You are on page 1of 3

PAGBABAHAGI

Ilarawan mo ang pagsulat sa isang salita.


PAGGALUGAD

Ano ang gampanin ng pagsulat sa paaralan, sa lipunan at sa


buhay mo?
Gampanin ng pagsulat

PAARALAN LIPUNAN BUHAY KO

Tumutulong ito sa Maliban sa pagsasalita, Bilang isang alagad ng


paghubog ng kognitibo at malaki ang gampanin ng Panitikan, madalas akong
kritikal na pag-iisip ng mga pagsulat sa komonikasyon nagsusulat ng mga akda
mag-aara sa paraang sa mga taong kabilang sa tulad halimbawa ng mga tula
akademikong pagsulat. isang lipunan. Lalo na sa at mga sanaysay. Malaki ang
mga pormal at legal na gampanin ng pagsulat sa
aspeto na kinakailangan ng aking buhay dahil ito ang
mga black and white na natatanging kasanayang
mga kasunduan. magsatitik ng aking sariling
damdamin,
opinyon,kuro-kuro, mga
napapansin sa paligid na
maaring gawing paksa sa
isusulat na obra o akda.

PAGTATAYA

John 3:16:Pagibig ng Diyos


(Pinagmulan ng aking Pangalan)

Likas na matapang at malakas ang katangian naming mga Leo na Ipinanganak sa buwan ng Agosto, taong 1995. Sa ikalawang
Araw sa nasabing buwan at taon, ako isinilang sa bayang kilala sa maayos at maunlad, ang Bayan ng San Fernando La Union. Sa
araw na ito ,bumababa ang Evanghelistang naglista ng Pangalang “John ELLY Quidulit” na ibinurda sa aking dugo at laman.Ako’y
binihisan ng aking mga magulang na sina Evangelito at Janice Quidulit at pinalaking may takot sa Panginoon.Nagdaan ang maraming
taong pag-aaruga at pagtuturo ng mabuting asal, sinimulan ng aking mga magulang ipatag ang baku-bakong daan patungo sa aking
magandang kinabukasan. Ipinasok nila ako sa Mababang Paaralan ng Caoyan sa Elmentarya, sa pagsisimula ng aking pormal na
edukasyon kasabay naman ang biyayang galing sa Maykapal ang pagkakaroon ko ng ikalawang kapatid na si Russell Quidulit. Sa
kalagitnaan ng aking pag-aaral sa Elementarya, nagbunga muli ang pagmamahalan ang aking mga magulang at isinilang ang aming
bunsong nagmana ng pangalan ng aking Ama, ngunit sa paghampas ng tadha na tila bang hampas ng mga along sumira sa aming
kastilyong buhanging sama-samang hiluma at binuo sa tabi ng dalampasigan. Dumilim ang tahan dahil sa pundidong ilaw na siyang
nagbigay kalungkutan sa loob ng aming tahanan.Ngunit sa kabila ng masidhing sakit na nararamdaman buhat ng mapaglarong
tadhana, Ako’y patuloy na lumaban sa hamon ng buhay. Ako’y nagtapos ng Sekondarya sa Ilocos Sur National High School bitbit ang
ikatlong parangal sa lupon ng Special Science Class Batch 2012-2013. Dahil nais bigyan ng magandang buhay ang aking Pamilya,
Patuloy akong nag-aaral sa Divine Word College of Vigan sa kursong Bachelor in Secondary Education, Mayorya sa Filipino. Ako
naniniwalang magiging mabuti at mahusay akong Guro sa hinaharap bitbit ang mga aral, kaalaman, karanasan, inspirasyon at
pagkakamali sa mga nakalipas na panahon.

You might also like