You are on page 1of 22

12

Filipino sa Piling Larang


(Academic)
Unang Markahan – Modyul 8:
KATITIKAN NG
PULONG
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Katitikan ng Pulong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rustom R. Nonato
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)

Unang Markahan–Modyul 8:
KATITIKAN NG
PULONG
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Katitikan ng Pulong!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Katitikan ng Pulong!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

KATITIKAN NG PULONG

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo


ng katitikan ng pulong at sintesis. CS_FA11/12PN-0j-l-92

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Ngayong araw ay isang


panibagong paksa ang ating tatalakayin at ito ay tungkol sa katitikan
ng pulong. Ito ay ginagamit sa halos lahat ng grupo, organisasyon, at
kompanya na may pulong na kailangang irekord ang mga pag-uusap
tungkol sa partikular na paksa, mga napagpasiyahang aksiyon, mga
rekomendasyon, mahahalagang isyung lumulutang sa pulong. Ito ay
mahalagang malaman at maunawaan ng isang mag-aaral dahil bilang
isa sa napabilang sa akademikong track sa Senior High School ay
maaari itong maging gabay at tulong sa hinaharap lalo na sa mundo
ng trabahong pang - opisina.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo


ng katitikan ng pulong.
2. Nakasusulat ng isang angkop na katitikan ng pulong batay sa tamang
konsepto nito.
3. Masusing nasusunod ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa mga salita na nasa kahon ang mga maaaring nakatala sa katitikan
ng pulong. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

O R A S N G P A G S I S I M U L A I O L
A N M I Y T V N K P V B N U J K L A A N
R G Y U Q W E R T Y U I O P A S D O F G
H J K L L Z X P C V B N N M Q W E R R T
Y U I O P A S D A F G H J K L Z X A C V
B N P O O K M Q W K E R T Y U I O S P L
A S D F G H J K L Z S X C V B N M W E R
T Y U I O P A S D F G A J K L L P U I B
Q W E T Y U M N B V G H J K L I B V C X
U I N Y H N B T V R C L K U R E I V C B
V B U I Y U P E T S A V R T Y U E C X K

2
Magaling! Nasubukan mong gawin ang
panimulang pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad ng
bagong kaalaman…

TUKLASIN

GAWAIN 1

PANUTO: Masdan at suriin nang mabuti ang detalye ng larawan. Isulat sa iyong
kuwaderno ang iyong mga magiging obserbasyon.

https://bit.ly/2G5LB42

https://bit.ly/33Uokud

3
SURIIN

PAGSUSURI

1. Ano ang napapansin mo sa mga larawan na nakikita mo sa gawain 1?


2. Sa tingin mo, ano kaya ang ugnayan ng dalawang larawan sa isa’t isa?
3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawain 1 tungo sa pag-unawa mo sa
paksang iyong pag-aaralan?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ay


tinatawag na katitikan ng pulong. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng
Tagapangulo ng lupon. Maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte.
Maaaring maikli at tuwiran o detalyado.

Kahalagahan ng katitikan
Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. Nagsisilbing
gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa
pulong. Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas
ng panahon. Ito’y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong. Ito’y
batayan ng kagalingan ng idibidwal.

4
Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:
-Paksa
-Petsa
-Oras
- Pook na pagdarausan ng pulong
- Mga taong dumalo at di dumalo
- oras ng pagsisimula
- oras ng pagtatapos (sa bandang huli)

Mahalagang Ideya!

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng


pulong. Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-
iisip.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan


• Bago ang Pulong
Ihanda ang sarili bilang tagatala. Lumikha ng isang template upang mapadali
ang pagsulat. (Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang
sundan ang magiging daloy ng mismong pulong). Mangalap na rin ng mga
impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating,
at iba pa. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape
recorder.
• Habang nagpupulong
Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon
o rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito,
hindi pagkatapos.
Tandaan: hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa
pulong. Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa
pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok.
• Pagkatapos ng pulong
Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan
at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang
dumalo. Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno
sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. Mas mainam na may
numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy
sa pagprerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong. Repasuhin muli ang
isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa. Ibigay
ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi
ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap.

Hango mula sa: https://bit.ly/3iZFgWB.

5
Halimbawa ng katitikan ng pulong:

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora


Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan

Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo


1 KGG. Anthony Dominic Sanchez
2 KGG. Mark Vincent Cabana
3 KGG. Elizar Valenzuela
4 KGG. Rendell Solano
5 KGG. Onille Paul Bernardino
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia

Daloy ng Usapan

Panimula

1. Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4. Iba pa

PANIMULA:

KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:


Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17
ng Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark
Vincent Cabana.

Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para na rin
sa kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.

KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa


ating nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.

KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun


Run upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang
gusting sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag
hihikayat upang tayo ay mag-exercise.

6
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang
tubo ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na


magugustuhan ito ng publiko. Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.

KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run.
Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa
paligid at maging sakanilang mga tatakbo.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang
suhestyon?

KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?

KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.

KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng


botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.

KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang
Chroma ang nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.

KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity.
Magkano ang gusto ninyong maging registration para dito?

KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking


iminumungkahi na ito ay gawing 250.00php.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa,
siguro 500.00php ang kakailanganin natin.

KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na
sigurong 300.00php.

KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.

KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:

7
Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo

Tubig = 500php/jug

Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php

Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php

KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php


na maaari nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo
sa Chroma ay 250 na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund
Raising activity na ito.

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

ZIA CZARINA GARCIA (lgd)


Kalihim ng barangay

Pinapatunayang totoo:

KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ (lgd)


Punong Barangay

Kgg. na taga-pangulo

Ang halimbawang ito ay hango mula sa: https://bit.ly/3kLYsaM

8
Mga Gawain

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa araling tinalakay. Isulat


sa kuwaderno ang iyong mga sagot.

1. Ano ang isang katitikan ng pagpupulong?


2. Bakit mahalagang mag-ingat ng katitikan ng pagpupulong ang anumang
organisasyon/institusyon?
3. Bakit isang mahalagang kasanayan para sa bawat mag-aaral ang pagsulat
ng isang katitikan ng pagpupulong?
4. Sino ang kadalasang naaatasang maging tagatala ng katitikan? Ano-ano ang
kanyang mga pananagutan?
5. Kung ikaw ang tagatala ng katitikan, paano mo masisigurong tumpak at
mapananaligan ang nilalaman ng iyong mabubuong kasulatan?

B. Sumulat ng isang katitikan ng pulong gamit ang halimbawang agenda na


nasa ibaba. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Kinuha mula sa: https://bit.ly/2RWyxRq

9
ISAISIP

Mahalagang ideya! Katulad ng iba


pang uri ng dokumnto sa pagtrabaho,
nakasalalay sa pagpaplano o
paghahanda ang kahusayan ng isinulat
mong katitikan ng pulong.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Manood ng isang pagpupulong mula sa telebisyon, radyo, social media,


o di kaya’y sa inyong komunidad. Mula sa mga detalye ng kanilang
pinag-usapan, bumuo ng isang ng katitikan ng pulong.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 15
pagsulat ng katitikan ng pulong at sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na 10
nabuo at nakapagbibigay ng komprehensibong
sintesis tungkol dito.
Nakasusulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang 25
maingat, wasto, at angkop ang paggamit ng wika
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan 10
ng pulong at angkop ang sintesis na nabuo.
Kabuuang puntos 60

10
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang maaaring gamiting teknik na puweding makatulong sa


pagpapabilis ng paggawa ng katitikan ng pulong?
2. Kakailanganin paba ang tatag ng iyong pagpopukos upang maging
matagumpay ang gagawing katitikan? Pagtibayin ang iyong sagot.
3. Paano nakatutulong ang maayos na gramatika sa pagsusulat ng katitikan?

REFLEKSIYON

Paano nakatutulong ang pagsulat ng katitikan ng pulong sa iyong


pang araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral na kumukuha ng
akademik strand?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

TAYAHIN

11
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat sa kuwaderno ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang pinaka pinag-uusapan sa pagpupulong.


A. Oras B. Petsa C. Paksa D. Pook

2. Araw o panahon nagpagtatakda ng pagpupulong.


A. Oras B. Petsa C. Paksa D. Pook

3. Tagapagpadaloy ng pulong, pangalan ng lahat ng dumalo kasama ang mga


panauhin, at pangalan ng mga liban o hindi nakadalo.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda

4. Oras kung kalian nagwakas ang pulong.


A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda

5. Ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito


isinumite.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D.
Lagda

6. Pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran, petsa,


lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D.
Lagda

7. Galing sa "tindig" na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol,


paglaban, at maaari ding pagiging tama.
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu

8. Galing sa salitang "tuwid" na nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos,


may direksiyon o layon.
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu

9. Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad


ng tula, dula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad
ng aklat o artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik).
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu

10. Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang kaniyang mga


pagninilay, pananaw, at paghuhusga tungkol sa gawa.
A. Katwiran B. Pagsusuri C. Mungkahi D. Rebyu

12
13
PANIMULANG PAGTATAYA
O R A S N G P A G S I S I M U L A I O L
A N M I Y T V N K P V B N U J K L A A N
R G Y U Q W E R T Y U I O P A S D O F G
H J K L L Z X P C V B N N M Q W E R R T
Y U I O P A S D A F G H J K L Z X A C V
B N P O O K M Q W K E R T Y U I O S P L
A S D F G H J K L Z S X C V B N M W E R
T Y U I O P A S D F G A J K L L P U I B
Q W E T Y U M N B V G H J K L I B V C X
U I N Y H N B T V R C L K U R E I V C B
V B U I Y U P E T S A V R T Y U E C X K
PAGSUSURI
1. (May dalawang tao na naguusap tungkol sa isang oppurtunidad)
2. (Mayroon, Kapwa may interes tungkol sa oportunidad sa kinabukasan ng bawat isa)
3. ( Nagbibigay ideya kung ano ang magiging paksa sa aralin)
PAGLALAPAT
Ang gagawing katitikan ng pulong ay pagbabatayan sa sumusunod na pamantayan:
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 30
pagsulat ng katitikan ng pulong at sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at 25
nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol
dito.
Nakasusulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang 25
maingat, wasto, at angkop ang paggamit ng wika
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng 20
pulong at angkop ang sintesis na nabuo.
Kabuuang puntos 100
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. C
2. B
3. C
4. B
5. D
6. A
7. B
8. A
9. D
10. C
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Lachica, Tine. Pagsulat11_Katitikan. Last modified October 5, 2016. Retrieved from


https://bit.ly/3iZFgWB.
Villanueva, Mervic Hope. Pagsulat Ng Katitikan ng Pulong. 2020. Retrieved from
https://bit.ly/2EtdAtY.
Filipino sa Piling Larang. Katitikan ng Pulong sa Barangay: Isang Halimbawa. Last
modified October 13, 2017. https://bit.ly/3kLYsaM
Lazaga, Christine. Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin. Last modified October
24, 2017. Retrieved from https://bit.ly/2RWyxRq.

14
RUSTOM R. NONATO. Siya ay nagtapos sa kursong BSED – Filipino
mula sa Negros Oriental State University (NORSU) – Bayawan- Sta.
Catalina Campus. Kumukuha din siya ng ilang units ng MAEd sa
Unibersidad ng Foundation Dumaguete City. Kasalukuyan siyang
Filipino Senior High School Teacher.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like