You are on page 1of 14

BAGO CITY COLLEGE

ARTS DEPARTMENT

GEC 203
Masining
na
Pagpapahayag

PANGALAN: ___________________________________
KURSO/TAON/SEKSYON: ____________________________
CELLPHONE #: ____________________________
EMAIL ADDRESS: _______________________________
GURO: __________________________________________

1|P age
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

COURSE GUIDE

I. PAMAGAT NG KURSO: MASINING NA PAGPAPAHAYAG

II. PANGKALAHATANG IDEYA NG KURSO


A. INTRODUKSYON
Ang GEC203 (Masining na Pagpapahayag) ay pag-aaral ng mga simulain at proseso
nang masining na Pagpapahayag ng Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpakita ng kakayanan at
kahusayan sa pagdidikors na pasulat at pasalita tungkol sa mga paksang pangkomunidad, Pambansa, at
pandaigdig.
Ang bungang inaasahan ay matutukoy ang mga pangkalahatang kaalaman at konseptong kaugnay ng
panretorikang pag-aaral; malilinang ang akademik na komunikasyon: pagbasa, pakikinig, pagsusulat, at
pagsasalita; at sa lalong mataas na antas ng kasanayan; mailalapat sa pag-alam, pagtaya, at pagpahalaga sa mga
kaalaman at konseptong may kinalaman sa kultura at lipunang local at global ang mga pangkomunikasyong
kasanayan; at makikilala sa Filipino tungo sa pag-unawa at pagpapahalaga ng teksto at konteksto ang iba’t
ibang diskors.

B. COURSE LEARNING OUTCOME


Sa pagkatapos ng Kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod.

a. Nakapag-exsibit ng mga katanggap-tangap na mga kakayahang ugnayan ng tao sa iba’t ibang klase ng
lipunan.
b. Makisali sa panghambuhay na pagkatuto para mapanatili ang kaunlaran alinsunod sa pandaigdigang
kalakalan.
c. Nakapag-organisa ng mga file, impormasyon, at kagamitang pang-opisina nang mabisa.

C. MODYUL AT PAKSA NG YUNIT


Para lubusang maisakatuparan ang mga naitalang course learning outcomes hinati ang modyul na
ito sa mga sumusunod:

Modyul 1
Aralin 1. Mga Matinghagang Pagpapahayag- ang modyul na ito ay naglalayong mahasa ang mataas na
antas ng kaisipan ng mga mag-aaral. Sila’y maging malikhain sa paggawa at magagamit nila ang kanilang mga
nakatagong abilidad.

Aralin 2. Uri ng Paglalarawan- ang modyul na ito ay naglalayong mahubog ang kanilang kakayahan sa
pagsulat, malinang ang kanilang mataas antas ng kaalaman at maisapratikta ang kanilang mga natutunan sa
kabuuan. Malinang ang kanilang kakayahan sa pagsusuri sa pamamagitan ng mga suring-larawan at suring-
talata.

2|P age
III. GABAY SA PAG-AARAL NG KURSO
Ang susi para matapos at matagumpayan ang modyul na ito ay nakasalalay sa inyong mga kamay. Ang
modyul na ito ay inihanda para kayo’y matuto nang maigi, may kaalaman at hindi umasa sa iba bilang
propesyonal sa hinaharap ito’y makakatulong para kayo’y maging isang produktibong indibidwal. Maliban
sa pag-abot ng mga inaasahang layon at pamantayan sa paggawa ng mga akitibiti, matuto rin kayo ng mga
iba pang kakayahan na kung saan ay inyong maipagmalaki bilang isang responsableng mag-aaral. Ang mga
sumusunod na patnubay ay makakatulong sa iyo upang maisakatuparan ang mga layunin at sa katapusan ng
modyul masasabi mong, “Nagawa ko nang Mabuti.”
1. Magtalaga ng sapat na oras sa pagbabasa at intindihing Mabuti ang bawat bahagi ng modyul. Basahin ito
nang paulit-ulit hanggang sa iyong maintindihan.
2. Pag-aralan kung paano ang mga paraan sa pagsagot ng modyul na ito bilang konsiderasyon sa mga modyul
mo sa iba pang asignatura. Magkaroon ng kamalayan sa pagtalaga ng iyong oras sa pag-aaral. Ipaskil ito sa
lugar kung saan palagi mong makikita. Huwag na magtanong ng mga bagay na nasagot na sa mga gabay.
3. Kung hindi mo maintindihan ang mga tanong at mga Gawain, basahin ulit. Mag-pokus. Kung hindi ito
epektibo, I-text moa ko para matulungan kita o replyan kita para gabayan.
4. Huwag magpaliban. Alalahanin, hindi ang iba ang magbabago nito kung hindi mo gagawin sa tamang oras.
Kundi ikaw yun.
5. Bago mo simulant ang iyong mga Gawain, basahin at intindihing Mabuti ang mga pagtataya na inihanda.
Huwag makuntento sa mababang pamantayan, hangarin ang pinakamataas na pamantayan sa paggawa ng iyong
mga aktibiti at awtput. Alam kong kaya mo.
6. Kung kinakailangan, huwag mag-alinlangang panatilihin ang komunikasyon sa mga mahahalagangbagy.
Tandaan, kung may gusto may paraan.
7. Sa pagsagot ng mga pagtataya, ang mga gawain sa ebalwasyon ay siguraduhing mababasa. Makakatulong
sayo kung hindi mom una isusulat a modyul ang iyong sagot kung di ka pa sigurado. Kinakailangan mong
pakatandaan na ang lahat na mga mag-aaral sa modyul na ito ay pan-akademikong aktibiti ibig sabihin ang mga
pang-akademikong kombensyon ay ilalapat. Mag-isip bago magsulat.
a. Ang mga sagot mo ay kinakailangang kompleto at tama ang gramatika, at huwag magsulat ng mga
salitang pang-text. Iwasan ang pagsulat na nasa malaking titik lahat ng letra.
b. Sa pansariling proseso na pagtatalakay. Isulat nang angkop at mga tamang pagtatalo at paghusga. Iwasan
ang sobrang pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa kung ano ang nailahad sa modyul. Kinakailangan
mong patunayan ang iyong mga sagot sa pagtatalakay sa mga maaasahang impormasyon o galling sa mg
ana obserbahan. Huwag isulat ang mga opinyon.
c. Iwasan ang pagsagot nang mahahaba. Ibigay ang punto. Maging klaro sa iyong ideya. Gamitin ang mga
espasyo sa modyul bilang gabay.
d. Ilagay ang mgamapagkukunan, kung meron, sa pagsagot ng mga Gawain
8. Panghuli, ikaw ang mag-aaral; kaya’t ditto, gawin mo ang iyong sariling modyul. Ang iyong mga miyembro
ng pamilya at kaibigan sa bahay ay susuporta sayo ngunit ang mga Gawain ay kinakailangan mong matapos na
ikaw mismo ang gumawa.
IV. STUDY SCHEDULE

WEEK TOPIC LEARNING OUTCOMES ACTIVITIES


MODYUL 1 MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Aralin 1 MATALINGHAGANG PAHAYAG
Prelim Period 1. Nabigyan ng sariling pagpapakahulugan at natutukoy Aktibiti: Graphic Organizer
(2-linggo) ang mga matalinghagang salita sa talata sa pamamagitan Analisis: Suring-larawan
nang concept map at talahanayan. Abstraksyon: Paglalahat
2. Nailahad ang katangian at kahalagahan ng Aplikasyon: Pagawa ng Vlog
matalinghagang salita sa pamamagitan nang pagsusuri ng
mga larawan
3. Nakagawa ng isang vlog gamit ang mga
matalinghagang salita.
Aralin 2 URI NG PAGLALARAWAN
(2-linggo) 1.Natutukoy ang kahulugan at ang dalawang uri ng Aktibiti: Word association
paglalarawan sa pamamagitan ng graphic organizer at Analisis: Suring larawan/Suring
suring talata. talata
2.Naihahambing ang kaibahan at pagkakatulad ng Abstraksyon: Talahanayan
masining na paglalarawan at karaniwang paglalarawan sa Aplikasyon: Komposisyon
pamamagitan ng Venn Diagram
3.Nakagawa ng isang sulatin na ginagamitan ng dalawang
uri ng paglalarawan.
3|P age
V. EBALWASYON
Upang maipasa ang kurso, kinakailangang:
1. Basahin ang mga nakasulat sa modyul at sagutin ang mga paunang pagtatasa at pansariling
pagtatasa
2. Sagutin ang mga nakalimbag na mga gawain sa pagtatalakay
3. Isumiti lahat ng mga awtput na kinakailangan sa bawat modyul
4. Ipasa ang pinal na pagsusulit
5. Tapusin ang midterm at pinal na ebalwasyon

A. FORMATIB NA PAGTATASA
Kinakailangan mong sagutin lahat ng mga paunang pagtatasa at pansariling pagtatasa. Ang
puntos mo rito ay hindi magiging bahagi ng iyong midterm at pinal na grado bagkus sila’y
magiging bahagi ng mga kinakailangan mo para maipasa ang kurso. Kung kaya’t, inaasahan na
makompleto mo ang paunang pagtatasa at pansariling pagtatasa na mga gawain. Ang mga
gawaing ito ay makakatulong sa iyo na maging determinado kung kailangan mo mag-aral nang
maigi o magpaunang aral para sa susunod na modyul.
 Maaari mong sagutin ang mga paunang pagtatasa at pansariling pagtatasa sa itinalagang
oras ng bawat yunit. Ang magtalaga ng oras sap ag-aaral ay mahalaga.
 Sa paggawa ng iyong paunang pagtatasa at pansariling pagtatasa pwede kang humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, kapatid, at kaibigan.

B. SUMATIB NA PAGTATASA
a. Pagsusulit at Ebalwasyon – may mga topikong pagusulit at eksaminasyong ibinigay sa kurso
b. Gawaing Pang-ebalwasyon – sagutin ang mga gawaing nasa bahagi ng ebalwasyon.
Magiging bahagi ito ng iyong midterm at pinal na grado.

VI. KASANGKAPANG PANTEKNOLOHIYA


Para iyong matapos ang mga Gawain, kinakailangan mo ng mga sumusunod na software
application, Ms Word, WPS, Video editing app. Ang mga application na ito ay makikita sa iyog
desktop o laptop at hindi mo kinakailangan ng internet connection para magamit sila. Pwede ka
ring magkaroon ng access sa google classroom na inihanda para sa inyong klase at subukang
sumali sa pagtatalakay kung maaari.

VII. DETALYE NG GURO

 BSIS DEPARTMENT
ANGELIKA C. SUMAYANG, LPT

 AB DEPARTMENT
CHERRYL M. ELLO, LPT
RUTH CARMELA BANCOG, LPT
REYMART D. REGALADO, LPT
CARELYN MAKILAN, LPT
CRIS CONCEPCION, LPT

 CRIMINOLOGY
AGUSTIN BURAO, LPT
CRISA OLARTE, LPT
ERICKSON GUMBAN, LPT
MA. SHEIRLYN FORTUNADO, LPT

4|P age
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
BAGO CITY COLLEGE
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 | E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

MODYUL SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MODYUL 1
Aralin 1: Mga Matalinghagang Pahayag

Nilalayong resulta ng pagkatuto: Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabigyan ng sariling pagpapakahulugan at natutukoy ang mga matalinghagang salita sa talata sa


pamamagitan nang concept map at talahanayan.
2. Nailahad ang katangian at kahalagahan ng matalinghagang salita sa pamamagitan nang pagsusuri ng mga
larawan
3. Nakagawa ng isang vlog gamit ang mga matalinghagang salita.

INTRODUKSYON
Ang mga makata, mga mamamahayag pampanitikan, ang kadalasa’y gumagamit a panulat ng
matalinghagang pahayag. Ang uri ng mga pahayag na binanggit ay karaniwang gamit sa pang araw-araw na
pagsusulat maging sa pgsasalita kaya\t inilabas lamang sa panahong kailangan. Maihahambing ito sa mga
pagkaing nakaimbok sa loob ng refrigerator sa kukunin sa panahong kailangan na ayon ng kay Martin Joas
sa panulat ni Austero(1990). Ang wika ay may estilong frozen. Ito ang panahong tayo’y sumusulat o
nagpapahayag at lubhang nararapat na gamitan ng matinghagang salita kung sa nais ay mabisa, malinaw,
kaakit-akit, at epektibong kasipisan na ibahagi sa madling nagbabasa.

I. AKTIBITI

A. Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salita sa pamamagitan ng isang concept map.

MATALINGHAGANG
SALITA

5|P age
B. Panuto: Basahin nang mabuti ang talata at itala ang mga salitang di pamilyar na inyong makikita
at bigyang kahulugan gamit ang talahanayan na makikita sa ibaba.

“PANDEMYA”
Pandemya walong letra, isang salita ngunit ang lahat ay nagulantang at nabahala. Bawat tao’y
apektado, ang iba’y naghihikahos at ang iba nama’y nagbibilang ng poste. Maraming taong walang
makain, nagugutom, walang maitustos sa kanilang pamilya dahil sa butas ang bulsa. Maraming balitang
kutsero ang lumalaganap hinggil dito at marami na rin ang nagkasakit at sumakabilang buhay. Wala man
tayong kongkretong solusyon bagkus pangangalaga sa sarili at tiwala sa Poong Maykapal ang
pinakamabisang hakbang upang ito’y ating malampasan.

Mga Salitang Di Pamilyar Kahulugan


1.
2.
3.
4.
5.

1. Sa iyong palagay ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?


________________________________________________________________________

2. Ang mga salitang ito ay masasabi ba nating matalinghaga?


Kung ito ay matalinghaga, ibigay ang sariling pag-unawa kung ano ang ibig sabihin nito?
____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng matalinghagang salita sa ating lipunan?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

II. ANALISIS

A. Panuto: Tukuyin kung ano ang nais ipahayag ng bawat larawang nasa ibaba.
Hanapin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

naniningalang pugad kabiyak ng dibdib


bukas ang palad ilista sa tubig
di- mahulugang karayom pinagbiyak na bunga
tulog mantika magsunog ng kilay

1. ____________ 2. ____________ 3. ____________

6|P age
4. ____________ 5. ____________ 6. ____________

B. Panuto: Batay sa mga aktibi na iyong ginawa, anu-ano ang mga katangiang tinataglay ng mga
matatalinghagang salita?

1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, paano at saan mo ito magagamit?


____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_________________________________________________

III. ABSTRAKSYON

Ang Retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda


at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian 1967)
Kabilang sa karunungang panretorika ay ang masining na pagpapahayag na kung saan ito ay ang mga
ekspresyong may malalim na salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino. Sa lahat ng uri ng pakikipagtalastasan wika ang ginagamit ng tao maging
pasalita man ito o pasulat. Malaking bahagi sa buhay ng isang tao ang wika sapagkat sa wika nakasalalay ang
pagkakaunawaan ng bawat indibidwal sa isang lipunan. Subalit sa panghihikayat at pangkakaunawaan ng bawat
tao ay kinakailangan din ng wastong paggamit ng salita at may kahusayan sa paggamit ng wastong balarila.
Sapagkat dito makikita ang kasiningan ng isang akda maging ito man aypasulat o pasalita.

IV. APLIKASYON
Panuto: Gumawa ng isang vlog sa loob lamang ng dalawang (2) minuto tungkol sa iyong
karanasan sa kabila ng pandemya at gamitan ng di bababa sa limang (5) matatalinghagang salita o
pahayag. I-post ito sa group page kung saan ka nabibilang.

PAMANTAYAN 10 7 3
Kaangkupan sa Nailahad nang may Nailahad nang di-gaanong Nailahad ngunit walang
paksa kaangkupan sa paksa naiugnay sa paksa kaugnayan sa paksa
Pagkamalikhain Taglay ang kasiningan ng Di-gaanong taglay ang Walang taglay na
mga salitang ginamit kasiningan ng mga salitang kasiningan ang mga
ginamit salitang ginamit
Presentasyon Buo ang tiwala sa sarili May tiwala sa sarili ngunit di- Walang tiwala sa sarili
sa pagpresenta gaanong na panindigan ang
pagpresenta
Kabuuan

7|P age
EBALWASYON
Panuto: Piliin ang angkop na kahulugan ng mga matalinghagang salitang may salungguhit na
nasa loob pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang pagkatapos ng tanong.
1. Si Tomas ay kabungguang balikat ni Pedro mula pagkabata. 1. _____
a. kaibigan c. kaaway
b. pinsan d. kapatid
2. Ang pamilya ni Maria ay isang kahig isang tuka dahil sa pandemyang hinaharap. 2. _____
a. mayaman c. kumakahig sa lupa
b. mahirap d. nagugutom
3. Ang mga politiko ay nagtataingang kawali sa mga nangyayari sa paligid. 3. _____
a. nagbubulag-bulagan c. nagbibingi-bingihan
b. nagpapagod-paguran d. nagtutulog-tulugan
4. Ang lupain nila Don Crisostomo ay di maliparang uwak. 4. _____
a. malawak c. matayog
b. makitid d. mataas
5. Si Tata Selo ay alog na ang baba. 5. _____
a. nagbibinata c. magkaka-anak
b. magiging ama d. matanda na
6. Si Layla ay may bulsa sa balat dahil siya’y hindi mahihingian nang basta-basta. 6. _____
a. mapagbigay c. kuripot
b. matulungin d. walang laman ang bulsa
7. Maghahabang dulang na si Mera sa darating na Disyembre. 7. _____
a. mag-aasawa c. manganganak
b. mangingibang bansa d. magtatrabaho
8. Ang batang si Jose ay ningas-kugon kung mag-aral at sa kalaunan ay madalas ng liban sa klase.
8._____
a. sa umpisa lang magaling c. nag-aaral nang mabuti
b. tamad d. magaling sa klase
9. Ang sweldo ni Faith ay isang kisap mata lamang ng ito ay ubusin ng kanyang
asawang manginginom. 9._____
a. biglang dumating c. biglang dumami
b. biglang nawala d. nabawasan
10. Si Maria Clara ay di makabasag pinggan kaya iginagalang ng mga kalalakihan. 10._____
a. mahinhin c. siga
b. mabait d. ma-porma

8|P age
Aralin 2: Uri Ng Paglalarawan

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang paglalarawan sa pamamagitan ng graphic


organizer
2. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng dalawang uri n paglalarawan sa pamamagitan ng suring
talata at suring larawan
3. Nakagawa ng isang sulatin na ginagamitan ng dalawang uri ng paglalarawan.

INTRODUKSYON
Maraming bagay ang ating nasisilayan araw-araw, mapa-tao man, bagay, pangyayari at maging ang mga
magagandang tanawin sa ating paligid. Ang lahat ay may kanya-kanyang kariktang tinataglay na ating
binibigyan ng pagpapakahulugan base sa takbo ng ating imahinasyon o maging ang katuturan ng naturang
bagay. Ating nagagamit ang iba’t ibang pandama sa pagbuo ng mga impresyon, ideya, at kaalaman na maaring
magamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan, sa paraang pasulat man o pasalita.

I. AKTIBITI
Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salitang nasa loob ng graphic organizer na
makikita sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga dahon ng puno.

PAGLALARAWAN

Batay sa iyong nailahad, pagsama-samahin ang ideyang nabuo at ibigay ang iyong sariling pag-unawa
kung ano ang ibig sabihin ng salitang paglalarawan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________

9|P age
II. ANALISIS
A. Panuto: Suriin nang mabuti ang mga larawan at gumawa ng isang talata na binubuo ng
apat hanggang anim na pangungusap tungkol sa mga pangyayaring iyong makikita sa
ibaba. Isulat ito sa patlang na makikita sa ibaba ng larawan.

_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Batay sa talatang iyong nabuo, anong uri ng paglalarawan ang iyong ginamit, payak o
konkretong paglalarawan o paglalarawang abstrak? Bakit?
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________

B. Panuto: Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

“Ang Matalik kong Kaibigan”

Si Lyka ay matalik kong kaibigan. Siya ay mabait at matulungin. Siya’y matangkad, matangos ang ilong,
maitim at mahaba ang buhok at ang kanyang labi ay mapula-pula. Palagi kaming magkasama kahit saan
magpunta. Siya ay laging maaasahan sa oras ng pangangailangan. Siya ang kaibigan ko.
1. Anu-ano ang mga katangian ni Lyka?

2. Ang mga ito ba ay matatawag mong konkreto o karaniwang paglalarawan? Kung ito ay konkreto o
karaniwang paglalarawan ibigay ang sariling pag-unawa tungkol sa salitang ito.

10 | P a g e
C. Panuto: Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni
Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang
iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang
maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging
iyon.
-- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

1. Ano ang iyong napapansin sa paraan ng paglalarawan sa binasang talata?

2. Ang paglalarawan na nasa talata ay masasabi mo bang masining o abstraktong paglalarawan?

Batay sa inyong ginawang mga aktibiti, ano ang dalawang uri ng paglalarawan?

Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng paglalarawan sa iyong buhay?

III. ABSTRAKSYON
Panuto: Batay sa mga natapos mong gawain, punan kung ano ang hinihingi ng bawat hanay ng talahanayan na
nasa ibaba.
URI NG PAGLALARAWAN KAHULUGAN KAHALAGAHAN

11 | P a g e
IV. APLIKASYON

Gumawa ng isang sulatin (tula, awitin,sanaysay atbp) na pumapaksa sa pangkasalukuyang


pangyayari na ginagamitan ng dalawang uri ng paglalarawan; masining at karaniwang paglalarawan.
Isulat ito sa patlang na makikita sa ibaba. Tingnan ang pamantayan ibinigay sa ibaba kung paano
kayo ire-rate.
___________________________________

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________

PAMANTAYAN 10 7 3

Kaangkupan sa paksa Tumatalakay sa Di- gaanong Walang


napapanahong isyu. nakikitaan ng kaugnayan
kaangkupan sa sa paksa
paksa
Pagkamalikhain Kaakit-akit ang May kagandahan Di-gaano
nagawang sulatin ngunit di-gaanong kaganda at di
kakumbinsido kakumbinsido
Pagkaorganisado Nagamit ang Nagamit ang Nagamit ang
dawalang uri ng dalawang uri ng isa sa uri ng
paglalarawan at paglalarawan paglalarawan
wasto ang gramatika ngunit di-gaanong ngunit di-
wasto ang gamit organisado
ng gramatika
Orihinalidad Bago ang nagawang Sariling gawa Kinopya ang
sulatin at hindi pa ngunit may halong ginawang
gasgas gawa ng iba sulatin sa iba
Kabuuan

12 | P a g e
EBALWASYON
A. Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng karaniwang paglalarawan at masining na
paglalarawan sa pamamagitan ng Venn diagram na makikita sa ibaba.

VENN DIAGRAM

B. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung saang uri ito napapabilang sa
karaniwan o sa masining na paglalarawan. Isulat ang KP kung ito ay karaniwang paglalarawan at MP
naman kung ito ay masining na paglalarawan. Isulat ang tamang sagot sa patlang pagkatapos ng tanong.
1. Ang katawan ni John ay hugis gitara. 1. _____
2. Ang boses ni Ana ay parang musika sa aking pandinig. 2. _____
3. Ang kanyang labi ay simpula ng rosas. 3. _____
4. Si Robert ay matangkad. 4. _____
5. Si Psyche ay tila anghel sa kabaitan. 5. _____
6. Si Aling Puring ay masayahin. 6. _____
7. Sing-itim ng gabi ang buhok ni Sol. 7. _____
8. Ang alagang pusa ni Lexie ay mataba. 8. _____
9. Ang bata ay naglahong parang bula. 9. _____
10. Ang aso ni Ethan ay maliksi. 10._____

"Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo."

-Taga-Filipos 4:13
13 | P a g e
14 | P a g e

You might also like