Professional Documents
Culture Documents
Ang Kapangyarihan NG Panalangin
Ang Kapangyarihan NG Panalangin
Ayon
sa Bibliya, ang kapangyarihan ng panalangin ay ang kapangyarihan ng Diyos na dumidinig at
sumasagot sa mga panalangin. Isaalang-alang ang mga sumusunod:
1) Kayang gawin ng makapangyarihang Panginoon ang lahat ng mga bagay; walang bagay na
imposible para sa Kanya (Lukas 1:37).
3) Tinutugon ng Makapangyarihang Diyos ang panalangin ng Kanyang mga anak. Inutusan Niya
tayong manalangin at ipinangako Niya na pakikinggan Niya tayo kung gagawin natin iyon.
“Kaya't si Yahweh ay tinawag ko; sa aking kahirapan, humingi ng saklolo. Mula sa templo n'ya,
tinig ko'y narinig, umabot sa kanya ang aking paghibik" (Awit 18:6).
Ang isa pang popular na ideya ay ang katuruan na ang paraan ng pagsagot ng Diyos sa mga
panalangin ay naaayon umano sa laki ng pananampalataya ng taong nananalangin. Ngunit ang
totoo, kadalasan ay sinasagot ng Diyos ang ating mga dalangin sa kabila ng ating kakulangan
ng pananampalataya. Sa Gawa 12, nanalangin ang iglesya para sa kalayaan ni Pedro mula sa
bilangguan (t.5), at sinagot ng Diyos ang kanilang panalangin (t. 7-11). Kumatok si Pedro sa
pintuan ng bahay kung saan sila nananalangin ngunit ayaw buksan ang pinto ng mga tao sa
loob sa paniniwalang hindi iyon si Pedro. Nanalangin nga sila para sa kalayaan ni Pedro, ngunit
hindi sila nanampalataya na sasagutin ng Diyos ang kanilang panalangin.
Hindi sa ating mga sarili nagmumula ang kapangyarihan ng panalangin; hindi ito sa
pamamagitan ng mga espesyal na salita na ating sinasabi o espesyal na paraan kung paano
natin sinasabi ang mga salita o kung gaano natin kadalas sinasambit ang mga salita. Ang
kapangyarihan ng panalangin ay hindi base sa direksyon kung saan tayo nakaharap o kung ano
ang posisyon ng ating katawan habang nananalangin. Ang kapangyarihan ng panalangin ay
hindi nagmumula sa mga imahen, kandila o rosaryo. Ang kapangyarihan ng panalangin ay
nagmumula sa makapangyarihang Diyos na nakikinig at sumasagot sa ating mga dalangin.
Dinadala tayo ng panalangin sa isang pakikipagugnayan sa Makapangyarihang Diyos at
makakaasa tayo ng makapangyarihang resulta, sagutin man Niya o hindi ang ating mga
kahilingan. Anuman ang sagot ng Diyos sa ating mga panalangin, ang Diyos na ating
dinadalanginan ang tanging pinagmumulan ng kapangyarihan ng panalangin at sinasagot Niya
tayo ayon sa Kanyang perpektong panahon at kalooban