You are on page 1of 22

Malay XXIII(1(2010)):81-96

BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN1

Efren B. Isorena, PhD

Introduksyon
Laganap ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sistemang pulitikal ng maraming
katutubong lipunang magdaragat sa Timog-Silangang Asya at, gayundin, sa mga isla sa
Pasipiko (Manguin). Sa ilang pagkakataon, mahalagang ginamit din ang simbolismo ng
bangka sa pagbibigay ng kahulugang espasyal (spatial meaning) sa lugar na inuukopa ng
komunidad at/o estado (Salazar), sa kaayusang panlipunan (Van Wouden), sa mga
mahahalagang konstruksyong istruktural, hal. bahay (Kana, Perez 7-8), at sa
mahahalagang kapaniwalaan at ritwal ng bayan (Fox 342-367). Sa isang pag-aaral
nabigyan ng balidasyon ang ganitong paggamit ng simbolismo ng bangka sa loob ng
Pilipinas (Isorena, Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua) subali’t sa harap ng hamon ng
modernismo ay tila unti-unti na itong natatabunan, bukod pa sa hindi na rin hayagan ang
pagkilala sa ganitong tradisyon sa hanay ng mga kabataan. Tuloy nanganganib na mawala
ito maging sa alaala ng bayan.

Sa Pilipinas marami ang mga indikasyon sa paggamit ng bangka bilang simbolo ng


kapangyarihan, kaayusan sa lipunan, at sa pulitika. At, ang nakilalang simbolikong bangka
ng sinaunang lipunang Pilipino ay ang barangay. Unang lumabas sa tala ni Antonio
Pigafetta noong 1521 ang bangkang barangay nang sila ay mapadako sa isla ng Limasawa
matapos na sila ay dumaan sa kipot ng Surigao mula sa isla ng Homonhon (Blaire at
Robertson v.33, 115). Mas maaga pa dito, may mga indikasyon din na ang bangkang
barangay ang ginamit sa mga napaulat na pananalakay sa baybayin ng Timog-Silangang
Tsina noong mga panahong 1174-1190 M.K. (Isorena, The Visayan Raiders 82-84). Ang
bangkang nahukay sa Butuan na nasa kategorya ng bangkang barangay ay may petsa na
mula 320 hanggang 1250 Matapos si Kristo (MK) (Ronquillo). Nangangahulugan na ganap
at mahaba ang kasaysayan ng bangkang ito. Si Juan de Plasencia, O.S.F. (1589) ang sa
kauna-unahang pagkakataon tumukoy sa bangkang barangay bilang katawagan sa
kalipunang bumubuo ng isang komunidad na pawang magkakamag-anak at
pinamumunuan ng isang dato (Blaire and Robertson v. 7, 173-176). Bunga nito ang
barangay ay kinilala bilang sinaunang uri ng pamahalaan ng katutubong lipunan (Zaide 27-
28; Agoncillo at Guerrero 45-46), bilang sinaunang sistemang sosyo-politikal (Pattanñe,
The Barangay 755-756) at bilang lipunan na nasa iba’t-ibang antas ng transisyon mula sa
primitibong estadong komunal tungo sa Asiatikong anyo ng piyudalismo (R. Constantino 31-
32).

1 Halaw mula sa disertasyon ng may-akda na pinamagatang Bangka at Kolonisasyon: Mula Banua tungong Pueblo, 1565-1620

(Pagbabagong Lipunan sa Punto ng Hugpungan) na isinumite sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas taong 2010.
Si William Henry Scott (4-5) sa kanyang Barangay: Philippine Society and Culture in
the Sixteeth Century ay mahalagang naitakda ang dalawang natatanging karakter ng
sinaunang lipinang baranganiko: una, ang malawak at lubos na paggamit ng bangka sa
samu’t-saring aspeto ng pang-araw-araw na kabuhayan, at, ikalawa, ang lokal na katangian
ng pamamahala. Bukod dito, binigyan niya ng diin ang sadyang maritimong karakter ng
pamumuhay ng sinaunang lipunan na masasalamin sa konsentrasyon ng panirahanan sa
mga baybay-dagat, tabing ilog, at mga tubigang maaaring pamangkaan. Nangangahulugan
lamang ito na ang bangka ang sentro ng kulturang maritimo. Pinatutunayan ito ng mga
nagawa ng pag-aaral sa kasaysayang maritimo (maritime history) sa maraming panig ng
mundo. Halos lahat ay naglaman ng mga pag-aaral ukol sa bangka bilang pangunahing lapit
(approach) sa pag-unawa sa kasaysayan ng mundong maritimo, partikular ang may
kinalaman sa pagtatao (peopling), pagkalat ng kultura (cultural movement), at sa pag-
unawa ng kabuuang proseso ng pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang lipunang
magdaragat mula sa primitibong anyo tungo sa pagiging kompleks (Haddon at Hornell,
Noteboom, Hornell, Johnstone, Doran). Bagama’t detalyadong nailarawan ni Scott (1994)
ang mga katangian ng lipunang baranganiko ng mga Pilipino, nananatili pa ring palaisipan
kung bakit ang bangkang barangay ang naging simbolikong bangka ng mga Pilipino at
paano ang naging korelasyon ng bangkang barangay sa pagtatakda ng kaayusang sosyo-
pulitikal ng sinaunang lipunan.

Layunin ng papel na ito na, una, tuklasin ang mga salik na nagtangi sa bangkang
barangay bilang karakteristikong bangkang-Pilipino; ikalawa, alamin ang mga kamalayang-
bayan na nabuo kaugnay at bumalot sa bangkang barangay na nagtangi dito bilang
simbolikong bangkang Pilipino, at, ikatlo, ipakita at suriin ang naging paggamit ng
simbolismo ng bangka sa paglalatag ng kaayusan sa katutubong lipunang Pilipino bago ang
kolonisasyong Kastila.

Ang Bangkang Barangay sa Pilipinas


Sa mga bangkang Pilipino, ang bangkang barangay ang pinakalaganap at kilala sa
sangkapuluang Pilipinas (Isorena, Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua 1-6). Naiintindihan
ang barangay bilang bangka mula Luzon hanggang Ka-Mindanawan. Sa Ilokos Barangay
ang karaniwang katagang pantukoy sa bangka, (Carro 48, Laconsay 278) maging sa
mga bangka na yari sa tabla at walang katig (E. Constantino 93). Ayon kay E. Constantino
(302) ang mga bangkang Cagayanon ay pangkaraniwang nakabatay sa bangkang
barangay. Barangay rin ang katagang Isneg na pantukoy sa bangka. Binubuo ito ng limang
bahagi: dalawang tabla sa magkabilang gilid, isang tabla sa ilalim, tig-isa sa proa
(prow/stem) at popa (poop/stem) (Vanoverbergh 164). Sa Katagalugan pangunahing
bangka ang bar(l)angay at kilala ito bilang bangkang pandigma at bangkang pangalakal.
Ayon kay Alcina (168) pangunahing bangka rin ng mga Bisaya ang barangay. Ito ay yari
mula sa mga tabla na ginamitan ng pakong kahoy (treenails), may dalawang palo para sa
layag at ginagauran ng bugsay (oars). Kaiba sa barangay ng Ilocos, ito ay malaki, magaan
at mabilis maglayag. Dahil sa mga katangiang nabanggit naging pangunahing bangkang
pandigma din ang barangay sa Kabisayaan. Sa Kabikolan, ang bangkang barangay ay isa sa
mga bangkang pinapanday sa Isla ng Catanduanes na kasamang inilalako ng iba pang mga
bangka sa mga kalapit na isla hanggang sa Mindoro (Galang 107). May bangkang barangay
din ang mga Maranao sa Mindanao (McKaughan at Macaraya), at sa mga Taosug ang
lepa/lepa-lepa ang kanilang bersyon ng barangay.

Mapapansin na malawak ang distribusyon ng katagang barangay bilang pantukoy sa


bangka. Ang mga bangkang nagtataglay ng katawagang ito ay makikita rin sa iba’t-ibang
antas ng kompleksidad sa anyo, gamit at konstruksyon – mula sa pinaka-simple, gaya ng
bangkang inukab (dugout canoe) ng Ilocos hanggang sa mga bangkang pandigma o
pangayaw ng mga Tagalog at Bisaya, at ang mga bangkang pangalakal at tirahang-bangka
ng mga Maranao at Taosug sa Ka-Mindanaoan. Nangangahulugan ito na walang iisang tiyak
na kaanyuan ang bangkang barangay. Ang kaanyuan nito ay maaaring naayon sa
kompleksidad ng lipunang nagtataglay nito. Ang tanging tiyak lamang dito ay ang
katawagang barangay sa isang partikular na bangka ng isang partikular na komunidad na
nagbibigay distinksyon dito sa iba pang bangka ng komunidad. Ang malawak na
distribusyong heograpikal at ang pagsaklaw ng bangkang barangay sa iba’t-ibang antas at
dimensyon ng kabuhayan ng bayan ay nagpapahiwatig ng kahalagahan nito bilang
pangunahing bangka sa kapuluan.

Mula sa maraming indikasyon ang bangkang barangay ay maaaring produkto ng


mahabang proseso ng pag-unlad ng bangka at ng kultura ng pagdaragat sa loob ng
kapuluan. Ang paglitaw nito bilang simbolikong bangkang-bayan ay mapagpahiwatig ng
maritimong karakter ng sinaunang lipunang Pilipino at ng antas ng kompleksidad ng
lipunang dinatnan ng mga Kastila sa ika-16 na dantaon.

Deskripsyon ng Bangkang Bar(l)angay


Sa Boxer Codex (1591) tinukoy ang bangkang barangay na “…malaki at malapad na
bangka; limampung katao ang maaaring sumakay at isang daan sa mas malaki…” (Quirino
at Garcia 408-409) Pagsapit ng 1609, inilarawan ni Antonio de Morga (Blaire at Robertson
v.16, 271-273) ang barangay ng ganito:

“…bangka na gawa mula sa isang malaking troso… (ang) barangay, sakayan na


mabilis at magaan, mababa ang kagililan, nilapat sa pamamagitan ng kahoy na
pako, mahagway ang proa at popa… mayroon itong maraming mananagwan sa
magkabilang gilid… sa gilid ng bangka, mayroong bailio na yari sa kawayan na
lugar para sa mga mandirigma, at may gayon ding sahig sa gitna ng bangka na
nasisilongan ng kung tawagin ay cayan. May katig ang bangka sa magkabilang gilid
na yari sa buho ng kawayan at ang haba nito ay nakaayon sa buong kahabaan ng
bangka at nagsisilbing panimbang… madali nilang binibitbit ang bangkang ito
patungo sa baybay pagsapit ng gabi upang idaong… [salin ng may akda].

Idinagdag pa ni Morga na sa panahong iyon nagsisimula na ring gumamit ng pakong bakal


kapalit ng pakong kahoy (pegs/treenails) ang mga Pilipino sa paggawa ng bangka at ang
proa (prow) nito ay nag-aanyo na ring kagaya ng sa mga barkong Kastila.

Nakilala rin ang bangkang barangay na isa sa pinakamatanda at natatanging


bangkang Pilipino na may katangiang matulis at mahaba, patulis ang magkabilang dulo, at
binuo sa pamamagitan ng mga pakong kahoy (Blaire at Robertson v.1,184). Noong 1668
detalyadong tinalakay ni Padre Francisco Alcina, SJ (201-203) ang katangian at
konstruksyon ng mga bangkang Pilipino. Sa kanyang paglalarawan, ang bangkang
barangay ng Ybabao ay:

…ang pangalawa sa mga malalaking bangka ng mga Pilipino matapos ang


balasian. Ang bangkang ito ang pinakamagaan na ginagamit noon, at patuloy na
ginagamit sa panahong iyon, ng mga katutubo roon. Ang bangka ay binuo mula sa
kwadradong kilya na nilapatan ng mga tabla sa magkabilang gilid. Sa kanyang
pagkabuo, mababa ang kagililan na angkop para sa pagsagwan; karaniwang
ginagamitan ng sagwan o maikling gaud upang paandarin itong barangay…[salin ng
may akda].

Kinilala ang bangkang barangay na pinakamainam na bangkang katutubo at


pangunahing gamit sa paglalakbay sa dagat ng mga Pilipino. Dahil sa manipis nitong baol,
magaan at mabilis itong maglayag (Combes 786). Ang husay at kainaman ng bangkang ito ay
nag-udyok sa mga Español na gamiting pangkaraniwang sakayan ang bangkang barangay
simula sa panahon ng conquista hanggang sa mga ekspedisyon sa Mindanao at Molucas.
Subali’t sa harap ng mga naglalakihang bangkang Español, nagmistulang maliit na bangka
ito. Magkagayunman, hanggang sa ika-19 na dantaon naroon pa rin ang pagkilala sa
barangay bilang bangkang pandigma (Blumentritt 45). Sa bahaging dulo ng ika-19 na
dantaon, ang bangkang barangay ay itinuring na “…mabilis, nguni’t hindi gaanong malakas
tulad ng ibang sakayang ginagamit sa digma” (qtd. sa Abrera 57).

Hindi maikakaila na ang mga deskripsyong ito ay mga panlabas lamang na kaanyuan
ng bangkang barangay. Bagama’t malinaw sa mga Español na ito ang pangunahing bangka
ng mga Pilipino, hindi naman naipaliwanag sa mga ulat kung bakit. Ano nga ba ang
bangkang barangay? Ano ba ang kaibahan nito sa iba pang mga bangkang Pilipino?

Etimolohiya ng Katagang “Barangay”


Sa mga diksyunaryo simula sa panahon ng Kastila, ang kahulugan ng katagang
barangay ay kapwa bangka (Mentrida 44; San Antonio 15, Noceda Y San Lucar 28, Lisboa
57) at sosyo-politikal na yunit (Mentrida 41, Carro 49). Nauna nang ipinaliwanag ni Juan
de Plasencia ang pagtukoy sa barangay bilang yunit sosyo-politikal. Ayon dito, ito ay bilang
pag-alaala ng mga katutubo sa nakaraang paglalayag ng kanilang mga ninuno sakay ng
bangkang barangay nang sila’y unang nagtungo sa isla sa ilalim ng pamumuno ng mga datu.
Sa pagtatag nila ng bagong pamayanan, kanilang ipinagpatuloy ang kaayusan at relasyong
nabuo sa loob ng bangka bilang batayan ng kaayusan at relasyon sa lipunan at pulitika
(Plasencia 174). Magkagayunman, hindi naman malinaw kung ano ang kahulugan o
pinanggalingang konsepto ng nasabing kataga bilang bangka.

Sa mga katagang maaring kahaliling kataga (cognate) at salitang ugat ng ‘barangay’


isa ang ‘barag’ ng Pampango na maaring ituring na pinagmulang kataga/konsepto ng
barangay bilang bangka. Ang barag sa Pampango ay pantukoy sa buwaya; at ang
bara(n)gay ay “tilabuwaya” dahil sa pagtataglay nito ng proa na ulo ng buwaya. Isa pa ang
katagang barang. Ang Malay ay mayroong katagang barang na ang ibig sabihin ay “mga
kasangkapan, gamit o mga bagay na mula sa ibayo; karaniwang inilalako” (Wolkinson 86).
Barang din sa Indonesia ang “mga gamit/kasangkapan na mula sa ibayong dagat”
(imported) (Echols at Shadily 52). “Mangkukulam o pangungulam” naman ang barang sa
Pilipinas (Yap at Bunye 24). Pinakamalapit na kahaliling kataga ng barangay ang balangaw
ng Bisaya (Motus 24). Ang balangaw ay ang pantukoy na kataga sa bahaghari habang
V(b)arangao naman ito sa Tagalog (Loarca 133). Ang varangao ng Tagalog ay kinikilala rin
na Bathalang Mandirigma. Ang barangaran ng matandang salitang Javanese ay malapit
ring kahaliling kataga ng barangay. Ito ay nangangahulugang kapangalan o kamag-anakan.
Maaaring ang nasabing kataga ay mula rin sa sinauna o Matandang Tagalog (Pattanñe, The
Philippines 89, 91-92). Samantala, sa Bikol at Bisaya ang baga-ngar(l)an ay “katulad o
kasing-pangalan” na nagpapahiwatig ng pagiging magkamag-anak.

Ang bangkang barangay bilang barag ay maaaring may batayan lalu na’t kung
isasaalang-alang ang pisikal na kaanyuan ng bangkang barangay na may mahubog na anyo
at patulis ang kapwa dulo. Ang mga pinag-abay na tabla nito at ang mga tambukos (cleats)
na nakausli, sa biglang tingin, ay may pagkakahawig sa katangian ng disenyo sa balat ng
buwaya lalu na’t kung ito’y nakalutang sa tubig. May mga uri ng bangkang barangay na
nagtataglay ng mga proa (prow) na ulo ng buwaya mula sa inukit na kahoy, kundi man ay
ulo ng dragon o ahas (Abrera), na kung titingnan ito ay tila malaking buwaya na nakalutang
sa tubig. Sa Iloko mayroon silang kataga na binobuaya na ang ibig sabihin ay ang
pagkakaroon ng anyong ulo ng buaya sa proa (prow) o unahan ng bangka (Carro 57).
Maaaring sa karanasan ng mga sinaunang pamayanang ilogan, ang pagiging dominanteng
bangka ng barangay sa mga ilog ay kagaya ng pagiging “hari” ng buwaya ng mga ilog at
tubigan. Ganap ang kahalagahan ng buwaya sa sinaunang sagradong paniniwala ng mga
Pilipino (Plasencia 189, Colin 70) kagaya ng mga sagradong paniniwala sa iba pang bahagi
ng Timog-Silangang Asya (Harrison at Harrison 67). Katunayan nito ay ang pagtataglay ng
mga kabaong na yari sa kahoy ng anyo ng ulo ng buwaya sa isang dulo nito (Beyer) na
nagpapahiwatig ng mahalagang papel ng buwaya sa mga kapaniwalaan sa kamatayan at sa
misteryo ng ‘kabilang-buhay’. Ang pag-uugnay ng bangkang barangay sa buwaya ay
maaaring indikasyon ng lebel ng pagpapahalaga ng lipunan sa naturang bangka.

Ang barang na katagang Indones at Malay na ang kahulugan ay “mga bagay-


bagay/kagamitan/paninda, at/o mga gamit o paninda na imported” ay maaaring may
kaugnayan din sa pagkabuo ng katagang barangay na pantukoy sa bangka. Hindi
maikakaila na ang bangkang barangay ay isa sa pangunahing gamit sa mga malayuang
paglalayag: maaring para sa pamumulo, pangongolonya ng mga bagong isla, o sa
pangangalakal. Sa mga ganitong pagkakataon nagtataglay ito ng mga gamit, kasangkapan
at mga probisyon na kakailanganin para sa mga naturang pakay. Sa epikong Lam-ang,
natukoy na ang ginintuang balangay ng bayaning si Lam-ang, ay nagdadala ng mga
porselana mula sa Tsina. Binanggit din na ginamit niya ang balangay sa panunuyo ng
dalaga sa kabilang ibayo at doon ay isinasakay niya ang lahat ng mga kakailanganing
kasangkapan para sa nasabing gawain kasama ang buong bayan (Yabes 102-103). Ang
naiulat na pakikipagkalakalan ng Butuan sa Tsina kasing-aga ng ika-11 dantaon at ang
pagkakatuklas ng mga bangkang barangay sa bayang ito ay nagpapakita ng ugnayan sa
pagitan ng pangangalakal at ng barangay (Peralta 41-48, Ronquillo 81-70). Malinaw ang
mga indikasyon na ang bangkang barangay ay isa sa pangunahing bangka sa pangangalakal,
kapwa sa loob ng Pilipinas at sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.

Ang barang sa Pilipinas bilang mangkukulam o pangungulam ay ‘tila’ malayong


basehan o pagmulan ng konsepto/katagang “barangay”. Ang gawain ng pangungulam o
mangkukulam ay karaniwang iniuugnay sa babae, mga babaeng nabubukod at may angking
kapangyarihan o “anting”. Masinsing tinalakay ni Abrera (296) ang ugnayan sa pagitan ng
mga tinagguriang binokot/linamin/ba’I -- mga babaeng pinagpipitaganan ng komunidad at
lipunan dahil sa angking galing, kapangyarihan o ‘anting’ -- at ang bangkang barangay.
Ayon dito:

Sa kasaysayang awit, and ba’I na nakatira sa lamin ang may hawak ng mga agimat, at
sila ang mga tagapagtanggol ng bayan, kung wala nang mga datu o bagani. Higit pa
dito, and ba’I lamang ang makakahiram ng pinakamabisang anting-anting mula sa
langit, na nasa pag-iingat ng isa ring babae…2 mababanaag ang halaga ng binukot o
ba’I, siya ang tunatayong makapangyarihang simbolo ng bayan na nakakapagbigay
proteksyon dito habang nagsasanay pa sa loob ng lamin…Ang pagbubuklod niya ng
bayan sa diwa at paniniwala ay magiging hayag sa panahon na inilalabas sa lamin at
isinasakay sa bangka (barangay) upang makita siya at makita niya ang bayan. …[ang
diin ay sa may-akda] (qt. sa Abrera 296)

Mapapansin na ang bangkang barangay, sa dinami-dami ng uri ng bangka sa


Pilipinas, ang tanging ginagamit sa mahahalagang ritwal ng bayan. Sa mga ritwal laban sa
pagkakasakit o pagkalunod, ang mga kamag-anak ng namatay o may sakit ay isinasakay sa
barangay kasama ang baylana o punong pari na babae. Sa lugar na tinukoy ng baylana,
kanilang itatapon ang ilang mga gamit bilang alay kasabay ng pag-usal ng mga panalangin
upang mailigtas ang may sakit at gawaran ito ng proteksyon at pagpapala ng mga nuno
(Loarca 129). Sa ritwal na kibang, kung saan ang mga nabubuhay ay sinusubukang
makipag-ugnayan sa kanilang mga namatay na ninuno, sumasakay sa bangkang barangay
ang mga kaanak at sa pamamagitan ng baylan tatawagin ang mga nuno; sa sandaling
gumalaw ang bangka o “nag-kibang,” nangangahulugang tumutugon ang anito/nuno. Sa
ritwal ng pag-aanito ng mga Tagalog, isinasagawa ito sa bahay ng dato na sadyang iniayos
ang mga bahagi ng tahanan katulad sa mga bahagi ng bangkang barangay (Plasencia 186).
Ginagawa naman ng mga Pintados ang ganitong pag-aalay bago ang paglulunsad ng
pangungubat o pangayao (Loarca 133). Bukod sa pag-aanito, ginagamit din ang bangkang
barangay sa ritwal ng pagdaga at sa baklag. Sa ginawang salin ni Lietz (74) sa akda ni
Alcina (193) natukoy ang ritwal ng pagdaga na pag-aalay sa diyos na si Humalgar, na isang
ahas, at ang layunin ay maisalin sa mga mandirigmang makikilahok sa digma/pangayao ang
tapang at bangis nito. Ang baklag naman ay pag-aalay ng dugo sa kilya ng bangkang
barangay bago ito ilunsad sa tubig. Ang ritwal ay kinapapalooban ng paghahanay ng isa o
higit pang aliping bihag sa digma kasama ng mga bilog na trosong dadaanan ng bangka
papunta sa tubig. Sa pamamagitan nito napipitpit ang katawan ng alipin at pumapahid ang
dugo sa kilya ng bangka. Layunin nito na gawing matatag ang bangkang barangay at
katakutan ito ng kaaway. Ginagawa din ang baklag upang pagalingin at manumbalik ang
lakas ng may sakit na datu na nagmamay-ari ng bangkang barangay na ginagamit sa ritwal.

Pagsapit ng panahon sa ilalim ng kolonyalismong Kastila, ang mga baylan, kasama


na ang mga kababaihang may natatanging kapangyarihan sa bayan, ay nabansagang mga
bruheria o mambabarang (sa ingles ay “witches” o mga kababaihang nagsasagawa ng
“witchcraft”) na may kakayanang magpadala ng pasakit sa mga taong kanilang
kinamumuhian sa pamamagitan ng mga ritwal sa ilalim diumano ng impluwensiya ng mga
“demonyo”. Dapat tandaan na bahagi ng kampanya ng pananakop ang demonisasyon ng
mga katutubong paniniwala, lalu na aspetong panrelihiyon, kasabay ng degradasyon ng
estado ng mga kababaihan sa lipunan. At, ang barang o pambabarang ay maaaring biktima
ng gayong kampanya na nauwi sa pagkakaroon nito ng negatibong konotasyon.

Ang ugnayan sa pagitan ng barang at kababaihang namumukod tangi, at ang


ugnayan ng mga binokot/linamin/ba’I sa bangkang barangay kasabay ng sagradong papel ng
barangay sa mga ritwal, ay nagpapahiwatig na maaari din na may koneksyon ang katagang
barangay na pantukoy sa bangka sa katagang barang ng Pilipinas sa orihinal na
pagpapakahulugan nito bago na-Kristyano ang lipunang katutubo. Subali’t, dahil nga sa
pagtatagumpay ng bagong relihiyon, ang kahulugan at kaugnayan ng dalawa ay maaaring
unti-unting nawala. Kasabay ng paglaho ng katutubong paniniwala at ng mga kaukulang
ritwal na gamit ang bangkang barangay; at, ang tuluyang pagkakaroon ng negatibong
konotasyon ng barang, ay nagbunga sa ganap na pagkaputol ng ugnayan sa pagitan ng
barang at ng bangkang barangay.

Mahalaga ang katagang barangaran mula sa matandang uri ng wikang Javanese at,
kung tama si Antoon Postma, maaari ding ito’y kataga mula sa matandang uri ng wikang
Tagalog. Kung uugatin ang katagang ito, ang barang (sa Indonesia at Malay) ay
‘kasangkapan/kagamitan/paninda’ (partikular ang mga ‘imported’ na bagay) habang ang
ngaran ay ‘pangalan’. Ang barangaran, kung gayon, ay maaaring mangahulugan ng
pampamilyang negosyo; o, di kaya ay gawain o proyektong pampamilya o kamag-anakan
(family enterprise). Matapos ang ganap na pananakop ng Kastila, ang bangkang barangay
ay pumailalim sa transpormasyon at ang isang anyo na kinauwian nito ay bilang bangkang
pang-pamilya at pangalakal. Karaniwang ang mga manlalakong negosyante (itinerant
vendors), na ang ilan ay nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng kapuluan, ay kasama ang buong
pamilya sa bangka at kasamang naghahanapbuhay. Bunga nito, ang bangka na rin mismo
ang nagsisilbing tahanan ng kanilang pamilya (Casiño v.3, 712-713). Subali’t mas maaga pa
dito, ang sinaunang pangongolonya ng mga bagong lupain at/o kapuluan ay maaaring isang
gawain/proyektong pang-kamag-anakan. Maaaring may batayan ang lipunang
baranganiko ng mga Tagalog na nauna nang iniulat ni Juan de Plasencia. Ayon dito, ang
sinaunang lipunang barangay ng mga Pilipino ay naitatag bunga ng paglalayag ng mga
kamag-anakan sakay ng bangkang barangay sa paghahanap nila ng bagong lupang
mapaninirahanan. At, ang pagkatatag ng lipunang baranganiko ay bilang pag-alaala sa
nasabing gawain o proyekto, at, ang natatag na pamayanan ay bilang replekasyon o
repleksyon ng kaayusan at relasyong nabuo sa loob ng bangka sa panahon ng paglalayag.

Ang barangaran ay maari ding kahaliling kataga ng bagangaran ng Bikol at Bisaya


na ang kahulugan ay ‘ka-pangalan’ o, sa malawak na kahulugan, ‘kamag-anak’. Sa mga
epikong bayan, mapapansin ang mahalagang papel na ginampanan ng bangkang barangay
sa pagtatatag at pagpapalawak ng mga ugnayan o relasyong pang-kamag-anakan. Sa
epikong Darangen, ang bangkang renamentao mapalao o rinayong (balangay) ang ginamit
sa paglalayag ng panganay na datu sa paghahanap ng mapapangasawa (McKaughan,
Stories from the Darangen 1-7), habang sa Biag-ni-Lamang gintong balangay ang gamit ng
bayaning si Lamang upang magbigay kaya sa sinusuyong si Canoyan na kanya ring
napangasawa (Yabes 102-103). Ang kahalagahan ng bangkang barangay sa pagbubuklod at
pagpapalawak ng pamilya ay binigyang diin ng bayani ng Darangen ng mahigpit niyang
ipagbilin sa kanyang mga anak na huwag ipagbili ang sakayan kailanman at sa halip ito ay
ingatan at paka-alagaan ng mabuti (McKaughan, Stories from Darangen 6-7).

Iisa lamang ang balangaw ng mga Bisaya at v(b)arangao ng mga Tagalog. Kapwa ay
pantukoy sa bahaghari. Sa mga Tagalog, ito rin ang bathalang mandirigma. Ang mga
nasabing kataga ay maaaaring halaw sa/o kahaliling kataga ng barangay. Ang pagiging
pandigmang bangka ng barangay ang makikitang mag-uugnay sa mga katagang/konsepto
ng v(b)arangao at bangkang barangay. Sa Boxer Codex (1591) tinukoy ang bangkang
barangay bilang isa sa mga pangunahing bangkang pangayaw (Quirino at Garcia, 408-409).
Natukoy din ni Padre Francisco Alcina ang bangkang barangay bilang pangunahing
bangkang pandigma na gamit sa pangangayaw ng mga taga-Ybabao ng Samar.
Pinaniniwalaan din na ang bangkang ito ang iniulat ng Tsinong si Chau ju-kua noong ika-12
siglo na gamit ng mga mangangayaw na sumalakay sa timog-silangang baybayin ng Tsina
sa loob ng mga taong mula 1174-1190 (Isorena, The Visayan Raiders 82-84). Ang pagiging
bangkang pandigma nito ay masasalamin din sa mga ritwal ng digma – ang pagaanito,
pagdaga at baklag – kung saan nakatuon ito sa matagumpay na pangangayao (Loarca 133).
Ang bangkang barangay bilang bangkang pangayaw ay unti-unting maglalaho sa loob ng
panahon ng pananakop ng Kastila sa mga bayang nasakop o na-Indiyo. Samantala,
magpapatuloy ang pangangayaw sa Ka-Mindawan gamit ng mga moros at ang isa sa mga ito
ay ang lepa/lipa na pawang bersyon ng bangkang barangay sa bahaging ito ng kapuluan.

Sa kabuuan, ang bangkang barangay bilang barag (buwaya) at barang (witchcraft)


ay kumakatawan sa mahalagang elemento ng sagradong mundo ng katutubo; bilang barang
(gamit/kasangkapan/mga paninda), sinasalamin nito ang dinamikong kabuhayang
malawak na pinag-uugnay ng dagat at ilog sa pamamagitan ng komersyo at kalakalan;
bilang v(b)ar(l)angao lumalayag ito sa makulay at romantikong buhay ng mga mandirigma
at gayundin sa mga dakilang pakikipagsapalaran ng mga bayani ng bayan upang ibanyuhay
ang kagalingan ng sariling lipi; at, bilang bar(g)angaran, mahalagang itinatag at pinalawak
nito ang binhi ng katutubong pamayanan kasabay ng pagbubuo ng mga batayang
halagahing panlipunan (social values) at tradisyong pulitikal na nagsilbing gabay at
panuntunan ng lumalawak na lipunang baranganiko.

Ang bangkang barangay, sa ganitong konteksto, ay nangangahulugan na hindi


lamang isang aspeto ng kulturang materyal na may mahalagang praktikal na gamit sa
bayan. Lagpas pa dito, ang bangkang barangay ay isang konsepto na sumasaklaw sa halos
lahat ng aspeto at dimensyon ng kabuhayan ng katutubong lipunan. Nangangahulugan na
sa bawat mahahalagang bahagi ng buhay: panrelihiyon, pang-ekonomiko, panlipunan,
pulitika, hanggang sa kabuuang ispektrum ng kultura, naroon ang simbolo ng bangkang
barangay na nagbibigay ng balidasyon sa kanilang mga paniniwala at ng lehitimasyon sa
mga tatag na institusyong panlipunan. Marahil ito ang nagbibigay distinksyon sa bangkang
barangay mula sa iba pang mga bangkang Pilipino; at, bunga nito, naging mahalagang
simbolo ng bayan sa pagpapahayag ng natamong lebel ng kompleksidad ng kani-kanilang
tatag na komunidad at lipunan. Masasalamin ang kahalagahang ito ng bangkang barangay
sa paggamit dito ng sinaunang lipunan bilang simbolikong batayan ng kaayusang sosyo-
pulitikal.
Bangkang-Bayan
Sa mga sinaunang lipunang magdaragat, ang gawain ng
paglalayag/pagdaragat/pagpapalaot ang isa sa larangan kung saan maaaring masalamin
ang mga kaayusan at relasyon sa lipunan. Inilalarawan ito ng mga katungkulan at posisyon
na inuukopa ng bawat isa sa loob ng bangka. Ang datu at ang kanyang pamilya ay nasa
malapit sa gitna - sa huling hati ng bangka o duluhan. Ang lugar ay bahagyang nakaangat at
nasisilongan ng carang. Ang mga mandirigma na pawang binubuo ng uring maharlika,
malayang uri na may-kaya at may prebilihiyong hindi magbayad ng buwis, kasama ang
mula sa timawa na anak ng datu, na tinatawag na sandig sin datu ay nasa loob din ng
bangka, nakatindig sa plataporma, sa burulan, na sadyang mas mataas kaysa sa mga
gumagaod. Ang mga gumagaod ay binubuo ng uring timawa, mga ordinaryong tao na
malaya nguni’t obligadong magbayad ng buwis, ay nasa loob ng bangka (sa unang hanay ng
darambas), sa kagyat na gilid nito at bahagya lamang itong mas mababa sa kinalalagyan ng
mga mandirigma upang hindi ito maabala sa paggagaod sa sandaling magkaroon na ng
labanan (Loarca 147, 151). Ginagampanan din ng mula sa uring ito ang mahalagang
tungkulin na matatagpuan sa magkabilang dulo ng bangka: ang taga-timon (steersmen), na
nasa bahaging likuran (aft), at bilang mga tanod (boatswain) na nasa bahaging unahan ng
bangka. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinatawag ring duluan ang mga ordinaryong tao
na malaya sa Tausug (Warren, Iranun and Balangingi 91). Ang mga tapat na tagasunod ng
datu sa Tagalog ay tinatawag ding duluhan na pawang binubuo ng mga timawa (Scott 220).
Nasa mas mababa na posisyon at nasa labas ng bangka ang mga sumasagwan, mga alipin
(saguiguilid) o oripun -- na nakaupo sa ikalawang hanay ng darambas, ang plataporma na
nasa labas na gilid ng bangka. Bukod dito mayroon pa ring sumasagwan sa mas malayong
gilid ng bangka, iyong mga nakaupo sa plataporma na nakapatong sa tadik (crossboom) ng
katig at halos ay nasa tubig na (at nagsisilbi ring paltaw). Sa nasaksihan ni Padre Francisco
Combes, S.J. (172) sa Mindanao umabot ng halos tatlong daan ang mananagwan sa
bahaging ito. Upang maunawaan ang kahulugan ng kaayusang ito sa bangka, mahalagang
malinawan ang pag-uuri ng sinaunang lipunang Pilipino.

Karaniwan nang hinahati ang lipunang baranganiko ng sinaunang lipunang Pilipino


sa tatlong hati: ang namumunong uri (datu), ang malalayang uri (maharlika/timawa), at
ang uring alipin (namamahay at sa guiguilir) (Scott 219, Gabriel). Subali’t sa masusing
pagbabalik-suri sa mga naunang pagpapaliwanag ng kaayusan sa lipunang Pilipino,
lumilitaw na hindi tatlo, sa halip ay apat ang bumubuo nito. Noong 1589 inilarawan ni
Plasencia (Plasencia 174-176) ang lipunang Tagalog na binubuo ng, bukod sa uri/hanay ng
mga datu, tatlo pang uri: ang mga maharlika, ang aliping namamahay, at ang aliping
saguiguilir. Ang mga datu ay mula sa namumunong uri, ang maguinoo, uring
tagapamahala at sadyang nakaririwasa sa buhay. Ang maharlika, ang uri na malaya sa
pagbubuwis ng dato at sadyang may sariling kabuhayan, ay tungkulin na sumama at
gastusan ang sarili sa paglilingkod sa datu sa mga panahon ng pakikidigma. Kapalit nito ay
ang pag-aalay ng piging ng dato bago makidigma kung saan doon ay nagaganap din ang
pagpapamudmod ng datu ng “regalo” at pagtanggap dito ng maharlika bilang simbolo ng
pagpapatibay ng kanilang ugnayan. Bukod dito, mayroon ding takdang bahagi sa
masasamsam na ari-arian at/o kayamanan mula sa pakikidigma ang mga maharlika.

Ang salin/interpretasyon ni Plasencia ng aliping namamahay ay “commoners”, ibig


sabihin ay ordinaryong mamamayan. Sila’y nakapag-aasawa at naninilbihan sa kanilang
mga amo, na maaaring dato o hindi dato. Ang ibig sabihin nito ay naninilbihan sila sa uring
nakatataas sa kanila. At, ang kanilang paninilbihan ay laon nang napagkasunduan o
itinakda. May sariling mga tahanan at pag-aari ang aliping namamahay na maaaring
manahin o ipamana sa kanilang mga anak, gayundin ang mga lupain at iba pang mga ari-
arian. Taglay ng kanilang mga anak ang katulad na katayuan sa lipunan at hindi sila
maaaring gawing alipin at hindi rin sila maaaring ipagbili. Katunayan nito kung sila ay
malilipat sa pangangalaga ng anak ng kanilang dating amo na nagnanais na mangibang
tirahan sa ibang barangay, ang aliping namamahay ay hindi obligado na sumama, hindi sila
maaaring ilipat mula sa kanilang kinagisnang barangay; sa halip sila ay mananatili doon
upang ipagpatuloy ang kanilang kinagawiang pamumuhay. Ang mga tutuong alipin ay
tinatawag na aliping saguiguilir. Naninilbihan sila sa tahanan at mga lupain ng kanilang
amo, maaari rin silang ipagbili. Sa maraming pagkakataon, binabahaginan ng kanilang
mga amo ang mga alipin, lalu na’t kung tunay na masipag at kapakipakinabang ang kanilang
paninilbihan, sa layuning magpatuloy ang kanilang matapat at mahusay na pagsisilbi.
Dahil dito ang mga alipin na ipinanganak sa tahanan ng mga amo ay sa bibihirang
pagkakataon lamang naipagbibili. Ang ganitong katayuan ang kinasasapitan ng mga bihag
sa digmaan at iyong mga sadyang ipinanganak na sa uring ito (Plasencia 174-176).

Nilinaw at binigyang diin pa ni Plasencia ang pagkakaiba ng aliping namamahay at


aliping sa guiguilir. Aniya,

Dapat tandaan ang pagkakaiba sa pagitan ng aliping namamahay at ng aliping sa guiguilir,


dahil sa ang pagkakamali ay nagbubunga sa pag-uuri ng marami bilang alipin na hindi
dapat. Ang mga Indio ay nagsisimula nang sumunod sa halimbawa ng alcalde-mayor, na
hindi nakauunawa sa pagkakaiba ng dalawa, na ituring na gaya ng saguiguilir ang mga anak
ng aliping namamahay, at ginagawang mga utusan sa kanilang mga tahanan na sadyang
ilegal at hindi nararapat. Sa sandaling umapela sa hustisya ang aliping namamahay,
ikinakatwiran laban sa kanya na siya ay laon nang alipin, maging ang kanyang mga magulang
at ninuno, ng walang pakundangan kung siya ba ay aliping namamahay o aliping sa guiguilir.
Agad siyang itinuturing na alipin at sadyang ganoon lamang. Sa ganitong kaparaanan siya ay
naggiging sa guiguilir at , sa katauyang iyon, maaaring ipagbili. Dapat ay ipaganap sa alcalde-
mayor ang pagtatakda, kung may mga sigalot sa usapin ng pang-aalipin, kung saang uri
nabibilang ang alipin at dapat itala sa dokumento ang mga kasagutan(Salin at diin ay sa may-
akda) (qtd Blaire at Roberston, v. 7, 174-176).
Nangangahulugan na ang aliping namamahay ay hindi ganap na alipin sa
karaniwang pagkakaunawa dito. Lumilitaw rin na ang kanyang paninilbihan ay bunga ng
kasunduan sa pagitan ng nakatataas na pamilya at pamilya ng aliping namamahay. Bukod
dito sa isang takdang pamilya ang kanilang paninilbihan ng namamahay at hindi sa lipunan
sa pangkabuuan. Hindi sila alipin ng buong lipunan, ang kanilang pagkakaugnay ay
ispesipiko at ang kanilang takdang karapatan ay hindi maaaring mabalewala kahit na ang
kanilang pagkakaugnay sa paninilbihan ay maipamana sa mga inanak ng pangunahing amo.
Ang katapatang ipinapakita ng aliping namamahay sa paninilbihan, sa kabila ng
katotohanan na may sarili itong kabuhayan at maging ari-arian, ay maari lamang
maipaliwanag sa konteksto ng ugnayan o organisasyong pang-kamag-anakan na
pinagbigkis hindi lamang ng dugo kundi ng ‘utang-na-loob’.3

Lumilitaw, kung gayon, na binubuo ng apat na uri ang sinaunang lipunang Tagalog:
1) ang hanay ng mga datu, ang uring maguinoo, ang namumunong uri; ang maharlika,
malalayang uri na may pribilehiyo at independyente sa datu; ang aliping namamahay,
ordinaryong mamamayan subali’t may takdang katungkulan sa ispesipikong amo; at, ang
huli, ang mga alipin sa guiguilir, mga ganap na alipin sa lipunan. May apat na uri din ang
sinaunang lipunang Bikol : ang dato, aratagon, duluyan, at ang oripon (Dery 24). Sa
Kabisayaan ang istrukturang panlipunan ay inilarawan ng ganito, ‘’mayroon silang tatlong
uri : tinatawag nila ang pinakapuno na datos, sila’y tila mga ‘knights’, at iyon namang mga
mamamayan, timaguas (timawas), at ang mga alipin, oripon ... ‘’ (Scott
127). Magkagayunman, sa masusing pagtingin sa hanay ng mga timawa, lumilitaw na
mayroon ditong dalawang kategorya: ang isa ay nagbabayad ng buwis sa dato at
naninilbihan dito, ang isa naman ay malaya sa pagbubuwis at may pribilehiyo (Scott 130-
131). Ang huli ay inilarawan bilang mga “knights” at “hidalgos” (Quirino at Garcia), sa
madaling salita sila’y uring mandirigma. Posible na ang mga timawa ng Visaya na
nagbabayad ng buwis at naninilbihan sa dato ay katumbas ng aliping namamahay ng mga
Tagalog habang ang mga ‘timawa’ naman na malaya sa pagbubuwis at mga uring
mandirigma ang katumbas ng uring maharlika. Kung gayon, magkakatugma ang apat na
uri ng lipunang Tagalog, Bikol at Kabisayaan. At, maaari na ganito nga ang kaayusan ng
sinaunang lipunang Pilipino.

3 Kaugaliang Pilipino ang lumapit sa kaanak sa mga panahon ng kagipitan. Kadalasan mayroong
patriarko (patriarch) ang kamag-anakan na laging handa at may kakayanang tumugon sa mga
pangangailangan ng mga kaanak. Sa mga ganitong pagkakataon napagtitibay ang pagkakamag-anakan bunga
ng sitwasyong nilikha utang-na-loob. Ang utang-na-loob ay walang katumbas na kabayaran maliban sa
patuloy na pagganti ng kabutihang-loob. Ang ganitong sistema ng mabuting gantihan at turingan
(reciprocity) ang nagpapatibay sa bigkis ng kamag-anakan at nagsisilbing lehitimasyon sa pamumuno ng
kinikilalang patriarko (datu). Ito marahil ang nasa likod sa pangunahing katangian ng barangay na pawang
binubuo ng kamag-anakan.
Talahanayan 1 : Ang apat na pangunahing espasyo sa bangkang barangay at ang mga umuukopa nito.

Bahagi ng Barangay Tao/grupong Umuukopa ng Katayuan sa Lipunan


Espasyo
Duluhan Datu, Sandig sin Datu (mga kabataang Maginoo
anak ng datu)
Burulan Mga uring mandirigma, Maharlika
Unang hanay ng Darambas, proa at Mga karaniwang mamamayan na Timawa/aliping namamahay/mga
timon (nasa duluhan) malaya at mga aliping ‘malaya’, may timawa na kamag-anak ng datu.
sariling ari-arian, di-maaring ipagbili,
may karapatan na unahin ang sariling
kabuhayan.
Ikalawang hanay ng Darambas Mga aliping bihag ng digma, maaaring Aliping sagigilir/oripon
ipagbili, walang sariling ari-arian, at
pawang nasa kamay ng datu ang
kanilang buhay.
(Mula kay Alcina, Blair at Robertson, at Scott)

Mahalaga ang pagkilala sa apat na uri o saray4 ng sinaunang lipunang Pilipino


kaugnay sa paksa dahil sa naobserbahang kaayusan sa loob ng bangka. Napansin ni
Abrera (156-157) ang kaayusang ito sa bangka at ipinanukala na ang distansya ng
kinalalagyan sa bangka mula sa tubig ang indikasyon ng estado o katayuan ng indibidwal sa
lipunan. Iniugnay niya ito sa naobserbahang kalakaran ng “paglayo” ng lipunang Indio sa
tubig tungo sa lupa sa pagsapit ng panahong kolonyal. Ipinanukala ni Abrera na iyong mga
nakapuwesto malapit sa tubig ay nabibilang sa mababang uri habang iyong mga
nakapuwesto malayo sa tubig ay iyon namang mga nakaririwasa sa buhay.

Magkagayunman, mahalagang maunawaan din ang ispasyal (spatial) na pagtatakda


ng puwesto sa loob ng bangka sang-ayon sa kinabibilangang uri sa lipunan ng bawat sakay.
Ang posisyon halimbawa ng mandirigma ay mas mataas kaysa sa kinalalagyan ng datu.
Subali’t ang lugar ng huli ang pinaka-ligtas at malapit sa timon na siyang gumagabay at
kumukontrol sa paglalayag. Ang ganitong ispasyal na pagtatakda ng hirarkiya ay
naobserbahan din sa maraming lipunang Austronesyano. Sa mga bayan ng Suwu, Kei at
Tanimbar sa Indonesia, halimbawa, kanilang sadyang iniaanyo ang kani-kanilang mga
lugar-pulungan sa hugis ng bangka sa isang patag na lugar. Ang bawat posisyon sa bangka
ay pinupunan ng mga taong kumakatawan sa bawat uri sa lipunan at sa kanilang
katungkulan sa bangka sa tuwing naglalayag at ang pinakamahalagang puwesto sa duluhan
(aft) ay nakalaan sa pinuno ng bayan (Manguin 190-191). Ang bangkang baurua naman ng
Lamalera sa Indonesia ay nakalaan ang iba’t-ibang bahagi ng bangka sa mga pamilyang
bumubuo ng komunidad. Sa tuwing matapos ang bawat paglalayag ay binabaklas nila ang
bangka at ipinamumudmod sa bawat pamilya ang takdang bahagi nila ng bangka para sa
pag-iingat (Goddard, 70, 71, 367-396). Ganito rin ang nasaksihan ni James Hornell (40) sa

4 Ginamit na kataga ni Nancy Gabriel (2001) bilang pantukoy sa mga sapin (layers) sa lipunang
Pilipino. Sa Catanduanes Bikol, ang kataga ay nangangahuludan ding “pagkakaayos” , “ayos”, o
“kaayusan”, maaaari ding “pagkakasalansan”.
mga lipunan sa Pasipiko kung saan muling nagtitipon-tipon ang iba’t-ibang mga pamilya
dala ang kanilang bahagi ng bangka upang buuin sa sandaling kailanganing sila ay
maglayag.

May mga indikasyon din na hindi lamang ang mga seremonyal na lugar ang
iniaanyong bangka upang gawing simbolikong representasyon ng pag-uuri sa lipunan
kundi maging sa konseptwalisasyon ng mga panirahanan ay naroon din ang paggamit ng
simbolo ng bangka sa pagtatakda ng relasyon at hirarkiya sa pagitan ng mga panirahanan
(Isorena, Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua). Sa kaso halimbawa ng Pandan, bayan sa isla
ng Catanduanes, ang hirarkiya ng pamayanan ay naitakda sa pamamagitan ng simbolikong
pagturing sa mga tatag na pamayanan, mula sa kostal hanggang sa kabundukan, bilang
kinatawan ng mga bahagi ng bangka na siya ring gumabay sa relasyon ng mga pamayanang
nakapaloob dito. Ang banua ay itinuring na duluhan habang ang mga sityo ay itinuturing
na mga katig. Ang malaganap na paggamit ng katagang banua/banwa/vanua bilang
pantukoy sa sentrong pamayanan sa Pilipinas at sa kalawakan ng Austronesya, na pawang
mga kahaliling kataga ng salitang bangka (Tatel, Salazar), ay indikasyon ng malaon nang
pagpapahalaga sa paggamit ng simbolismo ng bangka sa mga lipunang Austronesyano.

Larawan 1 : Mga bahagi ng at posisyon sa bangka (ang bangkang nasa larawan ay iprinisinta ni WH Scott (1994) bilang rekonstruksyon ng
bangkang Caracoa. Sa kawalan ng larawan ng bangkang pandigmang barangay, ang larawang ito ang pinakamalapit sa deskripsyon ng
bangkang pangayao na barangay dahil sadyang hindi rin nagkakaiba ang kanilang disenyo maliban sa laki.
Paglalalayag at Kayaw: Pagsubok at Balidasyon
ng Ugnayang Panlipunan at Pulitikal
Mahalaga rin na maunawaan ang mga likas na katangian ng mga gawain sa
paglalayag at pakikidigma kaugnay sa mga taong umuukopa at gumagawa sa mga posisyon
at katungkulang ito. Marahil ang simbolikong ugnayan sa pagitan ng posisyon sa bangka at
ng katayuan sa lipunan ay naging pinakahayag sa gawain ng pangangayaw. Ang pangayaw
ay isang tradisyong laganap sa buong kapuluan sa mga sinaunang lipunan at hanggang sa
mga kasalukuyang lipunang tradisyunal/etniko. Ang pangangayaw, halimbawa, sa mga
lipunang nasa kabundukan at interyor ay nasa anyo ng pamumugot ng ulo, samantalang
pamimirata, pamimihag, at pananalakay naman ang isinasagawa ng mga lipunang
magdaragat (Loarca 149, 151; Colin 82, Junker). Tanggap ang ganitong gawain sa mga
sinaunang lipunang Pilipino, katunayan ay isa ito sa mga pinagpipitaganang gawain ng mga
kalalakihang makisig at may kakayanang maglunsad nito (Scott 90) gaya ng mga bagani o
bayani ng bayan.

Ang mga pamamaraan ng pangayaw ng mga moros ay mahalagang tinalakay ni


James Warren sa kanyang Iranun and Balangingi: globalization, maritime raiding and the
birth of ethnicity (2002) kung saan detalyado niyang sinuri ang mga kasunduan, relasyon at
kalakaran na kaakibat ng pangangayaw. Dito sinabi ni Warren (165) na ang pangangayaw
ay mahigpit na nakabatay sa mga konsepto ng hirarkiya, sistema ng kamag-anakan at
organisasyong sosyal, at nang lumaon kabilang na rin ang mga proseso ng ugnayang ‘inter-
etniko’. Ang pagiging makapangyarihang pinuno ay natatamo sa pamamagitan ng
paglulunsad ng malayuang pangayaw. Tanging ang raja o datu o ang kanilang mga anak
ang maaaring makapamuno ng pangayaw at karaniwan nang ang mga anak ay
nakakapangasawa ng mga anak ng pinuno ng kalapit na mga teritoryo na siyang lumilikha
ng mga pinalawak na alyansa (166).

Dahil sa malaking resorses ang kakailanganin sa paglulunsad ng pangayaw, ang


pagbubuo o pag-oorganisa ng ekspedisyon ay karaniwang kinasasangkutan ng mga taong
may-kaya (167). Sa panahon ng lipunang baranganiko, ito marahil ang dahilan kung bakit
mahalaga ang partisipasyon ng mga nabibilang sa uring maharlika dahil sariling gastos nila
ang pakikilahok dito maliban pa sa kanilang ispesyalisasyon sa pakikidigma. Kaugnay dito,
ipinaliwanag noon ni Plasencia (178) na ang mga uring maharlika na nakapangasawa ng
mula sa ibang barangay ay hindi madali na pinapayagang lumipat ng barangay, hangga’t
hindi ito nakakapagbayad ng takdang napagkasunduang bayarin sa kanyang dato. Sa
pangayaw ng mga moros, ang karamihan sa mga sakay (crew) ay binubuo ng mga taga-gaod
at mananagwan mula sa uri ng ordinaryong mamamayan. Sa sinauang lipunang
baranganiko ginagampanan ito ng mula sa uri ng timawa at aliping namamahay, kasama na
ang mga alipin (saguiguilid) upang punuan ang kakulangan sa mga sakay (Combes 172).
Sinabi pa din ni Warren (165) na mahalaga na ang lahat ng sakay ay mula sa iisang lugar
(kadatuan o chiefdom) at sadyang magkababayan o maging magkababata. Dahil sa lubhang
mapanganib ang pangangayaw, alam ng bawat isa na ang kanilang buhay ay nakasalalay sa
kanilang kolektibong husay sa pagdaragat at paglalayag, sa paggawa ng bangka,
pakikidigma at sa bisa ng dasal at ritwal ng baylan o ng hatib para sa mga Muslim. Marahil
sa ganitong mga sirkumstansya nagiging mahalaga ang konsepto ng ”iisang-bangka” kung
saan iisa lamang ang kasasapitan ng lahat ng sakay – lumubog o lumayag, depende sa
pagtupad ng bawat isa sa kani-kanilang katungkulan.

Tanging mga lalaki lamang ang nagsasagawa ng pangayaw, at karamihan ay sadyang


mga mandirigma. Sa mga gipit na pagkakataon maging ang mga alipin ay ibinibilang sa
hanay ng mga mandirigma at inaasahang makikipaglaban hanggang kamatayan (Warren,
The Sulu Zone 187-188). Marami sa mga aliping ito ay karaniwan nang sumasama sa mga
pangayaw simula sa kanilang pagkabata at nagiging mga bihasa sa gawaing iyon. Wala sa
kanilang isipan ang pagtakas sa halip ay sadyang pinili nila na maging bahagi ng ganitong
mapanganib na buhay kapalit ng mga biyayang materyal na ipinagkakaloob ng kanilang
amo matapos ang bawat ekspedisyon (Warren, Iranun ang Balangingi 170-171). Sadyang
tungkulin ng alipin kasama ang mga timawa na sumagwan para sa dato (Loarca 149).
Nakapuwesto ang mga alipin na sumasagwan sa plataporma na nakapatong sa tadik (cross-
boom) kasama ang hanay ng mga mananagwang timawa na nasa bahaging mas malapit sa
bangka. Sa sinaunang lipunang barangay higit pa sa materyal na benepisyo ang maaring
matamo ng alipin na kalahok sa pangayaw. Ang pinakatampok na maaring matamo ng mga
alipin ay ang gantimpalang pagpapalaya o pagiging natimawa (Gabriel).

Ang bangkang pangayaw ay nasa ilalim ng pamumuno ng datu o raja. Nakapuwesto


ang datu/raja sa bahagi ng bangka na may carang/cayan o bubungan sa gitna ng bangka
malapit sa dulong bahagi at nasasakupan ang bahagi ng timon (Combes 173). Katangian
ng pinuno ang pagiging malakas, matapang, tuso o madunong, kilala sa bayan at walang
dudang mayaman. Kontrolado niya ang lahat ng aspeto ng paglalayag at pagpapatakbo ng
bangkang pangayaw (Warren, Iranun ang Balangingi 170-171). Ang pinuno ang nagtatakda
ng ruta sa buong panahon ng paglalayag at siyang tumatayong pangkalahatang pinuno.
Mahalagang katulong ng pinuno ang mga gumaganap bilang taga-timon na nasa gawing
likuran at siya ring namamahala sa mga sakay, at ang tanod na namamahala sa cauit
(anchor) at ‘lead line’ at siya ring nagmamasid at nagbabantay sa daraanan ng bangka at sa
mga iba pang matatanaw sa laot (Warren, Iranun ang Balangingi 171,n.18). Kasama sa
ekspedisyon ang isang baylan na nagsasagawa ng mga nararapat na ritwal at panalangin
para sa tagumpay ng pangayaw. Maliban dito, kasama rin sa ekspedisyon ang ilang mga
matitipunong kabataan na may edad mula 12 hanggang 15 na tumutulong sa paggaod
habang hinahasa ang kanilang kalaaman sa paglalayag at sa mga teknika ng pangangayaw
(171). Maaaring ang mga kabataang ito na mga anak ng datu ang natukoy ni Alcina (1668)
bilang mga sandig sin datu, na nagsisilbi ring pinakamatapat at maaasahang tagapagtanggol
ng datu sa mga panahon ng kagipitan.

Katulad sa sinaunang lipunang baranganiko ang mga sakay ng bangkang pangayaw


ng mga moros ay binubuo ng mandirigma (maharlika ng lipunang baranganiko) na tanging
katungkulan ay ang pakikipaglaban, mga ordinaryong mamamayan (timawa/namamahay
sa barangay), at mga pinagkakatiwalaang alipin (oripun/aliping saguiguilir). Ayon pa rin
kay Warren, sadyang isinasama ang mga alipin upang magsilbi sa mga pangangailangan ng
mga sakay gaya ng pagluluto, pag-iigib ng tubig, at pagtulong na rin sa mga gawain sa
bangka. Hindi armado ang mga alipin subali’t itinuturing sila na mahalagang bahagi ng
bangka; katungkulan nila ang pag-bailio (bail) ng tubig, magsagwan, maglinis at
magkumpuni ng bangka. Maliban sa mga ordinaryong sakay at mga gumagaod, malaking
bilang ng mga mandirigma ang nasa loob ng bangka na umaabot hanggang 100 sa mga
malalaking sakayan. Nakapuwesto sila sa burulan o baileo na hindi malayo sa puwesto ng
dato (Combes 173). Tanging pakikipaglaban ang kanilang katungkulan at hindi sila
nakikialam sa anumang aspeto ng paglalayag. Inaasahan na sila ay buong tapang na
haharap sa kalaban para sa ikatatagumpay ng layunin ng pangayaw.

Matapos ang pangayaw nagsisiuwi sa kani-kanilang tirahan at pamayanan ang mga


sakay at pansamantalang napuputol ang mga ugnayang namagitan sa panahon ng
pangayaw (174). Samantala, bago maghiwahiwalay, ipinamumumodmod ng datu ang mga
bihag at nasamsam sa pangayaw. Ang paghahati-hati ng mga nakulimbat (booty) ay
naipakita sa halimbawa na ibinigay ni Warren (185) matapos ang pangayaw na inilunsad
ng mga moros. Ayon dito,

…ang panglima, pinuno ng isang pamayanan (village) na siya ring namamay-ari ng


prahu ay tatanggap ng isang alipin bilang tributo. Matapos ito, kanyang iaalok ang
iba pang mga alipin sa estado batay sa kanyang unang pagmamay-ari sa mga ito:
ang pinuno ng ekspedisyon ay tatanggap ng anim na alipin… ang taga-timon at ang
tanod ay tatanggap ng tig-dalawang alipin, habang ang iba pang sakay (crew) ay
tatanggap ng tig-iisang alipin. Ang pinakamahalagang gantimpala ay inilalaan para
sa mga mandirigma, halimbawa ay ang paglalaan sa kanila ng mga alipin na
mataas ang kalidad, iyong mga bata at maganda ang kalusugan at/o babae. Kung
hindi naman gaanong tagumpay ang pangayaw, nababawasan ang mga paglalaan
ng gantimpala…[salin ng may-akda] (qtd. Warren 185).

Samantala, ang mga kasamang alipin na ipinadala ng kani-kanilang mga amo at gumanap ng
mga mapanganib na katungkulan sa panagayaw ay walang natatanggap na anuman, sa halip
ang kanilang mga amo ang siyang mapagkakalooban ng malaking gantimpala (185).

Pagsusuma
Malawak at laganap ang ipinapakitang korelasyon sa pagitan ng bangka at lipunan sa
sinaunang lipunang baranganiko. Patunay ito na sadyang malalim at malawak ang kultura
at tradisyong maritimo nating mga Pilipino Mahaba at malalim rin ang pinagdaanan ng
ebolusyon ng penomenang ito. Sa malas ay hindi sadyang na-dokumento ng mga lipunang
nagtaglay nito ang kabuuang proseso. Magkagayunpaman, hindi pa lubusang nawala ang
mga sinaunang tradisyon ng pagdaragat at nananatili pa rin ang pira-pirasong
mahahalagang bahagi ng kulturang ito na patuloy na nagpapahiwatig at nagpaparamdam
hinggil sa pinagdaanang bangkang-bayan. Katibayan nito ang pananatili ng katagang
banua/banwa bilang pantukoy sa sentrong pamayanan sa Kabikolan at Kabisayaan,
indikasyon na sadyang magiit at malalim ang pundasyon ng kabuuang kulturang
maritimong Pilipino.

Sa mga nalalabing reliko ng penomena sa buong kapuluan, masasabing sapat pa rin


itong nakapag-iwan ng mga bagay na makapagbibigay unawa at maaaring epektibong mag-
ugnay sa mga kasalukuyang naoobserbahang panlipunan at istorikong penomena. Ang
katagang barangay bilang bangka at lipunan ay isang implisitong pagkilala sa ugnayang ito.
Ang di-sinasadyang malaking atensyon na ibinigay ng mga dokumentong Kastila sa
bangkang ito, mula sa marami at samu’t saring bangkang Pilipino, ay isa pa ring nagbibigay
diin sa mahalagang papel na ginampanan ng bangkang barangay sa buhay at lipunan ng
pamayanang Pilipino bago ang, at maging sa loob ng, panahon ng Kastila. Ang mahalagang
papel na ito ay masasalamin sa mga pagpapakahulugan ng katagang barangay na pawang
kumakatawan sa esensiya ng bayan. Maliban dito, ang pagiging bangkang pang-
komunidad nito ay nagsisilbing balidasyon na ang bangkang barangay ang simbolikong
batayan sa pagsasaayos at pag-iistruktura ng sinaunang lipunang Pilipino, na, sa ilang
pagkakataon, ay tila nagpapatuloy pa sa ilang mga lipunang kostal sa kasalukuyang
panahon.

Ang pagpapalaot ng bangkang barangay ang nagsisilbing pagsubok sa mga tatag na


istruktura at institusyon sa loob ng “bangkang-bayan” sa pamamagitan ng pagganap ng
bawat isa sa mga takdang katungkulan ng naayon sa puwesto sa bangka. Ang karanasan at
kaalamang bunga ng pagpapalaot ang nagsisilbing balidasyon ng mga istruktura at
institusyong pambayan na nagiging daan sa pagpapatibay o pagbabago ng mga nasabing
istruktura at institusyon. Ang mga panahon ng paglulunsad at paglalayag ng bangka ang
nagsisilbing lugar (venue) upang gampanan ng bawat miyembro ng komunidad ang
simbolikong katungkulan nila sa lipunan. Sa panahon ding ito nagaganap ang iba’t-ibang
uri ng negosasyon ng mga panlipunang kontrata kung saan ang katuparan ay masasalamin
sa proseso ng distribusyon o pamumudmod/paghahati ng nasamsam mula sa pakikidigma
o paghahati ng tubo (profit) mula sa pangangalakal, kasama na ang pagbabayad ng mga
pasahod o karampatang pabuya sa mga sakay. Ang kaganapan ng buong prosesong ito ang
nagtatakda sa bangkang barangay bilang “lipunang-bangka.”
Ang kaganapan ng bangkang-bayan sa sinaunang lipunang Pilipino at ang magiit na
pananatili ng mga reliko at alaala ng panahong iyon ay nagsisilbing hamon na kailangan pa
nating tuklasin at pagyamanin ang maritimong aspeto ng ating kasaysayan. May mga
indikasyon na sa pagpapanday ng bangkang pangkomunidad ang pandayan ang
pansamantalang nagiging sentro ng bayan at tila ito ang nagsisilbing mikrokosmo ng
ebolusyon ng bayan kung saan ang mga ugnayang sosyo-politiko-ekonomiko ay nabubuo at
nasusubok. Subali’t inirereserba na ng may-akda ang paksang ito sa mga susunod na pag-
aaral.

-oOo-

Mga Batis:

Agoncillo, Teodoro A. and Milagros C. Guerrero. History of the Filipino people. 5th ed.
Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co, 1977.
Alcina, Francisco Ignacio, S.J. (1668). History of the Bisayan people in the Philippine
Islands: evangelization and culture at the contact period (Historia de las isles e
indios de Bisayas… 1668). Isinalin, pinamatnugutan, at nilagyang anotasyon ni
Cantius J. Kobak, O.F.M at Lucio Guiterez, O.P., vol. III. Manila: UST Publishing
House, 2005.
Blair, Emma and James Alexander Robertson. The Philippine Islands, 1493-1898. 55
vols. Ohio: Arthur H. Clark Co, 1908.
Beyer, Henry Otley. “Outline Review of Philippine Archeology by islands and Provinces,”
The Philippine Journal of Science, 77.3-4 (1941):205-390. Print.
Carro, Andres. Vocabulario Iloco-Español. Manila: Establicimiento Tipografico de M. Perez E
hijo, 1888.
Colin, Francisco (1663). “Native races and their customs.” Sa Blair, Emma and James
Alexander Robertson. The Philippine Islands, 1493-1898 (55 Vols). Tomo 40: 37-
98. Ohio: Arthur H. Clark Co, 1908.
Combes, Francisco (1667). “Historia de Mindanao y Jolo.” Sa Blair, Emma and James
Alexander Robertson. The Philippine Islands, 1493-1898 (55 Vols). Tomo 40: 99-
182. Ohio: Arthur H. Clark Co, 1908.
Constantino, Ernesto (1930). Ilocano Dictionary. Honolulu: University of Hawaii Press,
1971.
Constantino, Renato. The Philippines: a past revisited. Vol. 1. Manila, 1975.
Doran, Edwin. Wangka: Austronesian Canoe Origins. Texas: Texas A&M University Press,
1981.
English, L. English-Tagalog Dictionary. Quezon City: Kalayaan Press Mktg., Ent., Inc.
Gabriel, Nancy Kimuel. Timawa: Kahulugan, Kasaysayan, at Kabuluhan sa Lipunang
Pilipino. Tesis Masteral sa Kasaysayan. Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya,
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, 2001.
Goddard, D. The Proas of Kiribati, in Sewn Plank Boats, McGrail, Sean and Eric Kentley
(eds.), BAR International Series 276 (1985).
Haddon, Alfred C. and James Hornell. Canoes of Oceania; Volume I, The Canoes of
Polynesia, Fiji, and Micronesia. Honolulu: Bernice P. Bishop Museum, 1936.
Hall, Kenneth. Maritime Trade and Early State Development in Early Southeast Asia.
Honolulu: University of Hawaii Press, 1985.
Harrisson, Tom and Barbara Harrisson. The prehistory of Sabah. Kota Kinabalu: Sabah
Society, 1971.
Hassan, Irene. Seymour Ashley and Mary Ashley, Taosug-English Dictionary. Jolo, Sulu:
Notre Dame of Jolo College, 1994.
Headland, Thomas and Janet D. Headland. A Dumagat (Casiguran) English Dictionary.
Canberra, Australia: The Australian National University, 1974.
Hirth, Friedrich at W.W. Rockhill. Chau Ju-kua: His Works on the Chinese and Arab Traders
in the 12th and 13th Centuries. Taipei: Ch’eng-Wa Publishing, 1970.
Hornell, James. Water Transport. London: Cambridge University Press, 1970.
Isorena, Efren B. Ang sakayan sa pagbubuo ng banua: Pandan, mula ika-12 siglo hanggang
1948 (Panimulang pagbabalangkas. sa kasaysayan ng Catanduanes). Tesis
Masterado sa Kasaysayan, Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman, Lunsod ng Quezon, 1998.
Isorena, Efren B. “Ukol sa etnikong pinagmulan ng mga Catandunganon at ang
proseso sa pagbubuo ng lipunang Baranganiko,” Malay 1 (2002):13-36
Isorena, Efren B. 2004. “The Visayan reaiders of the China coast, 1174-1190 AD,”
Philippine Quarterly of Culture and Society. Cebu City: San Carlos University,
32(2):73-95.
James Fox. “On Bad Death and the Left Hand: A Study of Rotinese Symbolic Inversions.” Sa
Right and Left: Essays on Dual Symbolic Classification, R. Needham (ed.). Chicago,
1973. pp. 342-367.
Johnstone, Paul. Seacraft of Prehistory. Cambridge: Harvard University Press, 1980.

Junker, Laura Lee. Raiding, trading, and feasting: the political economy of the Philippine
chiefdoms. Honolulu: University of Hawaii Press, 1994.
Kana, L. “The Order and Significance of the Savunese House.” Sa James Fox (ed.), The
Flow of Life: Essays on Eastern Indonesia. Cambridge and London, 1980. Pp. 221-
230
Laconsay, Gregorio. Dictionario Iloko-English-Tagalog. University of the Philippines, 1974.
Leopoldo Y. Yabes, “Lam-ang”, Antolohiya ng mga Panitikang ASEAN: Mga Epiko ng
Pilipinas, Salin sa Filipino ni Angel A. Acacio, Jovita Ventura, et.al. (pat.). Quezon
City: Komite ng Kultura at Kabihasnan ng ASEAN, 1984.
Lietz, Paul. The Muñoz Text of Alcina’s History of the Bisayan Islands, Chicago: Philippine
Studies Program, Dept. of Anthroplogy, ___.
Lisboa, Marcos de (1754). Vocabulario de la Lengua Bico. Manila:Establisimeinto Tipografico
del Colegio de Santo Tomas, 1865.
Loarca, Miguel de. 1582. “Relacion de las Yslas Filipinas,” Arevalo. . Sa Blair, Emma and
James Alexander Robertson. The Philippine Islands, 1493-1898 (55 vols). Tomo
5:34-187. Ohio: Arthur H. Clark Co, 1908.
Manguin, Pierre Yves. “Shipshape societies: boat symbolism and political systems in Insular
Southeast Asia,” Southeast Asia in the 9 th to 14th Centuries. Marr, David G. at AC
Milver (mga pat.). Singapore: Institute of Southeast Asian Studies, 1986.
McKaughan, Howard P. Stories from the Darangen, “Paganay kiandato’o diwata ndaw gibon
sa iliyan a Bembaran.” Manila: De La Salle University Press, 1995.
McKaughan, Howard P. and Batua A. Macaraya. A Maranao Dictionary. Honolulu:
University of Hawaii Press, 1967.
Mentrida, Alonso de (1637). Diccionario de la Lengua Bisaya, Hiligueina y Haraya de la Isla
de Panay. Manila: Imprenta de D. Manuel y de D. Felis Dayot, por D. Tomas Oliva,
1841.
Mintz, Malcolm W. Bikol Dictionary. Honolulu: University of Hawaii Press, 1971.
Morga, Antonio de (1609). ‘Sucesos de las Islas Felipinas,’ Mexico. Tomo . 16:25-210. Sa
Blair, Emma and James Alexander Robertson. 1908. The Philippine Islands, 1493-
1898. 55 vols. Ohio: Arthur H. Clark Co, 1908.
Motus, Cecille. Hiligaynon Dictionary. Honolulu:University of Hawaii Press, 1971.
Noceda, Juan de and Pedro de San Lucar (1745). 1860. Vocabulario de la Lengua Tagala.
Manila: Imprenta de Ramirez y Giraudier.
Noteboom, Charles (1947). “The study of primitve sea-going craft as an ethnological
problem,” Internationales Archiv fur Ethnoraphie, vol. 45, nos. 4-6, sa Greenhill and
J. Morrison, The Archaeology of Boats and Ships Annapolis: Naval Institute Press,
1995.
Pattanne, E.P. 1978. “The Barangay: Origin of Our Basic Socio-Political Unit,” Filipino
Heritage: The Making of our Nation. 3(1978):755-756.
Patanñe, E.P. The Philippines in the 6th to 16th Century. Manila: LSA Press Inc., 1996.
Peralta, Jesus. “Ancient Mariners of the Philippines,” Archeology 33.5 (1980):41-48.
Perez, Rodrigo, et.al. Folk Architecture. Quezon City: Impressions Inc., 1989.
Pigafetta, Antonio (1521). ‘Primer viaggio intorno al mondo.’ Sa Blair, Emma and James
Alexander Robertson. The Philippine Islands, 1493-1898 (55 vols). Tomo 33:26-
272; 34:38-182. Ohio: Arthur H. Clark Co., 1908.
Plasencia, Juan de (1589). “Customs of the Tagalogs,” Manila, October. Sa Blair, Emma
and James Alexander Robertson. 1908. The Philippine Islands, 1493-1898 (55 Vols).
Tomo 7: 173-198, 55 vols. Ohio: Arthur H. Clark Co., 1908.
Quirino, Carlos and Mauro Garcia, “The Manners, customs, and beliefs of the Philippine
inhabitants of long ago; being a chapter of a late 16 th century Manila manuscript,”
Translated, Transcribed and Annotated. Philippine Journal of Science
87.4(1958):325-466.
Ronquillo, Wilfredo. “The Butuan archaeological finds: profound implications for Philippines
and Southeast Asian prehistory,” Man and culture in Oceania. Special Issue, 3
(1987): 71-78.
Ruiz, Miguel Ruiz (1630). Bocabulario Tagalo, 1630. Patnugot ni Jose Mario Francisco, S.J.
Quezon City: Pulong Sources for Philippine Materials, 1997.
Salazar, Zeus A. Ang Pilipinong Banua/Banwa, sa mundong Melano-Polynesiano. Bagong
Kasaysayan. Lunsod ng Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2006.
San Antonio, Francisco de (1624). Vocabulario Tagalo. Quezon City: Pulong: Sources for
Philippine Studies, 2000.
San Buenaventura, Pedro de (1613). Vocabulario de la lengua Tagala. Manila, 1711.
Scott, William Henry. Barangay: sixteenth-century Philippine culture and society. Quezon
City: Ateneo de Manila University Press, 1994.
Sullivan, Robert. A Maguindanaoan Dictionary: Maguindanao-English, English
Maguindanaoan. Cotabato City: Notre Dame University, 1966.
Van Wouden, F.A.E.. 1968. Types of social structure in Eastern Indonesia. The Hague,
1977.
Vanoverbergh, Morice. Isneg-English Vocabulary. Hawaii: University of Hawaii Press, 1972.
Warren, James Francis. “The Sulu zone: commerce and the evolution of a multi-ethnic
polity, 1768-1898. Qusaezon City: New Day Publishers, 1979.
Warren, James Francis. Iranun and Balangingi: globalization, maritime raiding and the birth
of ethnicity. Quezon City: New Day Publishers, 2002.
Wolkinson, R.J. A Malay-English Dictionary (Romanised), Part I (A-K). London:MacMillan &
Co., Ltd, 1957.
Yabes, Leopoldo Y. 1984. “Lam-ang”, Antolohiya ng mga Panitikang ASEAN: Mga Epiko ng
Pilipinas. Salin sa Filipino ni Angel A. Acacio, Jovita Ventura, et.al. (pat.). Quezon
City: Komite ng Kultura at Kabihasnan ng ASEAN, 1984.
Yap, Elisa Paula and Ma. Victoria Bunye. English-Cebuano-Visayan dictionary. Honolulu:
University of Hawaii Press, 1971.
Zaide, Gregorio. Early Philippine history and culture. Manila: Oriental Printing Co., 1937.

You might also like