You are on page 1of 18

Paaralan Occidental Mindoro Antas Isa

State College
Guro Angelika Marrize T. Asignatura Araling Panlipunan
Cruz
Petsa 2020 Markahan Ika-Unang
Markahan
M ASUSING Oras 1:30 pm – 3:00 pm Iwinasto ni Gng. Jacelyn L.
BANGHAY Venturina
ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamalas ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa sariling
Pangnilalaman katawan, napaunlad ang kanilang sariling kakayahan, at nalaman ang
kanilang mga pangarap.
B. Pamantayan Ang mga mag-aaral ay nagpakita kung paano pahalagahan ang sarili,
sa Pagganap paano mapauunlad ang sariling kakayahan, at kung ano ang ninanais
gawin, makamit, o matupad sa kanilang buhay.
C. Mga Nailalarawan kung paano pahalagahan ang sariling katawan.
Kasanayan sa Nailalarawan ang mga pangarap o ninanais para sa sarili.
Pagkatuto Natukoy kung paano mapaunlad ang sariling kakayahan.
D. Kowd AP1NATIh-12
II. NILALAMAN AKO AY NATATANGI: Pagpapahalaga sa sarili
III. Kagamitang
Panturo
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Araling Panlipunan 1 (kagamitan ng Ma-aaral: Tagalog)
Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Pahina 41 – 53
Kagamitang
Pang Mag-
aaral
3. Mga Pahinang Araling Panlipunan 1 (kagamitan ng Ma-aaral:Tagalog)
Teksbuk Pahina 41 – 53
4. Karagdagang Larawan at Kuwento
Kagamitan
mula sa portal
Learning
Resource
B. Iba Pang Laptop, printed materials
Kagamitang Panturo

IV. Gawaing Panturo Gawaing Pang Mag - aaral


PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
1. Panalangin Peter, pangunahan mo ang ating
panalangin. Opo, Ma’am.
Tumayo po tayong lahat at
damhin ang presensya ng
panginoon (Panalangin ni Peter)
Amen!
Magandang Hapon mga anak!
Magandang umaga din
po!
Bago kayo umupo ay pulutin ninyo
muna ang mga
kalat sa ilalim ng inyong upuan. At
pakiayos ng maayos ang inyong
mga upuan. Pagkatapos, maaari na
kayong maupo.

2. Pagtatala ng Jedidia, maaari mo bang sabihin


liban kung sino ang liban
sa ating klase ngayong umaga?
Ma’am, kinagagalak ko
pong sabihin na wala pong
liban sa ating klase
ngayong umaga.
Salamat, Jedidia!
Mga bata mabuti gawain ang
pagpasok sa
paaralan.Ipagpatuloy niyo lamang
ito.
Maliwanag ba mga bata?
Opo Teacher!
Ang lahat ba ay may gawang
takdang aralin?
3. Pagtatama Opo Teacher!
ng Takdang Magaling! Ngayon ilabas ang
Aralin inyong mga takdang
aralin at ipasa ito papunta sa unahan.
Ako na ang bahalang magtsek ng
mga iyan. At ang pinadala kong
bond paper at pang kulay. May dala
ba ang bawat isa?
Opo!!!!!
Magaling! Dyan lang muna sainyo
yan at gagamitin natin yan mamaya.
4. Balitaan
Ngayong umaga isa sa mga kamag-
aral ninyo ang
naatasan upang magbigay ng isang
balita. At ito ay si Elizabeth.
Elizabeth, maaari mo na ba itong
ibalita sa klase.

Opo Teacher!
Ilang Metro Manila LGUs
tumulong sa distance lerning.
Kaniya-kaniyang tulong ang
iniabot ng mga lokal na
pamahalaan sa Metro Manila sa
mga estudyante ngayong sasabak
ang mga ito sa distance learning.

Dahil ipinagbabawal pa ang face-


to-face classes sa mga paaralan,
ihahatid ang mga aralin ngayong
school year sa mga estudyante sa
pamamagitan ng printed at digital
modules, online class, telebisyon
at radyo.

Sa Mandaluyong City, namigay


ang lokal na pamahalaan ng mga
tablet para sa mga estudyante ng
Grade 4 hanggang Grade 12, at
laptop naman sa mga guro.
Maraming salamat sa iyong ibinalita
sa amin, Elizabeth!
Ngayon matapos ninyong
mapakinggan ang balita
na hatid ni Elizabeth.
Saan patungkol ang balitang
kanyang nabanggit?

Noah?
Ang balitang nabanggit po ni
Elizabeth ay patungkol sa LGU
ng Metro Manila na tumulong sa
distance learning.
Magaling, Noah.
Ano ang nais iparating ng balita sa
atin?
Abraham?
Teaccher ang nais po iparating
balita ay ang pagtulong sa mga
nangangailangan.
Mahusay, Abraham! Tama ang
iyong sagot.
A. Balik aral sa Noong nakaraan ay tinalakay natin
nakaraang aralin ang Pagbabahagi ng Sariling
Kuwento ng Buhay Ngayon ay nais
kung malaman kung mayroon
kayong natutunan sa ating
nakaraang aralin.
Panuto: Pag-aralan ang mga
sumusunod na larawan nakagupit na
larawan. Ilagay sa kahon na may
bilang isa ang dapat maunang
larawan, bilang 2 ang kasunod,
hanggang bilang 5 and huli.
Ang mga Pagbabagong Nagaganap
sa Buhay ng Isang Tao

1 2 3

4 5

1 2 3
s

4 5

Mga anak? Tama ba ang pwesto ng


bawa letrato?
Opo Teacher!
Mahusay! Tama ba ang
pagkakasunod sunod ng bawat
letrato?
Opo Teacher!
Magaling! Tunay nga na mayroon
kayong natutunan
sa ating nakaraang tinalakay.
B. Paghahabi sa Ngayon, mga anak tayo ay
layunin magkakaroon ng laro.
ng aralin Yehey!!!
(Motibasyon) Gagawa tayo ng tatlong grupo. Kayo
ay mag bibilang ng isa hanggang
tatlo para makabuo ng tatlong grupo.
Okay?
Opo Teaacher!
1!
2, 3, 1, …
Pumunta na kayo sa mga grupo
ninyo. Sa kanan ang unang grupo,
ang ikatlong grupo ang sa gitna, at sa
kaliwa ang ikalawa.

Nakapapunta na ba sa kanya-
kanyang grupo?
Opo Teaacher!
Panuto: Bawat grupo ay may binigay
akong paunahang itataas
ang bawat sign, tsek kung tingin ng
inyong grupo ay tama ang ginagawa
sa ipapakita kong letrato. Ekis naman
kung sa tingin ng inyong grupo ay
mali ang ipinapakita sa letrato. At isa
sa grupo ay tatayo at ipapaliwanagy
kung bakit nagging mali o tama ang
letrato.
Naiintindihan? Opo Teaacher!

Unang letrato,

Unang Pangkat: Tsek

Ikalawang Pangkat: Tsek

Ikatlong Pangkat Tsek

Unahin natin ang unang pangkat,


bakit tsek ang inyong sagot? Mula sa unang pangkat: Kasi po
sabi ni Nanay ang paggupit po
ng kuko ay tama.
Magaling! Bigyan ng tatlong
bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!
Ang ikalawang grupo? Bakit tsek?
Mula sa ikalawang pangkat
pangkat: Kasi po lagi kaming
ginugupitn ng kuko ng mga
magulang naming para raw po
Napakahusay! Bigyan ng tatlong malinis.
bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!
Ang ikatlong grupo? Bakit tsek?
Mula sa ikatlong pangkat
pangkat: Kasi po sabi ni
Mommy maganda raw po pag
walang dumi ang kuko.
Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!

Ikalawang letrato

Unang Pangkat: Ekis

Ikalawang Pangkat: Ekis

Ikatlong Pangkat Ekis

Unahin natin ang unang pangkat,


bakit ekis ang inyong sagot?
Mula sa unang pangkat: Kasi po
sabi ni Mommy bad kumain ng
unhealthy foods.
Magaling! Bigyan ng tatlong
bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!
Ang ikalawang grupo? Bakit ekis?
Mula sa ikalawang pangkat
pangkat: Kasi po hindi Mabuti
kumain sa bata ang junk food.
Napakahusay! Bigyan ng tatlong
bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!
Ang ikatlong grupo? Bakit ekis?
Mula sa ikatlong pangkat
pangkat: Kasi po sabi ni Nanay
hindi po maganda ang pagkain
ng ganitong mga pagkain para sa
bata.
Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap

Ikatlo at huling letrato,

Unang Pangkat: Tsek

Ikalawang Pangkat: Tsek

Ikatlong Pangkat Tsek


Unahin natin ang unang pangkat,
bakit tsek ang inyong sagot?
Mula sa unang pangkat: Kasi po
sabi ni Mama laging mag brush
ng ipin.
Magaling! Bigyan ng tatlong
bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!
Ang ikalawang grupo? Bakit tsek?
Mula sa ikalawang pangkat
pangkat: Kasi po lagi kaming
pinagtotoothbrush sa bahay.
Napakahusay! Bigyan ng tatlong
bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!
Ang ikatlong grupo? Bakit tsek?
Mula sa ikatlong pangkat
pangkat: Kasi po sabi ni
Mommy lagi raw po magbrush
ng teeth para pretty.
Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak!
Isa, dalawa, tatlo Clap! Clap! Clap!

Magagaling mga anak. Dahil dyan


ang bawat isa sainyo ay bibigyan ko
ng star. (Nagmark ng star sa kamay
sa bawat isa)

Mga anak, laging tatandaan na


mahalagang pangalaggan ang
inyong mga katawan. At may iba’t
ibang gawain na maari nyong gawin
upang mapanatiling malusog ang
inyong mga katawan ito ay sa tulong
ng mga nakakatanda o ng mga
magulang o ng inyong guardian.
Kaya laging makikinig sakanila.
Maliwang ba?
Opo Teacher!

C. Pag-uugnay ng Ngayon ay may inihanda akong


mga halimbawa sa gawain na konektado sa ating
bagong aralin bagong aralin.
Panuto: Buuin ang mga kaugnay na
salita tungkol sa ating aralin.
(Pahiwatig: Mga patinig ang mga
nawawalang letre
rito.)

1. Pgpphlg s Ktwn =
_________
(a,a,a,a,a,a,a,a,a,a)
2. Kkyhn = ________
(a,a,a,a)
3. Pgppnld s kkyhn =
_________
(a,a,a,u,a,a,a,a,a,a)
4. Rsll mbbyg = _________
(o,e,e,a,u,u,o)
5. Blg = ________
(u,a)
6. Pgssmkp = ________
(a,u,u,i,a)
7. Pngrp = ________
(a,a,a)
8. kng mg Pngrp = ________
(a,i,a,a,a,a)
9. Pgsskp = _______
(a,i,i,a)
10. lgn ng srl = ________
(a,a,a,a,a,a,i,i)

1. Pagpapahalaga sa Sarili
2. Kakayaha
3. Pagpapaunlad sa Kakayahan
4. Roselle Ambubuyog
5. Bulag
6.Pagsusumikap
7. Pangarap
8. Aking mga Pangarap
9. Pagsisikap
10. Alagaan ang Sarili
Magaling mga anak! Bigyan ang
mga sarili ng tatlong bagsak!
One, two, three! Clap! Clap! Clap!

Ang mga salitang inyong nabuo ay


may kaugnayan
sa paksang ating tatalakayin.
D. Pagtalakay ng Upang mas maunawaan ninyo ang
bagong konsepto at ating talakayan ay naghanda ako
paglahad ng bagong isang kuwento para sainyo.
kasanayan #1
Magkakaroon tayo ng story telling.
Gusto nyo ba yun mga anak?
Opo Teacher!
Okay. Kilala nyo ba itong nasa
picture?

Hindi po!

Kung ganun hayaan nyong ipakilala


ko sya sainyo. Siya si Maria Gennett
Roselle Rodriquez Ambubuyog o
mas kilala bilang Roselle
Ambubuyog.

Anim na taong gulang si Maria


Gennett Roselle Rodriguez
Ambubuyog ng atakihin itong
matinding hika. Sa kasamaang
palad, lingid sa kaalaman ng mga
doktor at magulang nito,mayroon
pala siyangSteven Johnson’s
Syndrome(SJS). Dahil sa
kondisyong ito, hinditinanggap ng
kanyang katawan ang gamot na
magliligtas sa kanyang buhay, sa
halip ay naging sanhi ito ng
kanyang pagkabulag.Ayon sa kanya,
maging sa murang edad na iyon,
hindi niya kailanman naisip
nasisihin ang Diyos sa kanyang
pagkabulag o mahabag sa kanyang
sarili. Para sa kanya, lahatng mga
nangyayari ay may dahilan at plano
ang Diyos. Ang kanyang pilosopiya
tungkol samga balakid na
dumarating sa kanyang buhay ay
ang sinasabi sa 2 Corinto 12:9; “At
siya'y nagsabi sa akin, Ang Aking
biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't
ang Aking kapangyarihan
aynagiging sakdal sa kahinaan.
Kaya't bagkus Akong magmamapuri
na may malaking galak saAking
kahinaan upang manahan nawa sa
Akin ang kapangyarihan ni
Cristo.”Sa kabila ng kanyang
pagkabulag, ipinagpatuloy ni
Roselle ang kanyang pag-aaral.
Pangarapniyang makapagtapos
nang may karangalan. Tinanggap
niya ang pinakamataas
nakarangalan sa paaralan mula sa
elementarya hanggang sa kolehiyo.
Pinili ni Roselle namagpasalamat sa
mga biyaya at ibahagi ang mga
biyayang ito sa ibang tao. Siya ang
kauna-unahang bulag na nagging
Summa Cum Laudeng Ateneo de
Manila at nagtapos ng Bachelor of
Sciencesa Matematika at minor sa
Actuarial Science. Natamo niya ang
lahat ng karangalang maaaring
makamit ng isang mag-aaral sa
Ateneo: ang Ateneo President’s
Award bilang
ValedictorianngClass2001, ang
Ateneo Vice-President’s Most
Outstanding Individual Award para
sa paglilingkod at kahusayan,
angSt. Ignatius Awardpara sa
pinakamahusay na Scholarat ang
Departmental sa Matematika.
Itinatag ni Roselle
angProjectRoselle, isang proyektong
nagkakaloob ng mgadesktop
computers, scannersat Braille
printers, maging ang special
software tulad ng screen readers,
screen magnifiers at optical
character recognition (OCR)
applicationssa mga paaralang
pampubliko na may mga mag-aaral
na bulag.

Naintindihan ba ang istorya ni


Roselle? Opo! Bulag po sya pero
manakapagtapos at nagging
successful
Mahusay Elijah!
Sa aking binasang kwento, bakit
nabulag si Roselle?
Teacher! Teacher! Teacher!
O sige, Mateo
Nabulag po si Roselle dahil sya
ay may sakit nabulag po sya
noong six years old palang sya.

Magaling! Bigyan ng isang bagsak.


One! Clap!
Ano ang inyong naramdaman
pagtapos ninyong malaman ang
kuwento ng buhay ni Roselle?
Teacher! Teacher! Teacher!
O sige Maria.
Bumilib po ako kay Roselle kasi
po kahit bulag sya magaling sya.
Magaling! Bigyan ng isang bagsak.
One! Clap!
Paano siya nagtagumpay bilang
mag-aaral? Teacher! Teacher! Teacher!

O sige Jacob. Nagtagumpay sa pamamagitan


ng pagsusumikat po kahit na sya
ay isang bulag.
Magaling! Bigyan ng isang bagsak.
One! Clap!
Ano-anong katangian ni Roselle ang
maaari nyong tularan?
Teacher! Teacher! Teacher!
Rebecca?
Yung hindi po sya nagalit sa
mundo sakabila ng kanyang
kalagayan. Masaya pa rin po
sya.
Mahusay! Bigayan ng tatlong
bagsak.
One, two, three. Clap! Clap! Clap!

E. Pagtalakay ng Ngayon naman ay may ipapakia ako


bagong konsepto at sainyong mga letrato.
paglahad ng bagong
kasanayan #2
Kilala nyo ba ang mga nasa letrato?
Si Manny po! Si Lea po! Si Dr.
Jose Rizal po!!
Tama! Eh yung iba? Sino sila?

O sige isa isa ko silang ipapakilala
sainyo. Ang unang larawan ay si
Haja Amina Appi isang mat weaver.
Ang pangalawa naman ay si Lea
Salonga. Isang?
Singer!!!!!!!!
Oo, tama isang singer. Ang pangatlo
naman ay si Socorro Ramos ang
may ari ng national bookstore. Ang
pang apat naman ay si Josette Biyo
ipinangalan sakanya ang isa sa mga
planeta. Ang panglima naman ay si
Kenneth Cobonpue isang industrial
designer. Ang pang anim naman ay
si Manny Pacquiao, siya ay?
Boxer!!!! Boxing!!!
Tama isa syang professional boxer.
Ang ika-pito naman ay si Tony Tan
Caktiong siya ang may ari ng
Jollibee. At ang ika-walo at panghuli
sa mga letrato ay si…
Dr. Jose Rizal!!!!!!
Tama. Siya si Dr. Jose Rizal, ang
ating pambansang bayani.

Ngayon, gusto nyo bang maging


katulad ng isa sakanila?
Opo!!!!!!!!
Katulad nyo, minsan rin silang
nagging bata. Sa kanilang
pagsisikap, natupad nila ang
kanilang mga pangarap. Alam nyo
ba kung ano ang pangarap?
Yung gusto mom aging!!!!
Doctor!!! Nurse!!!! Teacher!!!!!
Tama, ang pangarap ay mga bagay
na nais mong gawin, makamit o
matupad sa iyong buhay.
Ano ang inyong mga pangarap? Isa-
isa.
Jedidia?
Lawyer
Elizabeth?
Doctor
Abraham?
Pulis


Jacob?
Ambassador
Elijah?
Pulis

Ang gaganda naman ng mga


pangarap ng bawat isa sainyo.
Ngayon paano nyo makakamit ang
mga pangaray na ito?
Teacher! Teacher! Teacher!
Yes, Luke?
Magsumikap po sa buhay kahit
na gaano kahirap ang buhay.

Magaling! Bigyan ng isang bagsak! Clap!


One!
F. Paglinang sa Ngayon ipikit ninyo ang inyong
Kabihasnan tungo mga mata. Isipn nyong kayo ay
sa dalawampung limang (25) taon na.
Formative
Assessment Ano ang nakikita mong ginagawa
mo?

Iguhit sa inyong bond paper ang


inyong sarili dalawampung limang
(25) taon mula ngayon.
Napakahusay! Bigyan ng limang
bagsak ang bawat isa.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima! Clap! Clap! Clap! Clap! Clap!

Ngayon lagyan ng mga pangalan at


ipapaskil natin ang ingyong ginawa
sa information board para araw araw
nyong nakikita ang mga pangarap
nyo.
G. Paglapat ng Ngayon ay magkakaroon tayo ng
aralin sa pang-araw- isang gawain. Ang tawag sa
araw na buhay. gawaing ito ay “Share your
thoughts”. Tatawag ako ng mga
estudyante na
sasagot sa aking katanungan.
Maliwanag ba mga anak?
Opo Teacher!
Panuto: Itala ang damdamin sa
babanggitin kong sitwasyon.

1. Mahalagang pangalagaan
ang iyong katawan.
Napagtanto ko po na bawat
ginagawa naming ay mahalaga
upang maalagaan naming ang
aming sarili, simula sa kalinisan
sa katawang pati sa pagkain po.
2. Mahalagang paunlarin ang
iyong kakayahan.
Nalaman po naming na may
kakayahan ang bawat isa kahit
na bulag ka po basta
magsumikap sa buhay at maging
masaya po.
3. Ang bawat bata ay may
sariling pangarap.
Naisip ko po na may pangarap
ako paglaki kaya mag-aaral po
ako ng mabuti.
Napakahusay na paglalahad ng
damdamin ng aking mga anak.

Ngayon ay mayroon pa akong isang


pasasagutan sa inyo kailangan niyo
nalang tapusin ang pangungusap na
aking gagawin.

Ako si__________________. Kaya


kong ________. Upang maging mas
magaling ako ay________.

Bartolome? Ako Bartolome de Jeus. Kaya


kong doctor. Upang maging
magaling ako ay magsisikap ako
sa buhay.

Napakahusay na kasagutan, tunay


nga na alam na ninyo ang ating
aralin.
H. Paglalahat ng Ngayon ay may pinaphoto copy
Aralin bibigyan ko ang bawat isa. Lagyan
ng tsek kung inyong nagawa o
natutunan at ekis naman kung hindi.

1.Nasunod ko ang mga


panuto.
2. Nakinig ako sa kwento
ng aking guro
3.Natukoy ko ang mga
bagay na gusto ko.
4.Pahahalagahan ko ang
aking sarili.
5.Naisaayos ko ang mga
larawan ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng
mga ito.
6.Nakilala ko ang iba’t
ibang matagumpay na tao.
7.Nakilala ko si Roselle
matagumpay kahit na sya
ay bulag.
8.Nadrawing ko ang
pangarap ko.
1.Nasunod ko ang mga
panuto.
2. Nakinig ako sa
kwento ng aking guro
3.Natukoy ko ang mga
bagay na gusto ko.
4.Pahahalagahan ko ang
aking sarili.
5.Naisaayos ko ang mga
larawan ayon sa
wastong pagkakasunod-
sunod ng mga ito.
6.Nakilala ko ang iba’t
ibang matagumpay na
tao.
7.Nakilala ko si Roselle
matagumpay kahit na
sya ay bulag.
8.Nadrawing ko ang
pangarap ko.
I. Pagtataya ng Tingnan ang larawan ng Malaki at
Aralin dalawang maliit na bituin. Isulat sa
gitna ng malaking bituin ang iyong
pangalan. Sapaligid nito, iguhit ang
bagay o mga bagay na nagpapakita
ng iyong pangarap. Sa dalawang
maliit na bituin iguhit ang mga dapat
mong gawin upang matupad ang
iyong pangarap. Tingna ang
halimabawa:

Peter
Napakahusay talaga ng aking mga
anak. Bibigyan ko uli ang bawat isa
ng star. (nagbigay ng star sa bawat
isa)
Katulad ng ginawa ninyong drawing
kanina ay ipapaskil rin natin ito sa
ating information board upang lagi
nyong nasisilayan.

J. Karagdagang Para sainyong takdang aralin,


Aralin magdala ng letrato ng iyong buong
pamilya.
Maliwanag ba?
Opo Teacher!
Yun lamang para sa araw na ito.
Magsitayo ang lahat.

In the Name of the Father, the Son, In the Name of the Father, the
the Holy Spirit. Amen Son, the Holy Spirit. Amen.
Glory be to the Father, and to the
Son, and to the Holy Spirit.
Now, and forever. Amen.
In the Name of the Father, the Son, In the Name of the Father, the
the Holy Spirit. Amen Son, the Holy Spirit. Amen

See you mga anak!


Thank you Teacher!!!
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remediation?
Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-
aara ma
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos?

Angelika Marrize T. Cruz


BEEd 2B
Grade 1
# 3 Presenter
Numeracy – a
Literacy – b, c, d, f, g, h, i
Visuals – d, e
Technique – d (reaction or learning sa story)
Realia – j (family picture)

You might also like