You are on page 1of 1

Name: Celyn Julie R.

Macadaan Date: 14/05/2023

Section: 8-Ladybug

Mga Karanasan sa Paggawa


Isang kakilala ko na manggagawa ay namasukan sa iba't ibang trabaho. Una, naging tindera. Dito
naranasan niya mapeke ng pera, malugi sa nagungutang, at bumaba ang mga mamimili hanggang sa
wala na siyang matinda. Naging katulong naman daw siya at dito ay naranasan niya ang mabigat na
pagtatrabaho. Siya ang humahawak noon sa lahat ng gawaing-bahay kaya nagpahirap ito sa kanya. Siya
ang naka-assign sa pagluluto, paglilinis ng bahay, paglalaba, pamamalantsa, at paggagardening.
Nagsisimula siya mula 7 am at nagtatapos ng 10 pm lalo na kapag may mga bisita, halos ang pahinga niya
lang ay kapag kakain siya. Hindi niya malaman din kung tamang sweldo ang binabayad sa kanya pero
kapag naman nagreklamo siya ay mawawalan siya ng trabaho. Ang mas nagpasakit pa sa kanya ay ang
pagiging malayo niya sa kanyang pamilya. Hindi nagtagal ay umalis na siya sa ganitong trabaho noong
iniwan siya ng kanyang asawa. Wala na siyang trabaho at wala pa siyang mapag-iiwanan sa mga anak
niya kaya sinubukan niyang maging OFW, sa pag-iisip na mas magiging malaki ang kita niya rito at upang
may mapangtustos siya sa pag-aaral at pagkain ng kanyang mga anak. Kaya ay ipinaiwan niya ang mga
anak niya sa kanyang kapatid at tumuloy bilang domestic helper sa Kuwait. Maayos naman ang naging
pagsisimula niya at nakaka-usap pa rin niya ang kanyang mga anak kahit bihira lang. Ilang buwan na
siyang nagtatrabaho doon ngunit huli niya lang nalaman na nascam na pala siya ng malaki sa
cryptocurrency dito ay naubusan siya ng pera at pinili na lang bumalik sa pinas.

Marami ang naging hadlang sa kanyang mga naging trabaho at mapapabuti siguro ito kung tama
ang sweldo na binibigay sa kanya. At kung maging sobra ang trabaho na binigay sa kanya ay dapat tataas
din ito sa sweldo niya. Hindi lang sa kanya ito iaapply kundi sa iba pang mga manggagawa. Napapansin
ko rin kasi na kapag gipit ang isang tao, mataas ang posibilidad na hihirap siya ng pera, mangungutang, o
kuminsan ay iisip ng madali pero masamang paraan. Kaya naghihilahan lang ang mga tao sa paghihirap.
Kung may magagawa man ako upang matulungan ang mga manggagawa ay magpapatupad ako ng batas
na mabibigyan sila ng tamang sweldo sa ilalim ng kanilang amo. Dapat ay nakalista ang amount ng bawat
gawain nila. Halimbawa: ang bawat paglilinis sa banyo ay nagkakahalaga ng Php 200-400, depende sa
dumi nito. Ito ay upang maging patas sa manggagawa ang trabahong gagawin niya, at para rin
masigurado nila ang matatanggap nilang sweldo kapag pinag-igihan nila ang pagtatrabaho. Bagay na
bagay ang ganitong klaseng batas sa kakilala ko dahil tingin ko mababa ang tingin niya sa kanyang sarili
bilang hindi siya nakapagtapos at bilang isa lamang siyang katulong. Kahit na mababa lang ang estado
niya sa buhay ay marami na siyang nagawa para sa iba at gusto ko itong pahalagahan. Naghihirap siya
para sa mga anak niya bilang single parent kaya nararapat lang na itaas ang kanyang sweldo at maiwasan
ang kanyang pag-ooverwork na para lang sa wala. Makakatulong din ito sa ibang manggagawa na walang
idea kung paano sila sinesweldohan kahit mabigat ang pagtatrabaho na ginagawa nila. Ang mga
manggagawa ay nagtatrabaho sa kondisyong katumbas ng kanilang paghihirap ang kapalit.

You might also like