You are on page 1of 6

Name: Sharmainne L.

Pale
Learning Area: Araling Panlipunan III Quarter/Week: Quarter 3, Week 8
Date/Time: April 13, 2023 Grade Level: Grade 3-Rizal
School: Bayombong Central School/SPED Center

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang pag-uunawa at pagpapahalaga sa pagkakalinlang
Pangnilalama kultural ng kinabibilangang Rehiyon.
n
B. Pamantayang Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong
Pagganap kulturang mga lalawigan sa kinabibilangang Rehiyon.
C. Pamantayan Natutukoy ang mga katawagan sa iba’t-ibang layon sa
sa Pagkatuto kinabibilangang Rehiyon. (AP3PKR-IIIi-10)
II. NILALAMAN
1. Kagamitang Tsart at activity card
Panturo
2. Sanggunian K TO 12 Curriculum Guide, pahina 78
3. Mga Pahina sa Teaching Guide, pahina 78
Gabay sa
Pagtuturo
4. Mga Pahina sa LM pahina 355-360
mga
kagamitang
pang mag-
aaral
5. Kurikulum link
6. Iba pang
kagamitang
panturo
III. Pamamaraan Gawain ng guro Gawain ng
mag-aaral
A. Paghabi ng 1. Panalangin
mga layunin
sa aralin

2. Pagtala ng pangalan ng mga batang kalahok sa


talakayan
3. Pagbabalik aral
Mga bata, sa inyong kuwaderno, magsulat nga ng 2
bagay na ating napag-aralan kahapon. Bibigyan ko
kayo ng 3 minuto upang magsulat. Pagkatapos nito
ay bubunot ako ng 5 mag-aaral na magbahagi ng
kanilang sinulat sa harapan.
(ang mga
mag-aaral ay
magsusulat
sakanilang
kuwaderno)
Magaling! Ngayon naman mga bata, tumungo
naman tayo sa susunod na Lalawigan. May ideya ba
kayo kung anong lalawigan ito?
Kung gayon, ating alamin ang susunod na lalawigan.
Handa na ba kayo?

B. Paghabi ng 1. Pagganyak
mga layunin (Ang guro ay magpapakita ng jumbled letters)
sa aralin SENATAB

Mga bata, mayroon akong inihandang gawain bago


tayo tumungo saating bagaong aralin. Nais ko na
tawagin si Myrtle, Pauleen at Gabriella na pumunta
dito sa harapan. Ang bawat isa ay bibigyan ko ng 3
minuto upang buuin ang salita sa harapan. Handa
na ba kayo?
Handa na po
guro
2. Pagtakda ng Pamantayan
Ngunit bago natin umpisahan ang ating gawain, si
Kuya Kim ay mayroong konting paalala. May ideya
ba kayo kung ano ang mga ito?
Wala po guro
Ang mga paalala ni Kuya Kim ay ang mga
sumusunod, basahin nga natin ito ng sabay-sabay.
 Makinig sa guro
 Makilahok sa talakayan
 Huwag maingay
 Maupo ng maayos
Maasahan ba naming ang mga ito ni Kuya Kim mga
bata?
Opo guro
C. Pag-uugnay Ano ang nabuong salita mula saating ginawa kanina
ng mga mga bata?
halimbawa sa Batanes
bagong aralin Tama! Sino na sainyo ang nakapunta sa Batanes?
(magtataas ng
mga kamay
ang mag-aaral
na nakapunta
ng Batanes)
Ano ang nakita mo sa Batanes?Maganda ba ang
mga tanawin dito?
Mga
mgagandang
pasyalan po
guro
Wow! Alam niyo ba mga bata na ang Batanes ay
kabilang sa Rehiyon 2?
Opo guro
Kung sa nakaraang aralin natin ay sa Lungsod ng
Tuguegarao ang kabisera ng Cagaya, saan naman
kaya ang kabisera ng Batanes?May ideya ba kayo
mga bata?
Wala po guro

Mga bata, narito ang mapa ng Batanes. Sino sainyo


ang makapagtuturo kung saan ang kabisera ng
Batanes?

(isang piling
Tama! Ang kabisera ng Batanes ay ang bayan ng mag-aaral ang
Basco. magtuturo
nito sa
Ngayon mga bata, handa na ba kayo na alamin ang harapan)
ibat ibang kultura ng mga taga Batanes?

Handang
handa napo
guro
D. Pagtatalakay Film Viewing
ng bagong Mga bata, tayo ay manonood ng maikling video clip
konsepto at tungkol sa kultura at tradisiyon ng mga taga
paglalahad ng Batanes. Ngunit bago iyon, ilabas ang kuwaderno sa
bagong Araling Panlipunan at maglista ng mga
kasanayan #1 importanteng impormasyon na mababanggit sa
video clip.
(ang mga
mag-aaral ay
maglalabas ng
kanilang
kuwaderno)
https://youtu.be/25X_RNLv3Z8
Mga bata, tungkol saan ang napanood niyo na
videoclip?
Tungkol ito sa
kultura at
tradisiyon ng
mga taga
Batanes
Magbigay nga ng isang kultura ng Batanes Ashley?
Ang kanilang
bahay ay
gawa sa bato
Bakit gawa sa bato ang kanilang mga bahay? Dahil madalas
daanan ng
bagyo ang
kanilang lugar
kaya

Tama! Mga bata, alam niyo ba na ang


pinakamatandang bahay na bato ay ang “House of
Dakay”, ito ay itinayo noong 1877. Ito ay
ipinangalan sa dating naninirahan na si Jose “dakay” Wow
Estrella.

Bukod sakanilang bahay, ano pa ang mga nabanggit Ang kanilang


sa video? wika o
lengguahe ay
tinatawag na
Chirin nu
Ibatan

Tama! Ang kanilang wika ay namumukod tangi o


kakaiba dahil sakanilang bokabularyo at pagbigkas
nito na hindi katulad ng isang tipikal na wika sa
Pilipinas.
Ano-ano pa ang mga nabanggit sa video? Ang mga taga
Batanes ay
nagdiriwang
ng Palu-Palo
Festival
tuwing unang
lingo ng
Agosto.

Bakit ito pinangalanan na Palu-Palo festival? Dahil ito ay


ginagamitan
ng stick na
sumisimbolo
ng armas
panlaban na
kung saan ay
ginamit noong
nanakop ang
mga kastila

Magaling mga bata! Ano-ano naman kaya ang mga


sikat o kilala na pagkain ng mga taga Batanes? Mga preserve
food tulad na
lamang ng
pagdadaing,
pagdodorado,
uvud balls at
himot o lumot
Tama! Tinaguriang “Land of the howling winds” ang
Batanes dahil sa malalakas na hangin at madalas na
daanan ng malalakas na bagyo ay laging suliranin
sakanila ang pangunahing pangangailangan tulad na
lamang ng pagkain. Kaya naman, ang mga
mamamayan ay may ibat ibang paraan upang
magpreserba ng kanilang pagkain. Tulad ng
pagdadaing at pagdodorado. Kilala din ang uvud
balls, ito ay maihahalintulad sa meatballs ngunit ito
ay gawa sa puso ng saging, kaunting giniling na
baboy at isada. Hindi rin pahuhuli ang himot o
lumot, ito ay ginagawa nilang soup o salad.

Mga bata, alam niyo din ba mga bata na ang


mamamayan ng Batanes ay tinatawag silang Ivatan? Opo guro

Mahusay! Tulad ng mga Cagayenos, ang mga Ivatan


din ay mayroong mga katawagan. Sila din ay kilala
bilang relihiyoso, magalang, masipag at
mapagkakatiwalaan.
E. Pagtatalakay Think!Pair and Share!
ng bagong Sa isang malinis na papel sagutan ang mga
konsepto at sumusunod na tanong. Bibigyan ko kayo ng 2
paglalahad ng minuto upang sagutan ito.
bagong 1. Magbigay ng isang katawagan o salitang
kasanayan #2 paggalang na nabanggit sa videoclip.
2. Mahalaga baa ng paggamit nito?
(ang mga
mag-aaral ay
magsasagot)
Tulad ng ating natalakay kahapon, ang ibat ibang
katawagan ay parehas din sa katawagan ng mga
Ivatan. Ang pinagkaiba lang ay ang kanilang wika o
lengguahe.
F. Paglinang sa Panuto: Itaas ang kanang kamay kung ang
Kabihasaan pangungusap ay tama at ibaba naman ang kamay
(Tungo sa kung ito ay mali.
Formative 1. Ang mga Ivatan ay nakatira sa lalawigan ng
Assessment) Cagayan.
2. Isa sa ipinagmamalaki nilang kultura ay ang bahay
na bato.
3. Ang Batanes ay madalas daanan ng bagyo.
4. Basilica ang kabisera ng Batanes.
5. Ang mga Ivatan ay kilala bilang mga masisipag,
magagalang, relihiyoso at mapagkakatiwalaan.
G. Paglalahat Mga bata, ano ang napag-aralan natin ngayong
araw?
Napag aralan
natin ngayong
araw ang mga
kultura at
tradisiyon ng
mga taga
Batanes
Tama! Magbigay nga ng isang halimbawa ng kultura
nila Mau?
Ang mga
Ivatan ay
mayroong
bahay na
gawa sa bato
Mahusay mga bata! Sino pa ang mayroong ibang
sagot? Ang mga
Ivatan ay
mayroong
kakaibang
wika o
lengguahe na
namumukod
tangi dito sa
Pilipinas

Magaling! Ito ay mga iilan lamang sa kultura ng mga


Ivatan. Naintindihan niyo ba mga bata? Opo guro
H. Paglalapat Recitation!
Bakit mahalagang matutunan natin ang ibat ibang
kultura ng Rehiyon na ating kinabibilangan?
I. Pagtataya ng Panuto: Unawain ang tanong. Piliin ang titik ng
aralin tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sumusunod ay katangian ng mga Ivatan,
maliban sa
a. mapagkakatiwalaan c. matipid
b. magastos d. mahusay
2. Ang mga Ivatan ay nakatira sa________.
a. Cagayan c. Batanes
b. Tuguegarao d. Isabela
3. Isa sa mga kultura ng Ivatan ay ang kanilang
bahay na yari sa bato
a. tama c. ewan
b. mali d. lahat ng nabanggit
4. Ito ang tawag sa mga naninirahan sa Batanes.
a. Ibanag c. Itawis
b. Ivatan d. Ifugao
5. Ang wika na gimagamit ng mga Ivatan ay
_______.
a. Chirin nu Ibatan c. Yogad
b. Ifugao d. Ibanag

Inihanda ni: Iniwasto ni:

SHARMAINNE L. PALE JENNIROSE D. PACIMIO


Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like