You are on page 1of 1

Munting Tinig Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan

na lumaki na hindi kasama ang kanyang


ama, tinuturing si Myrtle na isang huwarang
Mula sa maliit na tinig ay nagsilbi mag-aaral sa paaralan at mabuting anak sa
siyang boses ng mga mag-aaral. Sadyang kanilang tahanan. Ang kanyang boses ay
kamangha-mangha ang kahusayan niya nagsisilbing gabay sa lahat ng mga mag-
bilang isang mag-aaral na ngayon ay aaral na naniwala sa kanyang kakayahan
pinamumunuan ang halos 70 bata. kaya siya naluklok sa kaniyang posisyon.

“Pinalaki po ako ni Lola at Mama po,


kasi wala naman po akong tatay simula
pagkabata po.’’, ani ni Myrtle.
Hindi hadlang kay Myrtle Buhay ang
pagkakaroon ng father figure upang maging
mahusay at aktibo sa klase gayundin sa
paaralan. Nahirang siya bilang presidente
ng SPG sa Gumapac Brgy. School. Kilala
siya bilang si ‘Ate Myrtle’ sa paaralan. Isang
masiyahin na bata at palaging sumasali sa
mga gawaing pampaaralan subalit hindi
lahat ay nakakaalam ng kaniyang tunay na
kwento ng buhay.
Itinuturing na niyang mga magulang
ang kanyang mga tito, mga tita at ang
kanyang lola. Ang kanyang nanay ay
nagtatrabaho sa ibang bansa. Gayunpaman
ay hindi siya nagkulang sa pag-aaruga dahil
sa kanyang pamilya na handang gumabay
sa kaniya sa tuwina. Palagi siyang positibo
sa mga problemang dumarating sa
kaniyang buhay gayundin sa lahat ng mga
taong nakapaligid sa kaniya.
‘‘Inuuna ko pong gawin ang
importante, kapag po tapos na saka ko po
ginagawa ang isa’’, dagdag pa ni Myrtle sa
panayam.
Bagama’t marami pa ring mga
gawaing nakahayin bilang isang mag-aaral
ng Baitang 6- Sunflower ay hindi niya
nalilimutang magkaroon ng oras para sa
sarili at sa kanyang kapwa. Sa kabila ng
maraming gawaing pampaaralan,
nagagawa niya pa ring makipaglaro,
sumayaw, manood ng telebisyon at
kumanta.

You might also like