You are on page 1of 16

 Paano mo ipinapakita ang iyong

pagpapahalaga sa isang bagay?


Sa pagpapahalaga, ang manunuri ay dapat na:
 Magkaroon ng likas na kuro-kuro.
 Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay
ng may-akda ay kailangang maliwanag sa
manunuri.
 Ang manunuri ay kailangang maging tapat at
nagtataglay ng obhektibong pananaw.
Ang gawang pagsusuri ay hindi madali
ngunit mahalaga.
Samakatuwid, lubhang mahalaga ang
pagsusuri sa mga sumusunod na kadahilanan:
 Ang bunga ng pagsusuri ay pantay na
paghuhusga sa akda na kung saan ang
mambabasa ay nakalilikom ng higit na
kaalaman tungkol sa likhan sining.
Napapaliwanag ang mensahe at
layuning nakapaloob.
Ang makatarungang pagsusuri ay
magiging sandigan ng higit pang
pagpapalawak at pagsulong ng iba pang
uri ng sining.
 Ito ay pagbibigay ng mahusay na komento,
opinyon o reaksyon sa napanood gamit ang
talas ng isip.
 Pagbibigay ng balanse at makatuwirang
pamumuna sa pamamaitan ng pagbanggit ng
mga positibo at negatibong punto sa binasa.
 Walang kinikilingan
 Pagpapahalaga sa kalakasan ng akda.
 Pagtukoy sa kahinaan ng pelikula at
pagbibigay ng mungkahi para sa ikaliliwanag
at ikagaganda nito.
 Sining ng pagpapasya o paghahatol at
pagtuturo o pagsasabi ng mga kanais-nais na
katangian, kapintasan, kamalian o
pagkukulang. (Diksyunaryo ng Wikang
Filipino, 1998)
 Marxismo
 isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri
ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at
hidwaan ng mga antas ng lipunan
 Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal
na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista
na siya namang ginagamit sa analisis at
kritika ng pag-unlad ng kapitalismo at ang
ginagampanan ng tunggalian ng uri sa
sistematikong pagbabagong pang-
ekonomiya.
 Realismo
 ang paniniwala na ang karamihan ng
mga cognitive bias (kamalayang may
kinikilingan) ay hindi pagkakamali,
kundi lohikal at paaran ng praktikal na
pangangatwiran sa pakikitungo sa "tunay na
mundo"
 Ang mga praktikal na impormasyon na
ginagamit ng mga tao sa kanilang proseso ng
pangangatuwiran ay (ngunit hindi limitado
sa):
 alaala ng mga bagay na sinabi ng ibang tao
 lahat ng tao ay nagsisinungaling
 lahat ng tao ay nagkakamali
 ang mga bagay ay nagbabago, at sa mas
matagal na panahon, mas maraming
pagbabago ang mangayayari.
 Pormalismo
 Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na
nagbibigay-diin sa porma ng isang
pelikula at hindi sa nilalaman nito.
 Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga
elementong labas sa pelikula
mismo,tulad ng histori,politika,at
talambuhay
 Layunin ng Teoryang Pormalistiko:
1. Pagtuklas at pagpapaliwanag sa anumang
anyo ng akda.
2. Iparating sa mambabasa ang nais niyang
ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod
ng pagdulog na ang minamahalaga ay ang:
1. Nilalaman
2. Kaanyuan o Kayarian
3. Paraan ng pagkakalahad
 Feminismo
lumitaw mula sa mga peministang
kilusan, ay lumalayong maunawaan
ang pinagmulan ng hindi
pagkakapantay-pantay ng kasarian
sa pamamagitan ng pagsuri sa mga
panlipunang tungkulin at natamong
karanasan ng isang babae
 ito ay mga teorya sa samu’t saring mga sangay
upang matugunan ang mga suliranin tulad ng
panlipunang konstruksiyon ng kasarian
 Ang peminismo ay nakatutok, higit sa lahat, sa
mga suliranin ng mga kababaihan, ngunit
hamon naman ng manunulat na si bell hooks,
dahil layunin ng peminismo ang pagkakapantay-
pantay ng kasarian, kinakailangan na dapat din
maisama ang pagpapalaya sa mga kalalakihan
sapagkat nasasaktan din sila ng sexism at gender
roles.
I. Pamagat:

II. Sa pelikulang ito,


makikita ang teoryang
pampanitikan na:

III. Mga Pantunay:

You might also like