganap ang


komunikasyon sa isipan ng tao.
Komunikasyong Interpersonal

• Tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa isang


tao, maaring sap agitan ng dalawang tao o sa
maliit na grupo.
Komunikasyong Pampubliko

• Kung dati rati ay patungkol sa pagtatalumpati o


pagsasalita sa harap ng maraming tao, ngayon
ay saklaw na rin ng antas na ito ang
komunikasyong pampolitika, panlipunang
pamimili at pagtitinda, pagpapatatag ng
samahan, at estratehikonh pananaliksik.
Itinuturing dingantas ng komunikasyon ang
sumusunod:

• Media at mga bagong teknolohiya


• Komunikasyong organisasyonal
• Komunikasyong interkultural
• Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-
sama at hindi isa-isa. Sinusukat ito sa pamamagitan ng
pagtukoy kung naisakatuparan ang layunin ng
pakikipagtalastasan.
• Dapat tandaan na ang isang taong may kakayahan sa
wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman
tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing
sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo.
Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim
na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang
pangkomunikatibo. Narito ang anim na
pamantayan.
Pakikibagay (Adaptability)
• Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang
maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:

a. Pagsali sa iba’t ibang interaksyong sosyal


b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha a iba
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba
Paglahok sa Pag-uusap
(Conversational Involvement)
• May kakayahan ang isang taong gmitin ang kaalaman tungkol
sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

Makikita to kung taglay ng isang komunikeytor ang sumusunod:

a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng
ibang tao
c. Kakayahang makibig at magpokus sa kausap
Pamamahala sa Pag-uusap
(Conversational Management)

• Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong


pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito
ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga
paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
Pagkapukaw ng Damdamin (Empathy)

• Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip
ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw
ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
Bisa (Effectiveness)
• Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahahalagang
pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo – ang pagtiyak kung epektibo
ang pakikipag-usap.
• Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay
may kakayahang mag-isip kung ang kanyang
pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.
Kaangkupan (Appropriateness)
• Maliban sa isa, isa pang mahalagng pamantayan
upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo
ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika.
• Kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang
wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng
pang-uusap, o sa taong kausap.

You might also like