You are on page 1of 2

SANAYSAY

Isang komposisyon na tuluyan tungkol sa isang partikular na paksa na pagpapahayag ng mga saloobin at opinyon
ng may-akda.
Alejandro Abadilla -Isang makata, kwentista at sanaysayista, ang sanaysay ay nangangahulugang nakasusulat ng
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.

URI NG SANAYSAY

1. Pormal – Tumatalakay sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat. Kadalasan
itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari.
Editoryal- Isang uri ng pormal na sanaysay ang sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng sumulat sa mga
maiinit na balita.
Layunin ng Pormal na sanaysay
• magpaliwanag,
• manghikayat
• magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa.
Halimbawa ng pormal na sanaysay
Heroismo Ni Rizal at ang Kabayanihan ni Bonifacio

Sa pahayag ni Zeus Salazar, kanyang ikinompara ang kaibahan ng kahulugan sa pagitan ng isang “bayani” at isang
“hero”. Gayunpaman, sa aking opinyon, ang dalawang terminolohiya’y malawak ang sakop at hindi magkalayo ang
pagkakaiba. Inilarawan ni Salazar na ang isang “bayani” ay matapang at iniisip ang kapakanan ng kapwa at ng bayan
bago ang sarili. Samantala, kanya namang inihalintulad ang “heroes” sa konsepto ng mga mayayaman sa kanlurang
bahagi ng mundo. Ngunit, ako’y mariing hindi sumasang-ayon sa kanyang paglalathalang ito.

Ang ideyolohiya sa likod ng kanyang pagkakahulugan ng isang “bayani” at isang “hero” ay maituturing na
“gatekeeping” sa wikang ingles. At saka, ito’y nagreresulta ng dibisyon sa pagitan ng mga sector sa lipunan sa loob
ng rebolusyong Pilipino. Kanyang itinanyag na ang mga “maka-baya, maka-sama, maka-hirap, o kasama ng
mahirap” tulad nila Andres Bonifacio at Macario Sakay, at mga ordinaryong katipunero bilang mga “tunay” na
bayani. Samantala, ang mga ilustrado, o ang mga napabilang sa marangyang kupunan, ay ginampanan ni Salazar na
mga kanluraning konsepto ng bayani o “hero”.

2. Di-pormal - Tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na na paksa nagbibigay-
lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Karaniwan nakikita bilang pang-araw-araw na kaisipan at
opinyon ng manunulat. Ito ay tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa.
Bahagi ng Sanaysay

1. Panimula – Bahagi ng sanaysay kung saan ipinakikilala ang paksa sa mambabasa. Ito ang pinakamahalagang
bahagi. Sa simula pa lang ay dapat nang mapukaw ng sulatin ang interes ng mambabasa upang
mapagpatuloy nitong basahin ang akda hanggang sa huli.
2. Gitna/katawan - Ang bahaging ito ang tumatalakay ng mga mahahalagang punto, ideya, at mga kaisipan na may
kaugnayan sa paksa. Dito din tinatalakay ang kabuuan. Maaring gumamit ng sanggunian, mga datos,
upang maging mabisa ang paksang susulatin.
3. Wakas/konklusyon - Dito makikita ang buod o konklusyon ng isang usapin na maaring maisulat sa
pamamagitang ng tuwirang pagsabi, panlahat na pahayag, pagtatanong, o pagbubuod. Maari ring
maglagay ng kasabihan at paghahamon.

You might also like