You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Southern Luzon State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Lucban, Quezon

Masusing Banghay Aralin sa Matematika 3

I. MGA LAYUNIN:
a) Nakatutukoy ng iba’t-ibang denominasyon ng halaga ng pera hanggang P500.
b) Nakababasa at nakasusulat ng iba’t-ibang denominasyon ng halaga ng pera sa
pamamagitan ng mga simbolo at mga salita hanggang P500.
c) Naiaayos ang mga halaga ng pera simula sa may pinakamababang halaga mula sa
may pinakamataas na halaga.
d) Napagkukumpara ang mga halaga ng iba’t- ibang denominasyon ng pera hanggang
P500 gamit ang mga simbolong ginagamit sa paghahambing na >, =, <.
II. PAKSANG ARALIN: Paghahambing ng Halaga ng Pera Hanggang P500
Sanggunian: K to 12 Mathematics Learner’s Material for Grade 3
Mga Kagamitan: Mga ginupit na larawan, powerpoint presentation, handouts, laptop
Pagpapahalaga: Pagiging masinop at praktikal
III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata


A. PANIMULANG GAWAIN

a) Panalangin

Mga bata, maari bang tayong lahat ay tumayo


para sa panalangin?
Opo Titser ! (Ang mga bata ay tatayo para sa
panalangin)

Dear my God, Who guides me Dear my God, Who guides me


Above in Heaven Above in Heaven
I love you and I thank you I love you and I thank you
I give all my words and actions to You I give all my words and actions to You
For this day and Please help me For this day and Please help me
On my studies and lead me On my studies and lead me
Away from Temptation Away from Temptation
Amen. Amen.
b) Pagbati

Magandang umaga sa inyo mga bata!


Magandang umaga rin po Titser!

c) Pagtatala ng lumiban sa klase


Mga bata maari niyo bang banggitin sa akin kung
sino-sino ang mga lumiban sa klase ngayong
araw?
Si Katherine at Kenneth po ang mga lumiban
sa klase ngayong araw Titser!
d) Balik-aral
Mga bata bago natin simulan ang ating aralin
para sa araw na ito ay mayroon muna akong
inihandang gawain para sa inyo.
(Ipapakita ng guro ang mga ginupit na larawan
na may pangalan ng katumbas na halaga ng
iba’t- ibang denominasyon ng pera ito ay ang
mga sentimo, barya at papel na pera.)
Ngayong nabalikan niyo nang muli ang iba’t-
ibang halaga ng pera ay maari niyo bang ihanay
ang mga larawan mula sa may pinakamababang
halaga hanggang sa may pinakamataas na
halaga?
Opo Titser!

(Tatawag ang guro ng mga bata upang sumagot


at idikit ang mga larawan sa unahan)

(Ang mga batang natawag ay magsasagot at


magdidikit sa unahan)

e) Pagganyak
Sino sa inyo ang pumapasyal sa plasa kapag
pistang bayan?
Ako po Titser!
Ano- ano ang kadalasan ninyong nakikita pag
pistang bayan?
Perya na may iba’t-ibang sakayang
nakakaaliw, mga tindera at tindera ng mga
laruan at mga pagkain po ang kadalasan
naming nakikita tuwing pistang bayan Titser!

Tama mga bata! tunay ngang nakakatuwa kapag


pinagdidiriwang na ang pistang bayan

Ano naman ang mga paborito ninyong mga


handang pagkain tuwing pistang bayan?

Fried chicken, spaghetti, cake at ice cream po


ang aming mga paboritong handa tuwing
pistang bayan Titser!

B. PANG-PAUNLAD NA GAWAIN
f) Paglalahad
Ngayon mga bata, may babasahin akong
kuwento sa inyo at pinamagatan itong “Ang
Masayang Pista ng Aming Bayan”
Makinig kayong mabuti habang binabasa ko ang
kuwento ayos ba yun mga bata?

Opo Titser! Ayos na ayos po!

“Ang Masayang Pista ng Aming Bayan”


Abalang naglilinis ng tahanan si Diana kasama
ang kanyang Inay at Itay sapagkat darating
bukas ang kanyang mga pinsan galing Maynila.
Pista ng kanilang bayan bukas kaya umuwi ang
kanyang mga pinsan galing sa lungsod.
Kinabukasan maagang nagising si Diana upang
salubungin ang kanyang mga pinsan at para
dungawin ang mga makukulay na banderitas,
drum and lyre band at iba’t-ibang aliwan na tunay
na masayang pagmasdan. Ang perya na matagal
niyang hinintay ay makikita sa plasa kung saan
may tsubibo, carousel, haunted house, color
games at mga iba’t-ibang tindero at tindera ng
mga pagkain, mga gamit at mga laruang
pambata. Cotton candy, wafer, kendi, popcorn,
shake, at donut ang mga tinitindang pagkain
samantalang mga lobo, damit, tsinelas, mga
laruang panlalaki at mga laruang pambabae
naman ang iba pang makikitang itinitinda.
Kinagabihan pagkatapos kumain ay
napagpasyahan ng Inay at Itay ni Diana na
ipasyal silang magpipinsan sa perya sa plasa.
Sumimba muna sila upang magpasalamat sa
Panginoon at pagkatapos nito ay dumiretso na
sila sa plasa upang mamasyal. Masayang-
masaya si Diana at ang kanyang mga pinsan na
naglalakad pauwing bitbit ang mga pagkain at
mga laruan na kanilang binili. Tunay ngang
masaya ang pista ng aming bayan sabay-sabay
nilang sambit habang nakangiti.

Mga bata ano ang pamagat ng kwentong ating


napakinggan?

Ang Masayang Pista ng Aming Bayan po


Titser!

Sino naman ang tauhan sa kwento na


masayang-masaya dahil sa parating na pista ng
kanilang bayan?
Si Diana po Titser!

Marami bang makikitang iba’t- ibang bagay na


sadyang nakakatuwa kapag pista ng bayan?
Opo Titser! dahil po may perya at ibat’-ibang
tinda tuwing pistang bayan
Ano-anong mga gawain ang napakinggan niyo sa
kuwento na dapat ninyong tularan at gawin?
Titser ang pagtulong po sa paglilinis at
pagsimba po.

Para sa inyo, masaya ba kayo tuwing dumarating


ang pista sa inyo-inyong mga bayan?
Opo Titser! masayang-masaya po kami dahil
sa mga pagkain at laruan.

Tama yan mga bata ang pistang bayan ay tunay


na masaya pero dapat ay wag nating kalimutang
magsimba at tumulong pa rin sa mga gawaing-
bahay.

(Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng


mga pagkain at bagay na makikita sa perya
tuwing pistang bayan at ang mga katumbas na
halaga nitong pera)

Ipapakita ng guro ang larawan ng isang jolen na


maliit na may katumbas na halagang P.5 sentimo


Jolen na maliit Limang sentimo o
P.5 sentimo

Ipapakita ng guro ang larawan ng isang jolen na


may katamtamang laki na may katumbas na
halagang P.10 sentimo
Jolen na may Sampung sentimo


katamtamang laki o P.10 sentimo
Ipapakita ng guro ang larawan ng isang jolen na
malaki na may katumbas na halagang P.25


sentimo

Dalawampu’t- limang
Jolen na malaki
sentimo o P.25 sentimo

Ipapakita ng guro ang larawan ng isang kendi na


may katumbas na halagang P1 barya

Kendi Pisong barya o P1


barya

Ipapakita ng guro ang larawan ng isang wafer na


tinapay na may katumbas na halagang P5 barya


Limampisong barya o
Wafer na tinapay
P5 barya
Ipapakita ng guro ang larawan ng isang cotton


candy na may katumbas na halagang P10 barya

Sampung pisong
Cotton Candy
barya o P10 barya

Ipapakita ng guro ang larawan ng isang popcorn


na may katumbas na halagang P20 na perang
papel

Dalawampung
Popcorn pisong perang papel
o P20 perang papel


Ipapakita ng guro ang larawan ng donut at shake
na parehas na may katumbas na halagang P50
na perang papel

Limampung pisong
Donut/Shake perang papel o P50
perang papel
Ipapakita ng guro ang larawan ng tsinelas na
may katumbas na halagang P100 na perang
papel


Isandaang pisong
Tsinelas perang papel o P100
perang papel

Ipapakita ng guro ang larawan ng damit na may


katumbas na halagang P200 na perang papel


Dalawandaang pisong
Damit perang papel o P200
perang papel

Ipapakita ng guro ang larawan ng laruang baril at


laruang manika na parehas na may katumbas
na halagang P500 na perang papel


Laruang baril/ Laruang Limandaang pisong
manika perang papel o P500
perang papel

g) Pagtalakay
Base sa mga larawan na inyong nakita ano sa
tingin niyo ang may pinakamataas na halaga?
Magaling! Ngayon naman ay ano sa tingin niyo
ang may pinakamababang halaga?

Ang laruang baril po at laruang manika Titser!


sapagkat parehas silang may halagang P500
Oo tama iyon, Samakatuwid ay mas mataas ang
halaga ng laruang baril o laruang manika kaysa
sa maliit na jolen kaya naman ang simbolo na
inyong gagamitin ay ito na Ang maliit pong jolen Titser sapagkat P5
nangangahulugang mas marami. sentimo lamang po ang halaga nito

P500 P.5
At dahil mas mababa naman ang halaga ng maliit
na jolen kaysa sa laruang baril o laruang manika
ay ang simbolong ito naman ang ating gagamitin
na nangangahulugang mas kaunti.

P.5 P500
Kung mapapansin natin ay
magkaparehas ng halaga ang laruang
baril at manika kaya naman ang
simbolong ating gagamitin ay ito
na nangangahulugang magkatumbas o
magkaparehas.
P500 P500

Opo Titser!
Naiintindihan niyo ba mga bata?

Magaling!

h) Pansariling Gawain
( Ang guro ay magbibigay ng papel na may
gawaing tungkol sa paghahambing ng halaga ng
pera hanggang P500 at sasagutan ito ng mga
bata sa loob ng 15 minuto)

Isulat ang mga simbolong >,<,= sa patlang


upang pagkumparahin ang iba’t-ibang
denominasyon ng halaga ng pera.

1.

2.

3.

4.

5.

6.
7.

Mga sentimo, mga barya at mga perang papel


po Titser!
8.

9. P.5 sentimo, P.10 sentimo, P.25 sentimo, P1


barya, P5 barya, P10 barya, P20 perang papel,
P50 perang papel, P100 perang papel, P200
perang papel at P500 perang papel po Titser
ang pagkakasunod ng halaga ng mga pera
mula sa pinakamababa hanggang sa
10. pinakamataas

Ang ginagamit po nating mga simbolo sa


i) Paglalahat paghahambing ng iba’t- ibang halaga ng pera
ay >,<,=
Ano- ano ang tatlong klase ng denominasyon sa
halaga ng ating pera?

Tama! Ano naman ang pagkakasunod-sunod


nang halaga ng mga pera hanggang P500 mula
sa pinakamababa papunta sa pinakamataas?
Napakagaling! Ano naman ang mga ginagamit
nating mga simbolo sa paghahambing ng iba’t-
ibang halaga ng pera?

Magaling mga bata!

j) Paglalapat

Ngayon mga bata ay hahatiin ko kaya sa apat na


pangkat, ngunit bago tayo magsimula ay
sasabihin ko muna sa inyo ang mga pamantayan
na inyong kailangang sundin para sa ating
gagawin na pangkatang gawain.

Mga Pamantayan
1. Makinig ng mabuti sa direksiyong ibibigay ng
guro
2. Makiisa sa mga kagrupo
3. Gumawa ng tahimik at mayo
4. Panatilihing maayos ang paligid at kapaligiran
pagkatapos ng gawain
5. Ipasa ng maayos sa guro ang natapos na
gawain

Ipapakita at ipapaliwanag rin ng guro ang rubrics


na kanyang gagamitin sa pagbibigay ng marka
sag a grupo base sa kanilang ginawa.
Isulat sa espasyo bago ang numero ang
katumbas na halaga ng bawat larawan ng
denominasyon ng pera.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.
9.

10.

11.

k) Pagtataya

( Papakuhanin ng guro ang mga bata ng isang


buong papel at pasasagutan ang nakapinta sa
pisara)

Bilugan ang may pinakamalaking halaga ng


pera sa bawat numero.

1.

2.

3.

4.
5.

l) Takdang- Aralin
Basahin at sagutan ang mga pahina 22-25 mula
sa inyong librong Mathematics for Everyday Use
Grade 3.

Inihanda ni:
Danica L. Zarsuela
BEED General Education II

You might also like