You are on page 1of 1

Talumpati (script)

Hindi ako sang-ayon sa proposisyong “Nararapat gamitin ang


Wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng asignatura sa
kolehiyo.” Mayroon tayong MTB-MLE upang mapadali ang pagkatuto
ng mga kabataang mag-aaral, kaya, kailangang matutong gumamit
ng pandaigdigang Lingua Franca na Ingles dahil ito ang wikang
ginagamit na naiintindihan ng maraming tao sa mundo.

Ang pagkatuto ng Wikang Ingles at gawing ugali ang paggamit


nito ay isang malaking tulong sa kinabukasan ng isang mag-aaral.
Napakaraming oportunidad ang makayang abutin sa buong mundo
kapag mahusay ang isang indibidwal sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Hindi ko namang sinasabi na ang wikang Filipino ay hindi


makakatulong sa kinabukasan, ang laking tulong ang pagkatuto ng
sariling wika at ang ating wika ay isang malaking bahagi sa pag-unlad
ng ating kultura, ang sinasabi ko lang ay kapag mayroon tayong
malaking kaalaman sa pinakagamit na wika sa buong mundo, mas
mapadali ang pagpakilala ng ating kultura sa iba’t ibang parte ng
mundo.

Naniniwala rin naman ako sa kasabihang mahalin ang sariling


wika at totoong-totoo ito, pero kung gusto nating mas-mapaangat
ang mapaunlad pa ang ating buhay at kultura, kailangan nating
matutong maging komportable sa paggamit ng pandaigdigang
Lingua Franca na Ingles.

Kaya, hindi ako sang-ayon sa proposisyong “Nararapat gamitin


ang Wikang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng asignatura sa
kolehiyo.” Dapat gamitin lamang ito sa mga asignaturang mayroong
pokus sa wikang Filipino katulad ng asignaturang nagtatalakay sa
balarila o kasaysayan ng Pilipinas at gamitin ang wikang Ingles
hangga’t maari.

You might also like