You are on page 1of 1

Ang proyektong ito ay may pahintulot ni Bb.

Miel Ashley Caingay na gawing basehan o halimbawa ng mga


kasalukuyang mag-aaral ng ikalabing-isang baitang (t.p. 2023-2024) ng St. Mary’s Academy of Sto. Nino sa patnubay ni
Bb. Nelissa Marcaida, guro.

Paksa: Ang pagtaas ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga bilihin sa bansa o Implasyon.
Pamagat ng Mungkahing Pananaliksik:
“Pagsusuri sa Epekto ng Implasyon sa Pang-araw-araw Pangangailangan ng mga Mag-aaral ng St.
Mary’s Academy of Sto. Niño”

Buod:
Ang implasyon ay may malaking epekto sa mga mag-aaral lalo na’t hindi lamang pagkain
ang iniintindi nila, pati na rin ang transportasyon at mga pangangailangan sa eskwelahan. Ang
mananaliksik ng pananaliksik na ito ay nakaranas ng mga pagsubok ukol sa pangkalahatang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Kaya’t layunin niyang magkaroon ng malalim na
pagsusuri sa epekto ng implasyon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mag-aaral. Ayon
sa datos ng Philippine Statistics Authority (2022), ang antas ng implasyon sa bansang Pilipinas ay
tumaas sa 6.9% noong Septyembre 2022 at mas tumaas pa noong Oktubre 2022 sa antas ng
implasyon na 7.7%. Ayon sa pananaliksik nina Waheed, Mahmood, at Khan (2021), ang
implasyon na dulot ng Covid-19 pandemya ay nagbunga ng negatibong epekto sa akademikong
pagganap o Academic Performance ng mga mag-aaral. Ito ay dahil nahihirapan ang mga mag-
aaral na ayusin ang kanilang badyet para sa kanilang transportasyon, pagkain, at mga bagay na
kailangan sa paaralan. Ang pagpili rin ng mga tao sa mas murang bilihin kaysa sa mas mahal ay
bunga ng implasyon at sumasang-ayon dito ang pananaliksik nila Obiokor (2021), kung saan ang
mga mag-aaral na kasalukuyang nasa pribadong paaralan ay maaring lumipat at piliin ang
pampublikong paaralan dulot ng pagtaas ng presyo ng matrikula. Samakatuwid, ang implasyon ay
dumadagdag lamang sa mga problemang pinansyal ng mga mag-aaral at dapat lamang na bigyan
itong pansin dahil isa itong isyu sa lipunan kung saan ang presyo ng bilihin ay tumataas at maaring
ganoon din ang antas ng kahirapan sa bansa. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kaalaman sa
lipunan upang masagot ang kanilang mga katanungang “bakit nga ba biglaang umangat ang antas
ng implasyon sa bansa?”. Ito rin ay magbibigay gabay sa mga mag-aaral sa mga problemang
pinansyal na kanilang nararanasan dahil sa biglaang pagtaas ng bilihin sa bansa.
Mga Sanggunian:
Philippine Statistics Authority. (2022, October 5). Summary inflation report consumer price
index (2018=100): September2022. https://psa.gov.ph/statistics/survey/price/
summary -inflation-report-consumer-price-index-2018100-september-2022

Abdul Waheed , Gul Fraz Mahmood ,Naubahar Khan. (2021, December 12). Effects of post covid
inflation on youth’s education.a case study of the islamia university of bahawalpur.
Harf-O-Sukhan, 5(4), 206-213. Retrieved from http://harf-o sukhan.com/index.php/
Harf-o-sukhan/article/view/222

OBIAKOR, M. I. (2021, August 08). Impact of Inflation and Economic Recession on Education of
Secondary School Students in Oji River Educational Zone Of Enugu State. African
Journal of Educational Management, Teaching and Entrepreneurship Studies, 3(1),
158-168. Retrieved from https://ajemates.org/index.php/ajemates/article/view/98 .

You might also like