You are on page 1of 10

Slide 1 Magandang araw mga Makata!

Kumusta? Handa ka na bang matuto


ng mga makabuluhang mga kaalaman
at patidin na ang mahabang
pagbabakasyon? Ito ang unang linggo
na ating talakayan na may buwanang
tema: Kahalagahan ng Wika sa
Kaunlaran. Isang masaya at
makabuluhang pag-aaral!

Slide 2 Bago tayo magsimula, tayo muna ay


manalangin.. Para sa mga katoliko..

Slide 3 (babasahin ang nasa slide)

Narining mo na ba ang ganitong


pahayag sa ibang tao o ikaw ba
mismo ay naniniwala nito?
Ano kaya sa tingin mo ang ibig
sabihin nito? (hayaan ang mga bata
ang sumagot)
Slide 4 Ang paksang tatalakayin natin ngayon
ay mga karunungang-bayan!

Slide 5 Bago natin palalimin ang ating


kaalaman sa ating paksa.. Ito ang mga
kasanayang pampagkatuto sa paksa
ngayong umaga. (babasahin ang nasa
slide)

Slide 6 Ang kultura ng mga Pilipino simula pa


noong panahon ng mga katutubo ay
tunay na hitik sa yaman at lalim. Isa sa
katunayan niyan ang pagkakaroon
natin ng tinatawag na mga
karunungang-bayan.
Kaya naman masasabi talaga nating
matatalino ang ating mga ninuno na
mababakas pa rin hanggang sa
kasalukuyan. Mapapasabi ka talaga ng
SANAOL.

Hango ang mga karunungang-bayan sa


mga matatanda na may layuning
mangaral at magbigay ng payo. Puno
ito ng kagandahang asal at
mabubuting aral.

Slide 7 Sa linggong ito ay iyong matutunan


ang iba’t ibang uri ng karunungang –
bayan. (babasahin ang nasa slide)
halina’t ating unawain ang mga
karunungan-bayan..

Slide 8 (babasahin ang nasa slide)


Sinasabing ito ang pinagmulan ng
panulaang Pilipino.. Dahil dito,
kadalasang nagtataglay ito ng sukat at
tugma. Tandaan na ito ay sinasambit
gamit ang matatalinghagang salita
kaya naman hindi literal ang
kahulugan nito. ito ay may malalim na
pagpapakahulugan sa mga pahayag,
kaya naman kailangan ito ng kritikal na
pag-iisip upang malaman ang ibig
ipahiwatig nito.

Slide 9 Hindi literal ang ibig sabihin nito.


Bagkus, ang ibig sabihin nito na ang
taong padalos-dalos ng kanyang
desisyon ay maaaring mapahamak
samantalang taong pinag-iisipan ang
bawat pasya o galaw ay mas
nakasisiguro sa kanyang mga desisyon.

Sa salawikaing ito, hindi literal na


tungkol ito sa aksyon ng pagsusok at
pagdukot ang nais nitong ipahiwatig.
Bagkus, nangangahulugan itong ang
taong marunong mag-impok o mag-
ipon ay may magagamit na salapi sa
panahon ng kagipitan. Dahil ang kilos
na pagsuksok ay maihahalintulad sa
pagtago ng salapi kagaya ng sa ating
bulsa. At ang pagdukot naman, nais
nating kunin ang ating naitago rito.

Slide 10 (babasahin ang nasa slide)

 Ang kaibahan lamang nito sa


salawikain ay gumagamit ito ng
matatalinghagang pahayag
samantalang ang kasabihan ay
tahasan, tuwiran, at payak ang
pagpapakahulugan. Hindi ito
gumagamit ng tayutay o
idyomatikong pahayag.

Slide 11 -Literal na ipinapahayag ng kasabihan


na kung talagang para sa iyo ang isang
bagay o pagkakataon ay talagang
mapapasaiyo talaga ito.

-Nangangahulugan ito na ang taong


mayroong mabuting asal ay
magkakaroon ng magandang buhay.

-Literal na ipinapahayag ng kasabihan


na ito na ang kasiyahan ng isang tao ay
marapat na pinaghihirapan.
Slide 12 (babasahin ang nasa slide)

Hayaan ang mga mag-aaral din ay


makapagbigay ng sariling halimbawa.

Slide 13 (babasahin ang nasa slide)

Maaari rin itong magbigay ng


magandang mensahe ngunit ang
kaibahan nito ay mas madaling
matukoy ang mensaheng nais nitong
palitawin.

Slide 14 Hindi ito literal na nangangahulugang


may butas sa balat natin. Bagkus,
nangangahulugan itong masinop sa
pagtago ng salapi.

Hindi literal na nangangahulugang ang


ulo ay matigas ang ulo na tila isang
bato. Bagkus, nangangahulugan itong
hindi pagiging masunurin ng isang tao.

Hindi ito literal na paggamit ng apoy


upang masunog ang kilay! Kilay is life
kaya wag na wag niyo itong gagawin.
Bagkus, nangangahulugan itong pag-
aaral nang mabuti.
Slide 15 Kung ang sagot mo ay pagpapakasal,
tama ang iyong sagot!

Slide 16 (babasahin ang nasa slide)


Slide 17 (babasahin ang nasa slide)

Kung ang sagot mo ang tungkol sa


pag-uugali ng isang kaibigan hindi
nang-iiwan. Tama ang iyong sagot!

Slide 18 (babasahin ang nasa slide)

Slide 19 (babasahin ang nasa slide)


Slide 20 (babasahin ang nasa slide)

Slide 21 (babasahin ang nasa slide)

Slide 22 (babasahin ang nasa slide)


Slide 23 (babasahin ang nasa slide)

Slide 24 May mga katanungan ba? Huwag


mahihiyang magtanong kung may mga
hindi naunawaan o may nais na
ipaklaro tungkol sa ating paksa.

Slide 25
Slide 26 Ito ang mga pinagkukunan ko ng mga
impormasyon sa ating tinalakay
ngayong umaga. sana’y marami kang
natutunan. Hanggang sa muli, paalam!

You might also like