You are on page 1of 9

Group 1

Kosmolohiya ng kapilipinuhan (Bago pa mag ika-16 na daantaon MK)

- may pinaniniwalaang tatlong antas ang kosmos o uniberso. Ang mga ito ay ang Kaitaasan (o
Kalangitan), ang Lupa, at ang Kailaliman. Buhat sa pinaniniwalaang mga anito na nananahan sa
Kaitaasan at sa Kailaliman, doon kumuha ang mga Pilipino ng disenyo sa pang-arawaraw na
kagamitan, kasama na rin ang disenyo ng mga sandata.

Ang kosmos ng Pilipino noong dating panahon ( Bago pumasok ang islam at kristiyanismo)

- Ang mahabang panahon sa nakaraan ng Pilipinas bago pa dumating ang mga kolonisador ay
karaniwang tinatawag na Dating Panahon
- Austronesyano - tawag sa mga ninuno ng mga tao sa kapuluan na naging Pilipinas at sa kapit- isla ng
Taiwan, Borneo, atbp.

ang mga Austronesyano ay may tanging


paniniwala sa kayarian ng kosmos o uniberso

Tatlong bagahi ng Kosmos

1) Kaitaasan o Kalangitan - ang pangunahing


anito ay ang araw, at isa sa simbolo ng
araw ay ang ibon
2) Lupa - dito nananahan ang mga tao at iba
pang mortal na nilalang
3) Kailaliman - pangunahing anito ay ang
ahas (o naga, dragon, buaya).

Sansinukob o Santinakpan – Tawag sa pagkakahalo ng kalangitan at lupa

Tungkol sa kailaliman (Mula sa ibat-ibang bersyon)

Bersyon ng Manobo sa Mindanao - pagkatapos lalangin ni Kakalindug ang Lupa, naglagay ang nasabing anito
ng isang malaking sawa sa gitnang posteng tukod sa ilalim ng Lupa, bilang proteksyon ng mgananinirahan sa
Lupa

Bersyon ng Bukidnon (Higaonon)


- Kailaliman ay pinangangalagaan din ng isang malaking sawa, ang bakusan o naga, at ang pangalan
nito ay Intumbangel.
- Para sakanila ang Santinakpan ay hawak ng isang dambuhalang ibon, ang galura
Sa kasalukuyang panahon ay negatibo ang pananaw ng mga tao tungkol sa ahas. Ngunit
noong Dating Panahon, ang ahas ay itinuturing na isang mapangalaga na anito, kagaya ng
natunghayan sa itaas.

Sa Borneo

- ang dragon (na maituturing na isang uri ng ahas) ay siyang kinagigiliwang anito. Dahil ang dragon (i.e., ahas)
ay naninirahan na mas malapit sa sangkatauhan. Itinuturing din na ang dragon ay may kasarian na babae (at
ang araw o ibon ay may kasarian na lalaki).

Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm
ayon kay Pigafetta

-natunghayan sa “Zzubu” (Cebu) kung papaano


ang mga babaylan ay sumasamba sa araw bilang
bahagi ng isang ritwal.

- Nabanggit din ni Pigafetta na sa “Mattan”


(Mactan), na teritoryo ni Lapulapu, ay araw din
ang dinidios

Ulat ni Juan Salcedo sa kanyang Proyectos de


dominacion y colonizacion de Mindanao y Jolo(1891)

- Dito, ang mga babaylan sa kanilang


ritwal ay itinataas ang kanilang kanang
kamay sa direksyon ng araw (o ng buwan
kung gabi), para humingi ng tulong sa
anitong araw ng Kaitaasan.

Madalas ding isalaysay ng mga misyonerong Espanyol na laganap ang pagsamba ng mga Pilipino sa
araw at sa buwan

Base sa anotasyon ni rizal kay morgan, patungkol sa relihiyon noong dating panahon.
Napatunayan na tama nga si Rizal na na sa pag-aaral ng relihiyon sa Dating Panahon,
hindi dapat pagkamalian ang sugo (i.e., ang ibon o tigmamanukin) sa nagsugo (i.e.,
Bathala).
Ang ibon bilang sugo ng araw ay kinikila din sa buong Timog-Silangang Asya at kalapit na lugar
na isang makapangyarihang anito
Buod: noong Dating Panahon ang araw at ang ibon ang mga pangunahing anito ng
Kalangitan na siyang sinasamba. At sa Kailaliman ay ang ahas ang pinakamahalagang
anito. Ang mga yumaong ninuno na naging anito na ay sinasamba din, lalong-lalo na sa
Kabisayaan.

Ang Ekspresyon ng relehiyon sa kalinangan at sining


- Ang paniniwala ng mga pilipino sa Kosmolohiya at Relihiyon ay sinalin sa bawat bahagi ng kanilang
pamumuhay
- Makikita ang bakas ng mga ito sa kalinangan at sining ng mga kolonisador (Hal. Ang mga Igorot,
Panay, Bukidnon, Moro at Lumad sa Mindanao)

Ekspresyon ng relihiyon noon ay ang arkitektura ng bahay

- Ang disenyo na ito ay ginagamit pa rin


hanggang ngayon sa buong Timog-Silangang
Asya
-isinasalarawan nito ang
pinaniniwalaang kosmolohiya na may
tatlong antas ang uniberso.

Tatlong lebel na kumakatawan sa pinaniniwalaang tatlong antas ng kosmos (Timog-Silangang Asya)

1) ang espasyo - nasa pagitan ng kisame at bubungan


2) ang mismong kabahayan
3) ang hubad na silong - napapaligiran ng mga kahoy na poste

Sa Cordillera

- Ang espasyo sa pagitan ng kisame at bubong ay ginagamit hanggang ngayon na lagayan ng mga
anitong bulul

- Ito ay sangayon nga sa paniniwala na ang espasyong ito ay kumakatawan sa


Kalangitan na siyang tahanan ng mga anito at ng mga ninunong yumao.
Makikita din sa Mindanao

- sarimanok ay inalalagay sa tuktok ng bubong na bahay

- Ito ay tugma pa rin sa nasabing kosmolohiya na ang ibon bilang anito ng Kaitaasan
ay doon sa pinakaitaas na bahagi ng bahay dapat ilagay.

Sa Luzon (Itneg)
- sa ritwal ng kasal ng mga Itneg (Tingguian), mayroong bahagi na ang bagong kasal ay
nag-aalay ng kanin sa mga anito
- itinuturing din ng mga Itneg na ang anito ng Kailaliman ay babae ang kasarian, kaya
ang babae ang nag-aalay sa kanya.
- ang anito ng Kaitaasan ay maaari na lalaki ang turing, kaya ang lalaki ang nag-aalay sa
kanya.

Sa sayaw ng mga Panay Bukidnon

- Sila ay pumapadyak sila sa sahig ng bahay na sinasayawan. Ang pagpadyak ay ginagawa bilang
paggalang sa mga anito ng Kailaliman
- at ang Kailaliman nga ay isinisimbolo ng silong ng bahay.
- Sla ay madalas din tumingala sa langit upang magbigay pugay sa sa haring araw.

Sa bahay ng mga Maranao

- ang panolong ay karaniwang may anyo na naga o ahas


- malinaw ang simbolismo ng Pilipinong kosmolohiya ditto, na ang silong ng bahay ay nagsasalarawan
ng Kailaliman na binabantayan ng anitong ahas

Ikalawang Halimbawa ay makikita sa TATU

- Sa larawan, makikita din ang simbolo na araw at


ng ahas
- Ang sagisag ng araw ay makikita sa
magkabilang bahaging dibdib at likurang bahagi
ng hita at sa magkabilang pigi naman ay simbolo
ng araw.
- Madalas ding makikita ang paikot na disenyo
na ito sa ‘kwelyo’ mga palyoknoong Dating
Panahon
- Ang ahas ay isinasagisag ng mga zigzag na guhit
Buod: Ang arkitektura ng tradisyunal na bahay at disenyo ng tatu ay ilan lamang sa
maraming halimbawa. Makikita din sa sayaw, inukit na kahoy,
palyok, habi, palaspas 5, at marami pang iba,
ang ekspresyon ng dating relihiyon ng
Kapilipinuhan.

ANG SIMBOLO NG ARAW AT IBON SA


SANDATANG PILIPINO

- Pinaniniwalaan na ang araw at ang ibon ang pangunahing disenyo sa sandata, kalasag, at
kasuotan ng mandirigma.

Gintong puluhan sa Mindanao

- ang ulo ng ibon (at apoy, na simbolo din ng


araw) ang isinasalarawan

-makikita din ditto ang lumad na patalim na


tila apoy naman ang isinasalarawan.
Kalinangan at Sining ng mga MORO

(Lumad, Panay, Bukidnon, at Igorot)

- - ang mga disenyong Moro ay maituturing na malapit pa rin doon sa Dating Panahon.
-
Apat na pangunahing patalim ng mga moro

1) barung o barong
- ang ulo ng kakatua ay isang usri ng
loro na laganap sa timog-silangang
asya, Ito ay inspirasyon ng hugis ng
puluhan
a) Ang Puluhanng barung ay nasa
pinaka-kanan ang tradisyonal na
anyo ng barung.
- Ang mahabang ‘palong’ at ‘tuka’
sa puluhan ng barung ay
maaring sumabit sa kasuotan ng
mandirigma

b) Ang ibang kaluban ng barung ay


may hugis na dalawang pakpak
-kapag nakasilid ang barung sa
kaluban, makikita na ibon ang
isinasalarawan.

2) Pira (mula sa Yakan ng Basilan)

- Ulo ng ibon ang disensyo ng puluhan

- Kapansinpansin na sa pira, ang‘palong’ ay


kadalasang lubhang pinalaki. Mayroon siguro itong
kinalaman sa estilo ng pakikipaglaban ng mga Yakan.
3) Kampilan (mula sa Maranaw at Magindanawon)

- Makikita ang representasyon ng ibon


dito, hindi lang sa puluhan bagkos sa
kabuuan.
- Sa crossguard ay makikita ang paglalarawan ng mga
nakabukang pakpak ng ibon. Ang dulo naman ng
talim ay mistulang ulo ng ibon na may matulis na
tuka.

- ang kabilang dulo, ang nakasangang puluhan, ay


maituturing na wala ng ibang representasyon kundi
buntot ng ibon

4) kris (o kalis, sondang, sundang)

- Ang malaking kaibahan ng kris sa barung, pira, at


kampilan ay ang pagsasalarawan ng naga o ahas sa
talim.

3 uri ng talim ng kris

1)tuwid – isinasalarawan nito ay ahas daw na


nakapirme

2)tuwid at maalon - Kapag kasisimula pa lang na


kumilos ang ahas ay ito daw yaong sinisimbolo ng
talim na kalahati ay tuwid at kalahati ay maalon

3)maalon mula puno hanggang ulo - kapag naman


tuloy-tuloy na ang galaw ng ahas ay ito yaong talim
na alon-alon sa kahabaan niya

-katangitangi ang kris sapagkat pinaghalo


dito sa isang sandata ang simbolo ng
araw- ibon at ng ahas-naga
Sa mga sandata ng Luzon ay litaw din ang mga
disenyong hango sa anitong araw.

HAL.

palakolng mga Igoro ay ipinagpapalagay na ibon ang


sinasagisag. May nagsasabing maaring ang ibong kalaw
ang isinasalarawannito. Maging ang kanilang
tradisyonal na kalasag ay maari ding ipakahulugan na
ibong lumilipad ang sinasagisag.

BUOD: Marahil ay iniisip ng mandirigma na kung ang parehong anito ng Kaitaasan


at ng Kailaliman ang gabay niya, kung magkagayon ay mas magiging matagumpay siya
sa kanyang gawain.
Mayaman ang paksa na ito at marami pang kailangang tuklasin. Kagaya ng
naipahiwatig sa panimula, ang papel na ito ay isang introduksyon lamang. Hari nawa ay
maaral pa ng mas mabuti ng mga dalubhasa ang mga paksang tinatalakay.

Ang ahas at mga anitong ninuno sa sandatang pilipino

Ang along-along kris na nagsisimbolo ng ahas ay hindi lang makikita sa Sulu-


Mindanao. , ang kris ay ginanamit din sa buong kapuluhan

KRIS SA LUZON

Ang nasa taas ay kris na tabak ng Luzon ang nasa


ibaba naman ay punyal na galing rin sa Luzon

- kris ng Luzon ay simetrikal ang talim, at ang


aksis ng talim ay nakalinya sa aksis ng puluhan.
SA KABISAYAAN (GINUNTING)

-ay makikita din ang disenyo ng ahas sa mga


sandata.

- Ang mga Bisaya ay mas higit na


sumasamba sa mga ninunong yumao na
naging mga anito na

TARIBONG (Panay Bukidnon)

-tinatawag ding TALIBONG O SANDUKO)

- Para sa taga- kapatagan ng Panay naman ay


tenegre

- Ang tradisyonal na patalim ngayon sa Panay ay


yaong tinatawag ng binangon.

- Ayon din sa ibang pang Panay Bukidnon, ang


isinasalarawan ng ulong nasabi sa puluhan ay
wala ng iba kung hindi isang “tao”

Konklusyon

Malinaw na isinalin ng mga Pilipino noong Dating Panahon sa disenyo ng kanilang mga
sandata ang kanilang pinaniniwalaang kosmolohiya at relihiyon. Mababanaag pa rin
ito hanggang ngayon sa mga patalim sa buong bansa, lalo na sa mga pangkat na hindi
masyadong napasok ng mga kolonisador (i.e., mga Moro, Panay Bukidnon, Igorot, at
Lumad). Marami pang kailangang tuklasin sa mga disenyo ng sandatang Pilipino. Ang
papel na ito ay maaring ituring na isang pangsamantala lamang na pag-aaral. Kaya
naman sana nga ay dumami pa ang mga magsasaliksik sa mayamang paksa na ito,
lalo na ang mga dalubhasa. At para sa mga susunod na pag-aaral, nawa ay mas
lawakan ang paningin, at isali pa ang marami pang rehiyon ng Pilipinas. Bukod dito,
dapat ding isama sa pag-aaral ang buong konteksto ng Timog-Silangang Asya, at
maging kalapit lugar na rin kagaya ng Tsina at India (para sa pag-aaral ng
impluwensiya ng Budismo-Hinduismo sa relihiyon at sining ng Kapilipinuhan noong
Dating Panahon), at pati na rin sa sa mga pulo ng Karagatang Pasipiko.

You might also like