You are on page 1of 1

Ang Kalikasan at Ang Tao [Walang Pinagkakaiba]

Talumpati ni Miho

“Ang Diyos ay nilikha tayong lahat ng pantay-pantay.”

Sa aking mga kaklase, aking mga minamahal na guro at sa ginagalang nating lahat
na mga HURADO, Magandang Hapon po sa inyong lahat.

Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo?

Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga likha. Ginawa ng
Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o tapak-tapakan. Dapat ang ating kalikasan
ay pinapangalagaan. Kung isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha ng
Diyos na Maykapal, maiintindihan mo ang aking sinasabi, mararamdaman mo ang
aking pinapahiwatig at alam mo ang gusto kong sabihin.

Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis, walang kasalanan


at nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas ng panahon maraming magbabago
sakanya at sa maraming ito sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa.

Ang kalikasan ay parang isang tao rin na marunong masaktan. Siguro kung
naririnig lang natin ang sigaw ng kalikasan ay binging-bingi na tayo. Kung
nakakapagsalita lang siguro ang kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap.

Tao? Hindi ka ba naawa sa ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang
kalikasan para suportahan ang lahat ng pangangailangan mo. Pinahiram ng Diyos
ang kalikasan sa ating mga tao hindi lang para sirain ng tao!

Isipin mo na lang akin sinasabi na ang lahat ng bagay ay may katapusan hindi lang
ang tao pati ang ating hindi binibigyang importansyang KALIKASAN!

You might also like