You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI-WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ
CUARTERO NATIONAL HIGH SCHOOL
Cuartero, Capiz

MASUSING BANGHAY ARALIN


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11
Baitang/
Paaralan GRADE 11
CUARTERO NATIONAL HIGH SCHOOL Antas
PAGBASA AT
Grades 1 to 12 Guro MARICEL M. CELINO Asignatura PAGSUSURI 11
DETALYADONG 8:30-9:30 – M-TH , March 6-10, 2023 (ICT/IA) Ikalawang
BANGHAY 9:40-10:40 – T-F, March 6-10, 2023 (HUMSS A)
Petsa at Semestre/
ARALIN 2:00-3:00 – M,W-F, March 6-10, 2023 (ABM ) Markahan
Oras 3:00-4:00 – M,W-F ,March 6-10, 2023 (HUMSS B) Ikatlong
4:00-5:00 – M-TH ,March 6-10, 2023 (HE-A) Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili , pamilya,
Pangnilalaman komunidad, bansa at daigdig.
B. Pamantayan sa Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang teksto.
Pagganap
C. Mga Kasanayang 1. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng teksto.
Pampagkatuto (F11WG – IIIc – 90)
2. sariling halimbawang teksto Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binas
3. Layunin 1. Naibibigay ang ilang halimbawa ng cohesive device o panandang
pandiskurso
2. Naipahahayag ang sariling damdamin/emosyon sa ibat-ibang paraan ng
pagpapahayag gamitang mga cohesive devices
3. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawa ng
teksto.
II. PAKSANG-ARALIN /
KAGAMITAN
A. Paksa Tekstong Deskriptibo ( Gamit ang Cohesive Device)
B. Sanggunian Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pahina.84-87
C. Kagamitang Laptop, Television, Power Point Presentation, Batayang Aklat.
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A.Paghahanda

Gawaing Rutinari 1. Pagbati at pagsasaayos sa klasrum


2. Pagtatala ng Lumiban sa klase

Balik-aral
a. Itanong sa mga mag-aaral:
1. Ano ang teksong deskriptibo?
Tekstong Deskriptibo
– ay maihahalintulad sa isang larawangipininta o iginuhit kung saan kapag Nakita
ito ng iba ay parang Nakita na rin nilaang orihihinal na pinagmulan ng larawan.

Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang


mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na
nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.

Pob. Takas, Cuartero, Capiz


Telephone No: (036) 658 0242
Email Address: 302396@deped.gov.ph
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring subhetibo o obhetibo.

Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto ang Tekstong Deskriptibo.

Bakit mahalagang magkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa


tekstongdeskriptibo?
Pagganyak: Panonood ng video clip. www.youtube.com

Pangkatang Gawain Buuin sa limang pangkat ang mga mag-aaral. Magtala ng


mgasalitang naglalarawan na makikita mula sa video clip na napanood. Ibahagi
ang sagot sa klase.

Mahalang may sapat na kaalaman tungkol sa tekstong deskriptiboupang magamit


ang kaalamang ito sa maayos at mabisang paglalarawan.

1. Ano ang inyong nakita?


2. Ano anong mga salita ang inyong nababasa at nakikita na may kaugnayan sa
paglalarawan?
3. Mahalaga ba ang mga salitang ito sa pagsulat ng isang tekstong deskriptibo.
B. Paglalahad
Abstrakyon(Pamamaraann “Kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang larawan. Gamit
g Pagtalakay) ang mga salitang nasa damdamin at isipan”

Gamit ng mga Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ngTekstong


Deskriptibo.

- Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo nang magkahiwalay na


pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ngmagkakaugnay
na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang
magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugannga
bawat bahagi nito.

Limang Pangunahing
Cohesive Devices na ginagamit sa Pagsulat ngTekstong Deskriptibo

1. Reperensiya (Reference)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng
paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malknan kung ano o sino ang tinutukoy) o
kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano
ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
Halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating
ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng
aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon
pa lamang.

2. Substitusyon (Substitution)
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

3. Ellipsis
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang

Pob. Takas, Cuartero, Capiz


Telephone No: (036) 658 0242
Email Address: 302396@deped.gov.ph
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
4. Pang-ugnay
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit
na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-ugnay
5. Kohesyong Leksikal
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.

Reiterasyon—Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari


itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.

Pag-uulit o repetisyon—Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang


mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

Pag-iisa-isa – Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

Pagbibigay-kahulugan—Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga


pamilyang dukha. Mahirap sila kay” ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang
baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

Kolokasyon—Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may


kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.

Halimbawa:

nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog, doktor – pasyente


puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap

D. Paglapat
Aplikasyon Panonood ng mga mag-aaral sa isang video clip mula sa www.youtube.com .

Panuto: Bumuo ng isang tekstong deskriptibo gamit ang mga cohesive device na
tinalakay.Tatayain ang inyong ginawa batay sa pamantayang makikita sa ibaba.

E. Paglalahat Tutugunan ng mga mag-aaral ang mga di-tapos na pahayag upang maipakita
Generalisasyon angkanilang pagka-unawa sa aralin gamit ang angkop na cohesive devices.

1. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta.


Kapagnakita____________ ng iba ay parang Nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan nglarawan.

Pob. Takas, Cuartero, Capiz


Telephone No: (036) 658 0242
Email Address: 302396@deped.gov.ph
2. Ang mga Cohesive Devices ay ang _________ at _________.

IV. Pagtataya
Panuto:

Tukuyin kung ang paggamit ng panghalip sa mga pangungusap ay anaphora o


katapora. Isulatang inyong sagot sa isang-kapat na papel.
1.Siya ang bunso kong kapatid, si Boy.
2.Si Mang Indo ay masipag sa pagtatrabaho sa bukid. Siya ay isang magsasaka.
3.Ito ang matagal ko ng pangarap ang pagiging guro.
4.Si Manny Pacquiao ay magaling sa boksing. Siya ay tinaguriang pambansang
kamao.
5.Si Coco Martin ay magaling na artista. Siya ay iniidolo ng lahat
V. Kasunduan
Isaliksik ang tekstong impormatibo at ibigay ang kahulugan nito

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

MARICEL M. CELINO MARIA CHRISTY PIMENTEL EXPECTACION J. LACBANES


Guro sa Filipino Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino Punong-guro IV

Pob. Takas, Cuartero, Capiz


Telephone No: (036) 658 0242
Email Address: 302396@deped.gov.ph

You might also like