You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 10
Ikaapat na Linggo / Ikatlong Markahan
Marso 06 - 10, 2023

ARAW AT ASIGNATURA PINAKAMAHALAGANG MGA GAWAIN MODE of


ORAS PAMANTAYAN SA DELIVERY
PAGKATUTO (Modular Modality)
Filipino MELC: Panimula: Sagutan ang mga
Basahin ang maikling impormasyon tungkol sa aralin. Gawain sa hiwalay
Naiuugnay ang na papel. Tiyakin na
suliraning Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito ay kumpletong
nangingibabaw sa salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural. masagutan ang mga
napakinggang bahagi ng Masasalamin sa epiko ang mataas na pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan at nagpapaunawa gawain
akda sa pandaigdigang sa kultura at tradisyon.
pangyayari sa lipunan
Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng griot Inaasahan na ang
Naihahanay ang mga (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si mga gawain ay
salita batay sa D.T. Niane. matatapos ng mga
kaugnayan ng mga ito Si Sundiata Keita o Mari Djata, ang bayani’t pangunahing tauhan ng epiko ay totoong mag-aaral sa loob
sa isa’t isa. nabuhay. Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono. Siya’y ng isang linggo
isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235.
Nabibigyang-puna ang Itinatag niya ang imperyong Mandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay
napanood na teaser o tumagal ng 250 taon. Sundin ang
trailer ng pelikula na itinakdang araw at
may paksang katulad ng Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging oras ng pasahan ng
binasang akda makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sumibol dito ang awtput. Dalhin ng
isang epiko na maituturing na bantog na kayamanan ng panitikang pandaigdig. magulang ang
awtput sa paaralan
at ibigay sa
guro/kinauukulan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Pagpapaunlad:
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng epiko

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali (Buod)


Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

MGA TAUHAN:
Maghan Sundiata/ Mari Djata – ayon sa hula, siya ay nakatakdang magiging isang
makapangyarihang pinuno. Hindi pa nakakalakad sa edad na pitong taon.
Haring Maghan Kon Fatta ng Mali – Ama ni Maghan Sundiata
Sogolon Kadjou – Ina ni Maghan Sundiata, Ikalawang asawa ni Haring Maghan Kon Fatta
Sassouma Bérété – Unang asawa ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali. Nagpalayas sa pamilya ni
Sundiata ng namatay ang hari.
Dankaran Touma – Anak ng Haring Maghan Kon Fatta at ni Sassouma Berete; Naging hari ng Mali
sa pagkamatay ng ama.
Farakourou – pinakamahusay na panday sa Mali
Balla Fasséké - anak ni Gnankouman Doua, siya ang tumungo kay Farakourou upang hingin ang
mga bakal na hiniling ni Maghan Sundiata
Manding Bory – Kapatid ni Sundiata sa ikatlong asawa ng Haring Maghan Kon Fatta. Matalik na
kaibigina ni Sundiata
Soumaoro – ang mapangdigmang hari ng Sosso na sumakop sa Mali. Tinalo ni Sundiata sa
pamamagitan ng pag pana nito.
Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwagang mangangaso na si Maghan
Sundiata (Mari Djata) ay magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong gulang na siya
pero hindi pa siya nakakalakad. Sa paglisan ni Haring Maghan Kon Fatta, itinalaga ng kanyang
pinaka-unang asawa na si Sassouma Bérété na si Dankaran Touma, kanyang anak ang
magmamana ng trono. Pinalayas nila sa kahariaan si Mari Djata at ang kanyang ina na si Sogolon
Kadjou, at sila ay naghirap.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Isang araw, nais mamitas ni Sogolon Kadjou ng dahon ng baobas kaya nagpunta siya
kay Reyna Sassouma Bérété upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na bigyan siya ay
pinahiya pa siya ni Sassouma.
Umuwi siya na puno ng kahihiyan at puot. Pagka-uwi ng bahay ay napagbuhusan niya ng
galit ang kanyang anak na si Mari Dyata. Pinangako naman ni niya na makakatayo na siya sa
araw ding iyon, at di lamang dahon ang dadalhin niya sa ina, kundi buong puno at ugat ng baobab.
Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na panday ng kanyang ama, si
Farakourou, upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay natunghayan ng
mga panday ang himala ng Diyos para kay kanya.
Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya ay
lumuhod habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang itinaas ang
kanyang mga tuhod mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging pana. Umawit
ng “Himno ng Pana” si Balla Fasséké habang lubos ang galak na nadama ni Sogolon nang
nasaksihan ang unang hakbang ng kanyang anak.
Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot niya ang
buong puno ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang bahay. Simula ng araw na yun ay lubos
na paggalang na ang tinamasa ng kanyang ina.
Sa kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang
hukbo si Maghan Sundiata. Samantalang si Soumaoro Kanté naman, isang salamangkero at
haring mananakop ng Sosso ay unti unting sinasakop na ang mga lungsod na kalapit ng Mali.
Malakas at makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may kahinaan, aa kaguatuhang
makapaghiganti ng pamangkin niyang si Fakoli, sumagpi siya kay Sundiata. Sinabi nila Fakoli at
Nana Triban kanya ang makakapagpabagsak kay Soumaoro, ito ay ang pagdampi ng tari ng
tandang sa balat nito. At dito nabuo ang kanilang planong paggapi kay Soumaoro. Sa pagtatagpo
ng dalawa, itinutok ni Sundiata ang kanyang pana na may tari ng tandang, pag atake, dumaplis ito
sa balikat ni Suomaoro.
Unti-unting nanghina si Suomaoro at nawalan ng kapangyarihan. Tumakas siya gamit
ang kanyang kabayo at nagtago. Nagtago rin ang iba lang sofas ng Sosso. Di kalaunan,
napabagsak nadin nila ang lungsod ng Sosso.
Mula noon, si Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinaka hari at pinamunuan
niya ang buong Emperyo ng Mali.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
(Isulat ang katanungan at sagutan sa kuwaderno)
1. Anu-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?
2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangingibabaw sa epiko? Isa-isahin ang mga ito.
3. Mga kaugnay ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatwiranan ang sagot.
4. Sa iyong tingin, si Sundiata ban ang tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa? Bakit?
5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito.
6. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag ang sagot.
7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap?
Pakikipagpalihan:
 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Ihanay ang mga salitang nasa loob ng kahon na hango sa akdang binasa, batay sa
kaugnayan nito sa isa’t isa. Sagutan sa isang buong papel.
Kawal mangangaso mamamana
Mananalaysay panday manghuhula
Salamangkero anting-anting mahiwaga
Kapangyarihan

UNANG PANGKAT IKALAWANG PANGKAT


Salitang nagpapakita ng kagitingan Salitang nagpapakita ng
kababalaghan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite
 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Ilahad ang suliraning nangibabaw sa akdang binasa. At iugnay ito sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan. Sagutan sa isang buong papel.
(Guro ang magwawasto ng gawaing ito)
Suliraning nangibabaw sa akda Kaugnayan sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan

 Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Balikan ang epikong “ Biag ni Lam-Ang” na tinalakay noong nakalipas na markahan.
Maaari mo ring panoodin sa link na ito kung hindi mo na naaalala
https://www.youtube.com/watch?v=pRVOvbVAhL4.
Suriin mo ito ng Kritikal. Paano ipinakita ni Lam-Ang ang kanyang kagitingan?Ibigay ang
iyong reaksyon sa napanood o nabasang kuwento. Sagutan sa isang buong papel.
(Guro ang magwawasto ng gawaing ito)

Puna:_______________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Reaksyon:___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite

Paglalapat:
 Maikling Pagsusulit
I. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural.
a. nobela c. tula
b. sanaysay d. epiko
2. Sa akdang Sundiata: Ang epiko ng Sinaunang Mali, ano ang ipinangako ni Sundiata sa ina ng
ito’y umuwing galit na galit dahil sa labis na kahihiyan?
a. Sasakupin niya ang kaharian
b. Bubunutin niya ang buong puno ng baobab
c. Magigi siyang lider ng hukbo
d. Papamunuuan niya ang buong emperyo ng Mali
3. Ang sumusunod ay mga salitang magkakaugnay, MALIBAN sa,
a. pang-aalimura c. pang-iinsulto
b. panunudyo d. paninimdim
4. “ Lumusob na si Soumaoro kasama ang kanyangmga kawal. Mabilis namang sumalakay sina
Sundiata. Lumaganap ang digmaan habang ang araw ay hindi natitinag sa pamamayagpag sa
himpapawid.”Anong pangyayari sa ating bansa ang may kaugnayan sa binasang pahayag?
a.Labanan sa Marawi 2017 c. Covid19
b.Pagputok ng Bulkang taal d. Bagyong Ulysses 2020
5. Paano nakatutulong ang kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan?
a. Nakatutulong ito sapagkat ang mga pangyayari sa kuwento ay sumasalamin sa realidad
ng buhay.
b. Nakatutulong ito dahil nailalahad ang mga makukulay na pangyayari.
c. Naibabahagi nito ang madulang pangyayari sa buhay ng tao.
d. Naisalaysay nito ang isang makabuluhang pangyayari
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Trece Martires City, Cavite
6. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap?
I. Upang mapaghandaan ang mga hakbang na dapat gawin.
II. Upang may panahon pang makapagpahinga bago
Isakatuparan ang plano.
III. Upang ikaw ay maturingang isang mabuting tao.
IV. Upang mabatid ang mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang.
a. I at II c. I at IV
b. II at III d. III at IV
7. Mula nang ipanganak si Sundiata, taglay na niya ang kanyang kapansanan na _______.
a. pagkabulag c. pagkalumpo
b. di-makapagsalita d. pagkabingi
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos ay
tukuyin ang kapareho o kaugnay na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang
mabuo ang pangungusap.
8. Magiting na bayani si Sundiata ng kanilang bansa.
Maituturing siyang isang ______ na pinuno
a. mabilis c. mayaman
b. matapang d. masama
9.Anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali. Si Sundiata
ay hinulaan na magiging isang __________
a. pari c. Emperador
b. pangulo d. kabalyer
10. Dahil sa insulto sa ina ni Sundiata siya’y
nakapaglakad. Ang ________sa kanyang ina ang nagpilit sa kanya lumakad.
a. pang-iinis c. panlalait
b. pang-aasar d. pananakot

You might also like