You are on page 1of 11

MATAAS NA PAARALANG AGHAM NG MAYNILA

Dokumentasyon ng Aking Proyekto sa Filipino 7

Huling Markahan

Ibong Adarna sa Panahon ng Pandemya

(Isang Dulang-Ako-Lahat)

Pangalan:

Seksyon:

1. Kung ang Ibong Adarna ay nangyari ngayong panahon ng

pandemya, paano mo ulit ito ikukwento?

MGA PAALALA:

1. Pumili lamang ng isang bahagi ng kwento na nais mong ikuwento

ulit, hindi ang buong Ibong Adarna.

2. Tiyakin na makabuluhan ang kwentong mabubuo. Iwasan ang

makapagkwento lang.

Pahina 1
3. Tiyak na maglilipana ang kwentong ang Ibong Adarna ang

bakuna sa CoVid, si Haring Fernando ang nagka-CoVid, at ang

tatlong prinsipe ang mga frontliners. Kung gagamitin ang

ganitong motif ay tiyakin na hindi ito magiging “gasgas na

kwento” o kwentong alam na agad ang susunod na mangyayari

at katapusan.

4. Ang ibig sabihin ng makabuluhan ay kung paano makatutulong

ang iyong kwento na maintindihan ang buhay nating mga Pilipino

ngayong panahon ng pandemya gamit ang mga pangyayari sa

kwento ng Ibong Adarna.

SAGOT:

2. Ano ang gusto mong patunayan sa bagong kwentong iyong binuo

(layunin)?

SAGOT: Nais kong patunayan sa aking binuong kwento na

Pahina 2
3. Ano-ano ang iyong MGA gagamitin na pangunahin at pantulong na

batis (primary & secondary sources) upang patunayan ang iyong

layunin? Ilista ang mga ito sa ibaba. Paghiwalayin ang bawat batis.

Sa pagsulat ng bibliyograpi ng aklat, magasin, website at iba pa,

balikan ang tinuro sa inyo tungkol sa pagsulat ng bibliyograpi noong

elementarya o di kaya tumingin sa internet.

Sagot:

4. Bumuo ng tatlo hanggang limang (3-5) na pansamantalang iskrip

(tentative iskrip) ng iyong dula. Gumamit ng storyboard na makikita

sa mga susunod na pahina. Maaring baguhin ang laki ng bawat panel

at maaring magdagdag nito.

PAALALA: Isaalang-alang ang banghay ng kwento (panimula,

papataas na pangyayari, kasukdulan, kakalasan at wakas).

Pahina 3
STORYBOARD BILANG ISA

Pahina 4
STORYBOARD BILANG DALAWA

Pahina 5
STORYBOARD BILANG TATLO

Pahina 6
5. Isa-isahin muli ang inyong mga batis, at ilista ang mga

impormasyong magagamit mo sa iyong kwento.

Halimbawa:

6. Gumawa ng pinakahuling storyboard. Dito maari mo nang ilagay

ang iba pang detalye na nakuha mo sa pagtatala. Maaring baguhin

ang laki ng storyboard.

Pahina 7
7. Ilapat sa format ng bidyo ang inyong pinal na storyboard. Isulat

dito ang inyong mga naging karanasan sa paggawa ng bidyo.

Bigyang-diin ang mga isinaalang-alang upang lumitaw nang husto ang

iyong nais patunayan. (I-upload sa Drive at i-attach kasama ng

dokumentayson na ito.)

MGA PAALALA:

1. Gumamit ng angkop na kasuotan at kagamitan.

Pahina 8
2. Ikaw lamang ang lahat ng gaganap sa lahat ng tauhan na

mapipili mo.

3. WALANG TAGAPAGSALAYSAY (NARRATOR).

4. Maglagay ng subtitle.

5. Tatlo hanggang limang minuto lamang.

6. Walang bloopers.

7. Huwag ubusin ang oras sa napakahabang intro at credits.

7. Pagkatapos ipanood sa lima hanggang sampung tao. Hingin ang

kanilang mga komento (positibo at negatibo) at ilista rito. Huwag

kalimutang ilagay ang buong pangalan ng mga nanood at

Pahina 9
pagkakakilanlan nila (nanay ko, tatay ko, kuya ko, ate ko, bunso

namin, aso ko, si Yorme, ang Presidente ng Pilipinas at iba pa).

8. Ayusin mula ang AVP sa huling pagkakataon na may

pagsasaalang-alang sa mga komento ng mga nakapanood at guro.

Isalaysay sa ibaba ang inyong mga naging karanasan sa paggawa ng

pinal na bidyo.

Pahina 10
WAKAS

Pahina 11

You might also like