You are on page 1of 1

JHEREDA C.

PASCUAL BSED FIL II_J1

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


Antas ng mga Mag-aaral: Grade 8
Asignatura: Filipino
Paksang-Aralin: Kahulugan at Katangian ng Tula
I. Layunin
• Maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng tula bilang isang uri ng panitikan.
• Matukoy ang mga katangian ng tula.
• Makabuo ng sariling tula.

II. Pamamaraan
A. Activity
Ang guro ay magpapakita ng isang maikling video presentation patungkol sa tula na binigkas ng
isang makatang Pilipino na nagpapakita ng mga larawan o mga salita at kahulugan ng mga kataga
sa tula. Maari itong maging isang maikling paglalarawan sa kung ano ang inaasahan na matutunan
ng mga mag-aaral sa video.

B. Analysis
Pagkatapos mapanood ang video, ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral.

Paano mo mailarawan ang tono o mood ng tula?


Ano ang paksa ng tula?
Ano ang mga detalye o imahe sa tula na tumutukoy sa paksa?
Ano ang mahalagang aral o mensahe na mapupulot sa tula?
Paano ito naiugnay sa iyong personal na karanasan o pag-unawa sa mundo?
Ano ang iyong paboritong linya o talata sa tula? Bakit ito ang iyong napili?

Pagkatapos ng pagtatanong, maari nang ipaikot sa klase ang mga sagot at magbigay ng mga
karagdagang paglilinaw o interpretasyon sa tula.

C. Abstraction
Pagtatalakay sa Kahulugan at Katangian ng Tula tulad ng pagkakaroon ng sukat, tono,
pagkakatugma-tugma, mensahe at emosyon.

D. Application
Pagbuo ng sariling Tula (Product-Oriented Assessment)
Bubuo ng dalawang saknong na tula na may tig-aapat na taludturan ang mga mag-aaral. Bibigyan
ng ilang minuto para makapag-isip at makabuo ng maikli at sariling tula ang mga mag-aaral. Sa
pagbuo ng kanilang tula, dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral ang mga katangian ng
magagandang tula tulad ng pagsasaalang-alang sa tono, tugma, sukat, emosyon, at mensahe.
Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa isang malinis na papel.

Pamantayan:

Orihinalidad ng tula 40
Malinaw na tema at mensahe 30
Tugma at sukat 30
KABUUAN 100 puntos

You might also like