You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE CITY OF SAN PEDRO
SOUTHVILLE 3A ELEMENTARY SCHOOL
Markahan:_________________
MELC:___________________________________________________________________

Ikalawang Baitang
Ang Batang si Bergado

Si Bergado ay isang batang araw-araw na pumapasok sa paaralan. Ngunit siya ay hindi


araw-araw naliligo dahil walang tumutulong tubig sa kanilang gripo. Mula sa trak na
nagsusuplay ng tubig, kumukuha ang kaniyang tatay ng tubig upang may magamit sila sa
kanilang bahay. Kaya naman, madalas siyang nasasabihan ng kaniyang kamag-aral na siya ay
mabaho, “Ang baho mo pati ng paa mo! Maligo ka naman” ang sabi sa kaniya. Iniiwasan na siya
ng kaniyang mga kamag-aral. Hindi na rin siya niyaya ng kanyang kamag-aral na makipaglaro.
Dahil sa nahihiya siyang masabihan na mabaho at pansin niyang walang gustong makipaglaro sa
kaniya, napag-isip-isip niyang dapat ay araw-araw na siyang maliligo bago pumasok sa paaralan.
Kaya mula noon ay mabango na siyang pumapasok sa paaralan.

Mga tanong:
1. Ano ang dahilan kung bakit hindi araw-araw naliligo si Bergado?
A. walang siyang maisusuot C. walang tubig sa gripo
B. walang shampoo D. walang sabon
2. Ano ang dahilan kung bakit siya nasabihang mabaho ng kaniyang kamag-aral?
A. Hindi siya araw-araw na nagsisipilyo
B. Hindi siya araw-araw na naliligo
C. Hindi siya araw-araw na nagbibihis
D. Hindi siya nagsasabon kapag naliligo
3. Bakit siya iniiwasan ng kaniyang kamag-aral?
A. mabango siya C. mabaho siya
B. mahalimuyak ang amoy niya D. maanggo ang amoy niya
4. Ano ang napag-isip-isip ni Bergado upang hindi na siya iwasan ng kamag-aral niya?
A. Maliligo na siya araw-araw
B. Magsisipilyo na siya araw-araw
C. Kakain na siya ng masustansiyang pagkain
D. Hindi na siya kakain ng sibuyas at bawang
5. Ano ang aral na natutuhan mo sa kuwento?
A. Kailangang alagaan ang sarili sa pamamagitan ng palagiang paliligo.
B. Kumain nang masustansiyang pagkain.
C. Mag-almusal bago pumasok sa paaralan.
D. Iwasang makipag-away sa mga kamag-aral.

You might also like