You are on page 1of 3

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
Bula North District
BULA CENTRAL SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

Paaralan Bula Central School Baitang Ikatlo


Guro Camille D. Organis Asignatura Filipino

I. LAYUNIN
Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakikilala ang mg salita o parirala na nagsasabi kung saan
( Isulatang code at kailan nangyari ang isang kilos o gawi. F3WG-IIIh-6
sabawatkasanayan)
Pagkilala sa mga salita o pariralang nagsasabi kung saan at
II. NILALAMAN kailan nangayari ang isang gawi. (Pang-abay na
Pamanahon)
III.KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Patnubay ng Guro sa Bagong Filipino sa Salita at Gawa, pp.
Pagtuturo 116-117
2. Mga pahina sa Kagamitang Batang Pinoy Ako, pp. 115-116
Pang Mag-Aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Bagong Filipino sa Salita at Gawa (Wika), pp. 202-206
4. Karagdagang kagamitan Larawan mula sa Internet.
mula sa portal ng Learning
Resource
5. Integrasyon ESP: Maayos na paggamit ng oras at sistematikong
pagsasagawa ng mga gawain sa araw-araw.
Mathematics: Paghahati ng Oras (Division)
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, projector, activity sheets
IV. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang  Pagbabalik-aral sa pandiwa:
Aralin o pasimula sa bagong  Ipakita ang larawan ng puno. Tumawag ng ilang
aralin mag-aaral na pipili ng bawat numero sa loob ng bilog
na hugis. Ipagawa kung ano ang kilos sa napiling
numero.
B. Paghahabi sa layunin ng Pahulaan:
aralin  Hatiin ang buong klase sa dalawang pangkat. Bawat
lider ng pangkat ay bubunot ng isang larawan at
ipapakitang kilos ito ng lahat ng miyembro ng bawat
pangkat.
 Huhulaan naman ng ibang grupo ang kanilang
ipakitang kilos at sasabihin kung saan at kailan ito
madalas na nangyayari.

C. Pag- uugnay ng mga  Paglalahad ng mga salitang nagsasabi kung kailan at


halimbawa sa bagong aralin. saan nangyari ang isang kilos o gawi.
 Ipabasa ang bawat salita at itanong:
- Ano ang tinutukoy ng bawat salita?

D. Pagtatalakay ng bagong  Gamit ang powepoint, talakayin ang tungkol sa pang-


konsepto No. 1 abay. Bigyang diin ang salitang nagsasaad kung saan
at kailan nangyari ang isang kilos.
 Magbigay ng mga halimbawa at gamitin into sa
pangungusap.
E. Pagtatalakay ng bagong  Ilahad ang kwentong “Ang Gawain ni Osbert sa
konsepto at paglalahad ng Araw-araw”. Basahin ang kwento at pag-usapan ang
bagong kasanayan No. 2 tungkol dito.
- Sino ang tauhan sa kwento?
- Ano ang mga gawain niya sa araw-araw?
- Anong uri ng bata si Osbert?
- Dapat ba siyang tularan?
- Mahalaga bang matuto tayong humati ng
ating oras sa pagsagawa ng ating mga
gawain? Bakit?
WORD SEARCH (Literacy)
Hanapin sa kwento ang mga pang-abay at tukuyin
kung ito ay nagsasabi kung saan o kailan nangyari ang isang
kilos.
F. Paglilinang sa Kabihasan  Pagsasagawa ng pangkatang gawain. (Maaring
(Tungosa Formative gamitin ang dating pangkat)
Assessment )  Ilahad ang pamantayan sa pagsasagawa ng gawain.
 Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheets na
kanilang isasagawa.
PANGKAT 1
Basahin ang pangungusap. Bilugan ang salita o
parirala na nagsasabi kung saan nangyari ang kilos
at ikahon kung kailan naman nangyari ang kilos.
PANGKAT 2
Sumulat ng dalawang salita na nagsasabi kung saan
nangyari ang kilos at dalawang salita naman na
nagsasabi kung kailan nangyari ang kilos.
 Pag-uulat ng bawat pinuno sa isinagawang gawain.
G. Paglalapat ng aralin sa pang  Mahalaga ba ang paggamit ng sistematikong
araw araw na buhay paggawa ng mga gawain sa araw-araw? Bakit?

H. ** Paglalahat ng Aralin  Itanong: Ano ang tawag sa mga salita o parirala na


nagsasabi kung saan at kailan naganap ang isang
kilos o gawi.
I. Pagtataya ng Aralin  Basahin ang pangungusap at piliin ang salitang
tinutukoy kung saan at kailan naganap ang kilos.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa may sapa nila nakita ang mina ng ginto.
a) sa may sapa
b) ginto
c) mina
2. Madaming tanim na gulay sa bukid ni Mang Efren.
a) tanim
b) Mang Efren
c) sa bukid
3. Kahapon nagtinda si Ana.
a) Ana
b) kahapon
c) nagtinda
4. Nag-aaral si Ben sa gabi.
a) si Ben
b) nag-aaral
c) sa gabi
5. Umiinom ng gatas si Joelle tuwing umaga at gabi.
a) gatas
b) umiinom
c) tuwing umaga at gabi.

J. Karagdagang gawain para sa  Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na


takdang aralin mga salita o parirala.
(Assignment) 1. sa loob ng tindahan
2. sa palengke
3. kanina
4. mamaya
5. bukas
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilangcng mag-aaral na
nakakuhang 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawaing remediation
C. Nakakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos?Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at supervisor?
G. Anong kagamitang pangturo
ang aking nadibuho na nais
kung ibahagi sa mga kapw
ako guro?

Inihanda ni:

CAMILLE D. ORGANIS
Teacher I

Nagmasid:

ANALINDA M. GARLANDO DOMINI D. ORGANIS


Master Teacher I Master Teacher I

EDNA P. LOMPERO
Master Teacher 2

Nabatid:

EDEN B. SABAUPAN
School Principal 2

You might also like