You are on page 1of 7

ELIZABETH SETON SCHOOL

Las Piñas Campus


High School Division
Taong Panuruan 2019-2020

Filipino sa Piling Larang (Akademik)


PAGSASANAY 2
(Katitikan ng Pulong)
IKATLONG TERMINO

Pangalan: Petsa: 25/04/2020


Grade 12 O ABM O HUMSS O STEM A O STEM B Guro: G. Joel Martin A. Cruz

I. PAGSULAT NG AGENDA
PANUTO: Basahin at suriin ang mga halimbawa ng katitikan ng pulong. Pagkatapos, isagawa
ang pagsulat nito ayon sa hinihingi ng pagsasanay. Gawing gabay ang inilakip na
unang bahagi ng katitikan at rubrik sa ibaba.

PAALALA: Ang agenda sa seguridad at kasuotan lamang ang sasagutan.

Krayterya 20 19-16 15-11 10-6 5-1


Kapuri-puri ang talata dahil sa Mahusay na nakatugon Nakatugon nang karaniwan Ang talata ay bahagyang Ang talata ay hindi tumugon sa
Layunin inilahad na mahahalagang ang talata sa layunin dahil sa ang talata sa layunin dahil sa nakatugon sa layunin na layunin nito. Hindi naging
impormasyon. Higit pa sa inilahad na mahahalagang inilahad na mahahalagang karamihan sa mga inilahad na malinaw at lihis na ang inilahad
inaasahan ang nagawang talata. impormasyon. impormasyon. impormasyon ay lumihis na sa na mahalagang impormasyon.
paksa.

Kapuri-puri ang ipinakitang Kinakitaan kahusayan Kinakitaan ng pagiging malinaw Hindi malinaw at hindi lohikal
Pagkakaugnay- pagkakaugnay-ugnay sa pagiging malinaw at lohikal at lohikal ang pagkakabuo
Bahagyang kinakitaan ng
pagiging malinaw at lohikal ang ang pagkakabuo ng mga talata
ugnay ng mga talata. Malinaw at ang pagkakabuo at at pagkakaugnay-ugnay pagkakabuo ng talata dahil sa dahil sa hindi nito
lohikal ang pagkakaugnay-ugnay pagkakaugnay-ugnay ang mga ang mga talata. Halatang iilang pagkakaugnay-ugnay nito. pagkakaugnay-ugnay. Walang
(coherence at ng mga ito. May 7 at higit pa talata. Halatang gumamit ng 4-6 gumamit ng 3 karaniwang May 2 lamang nakitang nakitang transisyon sa mga ito.
pagtatransisyon sa mga ito.
cohesion) sa inaasahan ang pagtatransisyon na magaling na pagtatransisyon karaniwang transisyon sa mga
sa pagkakabuo. sa mga ito. ito.

Kapuri-puri ang kahusayan Katanggap-tanggap ang Bahagyang nagpakita


Katanggap-tanggap at karaniwan
at kawastuhan sa gramatika kahusayan at kawastuhan sa ng kahusayan sa gramatika Hindi naipakita ang kahusayan
ang kawastuhan sa gramatika
at indayog ng wikang ipinakita gramatika at indayog ng wikang at indayog ng wika at kawastuhan sa gramatika
Gramar at sa sanaysay lalo na sa mga ipinakita sa sanaysay lalo na sa
at indayog ng wikang ipinakita
sa sanaysay lalo na sa mga ang sanaysay bunga at indayog ng wikang ipinakita
sa sanaysay lalo na sa mga
Pagbabantas bahaging nangangailangan nito.
Higit pa sa inaasahan
mga bahaging nangangailangan
nito. May 1-3 lamang nakitang
bahaging nangangailangan nito. ng pagkakamali at/o paggamit ng
bahaging nangangailangan nito.
May 4-6 nakitang pagkakamali. mga ito sa mga bahaging
ang ipinakitang kahusayan pagkakamali. nangangailangan nito. May 8 at/o higit pang pagkakali.
sa bahaging ito. Walang nakitang May 7 nakitang pagkakamali.
pagkakamali.

Divine Mercy High School


High School Student Council
S.Y. 2019-2020

KATITIKAN NG PULONG
Setyembre 16, 2019; ika-2:00 ng hapon
High School Conference Room

Mga Dumalo Mga Liban

Tagapanguna: Gng. Ezperanza S. Pineda


Tagapayo ng High School Student Council Wala.

Therese Macasaet,
Pangulo ng High School Student Council

Hector Salumbides,
Bise-Pangulo ng High School Student Council

Melinda Quiroz,
Kalihim ng High School Student Council

Iñigo Palogan,
Ingat-yaman ng High School Student Council

Roberto Bautista, Mga Nahuli


Public Relations Officer ng High School Student Council

1
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020
Pamela Pagtachan, Wala.
Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 7

Juacho de Loyola,
Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 8

Zarah Rigel Alarcon,


Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 9

Niera Lou Quising,


Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 10

Dean Montalbo,
Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 11

Jacobson Dongon,
Kinatawan ng mga mag-aaral sa Grade 12

I. Call to Order
Sa ganap na ika-2:00 ng hapon ay pinasimulan ni Gng. Esperanza S. Pineda, tagapayo ng High School Student
Council ang pulong.
II. Panalangin
Pinangunahan ni Therese Macasaet, Pangulo ng High School Student Council ang panalangin.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Malugod na binati ni Gng. Pineda, ang tagapanguna ng pulong ang mga nagsipagdalo sa pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay sa Nagdaang Katitikan ng Pulong


Inatasan si Therese Macasaet na basahin ang nagdaang katitikan ng pulong noong Setyembre 13, 2019. Kanyang
binasa ang mga sumusunod:

1. Ang paalala sa mga mag-aaral kaugnay ng nalalapit na quarterly exam at payo na magkaroon ng madalas ng
konsultasyon sa mga guro.
2. Ang paalala sa mga mag-aaral na maging maaga sa pagpasok tuwing may klase ang mga mag-aaral upang
maiwasan ang pagkahuli.
3. Ang pagbibigay-hudyat ng principal na magkaroon na ng paghahanda ang High School Student Council para sa
nalalapit na High School Night.

Walang anumang naidulog na pagwawasto o paglilinaw sa mga ito.

V. Agenda ng Pulong
Ang mga sumusunod ay ang mga paksang tinalakay sa pulong:

1. Paghahanda para sa High School Night


A. tema
B. programa
C. halaga ng tiket
D. pagkain
E. seguridad
F. kasuotan

VI. Pagtalakay sa Agenda ng Pulong

Agenda Talakayan Aksyon/Desisyon Naatasan/Delegasyon


A. Tema Bilang paghahanda para sa
gagawing High School Night,
humingi ng suhestiyon mula
sa mga dumalo si Gng.
Esperanza S. Pineda,
tagapayo ng High School
Student Council sa magiging
tema at pamagat nito.

Nagbigay ng mungkahi si
Niera Lou Quising, kinatawan
ng mga mag-aaral sa Grade
10. Kanyang suhestiyon ay
imikot ang tema sa ikatatatag

2
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020
na samahan ng mga mag-
aaral.

Ito rin ay pinanigan ni Hector


Salumbides, Bise-Pangulo
ng High School Student
Council. Ayon sa kanya, ito
ay higit na magiging daan
upang maiwasan ang
bullying sa mga mag-aaral.

Kasama nito, nagbigay ng


kani-kanilang mungkahing
pamagat sa tema ng
programa sina Jacobson
Dongon, kinatawan ng mga
mag-aaral sa Grade 12 at
Pamela Pagtachan,
kinatawan ng mga mag-aaral
sa Grade 7.

Ang pamagat na kani-


kanilang iminungkahi ay
“High School Night 2019:
We’re All in This Together” at
“Hand in Hand in High
School Night 2019.”

Upang mapili ang pamagat, Napili ng lahat ang “Hand in Wala.


nagbotohan ang mga Hand in High School Night
nagsipagdalo. 2019” bilang pamagat ng
tema ng High School Night.

B. Programa Hiningi muli ni Gng. Pineda


ang opinyon ng lahat.
Nagmungkahi si Therese
Macasaet, pangulo ng High
School Student Council, na
sa halip na umupa ng banda
gaya ng sa nakaraang taon,
ay i-tap na lamang ang mga
mag-aaral na magagaling
umawit, sumayaw at
tumugtog sa banda bilang
performers sa programa.

Sa kabilang banda, Ang mga suhestiyong ito ay


iminungkahi ni Roberto sinang-ayunan ng lahat dahil
Bautista, Public Relations bukod sa ito ay tipid na sa
Officer ng Student Council na mga gugulin para sa
magkaroon ng audition sa programa, ito rin ay
lahat ng mga nagnanais na pagkakataon para
maging performer sa makapagtanghal ang mga
programa. mag-aaral.

Idinagdag din maging


kasama sa gagawing pagpili
sa audition ang mga MAPEH
teachers.

Gayundin naman, tinakay din Napagkasunduan na ang Nagboluntaryo sina


ang petsa ng gagawing petsa ng audition ay sa Hector Salumbides,
audition ng mga nagnanais darating na Biyernes, Bise-Pangulo ng High
maging performer sa Setyembre 20, 2019 School Student
programa. Council at Roberto
Bautista, Public
Relations Officer ng

3
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020
High School Student
Council na
pangasiwaan ang
audition ng mga mag-
aaral para sa
programa ng High
School Night.

C. Halaga ng Tiket Tinalakay rin ang halaga ng


tiket ng programa.

Ipinaalala ni Gng. Pineda na


ang High School Night ay
isang fund raising activity ng
High School Student Council
na ginagamit sa iba’t ibang
aktibidad nito. Kaya naman,
hingi niya ang opinyon ng
lahat kaugnay ng magiging
halaga ng tiket sa programa
sa taong ito.

Nagmungkahi ni Iñigo
Palogan, Ingat-yaman ng
High School Student Council
na panatilihin pa rin ang
halaga nito na Php. 200.00,
gaya ng sa nakaraang taon.

Sa kabilang banda, Kinatigan ni Gng. Pineda ang Inatasan ni Gng.


nagmungkahi din si Hector mungkahi ni Hector Pineda si Therese
Salumbides, Bise-Pangulo Salumbides. Ito ay kanyang Macasaet na gumawa
ng High School Student isasangguni sa prinsipal para ng pormal na liham sa
Council na gawing sa approval. prinsipal kaugnay ng
Php.100.00 na lamang ang proposal na halaga ng
tiket ng programa para sa tiket ng programa.
taong ito sa dahilang hindi
naman uupa ng banda ang
programa.

D. Pagkain Nagpatuloy ang pulong sa


pagtalakay kaugnay ng
magiging pagkain ng mga
mag-aaral sa programa.

Nagmungkahi si Pamela
Pagtachan, kinatawan ng
mga mag-aaral sa Grade 7,
na umorder na lamang ng
pagkaing value meal sa
Jollibee.

Samantala, si Juancho de
Loyola, kinatawan ng mga
mag-aaral sa Grade 8, na sa
halip na umorder ay gumawa
na lamang ng sariling
pagkain gaya ng hotdog
sandwich at samalamig.

Sa mga mungkahing ito,


nagbigay rin naman ng mga
pananaw ang ilang dumalo.
Ang mga pananaw na
ibinahagi ay umiikot sa
pagsasaalang-alang sa (1)
ikatitipid ng pondo sa pagbili
ng pagkain sa porgrama at

4
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020
(2) ikapagiging praktikal ng
mga gawain ng High School
Student Council lalo na sa
aktwal sa paghahanda para
sa High School Night.

Dahil dito, nagbigay ng Nagpadesisyunan ng lahat Wala.


pagkakataon si Gng. Pineda na umorder na lamang ng
na pagbotohan ang usaping value meal sa Jollibee para
ito ng mga miyembro. maging pagkain ng mga
mag-aaral sa araw ng
programa.

E. Seguridad
Sinimulan ni Gng. Pineda
ang diskurso at tinanong sa
mga nasa pulong kung
gagayahin ba yung dating
ginagawa kung saan may
mga marshall at may
kasamang class adviser para
sa pagmomonitor at
pagpapasilidad ng mga
magaaral.

Sumang-ayon si Therese
Macaset sa suhestiyon ni
Gng. Pineda at nagbigay siya
ng mga dahilan kung bakit.

Sumang-ayon na rin si
Jacobson Dongon, ngunit
nagbigay siya ng pananaw at
nagdadagdag siya ng
panukala na pati mga grade
11 ay dapat maging
“understudy” ng mga Baitang
12 bilang marshall.

Sumang-ayon si Hector sa
sinabi ni Jacobson.

Nagtanong si Gng. Pineda


kung sang-ayon ang ibang
mga dumalo sa pulong. Kung
sasang-ayon sila sa tinalakay
na mga panukala patungkol
sa seguridad.

Sumang-ayon naman ang


lahat sa mga nasabing
panukala, kaya’t inatasan ni
Gng. Pineda sina Dean at
Jacobson upang magtalaga
ng mga marshall sa
programa na galling sa
Baitang 11 at 12.

Sumangayon ang
pinagpatala kay Gng.
Pineda, at muling itinanong
ni Gng. Pineda kung
mayroon pa bang idaragdag
na ibang suhestiyon.

Madami pang binigay na


mungkahi ang mga mag-
aaral tulad ng pagdaragdag

5
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020
ng security guard, Napagdesisyunan ng lahat inatasan ni Gng.
pagkakaroon ng medical kits na magiging marshal ang Pineda sina Dean at
at nurses, at pagkakaroon ng mga grade 12 at ang grade Jacobson upang
bulletin para sa lahat ng 11 ay “understudy” ng mga magptalaga ng mga
dadalo. grade 12 bilang marshal. marshal sa programa
na galling sa Grade 11
Sumang-ayon si Gng. Pineda Napagdesisyunan din na at 12.
sa lahat ng mga suhestiyon magdadagdag ng security
at tinanong sa ibang dumalo guard, medical kit,s at
sa pulong kung sang-ayon nurses, at sa pagkakaroon
rin sila sa suhestiyon. ng bulletin para sa lahat ng
dadalo.
Sang-ayon ang lahat sa
pinadesisyunan sa pulong sa
paksang seguridad.
F. Kasuotan Nagsimula ang talakayan sa
kasuotan, sa pagtatanong ni
Gng. Pineda kung ano ang
pwedeng maging kasuotan
ng mga mag-aaral.

Nagbigay ng suhestiyon si
Pamela na pwedeng cosplay
ang kasuotan.

Samantala, color-coding and


suhestiyon ni Juancho.

Si Zarah naman ay nagibgay


ng suhestiyon na maong na
pantalon na lang at t-shirt na
walang color-coding at hindi
cosplay ang kasuotan.

Sumang-ayon ang
karamihan sa suhestiyon ni
Zarah, at may idinagdag pa
yung iba ng detalye tulad ng
dapat maayos ang damit at
pants at closed shoes dapat. Napagdesisyunan na ang Wala.
kasuotan ng mga dadalo sa
Tinanong ni Gng Pineda HS night ay maayos at hindi
kung lahat ay sang-ayon sa punit-punit ang T-Shirt at
suhestiyon ni Zarah, at lahat Jeans na walang color-
naman ay tumango. coding, at closed shoes ang
sapatos.
Binanggit ni Gng. Pineda na
isasama ang desisyon sa
kasuotan sa bulletin, at
nagwakas ang diskurso
patunggkol sa kasuotan.

VII. Mga Anunsiyo/ Patalastas


Walang anunsiyo o patalastas na ipinaalam sa mga miyembro.

VIII. Pagtatakda ng Susunod na Pulong


Itinakda ng tagapanguna na ganapin ang susunod na pulong sa ika-23 ng Setyembre, 2019; ika-10:00 ng umaga
sa conference room ng High School.

IX. Pagtatapos ng Pulong


Bago wakasan ang pulong, isang panalangin ang pinangunahan muli ni Therese Macasaet. Ang pulong ay
nagtapos sa ganap na ika-3:45 ng hapon.

Inihanda ni: Nasiyasat ni:

6
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020
Melinda Quiroz Gng. Esperanza S. Pineda
Kalihim, High School Student Council Tagapayo, High School Student Council

***Wakas ng Pagsasanay***

7
Elizabeth Seton School/Filipino sa Piling Larang (Akademik)/G. Joel Martin A. Cruz/S.Y. 2019-2020

You might also like