You are on page 1of 7

ANG PAGTUTURO NG PAGBASA

ANO ANG PAGBASA?

 Ang pagbasa ay pagbibigay kahulugan at pagkilala sa mga kaalamang naka limbag batay sa
pagkakasulat ng may akda.
 Ayon kay Goodman (1957), isa itong psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung saan
ang nagbabasa ay nabubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa
 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na naging daan sa kabatiran na
karunungan.
 Ayon kay Arrogante, ang pagbasa ay nkapagpapalawak ng pananaw sa buhay.

KALIKASAN NG PAGBASA

 Ang pagbasa ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may akda sa


mambabasa.
 Ang pagbasa ay bahagi ng komunikasyon
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakaimbag ba simbolo at salita
 Ang pagbasa ay pagkain ng isip

ILANG KABATIRAN SA MGA LAYUNIN AT PROSESO SA PAGBASA

1) Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na kalakaran/konbensyon sa pagsulat.


2) Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang teksto.
3) Nakakatulong sa pag-unawa sa teksto ang pag-alam sa wika kung saan ito nasusulat.
4) Ang dating kaalaman sa paksa ay may malaking bahagi rin sa pagbabasa ng teksto.
5) Isang proseso ng pag-iisip ang pagbabasa
6) Isang prosesong interaktibo ang pagbabasa.
7) Ang pagbasa ay isang sistema sa pagtataguyod ng ating buhay.
8) Gumagamit tayo sa pagbabasa ng maraming kasanayan (multiple skills)
9) Ang malawak na karanasa sa pagbabasa ng isang tiyak na teksto para sa tamang pag-unawa
rito sa isang tiyak na pagkakataon ay mahalaga
10) Ang pagbasa ay makabuluhan at kawili-wili.

IBA’T IBANG PANANAW SA PROSESO NG PAGBASA

 May mga proseso ng pagbasa na dapat nating matutunan. Layunin nito na mabigyan ang mga
mag-aaral ng gabay sa pagbasa upang maunawaan lalo ang mga binabasa at mapalawak ang
pananaw sa pag-aaral sa naturang teksto.

 TEORYANG INTERAKTIBO
 Binibigyang diin ng teorya ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto.
 TEORYANG TOP-DOWN
 Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mga mambabasa (TOP) tungo sa teksto
(DOWN). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sekolohiyang Gestalt na nagsasabing ang
pagbabasa ay isang holistic.
 TEORYANG BOTTOM-UP
 Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang
katumbas nitoong tunog. Ang pagkatuto sa pagbas ay sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik
sa salita, sa parirala, sa pangungusap at sa buong teksto, bago pa man ang pagkakahulugan
nito.
 TEORYANG ISKEMA
 Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ito ay nakikinig o nagbabasa
kung paanong gagamitin at mabibigyan ng pagkakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.
 KATANGIAN NG PROSESO NG MASINING NA PAGBASA
 Ito ay isang kumplekadong proseso ang pagbasa. Tunay na ang abilidad at kahusayanng isang
indibidwal sa pagbasa ay apektado ng mga bagay na may kaugnayan sa kabuoan ng kanyang
sarili kay di kataka-takang may ibang mahina at di-kalungod-lungod ang pagbasa.

 MAY DALAWANG KLASENG PROSESO SA PAGBASA


1) Komunikasyon ng mambabasa at may akda
2) Masiglang proseso ang pagbabasa

MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO NG PAGBASA

 Ito ay naglalayong hikayatin ang mga mag-aaral na may kusang matuto at may kawilihan sa
pagbasa bukod pa sa pagbasa nakikita natin ang kahalagang dulot ng pagbabasa sa kanilang
sariling kapakanan. Nagagawa rin nitong magtaguyod ang paglalapat ng mga kasanayan sa
pagbasa sa iba’t ibang layuning pangkomunikasyon.

MGA YUGTO SA PAGBASA

1) Kahandaan sa pagbasa
2) Panimulang pagbasa
3) Pagpapaunlad ng kakayahan o mabilis na pagbasa
4) Malawakang pagbasa
5) Pagpapapino at pagpapa-unlad pa sa kanayang natamo sa pagbasa

MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANIMULANG PAGBASA

 Motibasyon
 Paglinang ng kasanayan

Pag-alam sa mga kombensyon ng mga nakalimbag na aklat/babasahin.

Ito ay may kinalaman sa mga sumusunod:

 Kaalaman sa mga larawan


 Kaalaman sa limbag
 Kaalaman sa pahina ng aklat
 Kaalaman sa kabuuan ng aklat

Kasanayan sa pagkilala ng mhga salita


1) Pamilyar
2) Hindi pamilyar

Limang Dimensyon sa Pagbasa

 Sa pagpapabasa ng guro sa kanyang mga mag-aaral ng mga babasahin, aklat, salaysay,


mga pahayagan at iba pang akdang pampanitikan ay may layuning linangin hindi lamang
kakayahan ng mambabasa o mga mag-aaral sa larangan ng pagbabasa. Nilalayon din nito
na magkaroon sila ng mga kaalamang may kaugnay sa pagmamahal sa ating Lumikha,
bayan, kapwa tao at kalikasan na maari niyang iugnay sa kanyang sariling karanasan.
 May limang pangkatan o dimensyon sa pagbasa na makatutulong sa paglinang ng mga
nabanggit na layunin.
1. Unang Dimensyon

 Pang-unawang literal masiasabing nararating o nararanasan ang pang unawang ito kung
makagagawa ng buod, balangkas ng paghahanay ng mga kaisipan o maibibigay ang
pangunahing kaisipan
a. Pagpuna sa mga detalyeng nakalaha
b. Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng nga pangyayari sa teksto.
c. Pagsunod sa panutong nabanggit.
d. Pagbubuod o paglalagom sa binasang teksto.
e. Paggawa ng isang balangkas.
f. Pagkuha ng pangunahing kaisipan o diwa.
g. Paghanap ng tugon sa mga iyak na katanungan.
h. Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nilalaman ng pahayag
i. Paghanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang kongklusyong inilahad.
j. Pagkilala sa mga tauhang gumanap.

2. Ikalawang Dimensyon (Interpretasyon)

 Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda kalakip ang mga karagdagang


kahulugan.
a. Pagdama sa katangian ng tauhang gumanap.
b. Pag-unawa sa mga tayutay at matalinhagang salitang ginamit.
c. Paghinuha ng mga kauturan o kahulugan.
d. Pagbibigay ng kuru-kuro o opinyon sa talataan.
e. Paghula sa kinalalabasan ng teksto.
f. Paghinuha sa mga sinundang pangyayari.
g. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan.
h. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa.
i. Pagbibigay ng pamagat.

3. Ikatlong Dimensyon

 Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad. Dito ang


mambabasa o mag-aaral ay inaalam ang kakintalang ipinahahayag ng binasa, naghahamon
sa malawak at nakikita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga diwa't pangyayari sa
katotohanan. Mapanuring Pagbabasa (Critical Reading)
a. Pagbibigay ng reaksyon sa teksto.
b. Pag-iisip na masaklaw at malawak na talasalitaan
c. Pagbibigay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag
d. Pagdama o pagkaalam sa pananaw ng awtor.
e. Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama.
f. Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap na
nasasaad.
g. Pagkilala sa pagkakaugnay ng mga pangungusap sa isang talata.
h. Pagtalakay sa mabubuting katangian ng kwentong binasa.
i. Pagpapasya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasang teksto
j. Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad na isinagawa

4. Ikaapat na Dimensyon Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbabasa (Application).

 Dito ang mambabasa ay iniuugnay ang kanyang binasa sa sariling karanasan na mauuwi sa
pagmumungkahi o pagtatakda ng wastong direksyon sa larangan ng buhay. Ito'y
humahantong bilang daan sa pagbabago o pagtutuwid ng mga kamalian.
a. Pagbibigay ng opinyon at reaksyon sa binasa.
b. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari
sa buhay.
c. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnay na
karanasan.
d. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon ng pag-aaral.
e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan.

5. Ikalimang Dimensyon

 kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon (pagpapahalaga) (Appreciation). Dito ang


mambabasa ay nagaganyak na lumikha gumawa ng sariling panunulat o paglalapat ng mga
kaukulang pagbabago sa binasang akda. paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga:
a. Pagdama sa nilalaman ng seleksyon
b. Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyon ayon sa interes, kagalakan,
pagkainip, pagkatakot, pagkayamot, pagkagalit, pagkasuklam, kalungkutan at iba pa.
c. Pagbabago sa wakas ng kwento/seleksyon
d. Pagbabago sa pamagat.
e. Pagbabago sa mga katangian ng mga tauhang gumanap
f. Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento/seleksyon.
g. Paglikha ng sariling kwento batay sa binasang teksto

ANG PAG-UNAWA /KOMPREHENSYON

 Taxonomy ng pag-unawa sa pagbasa (BARRETT 1968)


1) Pag-unawang literal
2) Paghihinuha
3) Ebalwasyon
4) Pagpapahalaga
 Banton Smith 1968
1) Pag-unawang literal
2) Interpretasyon
3) Kritikal o mapanuring pagbasa
4) Malikhaing pagbasa
 Ang paglinang ng komprehensyon
1) Mataas na lebel ng proseso ng pag-iisip.

Ang mga tampok na katangian na nagbibigay liwanag sa proseso ng komprehensyon sa konteksto ng


klasrum ay ang mga sumusunod:

a. Makabuluhang pagbasa
b. Paggising ng mga dating kaalaman
c. Pagpapasigla ng mga estratehiya sa pagpoproseso
d. Pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at mga pagpapahalaga
e. Paggising ng estratehiyang pagmomonitor
f. Interaktibong paggamit ng mga proseso

MGA DULOG AT ESTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON

Ang mga simulaing isinaalang-alang sa paggamit ng estratehiyang UST (Ugnayang Tanong Sagot)

 Pagbibigay ng kagyat na pidbak


 Pagsisismula sa mailki patungo sa higit na mahabang teksto o seleksyon.
 Paghikayat ng maging independent ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng
angkop na gawain.
 Paghahanda ng transisyon mula sa madaling gawain na pagtukoy o pagkilala sa sagot patujngo
sa higit na mahirap na kasanayan sa pagtuklas ng kasagutan batay sa iba’t ibang
impormasyon.

DR-TA (Direct reading- Thinking activities)

 Ayon kay stauffer 1969,1976, ang dulog DR-TA ay para sa maglinang ng komprehensyon ng
buong klase/pangkat. Sa dulog na ito, ang mga bata at aktibong nakikilahok sa talakayan sa
tulong ng mga tanong na nasa mataas na lebel ng pag-iisip.

DRA (Directed Reading Activities)

 Ang dulog na ito sa pagtuturo ng pagbasa ay matagal nang ginagamit sa paaralan.

MAY LIMANG HAKBANG ANG DRA

 Paghahanda sa pagbasa
 Pinatnubayang tahimik na pagbasa
 Pagtatalakay
 Makabuluhang muling pagbasa
 Panubaybay na mga gawain at pagpapaunlad ng mga kasanayan
ReQuest (Reciprocal Questioning) o tugunang pagtatanong

 Layunin ng estratehiyang ReQuest na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga


bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at ang pag-
uugnay ng mga impormasyon.

MAY PITONG HAKBANG ANG ESTRATEHIYANG ReQuest:

 Sisimulan ang pagkaklase sa pamamagitan ng isang paglalahad


 Panimulang pagbasa at pagtatanong ng mga mag-aaral
 Pagtatanong ng guro at pagmomodelo
 Patuloy na tugunang pagtatanong
 Pagtatakda ng layunin sa pagtuloy sa pagbasa
 Tahimik na pagbasa
 Panubaybay na talakayan

STORY GRAMMAR (Pagsusuri sa kayarian ng kuwento)

 Mahalaga para sa pag-unawa ang pagkakaroon ng kaalaman sa kayarian ng kwento (story


sense). Ito’y makatutulong upang mahasa ng bumasa ang proseso kung paano inilalahad ng
may-akda ang isang kuwento:
a. Ang kuwento ay binubuo ng isang tema at banghay
b. Ang banghay ay may serye ng mga pangyayari o episode.
c. Ang isang buong episode ay may tagpuan at serye ng mga pangyayari.
d. Inilalarawan sa tagpuan ang panahon,lugar, at ang pangunahing tauhan.
e. Ang serye ng mga pangyayari ay binubuo ng panimulang pangyayari na nagtatakda ng layunin
o suliranin, pagtuklas ng mga suliranin at reaksyon ng mga tauhan sa pangyayari.

GMA (Group Mapping Activity)

 Ayon kay Jane Davidson (1892), ang group mapping activity ay sang estratehiya sa pagtuturo
na mabisa sa pagnilang ng pang-unawa o komprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at
sintesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kuwento.

ANG DALAWANG HAKBANG NG GMA:

 Pagbuo ng mga mapa


 Pagbabahagi at pagpapakita ng mga mapa.

KWWL (What I Know, What I want to learn, where I can learn this, what I learned)

 Ayon kay Jan Bryan (199), ang KWWL o AGSN ay isang eleborasyon ng KWL nina Carl at Ogle
(1987. Ang A kumakatawan sa kung ano na ang nalaman ng mga bata sa paksa G ang gustong
malaman, S saan nalalaman, at N ano ang nalalaman. Ang estratehiyangng KWWL ay ang
dating nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong eskpositori.

SOURCE:
https://youtu.be/MFlv2o0K7j0

You might also like