You are on page 1of 4

RODZ BESERAL QUINES

STEM 11

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

MODYUL 6

ALAMIN:

A. Binantayan ng frontliners ang mga may kaso ng Covid.


B. Mga may kaso ng Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners.
C. Binantayan ang mga may kaso ng Covid 19 ng mga frontliners.
D. Ang mga may kaso ng Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners.

1. Ano ang paksa ng bawat pangungusap?


A. Binantayan ng frontliners ang mga may kaso ng Covid. (frontliners)
B. Mga may kaso ng Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners. (Covid 19)
C. Binantayan ang mga may kaso ng Covid 19 ng mga frontliners. (kaso ng Covid 19)
D. Ang mga may kaso ng Covid 19 ang binantayan ng mga frontliners. (may kaso ng
Covid 19)
2. Ano ang kahulugan ng bawat pangungusap?
A. Pagbabantay ng ating mga frontliners sa mga may sakit na Covid.
B. Ang mga may kaso ng Covid 19 ang binabantayan ng ating mga frontliners.
C. Binantayan ang mga may kaso ng Covid 19 ng ating mga frontliners.
D. Ang mga may Covid 19 ang binantayan ng ating mga frontliners.

SUBUKIN:

1. PONOLOHIYA
 Ang ponolohiya o palatunugan na sa wikang ingles ay phonology ay isang
balangkas ng lingguwistika na tumutukoy sa pag-aaral ng mga ponema o tunog ng
wika, ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng wika maging ang mabalangaks na
paggamit nito o ang mga pinagsama-samang kombinasyon upang makabuo ng
isang salita. Ang ponolohiya ay binubuo ng dalawang uri. Ito ay ang ponemang
segmental o ponemang kinabibilangan ng mga katinig at patinig. Samantala ang
ponemang suprasegmental naman ay ponemang mayroong taglay na prosodic na
katangian kung saan ito ay mayroong katangiang likas. Kabilang sa mga
katangian nito ang intonasyon o tono, haba, maging ang antala o paghinto.
 Halimbawa: aw, iw, ay, ey, iy, oy, at uy
 Halimbawang salita: bahaw, bahay, okoy, baliw.
2. MORPOLOHIYA
 Ang morpolohiya ay ang turng sa straktyural nap ag-aaral ng mga salita maging
ang relasyon ng mga ito sa iba pang wikang sinasalita. Ang morpolohiya o
palabuuan na sa ingles ay morphology ay ang nagbibigay kaalaman sa mga
indibidwal sa kung paano nabubuo ang isang salita sa pamamagitan ng
pagsasama-sama nito. Sa madaling sabi, ang morpolohiya ang itinuturing nay unit
na salita na pinakamaliit subalit nagtataglay din ng angking kahulugan. Ito ay mga
salitang idinaragdag sa iba pang salita upang makabuo ng bagong salita. Ang
morpolohiya ay maaaring panlapi na nabubuo lamang dahil sa paggamit ng iba’t
ibang morpema.
 Halimbawa: MA + TUBIG = MATUBIG, PA+TUBIG = PATUBIG, TUBIG + AN =
TUBIGAN
3. SINTAKS
 Ano ang kahulugan ng Sintaks? pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap,
pagsasama- sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga
pangungusap "Sintaksis". Estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning
nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuan ng isang pangungusap. Ang anyo
ng pangungusap ay karaniwang anyo: nauuna ang panaguri kasunod ang paksa; at
kabalikan: nauuna ang paksa na sinusundan ng ‘ay’ na sinusundan ng panaguri
 Halimbawa: Pinatawag ng nanay ang bata. (karaniwan) Ang bata ay pinatawag ng
nanay. (kabalikan).
 Halimbawa: Nanay! (panawag) Aray!
4. SEMANTIKA
 Ang agham ng linggwistiko na nag-aaral ng kahulugan ng mga salita at
expression , ibig sabihin, kung ano ang ibig sabihin ng mga salita kapag
nagsasalita o sumulat tayo, ay tinatawag na semantika . Ang Term ay pinahusay
ni Michel Bréal noong 1833. Ang layunin ng semantika ay upang masira ang
kahulugan sa mas maliit na mga yunit, na tinatawag na semas o semantiko na
tampok, pinapayagan nitong i-segment ang kahulugan ng mga salita, at pag-iba-
iba ang mga salita ng magkatulad na kahulugan at mga salita ng kabaligtaran na
kahulugan. Sa kabilang dako, ang lingguwistikong semantika ay namamahala sa
pag-aaral ng denotasyon at konotasyon ng mga salita, kapag ang mensahe ay
ipinahayag nang objectively, ang kahulugan nito ay sinasabing denotatibo at,
kapag ang layunin ng komunikasyon ay idinagdag ang ilang personal na pagtatasa
sa pamamagitan ng mga kilos o intonasyon , sinasabing ang kahulugan nito ay
konotibo.
 Halimbawa: Ilaw ng tahanan Denotasyon: Maliwanag ang ilaw sa bahay namin.
Konotasyon: Si inay ang ilaw ng tahanan.
TUKLASIN:

1. A
2. B
3. D
4. D
5. A

TAYAHIN:

1. C 6. A 11. B
2. A 7. A 12. A
3. C 8. D 13. C
4. B 9. D 14. D
5. D 10. C 15. C

ISAGAWA:

1. Dating pulis, nahuli dahil sa pagsusuot ng fixerized uniform ng PNP kahit wala na ito sa
serbisyo.- Dating pulis, nahuli dahil sa pagsusuot ng pixelized uniform ng PNP kahit
wala na ito sa serbisyo.
 Pinalitan ko ang salitang “fixersized” sa pangungusap dahil wala naman sa
bokabularyo ang salitang fixersized. Kung susuriin naman natin ang aking
pangungusap ito ay tama sapagkat ang mali lang doon ay ang “fixersized”. Tama
ang pangungusap na hindi pwedeng magsuot ng pixelized uniform ang pulis na
wala na sa serbisyo dahil nakasaad ito sa sinumpaan nilang batas.
2. Bumulusok pababa ang nasirang eroplano.- Bumulusok pababa ang sinasakyan nilang
eroplano.
 Tinanggal ko sa pangungusap ang salitang “nasirang” dahil hindi naman
magagamit ang eroplano kung ito’y sira na.
3. Kitkitainka lang tattay madika met Makita- Kitkitainka ngem madika met Makita.
 Tinanggal ko ang mga salitang “lang” at “tattay” dahil nag-iiba ang
kahulugan ng pangugusap. At kung susuriin naman ang ginawa ko’ng
pangungusap mas maganda ang ating pagkakaintindi hindi tulad sa nauna.
4. Tinahi ni Trina ang polo ng sirang ama niya.- Tinahi ni Trina ang nasirang polo ng
kanyang ama.
 Sa pangungusap, hindi naman ang ama ang nasira kaya ko binaliktad ang
pangungusap. Dahil ang polo ng ama ang nasira.
5. Dalawang bangkay natagpuang patay sa may sementeryo.- Dalawang biktima
natagpuang patay sa may sementeryo.
 Sa pangungusap, mali ang salitang “bangkay” dahil mayroon ng salitang
“patay”. Kung ating susuriin ang nakasaad sa pangungusap na may dalawang
biktima na natagpuang patay sa sementeryo, hindi natin alam ang konklusyon
kung ito ba ay krimen o pwede rin na patay nga sila dahil ang nakasaad na
lugar ay sementeryo na kung saan dito inilalagay ang lahat ng mga
sumakabilang buhay.

You might also like