You are on page 1of 16

 

 
Yunit 13: Pagsulat ng ​Agenda 
Aralin 2: Mga Bahagi ng ​Agenda  
 
 
Nilalaman 
Pansinin 1 
Panimula 1 
Mga Layunin 2 

Tuklasin 2 

Alamin 4 
Mga Bahagi ng ​Agenda 5 

Palawakin 8 
Gawain 1 8 
Gawain 2 9 

Suriin 10 

Paglalahat 14 

Bibliograpiya 15 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 

Pansinin   
 

  Panimula 

 
Lar. 1. Isang lupon na bumubuo ng isang puzzle. 
 
Bawat  sulatin  ay  nagtataglay  ng  mahahalagang  bahagi.  Maikukumpara  ito  sa  pagbuo  ng 
puzzle  ​na  nangangailangan  ng  sapat  na  detalye  para  sa  bawat  bahagi  at  sa  pagbuo  nito  ay 
makikita na ang kabuoang mensaheng tinataglay nito. 

Gaya  ng  makikita  sa  larawan  sa  itaas,  bawat  miyembro  ng  lupon  ay  nagiging  kabahagi  ng 
pagsasakatuparan  ng  isang  pagpupulong.  Ngunit  hindi  lahat  ng  kasapi  ay  kinakailangan 
para sa paghahanda ng sulating ​agenda​.  

 
  1 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
Sa  araling  ito,  tatalakayin  natin  ang  mga  bahagi  ng  sulating  ​agenda​.  Kung  ano  nga  ba  ang 
mga  esensiyal  na  elementong  dapat  na  taglayin  nito  gayundin  ang  mga  pamantayang 
kalakip nito. 

  Mga Layunin 
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang 
● naiisa-isa ang mga bahagi ng sulating ​agenda​; 
● natutukoy ang mga pamantayang dapat taglayin ng bawat bahagi; at 
● nakasusunod sa pamamaraan ng pagsulat sa bawat bahagi ng sulating ​agenda​. 
 
Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd 
nakasusunod  sa  estilo  at  teknikal  na  pangangailangan  ng  akademikong  sulatin 
(​CS_FA11/12PU-0d-f-93​) 
 
 

Tuklasin   
 

       5 minuto 
 

Mga Kagamitan  
● Kopya  ng  ​video  clip  mula  sa  YouTube:  “​Ano  ang  agenda​?”  mula  sa  ​link  na 
https://www.youtube.com/watch?v=vQbb7yE6qRg 
● Kuwaderno at panulat 

 
Think-Pair-Share  
1. Humanap ng kapareha para sa gawain.  
2. Panoorin ang v​ ideo clip​ na “Ano ang ​agenda​?”  
3. Pag-usapan ang nilalaman ng ​video​ at magbahaginan ng ideya ukol dito. 
4. Magtala  ng  sampung  punto  ng  pagkakaroon  ng  ​agenda  at  kahalagahan  ng 
pagkakaroon ng a
​ genda​ sa isang pagpupulong 

 
  2 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
 
Mga Gabay na Tanong 
 
1. Batay sa napanood na ​video,​ ilahad ang pinakamahalagang punto na iyong natutuhan? 

2. Sa  sariling  salita  at  pang-unawa,  paano  mo  ilalarawan  ang  isang  epektibong  sulating 
agenda​? 

 
 

 
 
3. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang bahagi ng isang sulating a
​ genda​? 

 
 
 
 
 
 

4. Sa  pakikipagbahaginan  ng  ideya,  ano  ang  mga  ideyang  nabuo  ninyo  ng iyong kapareha 
kaugnay sa paghahanda ng sulating ​agenda​? 

 
 
 
 
 
 
 

 
  3 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 

Alamin   
 

Noong  nakaraang  aralin,  tinalakay  natin  ang  mga  kaalaman  ukol  sa  pagsulat  ng  ​agenda 
bilang  isang  akademikong  sulatin  at  ang  kahalagahan  ng  paghahanda  nito  para  sa  isang 
pagpupulong.  

Karaniwan  sa  mga  isinasagawang  pagpupulong  ay  may  layuning  magpaliwanag,  magplano, 
mangalap  ng  mga  suhestiyon,  at  iba  pa.  Esensiyal  ang  paghahanda  ng  sulating  ​agenda  sa 
mga  ganitong  pagkakataon  upang  magkaroon  ng  kaayusan  ang  magiging  daloy  ng 
gaganaping pagpupulong.  

Sa  mga  pagkakataong  ang  ​tagapag-ugnay  ng isang organisasyon, na siyang responsable sa 


paggawa  ng  ​agenda​,  ay  hindi  makapaghanda  ng  sulating  ​agenda​,  malaki ang posibilidad na 
hindi  masakop  ang  kabuoang  layunin  ng  pagsasagawa  ng  pagpupulong  o  hindi  matalakay 
ang lahat ng paksang dapat talakayin.  

Gaya  ng  iba  pang  mga  akademikong  sulatin,  ang  sulating  ​agenda  ay  binubuo  rin  ng 
mahahalagang bahagi na naglalaman ng partikular na detalye na ating aalamin sa aralin ito.  

Alalahanin  
● Ang  ​agenda  ng  pagpupulong  ay  binubuo  ng  balangkas  ng  mga 
detalyeng kaugnay ng isasagawang pulong. 
● Ito rin ay naglalaman ng talaan ng mga paksang tatalakayin. 
● Ang  mga  inaasahang  dumalo  sa pagpupulong ay paunang binibigyan 
ng mga kopya nito bilang paanyaya. 
● Naglalaman  din  ito  ng  haba  ng  oras  at  sakop  ng  panahon  na 
maaaring gugulin para sa pagpupulong. 

 
  4 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 

Ano  ang  mga  bahaging  bumubuo  sa  sulating 


agenda​?  May  partikular  na  balangkas  ba  itong 
 
sinusunod? 
 

Mga Bahagi ng A
​ genda 

Nabanggit  sa  nakaraang  aralin  na  ang  sulating-​agenda  ay  may  sinusunod  na  pormat 
sang-ayon  sa  napagkasunduan  ng  isang  organisasyon  o  institusyon. Tulad rin ng mga liham 
pangangalakal (​business letter​), ang sulating ​agenda ay sulating ginagamit para sa panloob na 
ugnayan  o  komunikasyon.  Umiikot  ito  sa  mga  partikular  na  taong  sangkot  sa  isang 
samahan,  kaya  naman  mahalaga  na  batid  at  nauunawaan  ng  mga kasapi ang bawat bahagi 
ng isang a
​ genda​. 

Gayundin,  ang  gampanin  ng  isang  tagapag-ugnay  ay  maaaring  nakabatay  sa  proyekto  o 
paksa  na  dapat  talakayin.  Sa  karaniwang  pagkakataon, iniaatas ang pagiging tagapag-ugnay 
sa kasaping nakaaalam sa pangunahing layunin ng pagsasagawa ng pagpupulong. 

Sa  puntong  ito,  tatalakayin  natin  ang  iba’t  ibang  bahagi  ng  isang  sulating  ​agenda  batay  sa 
pangkalahatang balangkas nito gaya ng nasa ibaba.  

Karaniwang  umiikot  sa  ​tatlong  pangunahing  bahagi  ang  sulating  ​agenda​, at sumasagot sa 


mga  tanong  na  katumbas.  Ang  mga  detalyeng  sumasagot  sa  mahahalagang  tanong  ay 
​ genda​.  
siyang magbibigay-kabuluhan sa isang epektibong sulating a

 
  5 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
Detalye ng Pagpupulong 

Sumasagot sa mga tanong na kaugnay ng impormasyon ukol sa mismong pagpupulong. 

● Saan idaraos ang pagpupulong? 

● Kailan idaraos ang pagpupulong? 

● Anong oras magsisimula at anong oras matatapos ang pulong? 

● Anong mga gamit ang kailangan sa pulong?  

● Sino ang mga dadalo sa pulong?  

● Sino ang mamuno sa pulong?  

May  mga  sulating  ​agenda  na  gumagamit  ng  ​pamuhatan  ​o  ​heading  na  tumutukoy  kung 
kanino galing, organisasyon, at tanggapan ito nagmula.  

Mahalaga  ang  pagiging  tiyak  sa  detalye  tulad  ng  petsa  at  oras  ng  isasagawang 
pagpupulong,  bawat  minuto  ay  mahalaga  para  sa  mga  taong  kasangkot  dito  kaya 
importante  na  wasto  ang  makararating  sa  kanilang  impormasyon.  Kung  may  dagling 
pagbabago  na  magaganap  sa  iskedyul,  mahalaga  rin  na  agaran  itong  maipaalam  sa  lahat 
bilang  paggalang  sa  oras  ng  lahat  ng  kasapi.  Gayundin,  sa  pagtatakda  ng  oras  ng 
pagsisimula at inaasahang pagtatapos, mahalagang masunod ang oras na itinakda. 

 
Layunin ng Pagpupulong 

Dito  ipinababatid  ang  dahilan  kung  bakit  nagpatawag  ng  pagpupulong.  Sumasagot  sa  mga 
tanong na: 

● Ano ang mga layuning inaasahang makamit sa pagsasagawa ng pagpupulong? 

● Bakit at para saan ang pagpapatawag ng pulong? 

Mainam  kung  magiging  tiyak  sa  paglalahad  ng  layunin  upang  sa  una pa lamang ay malinaw 
na  para  sa  lahat  ang dahilan at layunin ng pulong.  Makatutulong din ito upang malaman ng 

 
  6 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
mga  sangkot  kung  may  kailangan  ba  silang  paghandaan,  gaya  ng  pagboto,  suhestiyon para 
sa isang proyekto, o mga ulat na dapat ibahagi.  

 
Mga Paksang Tatalakayin 

Ito  ang  pinakaubod  ng  sulatin  na  dapat  maglaman  ng  mahahalagang  detalyeng  lalamanin 
ng talakayin sa isang pagpupulong. Sumasagot sa mga tanong na: 

● Ano ang mga paksang kinakailangang pag-usapan? 

● May  mga  naiwan  pa  bang  katanungan  mula  sa  nagdaang  pagpupulong  na  makikita 
sa katitikan ng pulong? 

● May  mga  nais  pa  bang  linawin  kaugnay  ng  mga  bagay  sa  loob  ng  organisasyon  at 
tanggapan? 

● Ano  ang  posibleng  aksiyon  ng  organisasyon  at  ng  tanggapan  sa magiging resulta ng 
pagpupulong? 

Maaaring  maging  detalyado  at  tiyak  ang  mga  paksang  ilalakip  sa  sulating  ​agenda​.  Ngunit 
ang  pinakamahalagang  salik  ay  dapat  itong  maging  malinaw  at  kompleto.  Kalimitan  ding 
naglalaan  ng  oras  para  sa  pagtalakay  ng  iba  pang  paksa,  depende  kung  hanggang  saan 
tatakbo  ang  talakayan  sa  pagpupulong.  Kadalasang  nakaayos  ang  paksa  mula  sa 
pinakamahalaga patungo sa hindi gaanong mahalaga.  
 
Mga Paksang Madalas Tinatalakay sa Pagpupulong 

○ Rebyu ng katitikan ng nakaraang pagpupulong 

○ Mga kailangang linawin sa nakaraang pagpupulong 

○ Mga ulat ng datos 

○ Mga paksang dapat talakayin 

○ Mga kaugnay na paksang nais talakayin 

○ Posibleng iskedyul ng susunod na pagpupulong 

 
  7 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
 

​ andaan 
T
Layunin  ng  pagpupulong  na  talakayin  ang  lahat  ng  bagay/paksa  na 
kaugnay  sa  layunin  ng  pagpapatawag  ng  pulong.  Hanggat  hindi 
nabibigyang-linaw  ang  lahat  ng  tanong  ng  mga  kasapi  ay  maaaring 
lumawak  ang  talakayan  sa  pulong.  Kaya  hanggang  maaari  ay 
naglalaan ng sobrang oras para sa mga ganitong pagkakataon.   

 
 
 

Palawakin   
 
Gawain 1 
Gumawa  ng  isang  balangkas  ng  mga  detalyeng  lalamanin  ng  iyong  sulating-​agenda​.  Pumili 
ng kahit anong paksang maaaring maiugnay o magamit sa tunay na buhay bilang mag-aaral.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  8 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
● Isaalang-alang ang tinalakay na mga bahagi ng sulating a
​ genda​. 
○ Detalye ng pagpupulong 
○ Layunin ng pagpupulong 
○ Mga paksang tatalakayin 
● Maging  tiyak  sa  paghahain  ng  oras,  lugar,  petsa,  at  mga  paksa.  Maging  sa  kung 
sino-sino ang inaasahang dadalo sa isasagawang pagpupulong. 

 
Gawain 2 
Magtala  ng  limang  halimbawa  ng  mga  sitwasyon/pagkakataon  kung  kailan nagsasagawa ng 
pagpupulong  ang  isang  organisasyon.  Ibatay  ito  sa  mga  makatotohanang  pangyayari  sa 
kasalukuyan.   

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  9 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
Isaalang-alang ang sumusunod: 
● Gawing batayan ang mga makatotohanang pangyayari sa paaralan 
● Ipagpalagay na magagamit mo ito balang araw 
● Ilarawan nang malinaw ang sitwasyong ilalahad 
● Ilahad  nang  maayos  ang  layunin  kung  bakit  kinakailangang  magsagawa  ng 
pagpupulong 

 
 
 

Suriin   
 

A. Tukuyin  at  ilarawan  ang  hinihingi  ng  bawat  bilang. 


 
Ipaliwanag sa pinakamahusay na paraan ang kasagutan. 

 
1. Ano-ano  ang  pangunahing  bahagi  ng  sulating  ​agenda​?  Itala  ayon  sa 
pagkakasunod-sunod. 

 
2. Ano-ano  ang  kalimitang  dapat  lamanin  ng  mga  detalyeng  ukol  sa  isasagawang 
pagpupulong? 

 
  10 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
3. Ano  ang  kalimitang  paksa  na  pinag-uusapan  sa  isang  pagpupulong?  Magbigay  ng 
dalawa o higit pang halimbawa. 

 
4. Sa  iyong  palagay,  ano  ang  kalimitang  karagdagang  paksa  na  napag-uusapan  sa  mga 
pagpupulong?  

 
5. Mahalaga  bang  malaman  kung  saan  o  kaninong  organisasyon  nagmula  ang  sulating 
agenda​ bilang imbitasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.  

 
  11 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 

B.  Basahin  nang  mabuti  ang  sumusunod  na  pahayag. 


Ipaliwanag sa mahusay na paraan ang kasagutan.  
 

 
1. Sa  iyong  palagay,  may  pamantayan  ba  sa  pagtatakda  ng tagal o haba ng oras ang isang 
pagpupulong? May limitasyon ba ito? Ipaliwanag.  

 
 
 

 
2. Sa  iyong  palagay,  paano  mo  ilalarawan  ang  isang  makabuluhang  layunin  ng 
pagsasagawa ng pagpupulong? 

 
 

 
3. Sa  iyong  palagay,  may  mga  pagkakataon  bang  ang  isang  tagapag-ugnay  ay  maaaring 
bumuo  ng  sariling  balangkas  at  hindi  isaalang-alang ang mga bahagi ng impormasyong 
dapat  taglayin  ng  karaniwang  ​agenda​?  Ano  ang  maaaring  implikasyon  nito  sa 
pagpupulong? 

 
  12 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
4. Sa  mga  pagkakataong  nagiging  mahaba  ang  oras  na  itinatakbo  ng  isang  pagpupulong, 
praktikal  ba  na  itigil  o  putulin  ang  aktuwal  na  pulong upang maipagpatuloy sa susunod 
na araw? Ipaliwanag ang sagot. 

 
 
 
 
 
 

 
5. Sa  aktuwal  na  pagpupulong,  mahalaga  pa  rin  bang  balikan  o  i-rebyu  ang  nagdaang 
katitikan  ng  pulong?  Paano  ito  nakatutulong  o  maaaring  iugnay  sa  layunin  ng 
pagpupulong?  

 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 
 
 

 
  13 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 

Paglalahat 
___________________________________________________________________________________________ 
 
● May  tatlong  pangunahing  bahagi  ang  sulating  ​agenda  na  nagtataglay  ng  mga 
partikular na detalye kaugnay ng isasagawang pagpupulong. 
● Dapat  na  matagpuan  sa  unang  bahagi  ang  detalye  kung  saan  gaganapin  ang 
pagpupulong,  kung  kailan,  at  kung  gaano  kahaba  ang  oras  na  inaasahang  ilaan 
dito ng mga inaasahang dumalo.  
● Sa  ikalawang  bahagi  ay  dapat  na  naipaliliwanag  ang  layunin  ng  pagpapatawag  ng 
pulong. Karaniwang sumasagot sa tanong na “bakit?”  
● Ang  huling  bahagi  ng  sulating  ​agenda  ang  siyang  maglalaman  ng  listahan  ng  mga 
paksang  tatalakayin  sa  pagpupulong.  Maaaring  detalyado  ang  ilahad  na  paksa  o 
ideya lamang nito sa kabuuan.  
● Karaniwang  unang  pinag-uusapan  ang  katitikan  ng  nagdaang  pagpupulong,  at 
nagtatapos  naman  ito  sa  iba  pang  karagdagang  bagay  na  nais  pag-usapan  ng 
lupon o organisasyon. 
___________________________________________________________________________________________ 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  14 
 
 
Yunit 13.2: Mga Bahagi ng ​Agenda 
 
 
 

  Bibliograpiya 
 
Ayessa  Jhen  Mercado.  ​Linggo  5  Pagsulat  ng  Agenda  at  Katitikan  ng  Pulong​.  Presentation  Slide 
mula sa Dela Salle Lipa. Nakuha sa ​https://www.academia.edu/​ noong Mayo 6, 2020. 
 
Julie  Mae  Pacheco.  ​Sulating  Pang-Akademik:  Pagsulat  ng  Agenda​.  Presentation  Slide.  Nakuha 
sa h
​ ttps://www.scribd.com/​ noong Mayo 4, 2020. 
 
Lorena  Seda.  ​Kahulugan,  Kalikasan,  at  Katangian  ng  Sulating  Akademik​.  Presentation  Slide 
mula  sa  Far  Eastern University. Nakuha sa ​https://www.slideshare.net/ noong Mayo 4, 
2020. 
 
Santiago,  Lilia  Quindoza.  ​Mga  Ideya  at  Estilo​.  Quezon  City,  Diliman:  University  of  the 
Philippines Press, 1995. 
 
Villanueva,  Voltaire  M.  &  Bandril,  Lolita  T. ​Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan​. Quezon City, 
Araneta Avenue: Vibal Group, Inc., 2016. 

 
  15 
 

You might also like