You are on page 1of 6

Slide 1 Isang maligayang bagong taon sa inyong

lahat. Kamusta ang pagdiriwang ninyo ng


pasko at bagong taon? Sana ngayong
bagong taon ay mas pagiigihan pa ninyo
ang inyong pag-aaral dahil parating
pakatatatandaan na ang edukasyon lamang
ang susi upang ating maiwaksi ang
kahirapan.

Slide 2 Bago natin sisimulan ang ating talakayan,


manalangin muna tayo. Para sa mga
katoliko, sa ngalan ng ama…

Slide 3 Inyo pa bang natatandaan ang ating


leksyon noong nakaraang taon? Ngayon
susubukan natin. Sagutin natin ito.
Slide 4 Upang magkaroon tayo ng gabay sa ating
tatalakayin sa araw na ito. Panoorin muna
ang maikling bidyong nasa ibaba. Iclick
lamang ang link at pakinggang maigi ang
nais ipabatid ng bidyong napanood.

Slide 5 Bago ang lahat, atin munang aalamin ang


mga kasanayang pampagkatuto na ating
tutunguhin sa araw na ito.

Slide 6 Sa palagay ninyo ano ang pagsasaling-


wika? Ano ba ang kahalagahan nito? Bakit
kaya isinasalin ang mga kwentong ating
nababasa sa iba pang lenggawahe?
Slide 7 Ang pagsasaling-wika ay mahalaga dahil
ating nadidiskubre ang mga batikang
manunulat na nanggaling sa iba’t ibang
sulok ng mundo at ang kanilang mga akda.
Kung wala ang sining ng pagsasalin, ay
hindi natin matutuklasan ang mga kultura
at tradisyon ng ibang bansa na nailathala
sa kanilang mga sulatin at babasahin.
Mahalaga ang pagsasalin dahil dito
nabibigyang buhay ang mga lathalain ng
ibang lahi. Isang halimbawa ng
kahalagahan ng sining ng pagsasalin ay ang
produkto na ating nababasa ngayon simula
noong unang markahan hanggang sa
kasalukuyan. Nanggaling ang mga
kwentong ating nababasa sa iba’t ibang
panig ng mundo kaya kung hindi ito
naisalin sa ating lenggwahe ay hindi natin
ito lubusang maiintindihan kaya ang sining
ng pagsasalin ay dapat nating linangin
upang ating maipabatid sa lahat ang
tumpak at maayos na salin ng bawat
pangungusap na nais ipabatid ng kwento o
babasahin.

Slide 8 Dadako tayo ngayon sa isa pang babasahin


na magtuturo sa atin ng isa na namang
gintong aral na magagamit natin sa ating
buhay.
Slide 9 Mga importanteng detalye patungkol sa
ating binasang mitolohiya. Itala ang bawat
isa sa inyong kwaderno upang hindi ito
makalimutan.

Slide 10 (Babasahin ang slide na ito)

Slide 11 (Basahin ang slide na ito)


Slide 12 (Basahin ang slide na ito)

Slide 13

Slide 14 Nawa ay mayroon kayong natutunan sa


araw na ito. Pakakatandaan na maging
modelo tayo palagi sa pangangalaga ng
ating kalikasan dahil ang kalikasan ay hindi
natin pagmamay-ari ito ay isang biyaya
lamang sa atin ng Diyos kaya marapat
lamang na atin itong pahalagahan dahil sa
atin mismo ang balik nito kapag inabuso
natin ang pagkakataong alagaan ang biyaya
ng Diyos. Maging isang responsableng
mamamayan. Bago natin tatapusin ang
ating talakayan manalangin muna tayo. Sa
ngalan ng Ama…

Maraming salamat at mag-ingat tayong


lahat.

Slide 15

You might also like