You are on page 1of 3

FILIPINO

LAGUMANG PASUSULIT #1
REVIEWER

Taalaarawan, Journal, at Anekdota

● Talaarawan
○ Ito ang tala ng mga personal na pangyayari sa araw-araw.
○ Ito ay maaaring mga karanasan na katangi-tangi sa nagsulat.
○ Nakatutulong ang talaarawan na mabalikan ang mga alaala sa nakaraang
panahon.
○ Listahan ng mga naiisip at nais gawin.
○ Listahan ng mga mithiin, damdamin, pantasya, at nadarama.

Ilang mungkahi sa paghahanda at pagsisimula ng talaarawan:

1. Pumili ng sulatan.
2. Humanap ng tamang oras at lugar. Ang mahalaga, ikaw ay maging komportable sa
pagsusulat.
3. Ipagpatuloy ang pagsusulat.
4. Walang tama o mali na pagsusulat.

● Dyornal
○ ay isang arawang tala ng pansariling gawain, at mga repleksyon ng mga
nadarama

1
Kuwentong Tekstong Pang-Impormasyon
Tinatawag na tekstong impormatibo ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng
impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o
pangyayari

● . Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’
● Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo
at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.

Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na


kaalaman sa isang mambabasa.

Pag-buo ng sariling Opinyon (Saloobin) o Reaksyon


Ang pagbibigay reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat
sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan
ang makasakit ng damdamin ng kapwa.

Uri at Katangian ng Pangalan

Uri ng Pangngalan Ayon sa KATANGIAN

1. Pangngalang Pambalana - pangngalang tumutukoy sa di tiyak na ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar o pangyayari ,isinusulat sa maliit na letra
○ Halimbawa: tinapay, pamilihan

2. Pangngalang Pantangi - pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar o pangyayari ,isinusulat sa malaking letra
○ Halimbawa: Gardenia, Gng. Santos

2
Uri ng Pangangalan Ayon sa TUNGKULIN

1. Kongkreto - pangngalang nakikita o nahahawakan


○ Halimbawa: upuan, laptop, aklat
2. Di Kongkreto - pangngalang di nakikita, di nahahawakan pero nararamdaman
○ Halimbawa: pag-ibig, katalinuhan, kabanalan
3. Lansakan - kumakatawan sa maraming bilang ng tao, bagay, pook at pangyayari
○ Halimbawa: batalyon, klase, pulutong

Pagtukoy sa Pangngalan at Panghalip

● Panghalip Panao - Ginagamit ang mga ito na panghalili sa ngalan ng tao upang
maiwasan ang paulitulit na paggamit nito.
○ Halibawa: akin, kanila, sila, ko, niya, kaniya
● Pangngalan
○ Halibawa: tsuper, taty, Barangay Pastol, dyip, busina, preno

Terminolohiya

1. hagulgol - pag-iyak nang malakas


2. kaskasero - drayber na nagmamadaling magmaneho
3. banayad - mahinahon o marahan
4. hantungan - hangganan, wakas, katapusan
5. Paghahabilin - bagay na ipinagkatiwala sa ibang tao para itago ang isang bagay, paglalagak
6. nadatnan - naabutan
7. inaatake - sinusumpong
8. matipuno – matikas, may malusog at siksik na pangangatawan
9. himulmol – nisnis ng damit
10. retaso – pinagtabasan, maliit na piraso ng tela
11. kubrador - tagakolekta
12. demolisyon - pagsira, pagbaklas
13. pigtas - tanggal, hiwalay sa tangkay
14. pinagdugtong - pinagkabit
15. pudpod -gasgas

You might also like