You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Graduate School
Sorsogon City Campus
Magsaysay Street,Salog (Pob.), Sorsogon City, Sorsogon
Tel. No.; 056 211-0103 loc. 105; Email address: cdoffice_sorsogoncity@sorsu.edu.ph

____________________________________________________________________________________

Pangalan: JOHN ROMMEL B. LEONCITO

TAKDANG GAWAIN I

Panuto: Bigyang sariling pakahulugan ang WIKA.

Para sa akin, ang wika ay ang pinakamakapangyarihang


kasangkapang maaaring taglayin ng kahit na ano, o sino man. Dahil
ang wika ang pinakamabisang midyum sa pakikipag-ugnayan, ito rin
ang pinakamakapangyarihang kasangkapang mayroon ang tao.

Ang wika ay may kapangyarihang magdulot ng kaayusan, o


kaguluhan. Maaari itong magdikta sa nararamdaman ng isang tao.
Kaya nitong gumawa ng anumang sitwasyon, o baliktarin ito. Ang
wika ay makapangyarihan dahil napapakilos nito ang tao, grupo ng
mga tao, isang bansa, isang lahi, o maging ang mundo. Ang wika,
kapag sinabayan ng kilos, ay maaaring maging kalakasan o kahinaan
ng tao.

Ang wika ay maaaring pumuksa at lumalang. Sa ating wika


rin nakasalalay ang buhay at kamatayan, kung kaya’t sapat itong
dahilan upang masabi ko na ang wika ang pinakamakapangyarihang
kasangkapang mayroon tayo.

You might also like