FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO Sa kasalukuyan, Ingles ang nangungunang
wikang panturo sa loob ng paaralan at unibersidad. Ang mga aklat ay nasa wikang ingles at ang iba pang ang pribadong paaralan ay nagpapatupad ng “ English only policy”. Kung titingnan ito ay makikitang halos ingles na ang nakasanayan ng mga mag aaral sa kanilang buhay eskwela. Ngunit hindi nangangahulugang lahat ay makakakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura dahil dito. Maraming mga estudyante ang hanggang sa ngayon ay nahihirapan umunawa ng ingles, kung kayat sila ay nahuhuli sa loob ng klase. Dahil dito ay isinusulong ng mga eksperto sa wika ang pagpapatupad ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo. Nakikita nila itong mabisang solusyon upang maitaguyod ang ating sariling wika sa ating sariling bansa. At upang mas madaling maintindihan ng mga mag aaral ang kanilang mga asignatura, dahil ito ay nasa kanila ng kinalakihan lengguwahe. Kung mapapatupad ito ay magkakaroon din ng mas malawak na diskusyon sa loob ng silid aralan dahil mas hindi mahihiyang makipag talastasan ng mga mag aaral.
PAGSASALING SIYENTIPIKO-TEKNIKAL Isa sa mga naging hakbang ng mga eksperto
sa wika upang maisulong ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa paaralan at mga unibersidad, ay ang pagsasalin ng mga salitang siyentipiko-teknikal na kadalasan nasa anyong Ingles. Sa pagbuo ng mga salitang ito ay unti unting mababago ang kinalakihan mga ingles na terminong ginagamit natin sa ibat’ibang aklat ng ating mga asignatura. Ngunit hindi magiging madali ang mga pagtatangka ng pagsasalin na ito sa mga eksperto, dahil mayroong mga piling mga ingles na salitang mahirap tumbasan sa Filipino. Kung maiba man ito ay madalas ay maiiba rin ang kahulugan nito. Para sa mga piling salita na ito ay madalas iniiwan na lamang ito sa kanilang orihinal na wika o gumagamit na lamang ng malapit na kahulugan nito sa Filipino.
INTELEKTWALISASYON NG FILIPINO Isa sa mga dahilan parin ng pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa lahat ng baitang sa paaralan, ay upang matuto ang mga mag aaral na gamitin ang ating wika sa intelektwal na paraan. Ang nakasulat at nagpapakita ng kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino upang makagawa ng mga obra maestrang mga sulating makakapag pakita ng ganda at kultura ng ating bansa. Isa rin itong magandang hakbang upang hindi mamatay o malimutan ang ating wika, at upang masilayan at magamit pa ito ng mga susunod na henerasyon.