You are on page 1of 4

KWALITATIBONG PAGSUSURI SA SALOOBIN NG PILING DALUBGURO AT

MAG-AARAL SA PLMAR_OSAS HINGGIL SA PROSESO NG


PAGPAPATUPAD NG DISIPLINA SA
LOOB NG PAMANTASAN

Isang Mungkahing Pananaliksik na Isusumite


sa Tanggapan ng Riserts
PLMar

Bilang Pagtupad sa Kahingian ng Pangalawang


Pangulong Pang-Akademiko
Dr. A. Dimaano

Nina:

Dr. Aldrin G. Jadaone


Prof. Renante Hinanay
Prof. Luis San Juan

Oktobre 2015
Layunin ng Mananaliksik na mabatid ang iba’t ibang saloobin ng mga Dalubguro’t mag-

aaral hinggil sa proseso ng pagdidisiplina at kung epektibo ba ang pamamaraan ng OSAS sa

pagpapatupad nito sa loob ng Pamantasan. Sisikaping mabigyang kasagutan sa pag-aaral na ito

ang mga katanungang lubhang mahalaga sa naturang pananaliksik:

1. Ano ang propayl ng Mag-aaral_Partisipant ayon sa mga SS:

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Kursong Kinabibilangan

1.4 Antas/lebel ng Pag-aaral?

2. Ano ang propayl ng Gurong_Partisipant ayon sa mga SS:

2.1 Kasarian

2.2 Edad

2.3 Pinagkadalubhasaan

2.4 Kolehiyong Kinabibilangan

2.5 Tagal ng Pagtuturo sa PLMar?

3. Ano ang mga saloobin ng mga Partisipants sa proseso ng pagdidisiplina ng

PLMar_OSAS sa kasalukuyan?

4. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa paraan ng pagpapatupad ng disiplina batay sa

pananaw ng piling guro’t mag-aaral ng PLMar?

5. Ano ang iba’t ibang aspekto na sa tingin ng mga Partisipants ang nagiging hadlang

para sa epektibong pagpapatupad ng PLMar_OSAS ng disiplina sa loob ng

Pamantasan?
6. May kaugnayan ba ang propayl ng mga partisipants sa kanilang mga saloobin o

pananaw hinggil sa pagpapatupad ng disiplina ng PLMar_OSAS sa Pamantasan?

7. Ano sa palagay ng mga partisipants ang mainam at katanggap-tanggap na

pamamaraan sa epektibong pagpapatupad ng disiplina sa loob ng Pamantasan?

Inaasahan ng mananaliksik na ang mga masusuring datos ay kanilang magagamit bilang

magandang batayan ng pagsusulong ng mga programa para epektibong pamamaraan ng

pagdidisiplina sa loob ng pamantasan. Magiging gabay din ng PLMar_OSAS ang mga opinyon

ng bawat partisipants para ma-ebalweyt ang nilalaman ng Student Handbook na may kinalaman

sa proseso ng pagpapatupad ng disiplina kung ito ba’y angkop pa sa pangangailangan ng mga

PLMarian at ng Pamantasan.

Isasangkot ng mananaliksik sa naturang pag-aaral ang mga PLMarian na madalas nasisita

ng mga gwardiya at ‘yung nakaka-commit na ng higit sa dalawang (2) paglabag. Samantala, sa

panig naman ng mga dalubguro, pipiliin lamang ng mananaliksik ang maaaring maging kalahok

at ang pinakamahalagang batayan ay ang tagal ng kanilang pagtuturo sa PLMar.

Sapagkat ang pag-aaral ay nagnanais na matukoy ang iba’t ibang saloobin ng mga

PLMarian sa paraan ng pagdidisiplina at proseso ng pagpapatupad nito sa pamantasan, minabuti

ng mananaliksik ng gamitin ang dulog-kwalitatibo pagkat mas angkop ang naturang metodo sa

kalikasan ng naturang pananaliksik. Layunin ng kwalitatibong pananaliksik na arukin ang mga

katugunan ng bawat partisipants na magmumula sa kanilang mga karanasan (Denzin & Lincoln,

1994).
Imbes na pamamaraang sarbey, gagamitin ng mananaliksik ang “open-ended” na istilo ng

panayam/interbyu para hindi malimitahan sa pagbibigay ng kanilang mga saloobin ang mga

kalahok sa pag-aaral at masiguro na sarili nilang opinyon ang maibabahagi (Reinharz, 1992).

Para masiguro ang pagkakaroon ng representasyon sa lahat ng kolehiyo, mapa-mag-aaral

o guro man, gagamitin ng mananaliksik ang pamamaraang “snowball sampling” na mas gamitin

ng mga dalubhasa kapag ang pag-aaral ay may kaugnayan sa pagpaplanong pang-disiplina (Gall,

Borg, & Gall, 1996).

Gamit ang dulog-kwalitatibo, masisiguro ng mga mananaliksik na maibibigay ng mga

kalahok ang mas malalim na pagpapahayag ng kanilang mga saloobin hinggil sa paksa ng

pananaliksik. Ang “open-ended” na paraan ng pagtatanong sa oras ng panayam o interbyu ay

isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon na tiyak at katanggap-tanggap sapagkat

ito’y bukal sa puso’t isip ng mga kalahok (Lincoln & Guba, 1985).

Bukod sa pagtatala ng mananaliksik sa mga katugunan ng mga kalahok sa oras ng

panayam ay gagamit din sila ng “tape recorder” para masiguro na hindi mamamanipula ang mga

impormasyong ibibigay ng bawat partisipants. Isang sistematikong balangkas ang magiging

lunsaran sa paghahanay ng mga impormasyon para masala ang magkakatulad at magkakaibang

pahayag.

You might also like