You are on page 1of 13

1

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8


KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Pangalan: ROBELLE G. DALISAY Petsa: ika- , ng Marso 2019

I. LAYUNIN
a) Naipaliliwanag ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao;
b) Napahahalagahan ang pag-galang sa karapatan ng bawat isa.
c) Nakakalahok ng masigla sa magkakaibang pangkatang gawain.

KBI- PAG-GALANG SA KARAPATAN NG BAWAT TAO.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: IBA’T IBANG ANYO AT EPEKTO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
b) Sang-gunian:
Mateo, Grace Estela C., etal., KASAYSAYAN NG DAIGDIG (Batayang Aklat Sa
Araling Panlipunan Ikatlong Taon), Vibal Publishinh House, Inc. p. 390-396
c) Kagamitan: batayang aklat, odyo biswal, larawan, power point presentation,
cartolina, colored papers, at lobo.

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga rin po sa inyong lahat!
Tumayo muna ang lahat para sa ating panalangin.
*(panalangin)
Sino ang liban sa klase?
Wala po ma’am.
Magaling.

B. Balik-aral
“ DRILL”

Bago tayo mag bukas ng panibagong aralin sa


umagang ito, mahalagang balikan natin ang ating
tinalakay kahapon. Ano nga ulit ang topiko natin
kahapon? Ma’am tungkol po sa epekto ng teknolohiya sa
kalagayang ekolohikal.
Tama. Magbalik-aral tayo sa pamamagitan ng
isang laro na “seconds to win it”.
Lahat ay maaaring makilahok sa larong ito.

Panuto: Meron akong ipapakitang mga ginulong


letra. Ayusin at buoin ito batay sa ibibigay kong clue.
Isang proseso ng paglilipat ng teknolohiya sa anyo ng
capital goods, kasanayan, o impormasyon mula sa
isang bansa patungo sa iba

AEHRAGNTOICTOCLLNSFER TECHNOLOGICAL TRANSFER


.
Kultura na naglalarawan ng pagiging palaasa.
2

YUTDPDFCUOENERLEENC CULTURE OF DEPENDENCY

Tumutukoy sa mga panganib sa trabaho na maaring


magresulta sa pagkaparalisa o pagkamatay ng mang-
gagawa.

DCPTNHAZIOUOLRAACA OCCUPATIONAL HAZARD

Tumutukoy sa agwat ng teknolohiya sa pagitan ng


dalawa o higit pang bansa.

NLIETAGLDIOHCOCVIDE TECHNOLOGICAL DIVIDE

Ang kultura ng pamamalimos.

LUEMNFUTODCCNRICEAY CULTURE OF MENDICANCY

Magaling! Nasagot niyong lahat ang mga salita


na tinutukoy sa clue.
Anong mga pagpapahalaga ang natutunan ninyo
sa talakayan nating iyon?
Ang pagkakaroon po ng makabagong
teknolohiya ay may magandang dulot. Ngunit huwag
rin nating kalimutan na mayroon din itong
masamang epekto katulad ng pagkasira ng
kapaligiran at ng ating katawan.
Tama. At papaano naman natin maiwasan ang
masamang epekto nito?
Kailangan po marunong tayong iangkop ang
teknolohiya sa kung ano ang pangangailangan natin.
At dobleng ingat parati ang gawin sa paggamit nito.
Magaling! Ngayon handa na nga kayo sa ating
sunod na tatalakayin.

C. Pag-ganyak
“VIDEO CLIP”

Madalas ba kayong manood ng mga balita sa


telebisyon? O mas madalas kayong manood ng mga
teleserye? Meron akong gustong ipakita sa inyo,
panoorin natin ito.
Sige po ma’am!
(manunuod ang mag-aaral ng isang video clip
tungkol sa karapatang pantao).
Tungkol saan ang ipinakitang videoclip?
Tungkol po sa paglabag sa karapatang pantao.
Anong bahagi naman ng video ang nakaantig sa
inyong damdamin at bakit?
Ang kabuoang video po mismo ay talagang
nakaaantig ng damdamin. Lalo na sa bahaging
hinahabol ang bata dala ang bulaklak na parang
sumusimbolo sa karapatang pantao.
Tama. Ipinakita dito kung papaano pinagkait ang
karapatang pantao hindi lang sa kabataan kung hindi
pati sa kababaihan. Ngunit gayon paman lahat tayo ay
hindi dapat pagkaitan ng karapatan dahil ito ay para sa
lahat.

D. Paglalahad
3

Sa umagang ito nais kong maipabatid sa inyo


ang tatlong mahahalagang kasanayan na dapat ninyong
matutunan sa ating tatalakayin ngayon.

(pagbang-git ng guro sa tatlong layunin)

Naniniwala ba kayo na ang bawat isa sa atin ay


nabuhay na may pantay na karapatan?

Ngunit papaano, kung dumating ang puntong Oo naman po ma’am.


ito?

(pagpapakita ng larawan, paa na may inaapakang


bagay).

Anong pagkakaintidi ninyo sa ipinapakita ng


larawan? Puntong hindi na po natin natatamasa ang
karapatang taglay dahil naaapakan na ito ng iba.
Tama!
Katulad dito sa larawang ito. Ano ang nakikita
ninyo?

Mga gusgusing bata po na nasa lansangan.


Nasaan kaya ang mga magulang ng batang ito?
Anong karapatang pantao ang nalalabag na
ipinakikita dito?
Ma’am nalalabag po dito ang karapatan ng
bata na makapag-aral, magkaroon ng maayos na
tirahan at magkaroon ng magulang na mag-aaruga.
Tama.
Mga mag-aaral, mahalagang malaman natin ang
karapatan ng bawat isa sa atin sapagkat ang kamang
mangan sa mga bagay na ito ay magdudulot sa paglabag
sa karapatan ng bawat isa. Handa na ba kayo sa ating
talakayan para sa umagang ito?
Opo maa’am, handang handa na po kami.
GAWAING PAGKATUTO

1. AKTIBITI

Ang sabi nila bawat karapatan ay may kaakibat


na katungkulan.
Ngayon sa ikalawang pagkakataon, mayroon ulit
akong ipapakita na VIDEO (ultrasound picture of fetus).

Sa nakitang niyong video, anong reyalisasyonn


4

ang nabuo sa mga isip ninyo?

Magaling! Nakuha ninyo ang nais kong ipabatid sa


inyo.
Ngayon naman nais kong gamitin ninyo at Maliwanag po na kahit nasa tiyan palang tayo ng
ipamalas ang lawak at likot ng inyong mga imahinasyon. ating ina meron na tayong karapatan, at ito ang
Para sa inyong aktibiti meron akong inihandang karapatang maisilang at mabuhay sa mundong ito.
taskc card, basahin ito.

Task card:
Ano sa tingin ninyo ang mga anyo ng paglabag
sa karapatang pantao ang posibleng maranasan ng
baby o fetus na ito sa sandaling siya ay maisilang o
Tama ang mga naisip ninyo, at diyan natin maipanganak sa mundong ito?
ibabatay ang inyong paunang aktibiti.
Ma’am marami po. Maari siyang makaranas ng
At sa gawaing ito bibigyan ko kayo ng pagkakataon pagmamalupit o di kaya diskriminasyon at
na maipamalas at ibahagi ang inyong mga angking pambubully.
talento. Interesado ba kayong kumanta, magasadula,
magbalita/makipanayam, at gumuhithit o magpinta?

Kung gayon magpangkat kayo batay sa kasanayan


at interes mayroon kayo.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang
maghanda sa inyong presentasyon.
Ay oo naman po ma’am

Unang pangkat: pagsasabuhay ng kanta.


Ikalawang pangkat: pagbabalita at pakikipanayam
Ikatlong pangkat: pagpipinta o pag-guhit.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

KRAYTERYA PUNTOS

 Kaangkopan sa tema 5
 Kagalingan sa pag- 5
ganap 5
 Pagkakaisa 5
 Pagkamalikhain
 Kabuoang puntos 20
Napakahusay ng ipinamalas niyong mga
kasanayan! (ang mag-aaral ay mag papakita sa kanilang
nabuong konsepto ANG PAGLABAG SA KARAPATANG
Sa ginawa niyong presentasyon sa tingin niyo ba PANTAO: pagsasabuhay ng kanta, pagpipinta, at
may ganitong pangyayari rin sa kasaysayan? pagbabalita/pakikipanayam)

At paano niyo naman nasabi iyan?


5

Oo naman po ma’am.

Tama. Kung ating babalikan ang ating mga Hidi po ba kahit naman noong unang mga
talakayan sa kasaysayan ng daigdig marami ang panahon pa, meron nang nangyayaring karahasan at
naitalang mga kaganapan sa aklat na naglalahad ng pang-aabuso noon?
karahasan, sang ayon ba kayo?

Kahapon meron akong pinagawang takdang aralin


hinati natin ang klase sa tatlong pangkat. Ano nga ulit
ang pinagawa ko sa inyo? Oo naman po ma’am.

Pagsasaliksik po ma’am ng mga larawan at


karagdagang impormasyon na may kinalaman sa
Tama! Ang tanong, ginawa niyo ba ang pinagawa comfort women, holocaust at paglabag sa karapatan
kong Gawain sa inyo kahapon? ng mga katutubo. At gumawa po ng kanta at tula
tungkol sa karapatang pantao.

Magaling!
Ang mga nabang-git ay ilan lamang sa mga Oo naman po ma’am, meron pa kaming mga
karahasan o paglabag sa karapatang pantao na nangyari larawan.
at naitala sa kasaysayan.
Sa sandaling ito, tayo ay mag babalik tanaw sa
nakaraan at ating alamin ang mga pangyayaring
sinabing bangungot ng mga tao sa panahon ng
Ikalawang digmaan at pananakop.
Ngayon ang mga pinasaliksik ko sa inyo kahapon
ang magiging batayan para sa pangalawang Gawain
ninyo.
Bawat pangkat ay ibabahagi at ilalahad ang mga
nakalap na impormasyon sa kanilang pananaliksik.

Unang pangkat: COMFORT WOMEN


Ikalawang pangkat: HOLOCAUST
Handa na ba kayo? Ikatlong pangkat: PAGLABAG SA KARAPATANG
PANTAO NG MGA KATUTUBONG MAMAMAYAN.

2. ANALISIS
Handang handa na po ma’am.
Sa sandaling ito, atin namang pakikinggan ang
pagbabahagi at paglalahad ng bawat pangkat sa mga
impormasyong kanilang nakalap sa pananaliksik. Unahin
natin ang unang pangkat.

UNANG PANGKAT (comfort women)


6

Ang larawan pong ito ay nagpapakita sa mga


kababaihan na naging biktima sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones na ginawang comfort
women. Batay po sa aming pananasaliksik sinasabing
hindi lang sa Pilipinas nagkaroon nito kundi pati sa
iba pang mga bansa na nasakop/nakolonya ng
Magaling! Ating palakpakan ang unang pangkat sa bansang Japan. Ang mga kababaihan ay nakaranas
kanilang mahusay na pag-uulat. ng matinding karahasan at pang aabuso, pinilit silang
magbigay ng serbisyong sekswal, at sa kasalukuyan
Ngayon naman atin pang linangin ang inyong mga patuloy parin na humihingi ng hustisya ang mga
kaaalaman. naging biktima dito.
Bakit comfort women ang naging katawagan sa
mga kababaihang ito?

Tama. At anong karapatan naman ang nilabag ng


mga Hapones sa mga kaawa awang mga kababaihang
ito?

Tama. Ang pagkakaroon ng comfort women ay Dahil ginamit at pinilit po sila upang magbigay
nangyari pa sa panahon ng kolonisasyon, sa tingin niyo ng serbisyong sekswal.
ba sa modernong takbo ng panahon ngayon ay meron
pang mga kaganapang gaya nito?
Nilabag po nila ang karapatang marespeto ang
At bakit niyo naman nasabi iyan? pagkababae ng mga kababaihan.

Oo naman po ma’am.

Patunay po dito ma’am ang mga balitang


madalas nating marinig at mabasa sa telebisyon o
pahayagan ang mga pang-gagahasa at pang
Tama, parati nga nating naririnig ang mga aabusong nangyayari sa kababaihan. Ang ganitong
ganitong balita. Ngunit may paraan ba upang karahasan po sa kababaihan ay hindi lang nangyari
maiwasan ang ganitong mga pangyayari? noong mga panahon kundi patuloy pa ring
nangyayari sa kasalukuyan. At ang masaklap po dito,
Paano kaya? ang karamihang biktima sa pang-gagahasa ay mga
menor de edad at kung minsan pinapatay pa ang
biktima.

Opo ma’am.

Tama. Bukod diyan ano pa kaya? Student 1


Kung ikaw ay isang magulang, bantayan ng
maigi at paalalahanin parati ang mga anak na mag-
ingat.
At bakit kailangan tayong mga anak ay hindi At kung ikaw naman ay isang anak, makinig sa
dapat maglihim sa ating mga magulang? payo ng magulang, at hanggat maaari iwasan ang
mag pa gabi sa lansangan.
7

Student 2
Huwag maglihim ng mga lakad sa magulang
para alam nila kung saan ka pupunta.

O sige nais niyo bang magbahagi ng karagdagang Student 2


ideya? Dahil mas malapit po ang kapahamakan kapag
hindi nagpapaalam sa magulang.

Student 3
Sang ayon ako diyan.

Student 3
Hindi ba mayroong ibinalita sa t.v.
kumakailanlang mayroong natagpuang patay na
Magaling. Lahat ng mga opinyon ninyo ay tama teenager na nakipagkita lang sa lalaking nakilala lang
kailangan sa panahon ngayon dapat doble ang ingat ng sa facebook. At ang pakikipagkita nito ay inilihim sa
bawat isa upang maiwasan ang ganitong pangyayari. magulang.
Ngayon naman ating pakinggan ang ikalawang
pangkat. Student 4
Oo nga.
(pagbabahagi ng mga nalalaman at palitan ng ideya
ang mag-aaral)

IKALAWANG PANGKAT (holocaust)

Dito naman po sa larawang ito, pinapakita ang


daang-daang mga bangkay na napatay na mga
Hudyo dahil sa nangyaring holocaust. Ang holocaust
Ano naman ang masasabi niyo sa mga larawang
ay ang malawakang pagpatay sa mga Hudyo sa
ipinakita?
panahon at utos ni Adolf Hitler ng bansang Germany.
Ang pagpatay sa holocaust ay sa pamamagitan ng
gas, pinapasok ang mga Hudyo sa gas chamber na
kung saan aakalain mo lang ay simpleng paliguan o
At sino nga ulit si Adolf Hitler?
shower room, subalit ang totoo pag nakapasok ka na
Kung natatandaan niyo pa ang ating mga
dito bubugahan ka na ng nakakamatay na klase ng
tinalakay noong nakaraan, mula pa sa Unang Digmaang
gas.
Pandaigdig parati natin siyang napag-uusapan.
Kumbaga para siyang kontrabida ng isang pelikula o
Malinaw po namang nakikita sa mga larawang
istorya na parating pinag-uusapan, halos araw araw
iyan ang kalunos lunos at kahindik hindi na inabot ng
nating nababanggit ang kanyang pangalan. Kaya sa
mga walang kalaban labang mga Hudyo.
puntong ito inaasahan kong kilalang kilala niyo na siya.
8

At bakit ngaba tinawag siyang marahas at


malupit na pinuno?

Magaling. Bakit naman ito ginawa ng pinunong Oo naman po ma’am. Isa siyang diktador na
si Adolf Hitler? Ano ang mga naging rason at dahilan pinuno ng bansang Germany na isa sa mga naging
niya sa pag-uutos na magkaroon ng holocaust? dahilan kung bakit sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Isa siyang marahas at malupit
na pinuno.

Isang patunay lang po ng pagiging malupit niya


ay ang naganap na Holocaust.
Tama, at sa tingin niyo ba makatarungan ang
nangyaring Holocaust?

At bakit naman hindi? Ginawa po iyon ni Adolf Hitler dahil sa kanyang


etnosentrekong paniniwala o pananaw na ang
kanyang kinabibilangng lahi at kultura ay sadyang
nakatataas at nakaaangat sa iba, at ito ang lahing
Aryan. At ang mga Hudyo naman daw ay salot dahil
sila ang malas sa lipunan.

Hindi po ma’am.

Dahil lahat po tayo ay nabuhay nang may


pantay na karapatan, walang nakakataas at ang
ganitong kaisipan ay humahantong sa
Tama ulit! napakahusay ng pagkakapaliwanag, diskriminasyon ng lahi na hindi na dapat mangyari sa
kapupulutan ng tunay na aral. kasalukuyang panahon dahil sa globalisasyon, dapat
Dapat matutunan nating yakapin ang ang magkaroon tayo ng bukas na isip at ating matutunan
pagkakaiba iba ng bawat isa “cultural diversity”, dahil na irespeto ang lahi at kultura ng bawat isa upang
ito ang susi upang magkaroon ng pagkakaisa o magkaroon ng pagkakaintindihan at pandaigdigang
pandaigdigang kaunlaran at pandaigdigang kapayapan. kapayapaan.
At dahil kahit saang ang-gulo man po natin
Anong anyo naman ng paglabag sa karapatang tingnan walang karapatan ang sino mang tao na
pantao ang pinakita sa Holocaust? pumatay o kumitil ng buhay sapagkat lahat tayo ay
may karapatang mabuhay.

Magaling!
Ang ganitong kaganapan ba ay nangyayari pa rin
sa kasalukuyang panahon?

Batid kong lahat kayo ay nanunuod ng balita.


Pamilyar ba kayo sa EJK?

Sa ginawa po ng mga nazi nilabag po nila ang


karapatang pantao ng mga Jews, ang karapatang
Tama, ganun nga. Sa inyong palagay ang EJK ba ay mabuhay at maging malayo sa diskriminasyon.
maituturing ng paglabag sa karapatang pantao?

Oo naman po ma’am.
9

Sang-ayon ba ang lahat sa pahayag ng inyong Opo ma’am, alam namin iyan. Extra Judicial
klasmet? Killings, ito po ay nangyayari dahil sa programang
War on Drugs ng ating pamahalaan.
Mayroong hindi sang-ayon sa pahayag ng inyong
kamag-aral, paking-gan natin ang kanyang opinion.
Student 1
Opo dahil kahit gaano man po kabigat ang
kasalanan ng mga taong sangkot sa druga hindi pa
rin po makatarungang patayin sila dahil ang Diyos
lang dapat ang may karapatang manghusga sa atin.

Sudent 2
Hindi po ma’am.

Ang bawat isa sa atin ay may mga sariling opinyon


at magkaiba iba ang ating mga pananaw. Nasa sa atin
kung ano ang ating paniniwalaan. Ma’am nararapat lang naman po ang nangyari
Palakpakan naman natin ang ikalawang pangkat. sa kanila dahlia matitigas ang kanilang mga ulo. At
karamihan po talaga ang mga taong sangkot sa
Sa sandaling ito, atin namang pakinggan ang druga ay mga halang ang kaluluwa.
panghuling grupo. Student 1
Ngunit kahit nga ganun pa ang mga iyon hindi
pa rin tama ang pagpapatay sa kanila. Dahil ika nga,
Diyos lang ang may karapatang husgahan tayo.
*(palitan ng ideya ang mag-aaral)

IKATLONG PANGKAT
( paglabag sa karapatang pantao ng mga
katutubong mamamayan)

Ang amin pong pangkat ay nakatakdang


magsaliksik tungkol sa mga paglabag sa karapatang
pantao ng mga katutubo.
Sa mga narinig ninyong pag-uulat ngayon lang, Batay po sa aming pananaliksik napakarami po
anong karapatan ng ating mga katotobo ang nalalabag pala ng mga paraan at anyo ang paglabag sa
dito? karapatan ng ating mga katutubo. At napakaraming
karapatang pantao ang nalalabag sa kanila gaya na
lang ng matinding diskriminasyon, na kung saa
nagiging tampulan sila ng tukso, pati na rin sa mga
pangyayaring pangkaunlaran; pag-totroso,
pagmimina at pagpapatayo ng mga dambuhalang
10

dam. Dahil po dito nawawalan sila ng mga tirahan at


Tama. Ngayon naman anong alam ninyong isyu hindi lang iyan, dahil pati ang kanilang hanap buhay
sa kasalukuyan na may kinalaman sa karapatan sa ay naaapektuhan.
paninirahan?
Kung kayo ay nanunuod ng telebisyon,
napabalitang ang presidente ng Amerika na si Donald Nalalabag po dito ang karapatan nilang
Trump ay nagpahayag ng pagbabawal sa pagpapapasok magkaroon ng maayos na tirahan at tahimik na
ng mga imigrante at refugee mula sa ibang bansa sa pamumuhay gayundin ang karapatang
U.S. sa palagay niyo ba, na aapakan dito ang mapangalagaan at I preserba ang natatangi nilang
karapatan ng mga taong ito na malayang pumili ng kultura. At sa mga diskriminasyong kanilang
tirahan? pinagdaraanan nalalabag dito ang karapatan nila ng
magkaroon ng pantay na pagtrato sa lipunan.

Tama nga rin naman, may punto kayo.


Ano naman ang opinyon ng iba ukol dito? Sang
ayun din ba kayo na tama lang ang naging desisyon ni
Pangulong Trump? Kung ang layunin po ni Pres. Trump ang
titingnan natin wala naman po kaming nakikitang
masama sa kanyang desisyon dahil iniisip lang din
naman niya ang kapakanan at kaligtasan ng Amerika
dahil sa mga nangyaring pag bobomba ng mga
Napakahusay! Kagaya nga ng sinabi ko, walang terorista.
mali sa mga sagot ninyo. Nasa sa atin ang kalayaang
paniwalaan anumang bagay na nais natin.

Tama naman po ang naging desisyon ng


3. ABSTRAKSYON pangulo ng Amerika ngunit kung ating
pagninilaynilaying mabuti masasabi nating nalalabag
Ang karapatang pantao ay nakasaad sa saligang dito ang karapatan ng tao na magkaroon ng kalayaan
batas ng mga bansa at ng batas pandaigdigan o sa pagpili ng tirahan.
international law.
Anong mga natutunan ninyo sa ating tinalakay
ngayon lang?

Tama, at anong anyo naman ng paglabag sa


karapatang pantao ang mga nangyari sa kasaysayan?

Ang paglabag sa karapatang pantao ay hindi lamang


nangyari noon o sa kasaysayan kung hindi pati sa
kasalukuyan, ito ay patuloy pa ring nangyayari sa
iba’t ibang anyo at sa iba’t ibang pagkakataon.
Magaling. ano naman ang mga anyo ng paglabag
sa karapatang pantao ang nagaganap sa kasalukuyan?
iba’t ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao
ang mga naitala sa kasaysayan sa panahon ng
kolonisasyon/pananakop at panahon ng diktatorya.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: comfort women,
holocaust, paglabag sa karapatan ng mga katutubo,
sapilitang pag-gawa, pang-aalipin, karahasan o
pang aabuso at pananamantala,
11

Tama. At may mga organisasyon na nagtitiyak at


nagtataguyod ng karapatang pantao (1.) UDHR Sa kasalukuyan naman po marami pa ring paglabag
Universal Declaration of Human Rights (2.) AI Amnesty sa karapatang pantao ang nangyayari, ilan dito ay
International (3.) Human Rights Watch. halos gabi gabi laman ng mga pahayagan o balita sa
telebisyon: pagpatay katulad ng extra judicial
Ating tandaan na hindi kailan man dapat maging killings at summary killings, karahasan katulad ng
balakid ang kasarian, etnisidad, katayuang panlipunan, panggagahasa na madalas pinapatay pa ang
edukasyon, edad, at iba pang batayan upang tiyakin ang biktima, mga kidnappings, diskriminasyon na
karapatang pantao ng sinuman. karamihan nangyayari sa mga LGBT, bullying sa
classroom o cyberbullying naman sa social media.

4. APLIKASYON
Ngayon ating aalamin ang lalim ng inyong mga
natutunan sa ating talakayan.

Panuto: Suriin ang nasa larawan at tukuyin kung anong


anyo ng paglabag sa karapatang pantao ang pinapakita
sa larawan.

Nilalabag ang karapatan ng kabataan na mag-aral,


maglibang, at mamuhay ng normal at ligtas mula sa
anumang kapahamakan.

Nilalabag ang karapatan ng mga katutubo na


manatili sa kanilang tirahan at pangalagaan ang
kanilang kultura.

Nilalabag ang karapatan ng bata na maging masaya,


magkaroon ng pantay na pagtrato at maging malayo
sa diskriminasyon.
12

Nilalabag ang karapatang mabuhay at maging


malaya sa diskriminasyon.

Magaling!
Nilalabag ang karapatan ng mga mang-gagawa sa
IV. EBALWASYON pantay at tamang pag-papasahod.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1) Ano ang tawag sa mga babaeng bihag ng mga


Hapones sa panahon ng kanilang pananakop?
a) Desaparecidos
b) Comfort women
c) Holocaust
d) Ethnocide

2) Sa papaanong paraan nalalabag ang karapatan ng


mga katutubong mamamayan?
a) Pagkuha at pagsira sa kanilang mga tahanan.
b) Pagbibigay ng mga donasyon.
c) Pagsuporta sa pag preserba sa kanilang kultura
d) Pakikipag away sa kanila

3) Sa mga bata o menor de edad na nagta trabaho sa


mga pagawaan, anong karapatan nila ang nalalabag
dito?
a) Karapatang mabuhay
b) Karapatang maging masaya
c) Karapatang makapag-aral
d) Karapatang magkaroon ng maayos na tirahan

4) Ang tawag sa malawakang pagpatay sa mga Jews o


Hudyo sa panahon ng Ikalawang Pandaigdigang
Digmaan?.
a) Summary killings
b) Extra judicial killings
c) Holocaust
d) Ethnocide

5) Ito ang paraan ng pagpatay sa mga Jews na tinawag


na Holocaust.
a) binibitay
b) binabaril
c) sinusunog
d) pinapasok sa gas chamber

Mga sagot:
13

V. TAKDANG ARALIN 1. b
2. a
Sagutan: 3. c
Makatarungan ba ang mga nangyayaring 4. c
extra judicial killings o pag patay sa mga taong 5. d
nasangkot sa druga? Ipaliwanag (10. Puntos)

You might also like