You are on page 1of 3

PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL NG BAITANG 11 UKOL SA UNANG

TAON SA SENIOR HIGH SCHOOL NG ICI PARA SA AKADEMIKONG TAONG 2021-


2022

S.Y 2021-2022

Isang Pananaliksik
na iniharap sa
Kaguruan ng Iligan Computer Institute

Bilang Pagsasakatuparan sa mga Pangangailangan


ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik ng Wika at Kulturang Pilipino
Ipinasa nina:
Romel O. Pamisa
Marvina J. Mannan
Xyrus Justin E. Filoteo
Prince Miguel B. Cabil
Micko Jay T. Banda

HUMSS 8
Bb. Nova S. Mendaño
Gurong Tagapayo
Kabanata I
Ang Kaligiran at Suliranin Nito

Panimula
Ang edukasyon ay mahalaga sa ating bansa dahil dito umuunlad at

gumiginhawa ang buhay ng ibang tao. Napakahalaga ang pagkakaroon ng

edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at

maging ang kinabukasan. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang

edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan

silang mag-aral ng mabuti at magtapos sa pag-aaral. Dahil sa pagnanais na maitaas

ang pamantayan at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, ipinatupad ng Kagawaranng

Edukasyon ang isang panibagong kurikulum, ang

K-12.

Kasalukuyan ng ipinatupad ng dating pamahalaang Aquino ang programa

nitong kung tawagin ay K-12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic Education

ng bansa. Ang K-12 ay isang programang nagnanais na mapalawig ang kalidad ng

edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa pang taon sa

kurikulum ng mga mag-aaral na kung tawagin ay Senior High. Kabilang sa mga

paaralang nagbukas ng Senior High School ay ang ICI ay kung saan mayroong

pitong strand na maaaring tahakin— ang HUMSS, ABM, GAS na nabibilang sa

ACADEMIC STRAND at CE, CA, DMA, IT na nabibilang naman sa TVL STRAND.

Layunin nitong hasain ang iba’t ibang abilidad ng mga mag-aaral base sa kanilang

pipiliing strand upang maging ganap na handa kung tutuloy man sa kolehiyo o agad

na magtatrabaho ang magtatapos sa kurikulum na ito.


Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pananaw ng piling mag-aaral ng

baitang 11 sa Senior High School ng ICI para sa akademiko 2021-2022. Sakabila ng

magandang layunin ng programang ito ay tila marami pa ring hindi sumasang-ayon,

lalo na ang mga magulang. Iniisip ng marami na lalo lamang lalala ang kalagayan ng

bansa dahil dito. Bukod pa riyan,isa sa mga nakikitang problema ay ang hindi

kahandaan ng bansa sa pagpapatupad nito. Ang mga mananaliksik ay sang-ayon sa

ipinatupad na Senior High School ng ICI. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang

mga mananaliksik ay handang gumawa ng daan upang mapabuti pa ang kalidad ng

edukasyon sa pagbigay ng interpretasyon sa pananaw ng mga mag-aaral ng Grade

11 batay sa kanilang sari-sariling karanasan.

You might also like