You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI - DAVAO REGION
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
KIDAWA NATIONAL HIGH SCHOOL
Kidawa, Laak, Davao de Oro

ARALING PANLIPUNAN 9
PARALLEL ASSESSMENT MODYUL 2

NAME:_____________________________________GRADE AND SECTION_________________SCORE_____________


Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks B. Sosyolihiya C. Kasaysayan D. Heograpiya
2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at
gaano karami ang gagawin.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kamalayang Panlipunan D. Kamalayan sa Kapaligiran
5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha
mula sa gagawing desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga
para sa kanya.
6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon
na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano
ang tawag dito?
A. Opportunity Cost B. Marginal Thinking C. Incentives D. Trade-Off
7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opportunity Cost
8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang
mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na gagawin natin sa araw-araw.
10. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo

You might also like