You are on page 1of 2

DI- MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

Inihanda ni: Anjolena R. Fabionar

Pamantayan sa pagkatuto; Natutukoy ang mga pang-uri at mga kaantasan


nito

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng masining na talakayan ng mga mag aaral sa ika walong


baitang inaasahang:

A. Nalalaman/ Natutukoy ng mga mag aaral kung ano ang Pang- uri
B. Nakakagawa ng pangungusap gamit ang tatlong antas nang pang-uri
C. Naisasabuhay ng mga mag- aaral ang mga pang-uri
D. Naipapaliwanag ng mga mag-aaral kung ano ang pang uri at
naipapaliwanag ang tatlong antas nito

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Pang-uri at tatlong antas nito


Sanggunian:https://www.youtube.com/watch?v=3jjgODTm3hs
Kagamitan:video presentation, mga larawan,at panturong biswal

III.PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsusuri ng mga lumiban sa klase
 Balik aral

B. Pagganyak
 Mag bibigay ng guro ng isang bidyo na galing sa youtube.Tatapusin ng
mga mag-aaral ang bidyo at uunawin at tutukuyin kung ano ang mga
pang-uri sa bidyo

C. Pagtatalakay
 Itatalakay ng guro kung ano ang pang-uri at ang 3 antas nito
(lantay,pahambing,at pasukdol)

D. Paglalapat
 Maipapaliwanag ng mga mag aaral kung ano ang pang-uri at ang mga
antas nito
 Magbibigay ang lahat ng mga mag aaral ng pangungusap gamit ang
tatlong antas ng pang-uri

E. Paglalahat
 Irerebyu muli ng guro ang pang-uri at mga antas nito upang malaman
kung naintindihan o naunawaan nga ba ng mga mag-aaral ang mga ito
IV.PAGTATAYA

 Magbibigay ang guro ng limang(5) katanungan sa pamamagitan ng visual


aid na makikita sa harapan

PANUTO:
Basahin at unawain ng maayos ang mga pangungusap at sagutan ang mga
tanong kung anong tamang antas ng pang-uri kung itoy lantay,pahambing,o
pasukdol

1. Si Ana at Maris ay magkasing ganda


2. Maganda ang tanawin na makikita sa Palawan
3. Ang pangkat ni Tony ay mabilis sa paglangoy
4. Si Mario ay mas gwapo kay Jose
5. Ubod ng linis ang bahay nila Maria

V.TAKDANG-ARALIN
 Unawain ang ibinigay na panuto

PANUTO:
Gumuhit ng iyong pinapangarap na sasakyan at ilarawan ito gamit ang tatlong
(3) antas ng pang-uri

You might also like